Read more!
Read more!

Sa Aking Paghihirap at Pagkalito, Ang Pagliligtas ng Diyos ay Sumaakin

Tala ng Patnugot:

Papano tayo makakalaya sa pagkakaalipin sa kasalanan? Naniniwala ako na maraming kapatid sa Panginoon ay nababagabag sa isyung ito, at marahil maging ikaw nasubukan mo na ang maraming paraan pero bigo pa ring makalaya sa kasalanan. Ang may-akda ng sumusunod na artikulo minsan na ring nakaranas ng ganito. Pero matapos ang maraming taon ng paghahanap, nalaman na rin niya ang ugat ng kanyang kasalanan at natutunan ang paraan para iwaksi ito.

Quick Navigation
Sa pagkagapos sa kasalanan, nakaramdam ako ng pagkalito at wala akong mabalingan.
Ang balita ng pagbabalik ng Panginoon ay nagbigay sa akin ng pag-asa.
Nalutas ang kalituhan ko at naintindihan ang dahilan kung bakit ginawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at kung ano ang ugat ng aking pagkakasala.
Sa wakas nakahanap ako ng paraan para maalis ang aking tiwaling disposisyon.
Naunawaan ko ang katotohanan at pinalaya ang aking espiritu.

Sa pagkagapos sa kasalanan, nakaramdam ako ng pagkalito at wala akong mabalingan.

Ipinanganak ako sa isang pamilyang Katoliko, at nung labintatlong taong gulang ako sinimulan kong pag-aralan ang doktrina ng Katolisismo at nagpabinyag. Kalaunan, nakita kong palamig nang palamig ang pananampalataya ng ilang kaibigan ko sa simbahan. Naging abala sila sa pagpaparami ng pera at sumunod sa takbo ng mundo, mas nagpatuloy sa paglayo sa Panginoon. Sa nakita kong ito, naramdaman kong hindi talaga madaling lumakad sa daang krus, lalo pa’t walang pananalig sa Panginoon napakaimposibleng makapasok sa kaharian ng langit. Kaya naman, nagdesisyon akong ilaan ang aking sarili sa Panginoon, at hinangad na maging isang paring naglilingkod sa Panginoon.

Sa gulang na 22, pumasok ako sa monasteryo para mag-aral. Bawat araw, gumigising ako ng 5:30 ng umaga, nagninilay, nagro-Rosaryo at nagpupuri sa Panginoon mula ika-6 ng umaga, nag-aaral ng Bibliya at mga doktrina ng Katolisismo mula ika-8 ng umaga, at nagdarasal nang mahigit isang oras sa gabi. Pero matapos ang pag-aaral sa loob nang ilang panahon, hindi ko naramdaman na napapalapit ako sa Panginoon, bagkus, naramdaman kong nakakabagot at nakakapagod ang ganong klase ng buhay. Bukod pa ron, sa panahong ‘yon, madalas marumi at masama ang aking naiisip, at kahit nangumpisal at nagsisi sa Panginoon, patuloy pa rin itong sumusulpot at hindi ko napigilan ang aking sarili. Minsan akong nangako sa Panginoon na mananatili akong malinis, pero ngayon gusto ko itong sirain. Hindi ba pagkakasala ito at panlilinlang sa Panginoon? Kung ganon papano ako makakapasok sa kaharian ng langit? Palagi akong nanalangin sa Panginoon sa bawat araw, humihiling sa Kanya na tulungan akong alisin ang aking mga kasalanan at hayaan akong buong puso Siyang paglingkuran. Pero wala itong nagawang pagbabago, kaya nahirapan ako at nakadama ako ng pagkabahala. Matapos ang sampung taong pag-aaral, nagtapos ako. Para malutas ang problema ng paghahangad kong gumawa ng kasalanan, pumunta ako sa isang liblib na monasteryo sa Indonesia para sa mas mataas na pag-aaral. Pero hindi ko pa rin mapigilang isipin ang maruruming bagay na ‘yon. Dahil dito, nakaramdam ako ng matinding pagkadismaya at kawalang pag-asa, at makalipas ang isang taon, pinili kong bumalik sa USA.

Kalaunan, pinapunta ako ng simbahan sa Beijing para sa mas mataas na pag-aaral. Sa panahong nag-aaral ako ron, madalas kong balikan ang mga panahon ng paniniwala sa Diyos, madalas akong manalangin at humiling sa Kanya na baguhin ako, at patuloy ko ring hinangad na magkaron ng malapit na relasyon sa Kanya. Pero sa kabila ng maraming taong pagsisikap, wala pa rin akong natutunan sa Panginoon at hindi rin naalis ang likas kong pagiging makasalanan. Naisip ko: “Papano ko magagawa nang maayos ang pamumuno sa mga kapatid ko sa simbahan sa ganitong kalagayan? Kapag naging isang pari ako, hindi ba sisirain ko lang sila?” Nang matapos ako sa pag-aaral, pinuntahan ako ng obispo at sinabi niya na gusto niya akong italaga bilang isang pari. ‘Yon ang pangarap na pinagsumikapan ko sa maraming taon, pero sa sandaling iyon, nawala na ang dating pagkahumaling at sigla. Kaya tinanggihan ko, at piniling maging isang karaniwang mananampalataya. Pagkatapos, umuwi ako at nag-asawa. Matapos ‘yon, mas madalas akong gumawa ng kasalanan, madalas uminit ang ulo ko at nakikipag-away sa aking asawa kahit sa walang kwentang bagay. Hindi ko talaga maisabuhay ang pagpapasensiya at pagtanggap. Dahil dito, madalas kong ikumpisal sa Panginoon ang mga kasalanan ko at magsisi, pero pagkatapos, nagkakasala pa rin ako. Sa katagalan, sinubukan kong ibalik ang relasyon ko sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon; tuwing may pagtitipon or klase ng pagsasanay sa aking simbahan, isinasantabi ko ang trabaho ko para dumalo sa mga ito. Pero hindi rin nito nalutas ang problema ko. Dahil sa pagkatuyo ng espiritu ko at bigat ng trabaho, napagod ako, ang katawan at pag-iisip. Naramdaman kong gulong-gulo ako, at hindi ko alam kung pa’no magpapatuloy sa hinaharap. Para bang itinapon ako nito sa ilang. Nagkaron ng isang hindi mailarawang kabiguan at kahinaan sa aking puso.

Ang balita ng pagbabalik ng Panginoon ay nagbigay sa akin ng pag-asa.

Nang wala na akong pananalig para magpatuloy, dumating sa akin ang pagliligtas ng Diyos at inalis ako sa paghihirap. Isang araw noong Enero ng 2018, matapos dumalo sa Misa, nagkataong nakita ko si Brother Li, at dahil sa kanya, nakilala ko si Brother Liu. Magmula noon, pinag-usapan namin ang tungkol sa pananampalataya sa tuwing nagkakaron kami ng pagkakataon. Nakita ko na pareho silang may kakaibang pananaw sa Biblia, kaya naaliw ako sa pakikipag-usap sa kanila. Minsan, habang ibinabahagi namin sa isa’t-isa ang kaalaman sa banal na kasulatan, sinabi ni Brother Liu: “Yung isang katrabaho na kakilala ko sa China ay maka-Diyos at mahusay sa pangangaral, pero naniniwala na siya ngayon sa Kidlat ng Silanganan. Kailan lang, dalawang katrabaho ko, na nakipagpulong sa akin sa simbahan ay nagsimula na ring maniwala rito. Ano bang klaseng simbahan ang Kidlat ng Silanganan? Bakit napakaraming mga kapatid na naghahanap ng katotohanan ang lumipat dito?” Nang marinig ko ‘yon, bahagya akong sumimangot. Naalala ko na isang debotong tagapangasiwa ng simbahan na kilala ko dati ang lumipat na rin sa Kidlat ng Silanganan. Naisip ko: “Ano ba ang ipinapangaral nila sa Kidlat ng Silanganan? Bakit nakakaakit ito ng napakaraming debotong Kristiyano? Narinig kong ang mga tao sa simbahan na ‘yon ay madalas pag-usapan ang tungkol sa Pahayag. Karamihan sa mga tao ay ayaw pag-usapan ang tungkol sa Pahayag, at maging ang mga pari ay bihirang magsalita tungkol dito. Naliwanagan na kaya sila ng Banal na Espiritu? Bakit hindi ako pumunta at makinig sa Kidlat ng Silanganan para makita kung ano ang napaka-espesyal sa mga sermon nila? Baka maging kapaki-pakinabang ito sa espirituwal na mga debosyon ko at matulungan akong kilalanin ang Panginoon.” Nang maisip ito, naging interesado ako sa simbahang iyon, kaya sinabi ko sa kanila: “Bakit hindi tayo pumunta at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan para malaman kung ano ang naiiba rito?” Tumanggo silang lahat sa pagsang-ayon. Pagkatapos, nakipag-ugnayan si Brother Lui sa ilang kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nagtakda ng isang pulong kasama sila.

Sa itinakdang oras, nakarating kami sa tagpuan. Pagpasok pa lang namin sa pinto, ang mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na naunang dumating ay lumapit sa amin at masaya kaming binati. Matapos ang pagpapakilala, isang kapatid ang nagbukas ng bidyo ng Ang Pinagmulan at Pag-unlad ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos kong mapanood ang bidyo, nabigla ako nang husto. Naaayon sa Biblia ang lahat ng nilalaman nito at ibinunyag ang mga misteryo sa Pahayag. Halimbawa: Sinasabi ng Biblia, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Kahit nabasa ko na ang Biblia nang maraming taon, hindi ko alam ang ibig sabihin ng banal na kasulatang ito. Nang mapanood ko ang bidyo saka ko lang naintindihan na ang talata ay tinupad ng gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw. Pagkatapos, isang kapatid ang nagbukas ng isang pelikula ng ebanghelyo, Ang Bibliya at ang Diyos. Matapos mapanood ang pelikula, nabigla nang husto ang diwa ko. Lumalabas na napakaraming misteryo tungkol sa Biblia. Ramdam kong ang katotohanan na ibinahagi sa pelikula ay hindi maaaring ipahayag ng sinumang teologo o pastor sa mundo. Napakarami nang espirituwal na libro ang nabasa ko, ngunit wala pa akong nakitang sinuman na nagbahagi tungkol sa pagkagawa ng Biblia at ng diwa nito nang napakalinaw at simple. Tunay na nakinabang ako ng malaking probisyon mula rito.

Kasunod nito, nakinig kaming tatlo nang mabuti sa pagbabahagi ni Brother Wang. Sa tuwing maririnig ko na kumikilos ang Diyos para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, medyo nagdududa ako at naiisip ko: “Hindi tama iyon. Natapos na ng Panginoong Jesus ang gawain Niya, kaya papano Siyang magkakatawang-tao para gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang ibig sabihin nito?” Lalo akong naging interesado sa mga sinasabi ni Brother Wang at gusto kong mas malaman pa ang tungkol dito para matiyak kung tunay ngang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Kaya lang, gumagabi na. Kaya gumawa kami ng usapan sa kanila para sa susunod na araw upang maipagpatuloy namin ang pakikinig sa pagbabahagi nila. Habang papauwi, pinag-uusapan namin kung ano ang mga ibinahagi sa mga video at ang sabi ko: “Marami akong naintindihan sa pagtitipon ngayon. Naramdaman ko na mas inilapit ako nito sa Panginoon.” Sa sinabi kong ito, medyo nanabik ako at naisip: “Kung totoong nagbalik ang Panginoon para maging isa sa amin, kung gayon, hindi kaya tulad ako ni Pedro, na nabuhay rin sa parehong panahon ng Panginoon? Kung ganon, tunay ngang pinagpala ako! At naniniwala ako na tiyak na tutulungan ako ng Panginoon para malutas ang mga suliranin ko.” Habang iniisip ito, mas nasabik ako sa pagpupulong sa susunod na araw.

Nalutas ang kalituhan ko at naintindihan ang dahilan kung bakit ginawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at kung ano ang ugat ng aking pagkakasala.

Nang sumunod na araw, nagmadali akong pumunta sa pinag-usapang lugar pagkalabas na pagkalabas ko sa trabaho. Pagdating ko ron, nakita kong hinihintay na ako ng mga kapatid. Nakaramdam ako ng konting hiya, at dali-dali akong naglakad at naupo. Nang oras na ‘yon, isang sister na sumalubong sa akin nung sinundang araw ang nakangiting nagtanong: “Ano’ng masasabi mo sa pagtitipon natin nung nakaraan? Kung mayroon kang hindi maintindihan, sabihin mo lang. Maaari nating hanapin sa pamamagitan ng pagbabahagi.” Nang marinig ko ang imbitasyon niya, bigla akong nagtanong: “Sister, kahapon sinabi mong dumating na ang Panginoong Jesus at ginagawa na Niya ang gawain ng paghatol. Pero nung nasa krus malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Naganap na.’ Hindi ba patunay ito na natapos ng Diyos ang gawain niya? Kaya bakit kailangan pa Niyang gawin ang gawain ng paghatol? Ano ba ang nangyayari rito?

Sinabi ng sister: “Brother, iniisip mo na noong nakapako at sinabi ng Panginoong Jesus bago Siya malagutan ng hininga ‘Naganap na,’ nagpapatunay na talagang tapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at wala ng gagawin. Pero tama ba talaga ang ganitong pag-iisip o hindi? Ibahagi natin ang tungkol dito. Alam nating lahat, na magmula nang pinasama ni Satanas ang sangkatauhan ginagawa na ng Diyos ang gawain para mailigtas ang sangkatauhan. Lubos Niya tayong ililigtas sa teritoryo ni Satanas at hayaang mabawi natin ang dati nating kabanalan. Pero ngayon nabubuhay pa rin tayo sa isang estado ng pagkakasala at pangungumpisal ng ating mga kasalanan, at hindi natin nakamit ang kabanalan. Patunay lang ito na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos ay hindi pa ganap na natapos. Ang totoo, kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap makita na sa loob nito ay maraming propesiya tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Halimbawa, sa kabanata 4, talata 17 sa Unang Sulat ni Pedro sinabi: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.’ Kabanata 14, talata 7 sa Pahayag sinabi: ‘Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.’ At kabanata 16, mga talata 12-13 sa Ebanghelyo ni Juan sinabi: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.’ Mula sa mga talatang ito, makikita natin na sa mga huling araw, gagawa ang Diyos ng isang hakbang ng gawain ng paghatol at ang Espiritu ng katotohanan ay gagabayan tayo sa katotohanan. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maintindihan natin ang mga bagay.”

Pagkatapos sinimulang basahin ng sister ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pagkaalala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa laman, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, na walang-katapusang inihahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon.” “Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay.

Pagkatapos basahin ang mga salitang ito, nagpatuloy ang sister sa pagbabahagi niya: “Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita nating sinasabi ng Panginoong Jesus ‘Naganap na’ ibig sabihin ang gawain ng pagtubos ng Diyos ay tapos na; hindi ito nangangahulugang tapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan. Nakasulat ito sa Biblia, ‘Sapagka’t ako ang si Jehova ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo’y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:44). ‘Ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon’ (Hebreo 12:14). Banal ang Diyos, kaya hindi karapat-dapat makita ng taong marumi at masama ang mukha ng Diyos, o karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, tayo ay pinatawad lang sa ating mga kasalanan; sa pamamagitan ng paglapit sa Panginoong Jesus, pangungumpisal at pagsisisi, matatamasa natin ang pagpapala mula sa Diyos, at hindi Niya na tayo titingnan bilang mga makasalanan. Pero ang ating satanikong disposisyon ay hindi pinatawad ng Diyos, at umiiral pa rin ang ating pagiging likas na makasalanan. Patuloy tayong nabubuhay nang paulit-ulit sa pagkakasala sa araw at nangungumpisal sa gabi, hindi magawang iwan ang kasalanan. Halimbawa, para maprotektahan ang sarili nating mga interes, nagsisinungaling pa rin tayo at nililinlang ang Diyos; kapag nakita natin ang iba na gumagawa ng mga bagay sa isang paraan na hindi umaayon sa ating sariling mga kaisipan, madalas tayong nawawalan ng pagtitimpi at kinagagalitan sila; minsan hindi natin mapaglabanan ang mga tukso ng masasamang kalakaran ng mundo, kaya naman sumusunod tayo sa kanila at nagkakasala; kapag ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa ating mga pananaw, nagagawa pa rin nating hatulan at batikusin ang Diyos, at kalabanin ang Kanyang gawain ayon sa ating mga pananaw at imahinasyon. Samakatuwid, kailangan natin ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol para linisin at baguhin ang ating mga tiwaling disposisyon. Tanging kapag nalinis lang ang ating mga tiwalang disposisyon at maging mga taong tunay na kagalang-galang, sumunod at mahalin ang Diyos saka pa lang ganap na matatapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ginawa sa pundasyon ng gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Dahil sa pagtubos ng Panginoong Jesus, naging karapat-dapat tayong lumapit sa harap ng Diyos para tanggapin ang Kanyang kaligtasan, pero kung sa paniniwala sa Diyos ay hindi natin naranasan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung ganon tiyak na hindi tayo makakarating sa pagliligtas.”

Bigla kong nakita ang liwanag sa pagbabahagi ng kapatid. Noong una, ang akala ko kaming mga naniwala sa Panginoon ay biniyayaan ng kaligtasan at kapag dumating ang Panginoon diretso kaming dadalhin sa makalangit na kaharian. Pero ngayon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kapatid, nalaman ko na mali ang aking pananaw. Ang pananampalataya natin sa Panginoon ay nagdadala ng kapatawaran sa ating mga kasalanan, pero nananatili pa rin ang pagiging likas nating makasalanan, kaya kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kapag nadalisay at nabago lamang ang tiwaling disposisyon natin tayo maaaring dalhin ng Diyos sa kaharian ng langit. Sa pagbabalik-tanaw, nag-aral ako sa monasteryo sa loob ng sampung taon at pagkatapos pumunta sa isang relihoyosong hanay para sa mataas na pag-aaral, pero hindi ko pa rin mapigilang hindi magkasala, at kahit ikumpisal ko ang aking mga kasalanan at magsisi sa Diyos, sa susunod uulitin ko na naman ang parehong mga kasalanan. Ipinakita ng katayuan ko na talagang hindi ako isang taong nalinis at tunay na hindi ako karapat-dapat na itaas sa kaharian ng langit. Naintindihan ko rin na dahil ‘yon sa aking tiwaling disposisyon na nabuhay ako sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan at ikukumpisal ito. Salamat sa Diyos! Ang pagbabahagi ng kapatid ay napakabuti kaya nalutas nito ang aking kalituhan.

Sa wakas nakahanap ako ng paraan para maalis ang aking tiwaling disposisyon.

Pagkatapos, sabik kong tinanong ang kapatid: “Kung ganon, pa’no tayo nililinis ng Diyos? Pa’no maiwaksi ang tiwali kong disposisyon?

Pinagsumikapan kong pigilan ang aking sarili para hindi magkasala at nanalangin din sa Diyos, hinihiling sa Kanya na tulungan ako. Gayon pa man, napakaraming taon na ang lumipas, pero hindi ako nagbago.” Nang marinig ito, ngumiti siya at matiyagang nagbahagi: “Kapatid, tungkol sa tanong na ‘to, nilinaw ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Basahin natin ang mga sipi.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

Makikita natin sa mga salita ng Diyos na sa mga huling araw, hahatulan at lilinisin ng Diyos ang ating tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Sa kabila, ginagamit ng Diyos ang mga salita Niya para ilantad at alamin ang ating kalikasan, diwa at ang katotohanan kung pa’no tayo pinasama ni Satanas para lubos nating malaman, sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, na puno tayo ng satanikong disposisyon-kayabangan at sobrang pagpapahalaga sa sarili, hindi matuwid at tuso. Dapat din nating malaman na ang mamuhay batay sa ating mga tiwaling disposisyon, wala tayong pusong may paggalang sa Diyos, hinahatulan at nilalabanan natin Siya ayon sa ating mga paniniwala at imahinasyon, at ganap tayong naging mga tao ni Satanas na naghihimagsik laban sa Diyos at sumasalungat sa Kanya. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita Niya para malinaw na masabi sa atin ang Kanyang kalooban, mga kahilingan at pamantayan, pati na rin ang mga wastong paraan ng pagsasagawa, samakatuwid nagbibigay sa atin ng isang landas na susundan. Halimbawa, sinasabi sa atin ng Diyos na gusto Niya ang mga taong tapat at kinamumuhian ang mga mapanlinlang, na tanging mga taong tapat lang ang makakapasok sa makalangit na kaharian, at sinasabi rin sa atin kung pa’no iwaksi ang ating mapanlinlang na mga disposisyon at maging mga tapat na tao. Samantala, naghahanda rin ang Diyos ng mga praktikal na mga sitwasyon para subukan, pinuhin, putulan at makipag-ugnayan sa atin. Pinasama tayo ni Satanas sa loob ng libo-libong taon, at ang kasamaan, ang satanikong disposisyon ay nakaugat na sa atin at hindi matatanggal nang sabay-sabay, kaya kailangan nating tanggapin ang pangmatagalang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok at pagdadalisay ng mga salita ng Diyos, pati na rin ang pagtutuwid at pagdisiplina mula sa kakaharaping reyalidad. Tanging sa paraan lang na ‘to natin malinaw na makikita ang ating totoong likas na kasamaan, para ganap na makilala at kamuhian ang ating sarili, pagsisihan ang ating mga ginawang pagkakasala, magkaron ng lubos na kaalaman sa kabanalan ng Diyos, makatwiran at mabuting diwa, at sa huli makabuo ng isang pusong may paggalang sa Diyos at maging handa para isagawa ang katotohanan para masiyahan Siya.”

