Noong 2010, upang kumita ng pera, pumunta ako sa Italya mula sa Tsina kasama ang aking asawa upang magtrabaho. Dahil hindi ko maintindihan ang katutubong wika, at wala akong propesyonal na kasanayan, ang pinakasimpleng trabaho lamang ang magagawa ko. Araw-araw, nagtrabaho ako mula alas-10 ng umaga hanggang pasado hatinggabi. Ang 14 na oras ng trabaho araw-araw ay pinapagod ako nang sobra at ang aking katawan ay nanlalambot at nanghihina. Bukod dito, mabagal akong matuto ng isang bagong kasanayan, kaya’t madalas akong pagalitan ng aking boss sa pagiging tanga ko at madalas akong pagtawanan ng aking mga katrabaho. Kaya ang aking pagpapahalaga sa sarili ay labis na nabigo. Ang dami ng presyur at sakit na nagpahirap sa akin. Unti-unti, naging mahirap para sa akin na makatulog sa gabi, kung minsan ay bumabalikwas ako sa kama nang napakatagal hanggang sa makatulog ako. Noong una, hindi ako nag-alala, iniisip na, “Marahil ay sanhi ito ng stress at pisikal na pagkapagod. Kapag unti-unti na akong nasanay sa trabaho at buhay rito, baka mas makakatulog na ako nang maayos. Gayunpaman, bata pa ako, matitiis ko ito at sa huli ay bubuti ang aking katawan.”
Gayunpaman, pagkatapos ng ilang oras, hindi lamang sa ’di gumaling ang aking insomnia, lumala pa ito. Minsan hindi ako makatulog ng buong gabi, at nakahiga lang ako sa kama na nagbibilang ng tupa mula 1 hanggang 100. Nagbibilang ko nang maraming beses na nawala na ako sa bilang, ngunit hindi pa rin ako makatulog. Ang sitwasyong ito ay tumagal ng maraming araw, nagsimula akong makaramdam ng pagkahilo, inis, at nalulumbay, at nawalan din ako ng maraming timbang. Sa gitna ng aking sakit, naalala ko na ang Panginoon ay may kapangyarihan, maaari Niyang pagalingin ang mga may sakit at palayasin ang mga demonyo, kaya’t nanalangin ako sa Panginoon. Hiniling ko rin sa asawa ng pastor at mga guro sa Sunday school na ipanalangin ako. Sa simula, medyo naging maayos ang aking insomnia, ngunit pagkaraan ng ilang sandali, lumala ulit ito. Naramdaman kong wala akong magawa, at nawalan din ako ng tiwala sa Panginoon. Sinisi ko pa nga ang Panginoon dahil hindi ako pinagaling. Unti-unti, mas naging bihira ang pagdalo ko sa mga pagpupulong. Pinahirapan ako ng insomnia sa loob ng maraming taon; sa panahong ito, naghanap ako ng maraming uri ng gamot. Tulad ng pagpunta sa isang doktor na Intsik sapagkat sinabi sa akin ng mga tao na maaaring gamutin ng mga gamot ng Tsino ang aking insomnia; bumibili ng gamot ng kanluranin upang kainin sapagkat sinabi sa akin ng mga tao na mabuti ang gamot sa kanluranin. Gayunpaman, kahit anong gawin ko, wala akong nakitang tanda ng paggaling ng aking insomnia. Sa tagal ng panahong iyon, nabalot ako ng pagkabalisa. Ang pagdurusa mula sa gayong karamdaman ay pinahina ang aking pagnanais na mabuhay.
Sa aking kawalan ng pag-asa, nagpadala ako ng isang text message sa group chat ng aking simbahan para sa tulong. Hindi inaasahan, nakipag-ugnayan sa akin si Sister Ai matapos niyang makita ang aking mensahe. Sinabi niya sa akin na kilala niya ang isang doktor na may napakahusay na kasanayang medikal, at ginarantiyahan niya na ang aking insomnia ay gagaling. Masayang-masaya ako nang marinig ito, na parang nakakita ako ng isang kislap ng pag-asa at hindi ako makapaghintay na makipagkita kay Sister Ai.
