Tanong: Pinatototohanan mo na sa mga huling araw ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol para lubos na madalisay at mailigtas ang tao, pero matapos basahin ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na ilan sa mga ito ay kinokondena at isinusumpa ang tao. Kung kinokondena at isinusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Paano mo pa masasabi na ang ganitong klase ng paghatol ay dumadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan?
Sagot: Sa mga huling araw, pangunahing inihahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol upang makagawa ng grupo ng mananagumpay, isang grupo ng mga taong kaisa sa puso at isip ng Diyos. Pinagpasyahan ito ng Diyos nang nilikha Niya ang mundo. Maaari mong sabihin na gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay, na sila ay ginawa ng perpekto sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, na sila ay nakalabas na sa mga kapighatian ng malupit na pag-uusig ng Partido Komunista ng Tsina. Isang katotohanan na ginawa na ito ng Diyos, walang makakapagpabulaan dito May ilang tao na nagsasabi na naglalaman ng pagkondena at pagsumpa sa mga tao ang ilan sa mga salita ng Diyos at nagbunga ito sa mga haka-haka. Ito’y walang katotohanan. Ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang dakilang puting trono ng paghatol na ihinula sa Aklat ng Pahayag. Ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon na matuwid, maringal, at mabagsik, at ito ay upang lubusang ilantad ang tao at maibukod ayon sa uri ang bawat tao, at higit pa rito, ito ay upang wakasan ang lumang panahon at wasakin ang mga kaanib ni Satanas. Kaya yaong mga kaanib ni Satanas na lumalaban sa Diyos, hindi ba silang lahat ay hahatulan at isusumpa ng Diyos? Kahit na ang ilang salita Niya ay humahatol at inilalantad ang mga tiwaling pagpapahayag at ang tunay na katiwalian ng mga piniling tao ng Diyos, na tila isa itong panghuhusga, ito ay alang-alang sa pagpayag sa mga piniling tao ng Diyos na makita ang diwa ng kanilang tiwaling disposisyon at malinaw na makita ang katotohanan ng problemang ito, at makamit ang epekto ng pag-unawa sa katotohanan. Kung hindi naging napakalinaw ng mga salita ng Diyos, kung hindi ito naging napakahigpit, hindi malalaman nating lahi ng tao ang tunay na katotohanan ng ating katiwalian at ng satanikong kalikasan, at ang mga epekto ng pagdadalisay at pagperpekto sa sangkatauhan ay hindi makakamtan. Ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at may respeto sa mga katunayan ay makikita na ang mga salita ng Diyos ay napakalinaw. Maging salita man ang mga iyon ng paghatol at pagkastigo, o pagkondena, o pagsumpa, lahat ng mga ito ay ganap na nakaayon sa realidad. Sinasabi ang mga salita ng Diyos nang may ganitong praktikalidad-ang mga ito ay napakatotoo. Walang kahit isa sa Kanyang mga salita ang labis. Mula sa mga resultang nakamit sa napakahigpit na mga salitang ito ng Diyos, makikita nating nakatago sa loob nito ang tunay na pagmamahal ng Diyos sa tao at ang Kanyang masidhing intensyon para iligtas ang sangkatauhan. Tanging yaong mga sawa na sa katotohanan ang makaka-isip ng mga haka-haka, at tanging yaong mga namumuhi sa katotohanan ang makahahatol at makahuhusga sa gawain ng Diyos. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Tsina nang mahigit sa dalawampung taon. May milyon-milyong tao na ang nakaranas ng gawain ng Diyos, at pagkatapos na ipasailalim sila sa malupit na pagsugpo at pag-uusig ng Partido Komunista ng Tsina, nakakatayo pa rin sila ng matatag-ito ay ganap na epekto ng mga salita ng Diyos. Nasaksihan ng lahat na taong ito ang pag-ibig ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, at nakita nila kung paano Siya nagdusa upang iligtas ang sangkatauhan. Kahit na ang ilan sa Kanyang mga salita ay maaaring napakahigpit ngunit nagagawa nilang sumunod sa mga ito, at mula roon ay mayroon silang tunay na kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos. Napaunlad nila ang mga pusong may paggalang at pag-ibig sa Diyos. Nakakaya nilang lahat na tuparin nang tapat ang kanilang mga tungkulin, at sundin ang Diyos hanggang wakas. Ito higit sa lahat ang magbibigay ng kahihiyan kay Satanas; ito ang patunay na tinalo na ng Diyos si Satanas. Pagdating sa kung paano humahatol at nililinis ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw, tingnan natin ang ilan sa mga talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maging malinaw sa atin ito.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamakatuwiran, poot, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang tao, at tinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, ‘Kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?’ Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ay ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, nguni’t sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa diwa ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa kasalanan, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos—at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Sa kasalukuyan hinahatulan kayo ng Diyos, at kinakastigo kayo, at pinarurusahan kayo, nguni’t talastasin na ang pagpaparusa sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Ang paggawad ng parusa, pagsumpa, paghatol, pagkastigo—lahat ng ito ay upang malaman mo ang iyong sarili, upang ang iyong disposisyon ay maaaring magbago, at, higit pa rito, upang maaaring malaman mo ang iyong halaga, at makita na ang lahat ng pagkilos ng Diyos ay matuwid, at alinsunod sa Kanyang disposisyon at ang mga pangangailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na iniibig ang tao, at inililigtas ang tao, at Siyang humahatol at kumakastigo sa tao. Kung nalalaman mo lamang na mababa ang iyong katayuan, at na ikaw ay tiwali at masuwayin, nguni’t hindi nalalaman na ninanais ng Diyos na gawing karaniwan ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo sa kasalukuyan, kung gayon ay wala kang paraan ng pagdanas, lalong hindi ka makapagpapatuloy nang pasulong. Ang Diyos ay hindi dumating upang pumatay, o magwasak, nguni’t para humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas” (“Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang makikita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, natanggap na ninyo ang pagkastigo at paghatol, tumanggap ng gayong pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang totoong pag-ibig sa inyo; wala Siyang masamang intensiyon. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang suriin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginagawa upang hubugin ang tao. Mula simula hanggang katapusan, ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang buong makakaya upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang mawasak ang mga tao na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay higit pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalawak upang personal na akayin kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang intensiyon ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatotoong pag-ibig. Dahil lamang sa pagsuway ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diyablo, hindi Niya maatim na pabayaan kayong maging mas napakasama; hindi rin Niya maatim na makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, o maatim na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawaing panlulupig sa inyo—ito ay para lamang sa kaligtasan” (“Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Dahil napakinggan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, malinaw na dapat sa lahat ngayon kung bakit ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, tama? Ngayon, hindi ba natin nakikitang lahat ang katotohanan kung gaano katiwali ang sangkatauhan? Nabubuhay ang lahat ng tao sa ilalim ng sakop ni Satanas, nabubuhay sa kasalanan, at nagpapakasaya sa kasalanang iyon. Wala sa relihiyosong komunidad ang nakapansin sa pagdating ng Diyos at walang nagmamahal sa katotohanan o tinatanggap ito. Anuman ang paraan ng pagsaksi ng mga tao sa Diyos o pagpalaganap sa Kanyang salita, gaano ba karami ang aktibong hinanap o siniyasat ang pagpapakita at gawain ng Diyos? At gaano ba karami ang kayang tumanggap at magpasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Hindi ba sasabihin ng lahat na ang sangkatauhang ito ay nasa pinakarurok ng kasamaan? Kung hindi dahil sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang sangkatauhang ito na lubusang ginawang tiwali, puno ng disposisyon ni Satanas na itinatatwa at nilalabanan ang Diyos, malilinis ba sila at matatanggap ang pagliligtas ng Diyos? Kung hindi dahil sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, sino ang makakabuo ng grupo ng mga mananagumpay? Paano matutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus? Paano magaganap ang kaharian ni Cristo? Maraming taong may pananampalataya sa Panginoon ang naniniwalang mapagmahal at maawain ang Diyos at anuman ang magawa nating mga kasalanan, pawawalang-sala pa rin tayo ng Diyos. Naniniwala sila na kahit gaano tayo katiwali, sa pagbabalik ng Panginoon walang sinuman ang isasantabi, at walang alinlangang dadalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit. Makatwirang pananaw ba ito? May anuman bang salita ng Panginoon ang kayang suportahan ito? Hindi ba ito sariling pagkaintindi at imahinasyon lang ng mga tao? Isang banal at matuwid na Diyos ang Diyos; mapapahintulutan ba Niya kung gayon ang mga taong nabahiran ng dumi at katiwalian, na puno ng mga disposisyon ni Satanas, nagtatatwa ng katotohanan, at mga kaaway ng Diyos na makapasok sa Kanyang kaharian? Hindi talaga! Kaya nga, ihinula ng Panginoong Jesus na babalik Siya, at sa mga huling araw gagawin ang Kanyang gawain ng paghatol at lubos na lilinisin at ililigtas ang sangkatauhan. Sabi ng Panginoong Jesus: “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). Patungkol sa sangkatauhang lubos na nabahiran ng katiwalian, tiyak na ilalabas ng Diyos ang katotohanan at ipapatupad ang Kanyang paghatol at pagkastigo sa kanila. Ito lang ang tanging paraan upang pukawin ang mga puso’t espiritu ng tao, upang lupigin ang tao, at linisin mula sa kanilang satanikong disposisyon. Kahit na maaaring mahigpit ang mga salita ng paghatol ng Diyos laban sa tao dahil sa kanilang karumihan, katiwalian, pagsuway, at paglaban sa Diyos, gayunpaman ipinapakita nila ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos, nahinahayaan tayong unawain ang sarili nating satanikong kalikasan at ang katotohanan na tayo’y tiwali. Sa pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, lahat tayo ay nalupig ng salita ng Diyos, kusang loob tayong nagpapasakop sa Kanyang paghatol. Kung unti-unti nating nauunawaan ang katotohanan, at nakikita nang malinaw ang sarili nating satanikong disposisyon at kalikasan, makakamit natin ang tunay na pang-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos, na lumilikha ng isang pusong may paggalang sa Diyos. Nagreresulta sa hindi natin namamalayang pagbabago ng ating pananaw sa mga bagay, gayundin ng pagbabago sa ating disposisyon sa buhay. Nagagawa nating matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Natupad ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa wakas ang pagbuo sa isang grupo ng mga mananagumpay-na bunga ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na kahalagahan sa likod ng gawain ng paghatol ng Diyos simula sa Kanyang tahanan. Ano ang pinahihintulutan nitong makita natin? Hinahatulan at inilalantad ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng Kanyang salita hindi upang parusahan at wasakin ang tao, kundi upang ganap na linisin, baguhin at iligtas ang tao. Ngunit para sa mga taong tumatangging tanggapin ang paghatol at paglilinis ng salita ng Makapangyarihang Diyos, sa pagdating ng malaking sakuna, sila ay parurusahan.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian