Read more!
Read more!

Ang Kaharian ng Langit ay Nalalapit Na; Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?

Sa mga nagdaang taon, ang mga sakuna ay lumalaki at higit na lumalala, tulad ng mga lindol, mga salot, sunog, pagbaha, atbp. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang madalas na mga sakuna ay mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, at ang araw ng Panginoon ay nalalapit na sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Malinaw na, tanging ang mga yaong tunay na nagsisisi ang maaaring mapangalagaan ng Diyos at makakaiwas na mapinsala ng mga sakuna. Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Halina’t sama-sama nating saliksikin ang paksang ito.

Quick Navigation
Ano ang Tunay na Pagsisisi?
Pagsalamin kung Mayroon Tayong Tunay na Pagsisisi
Bakit Kaya Hindi Natin Nakamit ang Tunay na Pagsisisi?
Paano Makakamit ang Tunay na Pagsisisi

Ano ang Tunay na Pagsisisi?

Ano ang Tunay na Pagsisisi? Maraming tao ang iniisip, “Hangga’t nananalangin tayo sa Panginoon upang magsisi, magsabuhay ng pagpapakumbaba at pagtitiyaga, magdusa, pasanin ang krus at gumawa ng maraming mabubuting gawa, nangangahulugan ito na nakamit natin ang tunay na pagsisisi.” Ang pananaw ba na ito ay ayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang sinasabi ng Diyos? Sabi ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45. Inihula ng Pahayag 22:14, “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.” Banal ang Diyos at kinapopootan Niya ang kasalanan ng tao. Kaya ang tunay na pagsisisi ay tumutukoy sa kapag ang mga tao ay hindi na nagkakasala o kumakalaban sa Diyos. Tanging kung nakakamit natin ang pagdadalisay at pagbabago sa ating tiwaling disposisyon, gaya ng pagmakasarili, mapanlinlang, kayabangan, kasamaan, kasakiman, at marami pa, lubusang naiwawaksi ang mga gapos at pagpipigil ng kasalanan, ay ganap na nakasusunod at iniibig ang Diyos, at hindi kailanman naghihimagsik at kumakalaban sa Diyos, na maaari tayong maging mga tao na may tunay na pagsisisi at karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit.

Pagsalamin kung Mayroon Tayong Tunay na Pagsisisi

Ihambing natin ang ating sarili sa mga pamantayang hinihiling ng Diyos upang makita kung mayroon tayong tunay na pagsisisi. Gumagawa tayo ng panlabas na ilang mabubuting gawa, ngunit nangangahulugan ba ito na hindi na tayo nagkakasala o lumalaban sa Diyos? Nangangahulugan ba ito na tayo ay nalinis na? Madalas tayong namumuhay sa estado ng pagkakasala at pagtatapat at hindi naisasagawa ang mga salita ng Panginoon, kaya paano tayo matatawag na mga taong tunay na nagsisisi? Halimbawa, bagaman masikap tayong nakakapagtrabaho, madalas pa rin nating binibilang ang ating mga naiambag, at ipinagyayabang ang ating mga sarili upang mataas ang tingin sa atin ng iba at tingalain tayo. Maaari pa rin tayong magsumikap para sa katayuan at interes, at makisali sa mga hindi pagkakaunawaan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, maaari tayong maging mapagparaya at mapagpasensya sa mga tao at huwag makipag-away sa iba, sa sandaling ang ibang mga tao ay nanghimasok sa ating mga interes o saktan ang ating kapalaluan, magkagayon, napopoot tayo sa kanila, o gumaganti rin sa kanila. Sa ating buhay sa bahay, inaangkin natin na si Cristo ang pinuno ng ating tahanan, ngunit nakatuon tayo sa sarili, palaging nais na magkaroon ng panghuling salita sa lahat ng bagay at nais ang iba na makinig sa atin. Kapag nakatagpo ng mga natural o gawa ng tao na mga sakuna, sinisisi natin at hindi nauunawan ang Diyos, at maaari pa tayong magtaksil sa Diyos …

Mula sa mga katotohanang ito, makikita natin na gaano man karami ang mabubuting gawa na ginagawa natin sa labas, gaano man tayo maghirap, at gaano man ang kaya nating pagdurusa at magbayad ng halaga, hindi ito nangangahulugang mayroon tayong tunay na pagsisisi. Sa pamamagitan lamang ng pag-alis ng ating mga tiwaling disposisyon at hindi na magkakasala upang labanan ang Diyos, maaari tayong maging mga taong tunay na nagsisisi. Ang mga nasabing tao lamang ang maaaring maging katugma sa Diyos at karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit.

Bakit Kaya Hindi Natin Nakamit ang Tunay na Pagsisisi?

Siguro ang ilang mga tao ay magtatanong, “Ang ating mga kasalanan ay napatawad na dahil tinanggap natin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Ngunit bakit nabubuhay pa rin tayo sa kasalanan at nabibigong makamit ang tunay na pagsisisi?” Magbasa tayo ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at pagkatapos ay maiintindihan natin ang katanungang ito.

Sabi ng Diyos, “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pagkaalala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa laman, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, na walang-katapusang hinahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon.” “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan.

Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na ang Panginoong Jesus, ayon sa pangangailangan ng mga tao sa kapanahunang iyon, isinagawa ang gawain ng pagtubos, naging alay para sa mga kasalanan para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, at iligtas ang tao sa sumpa at pagkondena ng batas. Samakatuwid, hangga’t nagkukumpisal at nagsisisi tayo sa ating mga kasalanan sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay patatawarin, at pagkatapos ay magiging angkop na tayo upang masiyahan sa Kanyang masaganang biyaya. Gayunpaman, ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain lamang ng pagtubos kung saan ay hindi kasangkot ang pagbabago ng mga disposisyon ng tao. At ang mga satanikong disposisyon na malalim na nakaugat sa loob ng ating sarili tulad ng pagmamataas at kapalaluan, pagkamakasarili at kapalaluan, kabuktutan at panlilinlang at kasakiman at kasamaan, ay nananatili pa rin sa loob natin at sila ang pinanggagalingan ng ating pagkakasala. Kung hindi natin maiaalis sa ating sarili ang mga tiwaling disposisyon na ito, madalas tayong magkakasala at lalabanan ang Diyos sa kabila ng ating sarili. Ito ay hindi maikakailang katotohanan. Ibig sabihin, kung ang ating makasalanang kalikasan at ang pinagmulan ng ating kasalanan ay hindi malulutas, gaano man katagal na naniniwala tayo sa Panginoon, hindi pa rin natin makakamit ang tunay na pagsisisi o titigil sa pagkakasala, at hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.

Paano Makakamit ang Tunay na Pagsisisi

Kaya, paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Ang Bibliya ay nagpropesiya, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17). Makikita sa mga talatang ito na mayroong pang maraming mga katotohanan ang hindi pa sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus ng isagawa Niya ang kanyang gawain. Kaya, nangako ang Panginoong Jesus sa atin na Siya ay babalik sa mga huling araw, magpapahayag ng higit pa at mas mataas na mga katotohanan, at isasagawa ang gawain ng paghahatol at paglilinis ng tao, na magpapahintulot sa atin na ganap na mapalaya ang ating mga sarili mula sa gapos ng kasalanan, malinis, at matamo ang tunay na pagsisisi.

Ngayon ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao at nagbalik. Nagpapahayag Siya ng lahat ng mga katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang tuluyang lipulin ang sanhi ng mga kasalanan ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay maaaring makakamit ng tunay na pagsisisi at pagbabago, at hindi na magkakasala o kakalabanin ang Diyos. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus, “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Kung gayon paano ginagamit ng Diyos ang mga salita upang isagawa ang gawain ng paghatol upang dalisayin tayo at hayaan tayong makakamit ng tunay na pagsisisi? Magbasa tayo ng sipi ng mga salita ng Diyos.

Sabi ng mga salita ng Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya.

Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagpapahayag ng mga katotohanan upang makamit ng tao ang tunay na pagsisisi. Ang Kanyang mga salita ay ibinubunyag ng buong kalinawan ang ating satanikong kalikasan ng paglaban at pagkakanulo sa Diyos, ang ating pakikitungo sa Diyos at sa katotohanan at ang ating maling pagpupursige sa ating paniniwala, at sinusuri ang ating mga kilos at panloob na mga saloobin. Gaya ng tabak na may dalawang talim, ang mga salita ng Diyos ay tumitimo sa ating mga puso, at hinahayaan tayong malaman ang ugat ng ating pagkakasala at makita ng malinaw ang katotohanan ng ating katiwalian sa kamay ni Satanas, hinahayaan tayong makilala ang ating kalikasan at sangkap na puno ng pagmamataas, kapalaluan, pagka-makasarili, at kataksilan. Alam natin ng malinaw ang mga kinakailangan ng Diyos, nguni’t palagi pa rin tayong kinokontrol ng mga satanikong disposisyon na ito, naghihimagsik laban sa Diyos at lumalaban sa Diyos laban sa ating kalooban, at hindi magawang magsagawa ng katotohanan, kaya tayo ay nagiging sagisag ni Satanas. Sa pagharap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tayo ay lubos na makukumbinsi ng mga salita ng Diyos, magpapatirapa tayo sa harap ng Diyos, at magsisimulang kapootan ang ating sarili at isusumpa ang ating sarili, at sa gayon ay magkakaroon tayo ng tunay na pagsisisi. Samantala, mararamdaman din natin na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, ito ay ang lahat ng pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang buhay ng Diyos. Nakikita din natin na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapahintulot sa pagkakasala, at na ang kakanyahan ng kabanalan ng Diyos ay hindi nagpapahintulot sa mga kapintasan. Ang resulta ay lilitaw ang isang puso na gumagalang sa Diyos, at sisimulan nating hanapin ang katotohanan nang buong lakas, at kumilos ayon sa salita ng Diyos. Kasunod ng ating unti-unting pag-unawa sa katotohanan, nalalaman natin ang higit pang satanikong kalikasan at satanikong disposisyon ng ating sarili, at higit na makikilala natin ang Diyos. Unti-unti, maaari nating isagawa ang katotohanan upang makabayad sa ating mga nakaraang pagkakasala, at kung gayon ang ating mga tiwaling disposisyon ay maaaring madalisay. Unti-unting makakawala tayo sa mga gapos ng kasalanan, hindi na kontrolado ng mga satanikong tiwaling disposisyon, hindi na gagawa ng masama o sasalungat sa Diyos at makakaya nating tunay na sumunod at sumamba sa Diyos, at makamit ang tunay na pagsisisi. Kaya, ang pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang tanging landas para sa atin upang makamit ang totoong pagsisisi.

Ngayon, ang gawain ng paghatol ng Diyos ay malapit ng matapos, at lahat ng uri ng mga sakuna ay nagaganap isa matapos ang isa, kaya wala na tayong masyadong pagkakataon upang magsisi. Sa napakahalagang pagkakataon na ito, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw maaari nating matakasan ang mga kasalanan at makakamit ng tunay na pagsisisi. Kung hindi, ang ating pangarap na makapasok sa kaharian ng langit ay hindi magkakatotoo.

Share