Sa mismong araw na iyon, nakita ko si Sister Ai na nakangiti at sinabi nang may kumpiyansa, “Ngayon, ipapakilala ko sa iyo ang isang napakalakas na manggagamot, mapapagaling Niya ang lahat ng uri ng karamdaman!” Nagtataka, pinakinggan ko si Sister Ai. Nagulat ako, nagpatotoo sa akin si Sister Ai na ang Panginoon ay bumalik, at ngayon ay tinawag na Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos ay ifinellowship niya sa akin ang katotohanan tungkol sa pangalan ng Diyos at tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Naintindihan ko na kahit na ang mga pangalan ng Diyos ay hindi magkakapareho, ang mga ito ay magkakaibang mga pangalan na ginamit ng isang Diyos sa iba’t ibang kapanahunan. Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay itinatag sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Bagaman pinatawad ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, hindi Niya tinubos ang ating makasalanang kalikasan, kaya’t nabubuhay tayo sa estado ng pagkakasala sa araw at pagtatapat sa gabi. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol upang linisin ang makasalanang kalikasan ng sangkatauhan at dalhin ang sangkatauhan sa isang magandang patutunguhan. Kung tatanggapin lamang natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, dadanasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at malilinis ng mga salita ng Diyos ay makapapasok tayo sa kaharian ng Diyos. Natiyak ko sa aking puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.
Pagkatapos, tungkol sa aking karamdaman, binasa ni Sister Ai sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Ano ang pinagmulan ng habambuhay na paghihirap mula sa kapanganakan, kamatayan, karamdaman, at pagtanda na tinitiis ng mga tao? Ano ang naging dahilan para magkaroon ng mga bagay na ito ang mga tao? Wala namang ganitong mga bagay ang mga tao noong una silang likhain, hindi ba? Saan, kung gayon, nagmula ang mga bagay na ito? Umiral ang mga bagay na ito matapos tuksuhin ni Satanas ang mga tao at naging masama ang kanilang laman. Ang pananakit ng pantaong laman, ang mga hirap at kahungkagan nito, gayon din ang napakamiserableng mga problema sa mundo ng mga tao ay dumating lamang matapos nagawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, sinimulan nitong pahirapan sila. Kaya naman, mas lalo silang naging masama. Ang mga karamdaman ng sangkatauhan ay lalo pang lumubha, at ang kanilang pagdurusa ay lalo pang lumala. Higit at higit, nadama ng mga tao ang kahungkagan at trahedya ng mundo ng tao, gayon din ang kanilang kawalan ng kakayahang patuloy na mabuhay roon, at mas lalong nabawasan ang kanilang pag-asa para sa mundo. Sa gayon, ang pagdurusang ito ay ibinagsak ni Satanas sa mga tao.”