Sa pagkikinig sa pagbabahagi ng kapatid, may bigla akong naisip at malugod kong sinabi sa kanya: “Pasalamatan ang Diyos. Nitong nakaraan, para mapigilan ang sarili ko na huwag magkasala, pinag-aralan ko nang husto ang Biblia at sinunod ang mga patakaran ng monasteryo, pero madalas pa rin akong magkasala. Sa pamamagitan ng iyong pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos, nalaman ko na tanging ang katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ang makakalutas sa aking makasalanang gawi.” Masayang sinabi ni Brother Liu: “Salamat sa Diyos! Sa wakas ngayon nahanap na rin natin ang daan para maiwaksi ang kasalanan.” Nang marinig ito, nakangiting itinango ng sister ang ulo niya. Pagkatapos, nagpakita siya sa amin ng isang bidyo ng pagpapatunay na tinawag na Lumilitaw ang Tunay na Liwanag. Ang bida sa bidyo na ‘to ay katulad ko dati, nabubuhay sa gitna ng pagkakasala at lubhang miserable, pero sa huli sa pagdanas ng paghatol at pagtutuwid ng mga salita ng Diyos nalaman niya ang kanyang tiwaling disposisyon. Matapos ‘yon, nang ilantad niya ang kanyang kasamaan, umasa siya sa Diyos para talikuran ang kanyang laman at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, hindi siya napilit ng kanyang tiwaling disposisyon at namuhay sandali sa pagiging isang tunay na tao. Matapos panoorin ang bidyo na ‘to, mas malinaw kong nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay talagang awtoritado at makapangyarihan, at naniwala ako na hangga’t tinanggap ko at naranasan ang paghatol at pagtutuwid ng mga salita ng Diyos, makakakuha ako ng kaalaman sa aking tiwaling disposisyon at unti-unting makakamit ang pagdadalisay at pagbabago. Salamat sa Diyos! May mas malinaw akong daan para alisin ang aking mga kasalanan.

Naunawaan ko ang katotohanan at pinalaya ang aking espiritu.

Sa mga sumunod na pagtitipon, ibinahagi sa akin ng kapatid ang maraming katotohanang may kinalaman sa likod ng kwento at diwa ng tatlong-yugto ng gawain ng Diyos, ang kahulugan ng mga pangalan ng Diyos, mga misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at iba pang aspeto ng katotohanan. Matapos marinig ang lahat ng ‘yon, nagkaron ako ng ilang bagong kaalaman sa Diyos, naramdamang napalapit ako sa Diyos, at nakadama ng espiritwal na kabusugan. Nakumpirma ko sa aking puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, tanging Diyos lang ang magpapahayag ng katotohanan at magbubunyag ng mga misteryo sa Biblia. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil pinayagan niya akong marinig ang tinig ng Diyos at magpista kasama ang kordero.

Magmula non, sa tuwing magkakaron ako ng oras sa bahay, binabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pinapanood ang mga pelikula ng ebanghelyo at mga bidyo ng kanta na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang pinapanood ko ang mga ito, mas lalo ko itong nagugustuhang panoorin at mas pinalalaya ang aking espiritu. Bukod pa ron, sumali ako sa buhay iglesia sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa mga pagtitipon, kami ng mga kapatiran ibinabahagi namin sa bawat isa ang nalalaman namin sa mga salita ng Diyos at mga naranasan ng sumailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos. Hindi nagtagal, nagkaron ako ng ilang kaalaman sa gawain ng Diyos pati na sa aking tiwaling kalikasan, at hindi na rin ako madaling magalit sa mga tao hindi katulad dati. Kapag hindi kanais-nais ang sinabi ng asawa ko sa akin, mananalangin ako sa Diyos at hahanapin ang kalooban Niya. Dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos, naisasantabi ko ang sarili ko at hindi siya pinakikitunguhan nang hindi maganda. Ngayon mas maganda ang ugnayan namin kaysa dati. Salamat sa Diyos! Ilang buwan pa lang akong naniwala sa Makapangyarihang Diyos, talagang nakita kong totoo ang Kanyang mga salita at talagang nabago ang tiwaling disposisyon ko. Magmula ngayon, handa akong makaranas ng mas higit na paghatol at pagtutuwid ng mga salita ng Diyos para maalis ko agad ang aking tiwaling disposisyon, mamuhay sa pagiging isang tunay na tao, at matamo ang pagliligtas ng Panginoon.

Share