Nagsimulang mag-fellowship si Sister Ai, “Mula sa mga salita ng Diyos, nalaman natin na ang mga karamdaman ay sanhi ng pag-iwas natin sa Diyos, pagkawala ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos, pamumuhay sa dominyon ni Satanas at ng kasalanan. Sa simula, nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, sinamba nila ang Diyos sa Hardin ng Eden. Nabuhay silang ganap na malaya sa pag-aalala, hindi sila nakaranas ng pagpapahirap o pagkairita, at wala silang alam na karamdaman. Ngunit matapos silang tuksuhin ni Satanas at kinain ang bunga ng puno ng pagkilala sa mabuti at masama, sila ay natiwali ni Satanas. Simula noon, ang sangkatauhan ay nagsimulang mamuhay sa kasalanan, at lalong naging mas tiwali, bulok, at masama, ang mga karamdaman ay dumami rin at naging mas seryoso. Ito ang lahat ng pinsala ni Satanas. Ito ay tulad din sa atin sa materyalistang lipunan na ito, lahat tayo ay nagsusumikap sa ating paghahanap ng pera, katanyagan, at katayuan. Hindi natin binibigyang pansin ang ating kalusugan, gumigising nang maaga at nagtatrabaho hanggang gabi. Para sa kapakanan ng ating sariling interes, nakikipag-agawan tayo, nagpapakana at nakikipaglaban sa bawat isa. Walang pagkakaunawa at pagpapaubaya kahit na kasama natin ang ating mga katrabaho, kaibigan, at asawa, inaaway rin natin at sinasaktan ang bawat isa pagdating sa ating sariling interes. Namumuhay sa ilalim ng gayong kapaligiran, nararamdaman natin na tayo ay mas lalong nalulumbay, nasasaktan, walang magawa at wala tayong espirituwal na kalayaan. Dahil dito, maraming tao ang nakakuha ng insomnia o depresyon, ang ilan ay nagpakamatay pa upang makatakas mula sa pagdurusa. Kaya’t maliwanag na kung walang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos, ang sangkatauhan ay malilinlang lamang at mapipinsala ni Satanas.”
Mula sa mga salita ng Diyos at sa fellowship ng kapatid, naintindihan ko na ang mga karamdaman ay sanhi ng pag-iwas natin sa Diyos at panlilinlang at pananakit ni Satanas. Naalala ko kung paanong sa nakaraang ilang taon, buong puso kong ipinursige ang pera at pumunta sa Italya mula sa Tsina upang kumita lamang nang mas maraming pera. Nagtatrabaho ako ng higit sa 10 oras araw-araw, na naging tulad ng isang makinang kumikita ng pera, at ang aking likod ay madalas na sumasakit sa sobrang pagod. Namuhay ako sa hindi matiis na sakit. Bilang karagdagan, nagdusa ako sa pagmamaliit ng aking boss, hindi maintindihan ng aking asawa, at pinagtatawanan ng aking mga katrabaho. Sa gayong kapaligiran, upang kumita ng mas maraming pera, maaari lamang akong magtrabaho nang husto sa ilalim ng matinding presyur. Ang pangmatagalang damdamin ng pang-aapi at pasakit sa buhay ay ginawa akong pagod sa isip at pisikal, at nagkaroon ako ng insomnia. Ngayon, sa wakas ay napagtanto kong ang aking mga karamdaman ay sanhi ng pamiminsala ni Satanas.
Pagkatapos, binasa sa akin ng kapatid ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, “Ang Makapangyarihang Diyos, ang Pinuno ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang luklukan. Namumuno Siya sa sansinukob at sa lahat ng bagay, at ginagabayan Niya tayo sa buong daigdig. Magiging malapit tayo sa Kanya sa bawat sandali, at haharap sa Kanya nang tahimik, na hindi nagsasayang kailanman ni isang sandali, at may mga aral tayong dapat matutuhan sa lahat ng oras. Lahat, mula sa kapaligirang nakapalibot sa atin hanggang sa mga tao, pangyayari, at bagay, ay umiiral sa pahintulot ng Kanyang luklukan. Huwag hayaang magkaroon ng hinaing sa inyong puso sa anumang dahilan, kung hindi ay hindi ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang Kanyang biyaya. Kapag dumapo ang karamdaman, ito ay pagmamahal ng Diyos, at tiyak na ang Kanyang mabubuting hangarin ay nakapaloob dito. Bagama’t maaaring medyo nahihirapan ang iyong katawan, huwag kang tumanggap ng mga ideya mula kay Satanas. Purihin ang Diyos sa gitna ng iyong karamdaman at tamasahin ang Diyos sa gitna ng iyong papuri. Huwag mawalan ng pag-asa kapag nagkaroon ka ng karamdaman, patuloy na maghanap nang maghanap at huwag susuko kailanman, at tatanglawan ka ng Diyos ng Kanyang liwanag. Gaano ba ang pananampalataya ni Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang manggagamot na makapangyarihan sa lahat! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. … Nasa ating kalooban ang nabuhay na mag-uling buhay ni Cristo. Hindi maikakaila na kulang ang ating pananampalataya sa presensya ng Diyos: Nawa’y pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay na pananampalataya sa ating kalooban.”
Si Sister Ai ay nagpatuloy sa fellowship, “Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat; ang buong sansinukob at lahat ng mga bagay ay nasa Kanyang mga kamay, pati na rin ang ating karamdaman. Nang walang pahintulot ng Diyos, walang magagawa si Satanas sa atin. Nakakatagpo ng gayong kapaligiran, nais ng Diyos ang ating pananampalataya sa Kanya. Dapat nating ipagkatiwala ang ating karamdaman sa Diyos at tumingin sa Diyos, at maniwala na gagabayan tayo ng Diyos upang mapagtagumpayan ang pagpapahirap ng ating karamdaman. Samantala, dapat din nating malinaw na makita na ginagamit ni Satanas ang ating karamdaman upang pahirapan tayo, nais nitong iwasan natin at ipagkanulo ang Diyos; dapat nating makita ang mga pakana ni Satanas. Kapag tayo ay umaasa sa Diyos, dapat pa rin tayong uminom ng gamot at magpatingin sa doktor kung kinakailangan, ngunit kung kailan talaga magagamot ang ating insomnia ay hindi isang bagay na makokontrol natin; dapat nating paniwalaan na ito ay nasa kamay ng Diyos at hayaan ang Diyos na mamuno at mamahala. Nang ang buong katawan ni Job ay nabalot ng masasakit na mga pigsa, at siya ay nasa hindi matiis na sakit, hindi niya sinisi o iniwan ang Diyos. Nanatili pa rin siyang matatag sa kanyang pananampalataya sa Diyos at nagbigay ng isang matunog na patotoo para sa Diyos. Sa huli, natamo niya ang pag-apruba ng Diyos at naging isang perpektong tao sa paningin ng Diyos, at hindi na nangahas si Satanas na saktan ulit siya. Samakatuwid, dapat din tayong maging katulad ni Job, danasin ang ating karamdaman sa pamamagitan ng pag-asa sa ating pananampalataya, pagdarasal nang higit pa at pag-asa sa Diyos, at maniwala na aakayin tayo ng Diyos at hahayaan tayong danasin ang pagiging kamangha-mangha ng Kanyang gawain.”
Naiintindihan ko mula sa mga salita ng Diyos at sa fellowship ng kapatid na ang lahat ng mga bagay ay nasa kamay ng Diyos, tulad din ni Satanas. Ang paggaling ng aking karamdaman o hindi ay pinagpapasyahan din ng Diyos, ang aking puso ay lumiwanag. Naisip ko, “Kailangang madalas akong umasa sa Diyos, danasin ang patnubay ng Diyos, at tularan si Job. Gaano man kaseryoso ang aking karamdaman, hindi ako dapat umiwas sa Diyos at tumiklop kay Satanas,” Pagkatapos, hindi ko mapigilang tawagin ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa aking puso at ang aking puso ay nakadama ng lubos na kaginhawaan.
Pagkauwi ko, nag-click ako sa link na ang pangalan ay “Mga Himno” sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakita kong mayroon itong maraming mga himno at may iba’t ibang uri. Pinakinggan ko ang magandang himig at ang aking nalulumbay na puso ay nakadama ng paglaya na hindi ko pa naranasan dati. Sa gabing iyon at sa mga sumunod na gabi ay nakatulog ako nang maayos. Alam kong ito ang mga pagpapala ng Diyos at nagpasalamat ako sa Diyos sa aking puso.
Isang hatinggabi, nagising ako at hindi na makatulog ulit. Humiga ako sa kama at naramdaman na pagod na pagod ang aking katawan, sumakit din ang aking mga mata ngunit hindi naman ako inaantok. Nais kong dumating ang umaga nang mabilis upang hindi ako mahirapan. Ngunit nang bumangon ako at nakita kong alas-2 pa lang ng umaga, naisip ko, “alas-dos pa lang ng madaling araw, kung hindi ako makakatulog ay kailangan ko pa ring mahiga sa kama ng higit sa 4 na oras.” Pagkatapos, ibinulong ng aking puso, “Bumalik ba muli ang aking insomnia? Paano kung bukas ay hindi pa rin ako makatulog? Nakatulog ako nang maayos ilang araw na ang nakakalipas, paanong hindi ako makatulog ngayon?” Pagkatapos ay bumangon ako at nagdasal sa Diyos, ngunit hindi pa rin ako makatulog matapos magdasal. Dahil gising ako buong gabi, pagod na pagod ang aking katawan, at naapektuhan din ang aking kalooban. Naisip ko, “Nananalangin ako sa Diyos, binabasa ang mga salita ng Diyos, at regular din na dumadalo sa mga pagpupulong, ngunit bakit hindi gumaling ang aking insomnia? Bakit hindi ako pinagaling ng Diyos?”
Sa pagpupulong sa sumunod na araw, matapos malaman ang aking paghihirap, binasa sa akin ng kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng nasa tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang.”
Ang sister ay nag-fellowship, “Ang mga salita ng Diyos ay ibinubunyag ang ating estado ng paniniwala sa Diyos para lamang sa pagkakaroon ng mga pagpapala at kapakinabangan. Kapag naniniwala tayo sa Diyos, hindi natin tinatrato ang Diyos bilang ang Lumikha. Sa halip, tinatrato natin ang Diyos bilang isang doktor at isang mapagkukunan ng mabubuting bagay. Naniniwala tayo sa Diyos para lamang sa paggaling mula sa karamdaman, pagtamo ng biyaya at mga pagpapala. Kapag ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang mga pagpapala, at kapag ang ating mga karamdaman ay gumaling at ang lahat ay nasa kapayapaan, pinasasalamatan at pinupuri natin ang Diyos; kapag ang Diyos ay hindi nagbigay ng mga pagpapala sa atin, at kapag ang ating mga karamdaman ay hindi gumaling at hindi natin natatamo ang biyaya ng Diyos, sinisisi natin at iniiwasan ang Diyos, nawawalan ng pananampalataya sa Diyos; hindi ba ito pakikipagkasunduan sa Diyos? Makikita natin na ang ating paniniwala sa Diyos ay pakikipagkasunduan lamang sa Diyos at paggamit sa Diyos. Hindi tayo naniniwala sa Diyos upang magpasakop at sumamba sa Diyos, o ibigin ang Diyos nang buong puso at kaluluwa at palugurin ang Diyos. Ang Diyos ang Lumikha, binigyan Niya tayo ng buhay, at nasisiyahan tayo sa lahat ng bagay na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos, kaya dapat tayong sumamba at magpasakop sa Diyos nang walang kondisyon. Hindi alintana kung pagalingin ng Diyos ang ating mga karamdaman, dapat pa rin nating pasalamatan at purihin ang Diyos, at huwag sisihin ang Diyos. Ito ang katwiran na dapat taglayin ng mga tunay na nananampalataya sa Diyos.”
Ang mga salita ng Diyos at ang fellowship ng kapatid na babae ay sumugat nang malalim sa aking puso. Naisip ko kung paano, noong nakaraan, nang naniniwala ako sa Panginoon, patuloy akong nanalangin sa Panginoon para sa paggaling mula sa aking insomnia. Ngunit nang hindi ako pinagaling ng Panginoon, nawala ang aking pananalig sa Panginoon. Matapos kong tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, ang aking karamdaman ay medyo gumaling nang manalangin ako at umasa sa Diyos, kaya’t labis akong natuwa, at nagpasalamat ako at pinupuri ang Diyos; nang bumalik ang aking karamdaman, sinimulan kong sisihin ang Diyos, na iniisip na hindi ako pinagaling ng Diyos kahit na pagkatapos kong manalangin at dumalo rin sa mga pagpupulong. Ang isiniwalat ng katotohanan ang nagpatanto sa akin na naniniwala lamang ako sa Diyos mula umpisa para sa pagtamo ng mga pagpapala at biyaya. Hindi ako totoong sumamba o nagpasakop sa Diyos. Matapos itong mapagtanto, nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, “Oh Makapangyarihang Diyos! Matapos basahin ang Iyong mga salita, nalaman kong naniniwala ako sa Iyo alang-alang sa paggaling mula sa aking karamdaman. Kapag hindi ako gumaling, sinisisi Kita. Alam kong ang aking paniniwala ay hindi umaayon sa Iyong kalooban. Bilang isang nilikha, dapat Kitang sambahin. Handa akong bitawan ang aking maling motibo, at magpasakop sa Iyong mga pagsasaayos. Kung gagaling man ang aking karamdaman o hindi, handa akong magpasakop sa Iyong mga pangangasiwa at pagsasaayos. Amen!”
Minsan, hindi ako makatulog muli, kaya’t binasa ko ang mga salita ng Diyos at nanood ng mga video na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ngunit pagkatapos nito ay hindi pa rin ako makatulog, noong sisisihin ko na sana ang Diyos, napagtanto ko na ang aking karamdaman ay sanhi ng paggambala at pinsala ni Satanas, kaya’t mabilis akong lumapit sa Diyos upang manalangin at maghanap. Pagkatapos, naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Kapag dumapo ang karamdaman, ito ay pagmamahal ng Diyos, at tiyak na ang Kanyang mabubuting hangarin ay nakapaloob dito. Bagama't maaaring nahihirapan ang iyong katawan, huwag kang tumanggap ng mga ideya mula kay Satanas.” Ang mga salita ng Diyos ay tulad ng isang maliwanag na ilaw na nagpapaliwanag sa aking puso. Naintindihan ko na ang pagdanas ko ulit ng karamdaman na ito ay tinulutan ng Diyos. Hindi ko dapat sisihin ang Diyos, sa halip ay dapat akong maniwala sa Diyos. Pagkatapos, binasa ko ulit ang mga salita ng Diyos sa katahimikan nang paulit-ulit, unti-unti, huminahon ang aking puso at hindi ko namalayang nakatulog ako. Matapos ang karanasang ito, tumaas ang aking pananampalataya sa Diyos. Nang maglaon, kapag hindi ako makatulog muli, taimtim akong nananalangin sa Diyos at binabasa ang mga salita ng Diyos nang tahimik, mas napapalapit sa Diyos sa pamamagitan nito. Unti-unti, ang panahon na nagdusa ako mula sa insomnia ay mas umunti nang umunti at nakakatulog ako nang maayos sa kalahating taon na ito.
Ngayon, tinanggap ko na ang gawain ng Diyos nang mahigit isang taon. Sa pamamagitan ng aking mga karanasan, tunay kong naunawaan na kahit na ang pagdurusa mula sa isang karamdaman ay tila isang masamang bagay sa tingin, ito ay talagang pagpapala ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagdanas sa pagpapahirap ng aking karamdaman, ang aking maling pananaw na ang paniniwala sa Diyos ay para lamang makatamo ng mga pagpapala ay nalunasan. Kasabay nito, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman tungkol sa pagkamakapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at ang aking pananampalataya sa Diyos ay tumaas din. Sa pamamagitan ng karanasang ito, naramdaman ko rin na ang Diyos ang suporta ng sangkatauhan. Salamat sa Diyos sa pagpapalaya sa akin sa pagpapahirap ng aking karamdaman. Ngayon ang aking saloobing pangkaisipan ay nagkaroon ng isang ganap na bagong pananaw, at hindi na ako ginagambala ng insomnia!
Salamat sa Diyos!