Tanong: Ang mga relihiyosong pastor at elder ay may matatag na kaalaman sa Biblia; madalas nilang ipinaliliwanag ang banal na kasulatan sa mga tao at hinihikayat silang panghawakan ang Biblia. Kaya talaga bang pagpapatotoo at pagpuri sa Diyos ang pagpapaliwanag at pagtataas sa Biblia? Bakit sinasabi na ang mga relihiyosong pastor at elder ay mapagpaimbabaw na mga Fariseo? Hindi pa rin malinaw sa amin ang usaping ito—puwede bang pakisagot ito para sa amin?
Sagot: Hindi dapat maling ipinapaliwanag ang Biblia sa mga tao, pero sabay ng pagpapaliwanag sa Biblia, kinakalaban nila ang Diyos sa ginagawa nila. Anong klaseng mga tao sila? Hindi ba mga ipokritong Fariseo sila? Hindi ba mga anticristo silang kumakalaban sa Diyos? Bakit naging pagkalaban sa Diyos ang pagpapaliwanag ng mga pastor at elder sa Biblia? Bakit iyon naging pagtuligsa sa Diyos? Kahit pag-usapan iyan nang ganito, mayroon pa ring hindi nakakaintindi at may nag-iisip pa ring ang pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos. Ang mga Judiong punong saserdote, eskriba at Fariseo noon, ay pawang mga iskolar at eksperto sa kasulatan na madalas na nagpaliwanag ng kasulatan sa mga tao. Kung pagpupuri at pagsaksi sa Diyos ang pagpapaliwanag sa Biblia, bakit nang pumarito ang Panginoong Jesus para mangaral at gumawa, galit nilang kinalaban at tinuligsa ang Panginoong Jesus, at sa huli ay nakipagsabwatan sila sa gobyerno na ipako Siya sa krus? Pamilyar ang mga makabagong relihiyosong pastor at elder sa Biblia at matagal na nila iyong pinaliwanag. Kaya kung talagang ang pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos, bakit nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang mga katotohanan at isagawa ang Kanyang paghatol, hindi lang sila nabigong magsiyasat, kundi sa halip ay kinalaban at tinuligsa pa nila ito? Anong problema rito? Hindi ba mabigat na problema iyan na dapat pagnilayan ng lahat ng nananalig? At saka kung ang pagpapaliwanag ng Biblia ng mga pinuno ng relihiyon ay kapareho ng pagpapatotoo sa Diyos, noong Kapanahunan ng Biyaya, bakit hindi gumawa ang Panginoong Jesus sa templo nang dumating Siya? Bakit hindi gumagawa ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw sa iglesia nang dumating Siya? Kasi ni hindi pinupuri at pinatototohanan ng mga pinuno ng relihiyon ang Diyos at lahat sila ay mga ipokrito at mayayabang na Fariseo. Mga anticristo silang kumokontrol sa relihiyon at kumukontra sa Diyos. Paano pa nila matutulutang umiral ang Diyos o magkaroon ng tinig ang mga relihiyon na nagpapatotoo sa Diyos? Kung sumali sa relihiyon ang Cristong nagkatawang-tao, at gumawa at nangaral sa iglesia, siguradong dadalhin Siya sa namumunong partido at ipapako sa krus. Kung pumunta ang mga tao sa mga iglesia para magpatotoo sa Diyos, tiyak na aarestuhin din sila at pahihirapan. Gaya ng sabi ng Panginoong Jesus, “Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo” (Mateo 10:16). Hindi pa rin ba malinaw ang katotohanang iyan sa mga tao? Base sa katotohanang kinakalaban at tinutuligsa ng mga Fariseo ang Diyos, dapat tayong malinawan kung totoo o hindi na ang pagpuri sa Biblia ay pagpapatotoo sa Diyos. Maaari bang kalabanin ang Diyos ng mga taong tunay na pumupuri at nagpapatotoo sa Kanya? Maituturing ba nila ang Diyos bilang kaaway? Bukod doon, dapat nating malaman na hindi lang mga salita ng Diyos ang nasa Biblia kundi pati na ang maraming salita ng tao. Kaya, ang pagpuri sa Biblia at pagpuri sa Diyos ay hindi magkapareho. Ang pag-ayon sa Biblia at pag-ayon sa mga utos ng Panginoon ay hindi magkapareho. Pag ipinapaliwanag ng mga Fariseo ang Biblia, nakatuon lang sila sa mga salita ng tao sa Biblia, pagpapaliwanag sa kaalaman sa Biblia at teolohiya, at pangangaral at pagpapatotoo sa mga salita ng tao, pero hindi nakatuon sa pagpapalaganap at pagpapatotoo sa mga salita ng Diyos at sa katotohanang ipinahayag Niya. Masasabi pa ba na pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos iyan? Hindi ba pagkalaban at pagtataksil iyan sa Diyos? Kaya lahat ng nag-iisip na ang pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos ay hindi naiintindihan ang mga bagay na espirituwal at diwa ng problema. Nalilito silang lahat na sumasamba at pikit-matang sumusunod sa mga pinuno ng relihiyon. Hindi ba totoo ang bagay na iyan?
Noon, nakatuon lang ang mga Judiong Fariseo sa pagpapaliwanag sa kaalaman at mga doktrina sa Biblia, at sumasali sa mga ritwal ng relihiyon at sumusunod sa mga panuntunan at tradisyon ng tao, pero tinalikuran ang mga utos ng Diyos at lumihis sa landas Niya, kaya nang pumarito ang Panginoong Jesus, galit nila Siyang kinalaban at tinuligsa, at pagkatapos ay ipinako nila Siya sa krus. Sinumpa at pinarusahan sila ng Diyos dahil dito. Bagama’t madalas ipaliwanag at patotohanan ng mga pastor at elder ngayon ang Biblia sa mga tao, hindi naman nila ipinaapalaganap at pinatototohanan ang salita ng Diyos, o ipinapangaral ang kalooban ng Panginoong Jesus at ang Kanyang mga ipinapagawa sa tao, at bihira din silang nagpapatotoo sa banal na diwa at pagiging kaibig-ibig ng Panginoong Jesus. Hindi nila ginagabayan ang mga tao sa pagsasabuhay sa salita ng Panginoon, at hindi rin nila tinitingnan ang pakikipagniig kung paano nila itinataguyod ang mga utos ng Panginoon at sinusunod ang kalooban ng Diyos. Nakatuon lang sila sa pagpapaliwanag at pagpuri sa mga salita ng tao sa Biblia, ipinapaturing nilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng tao sa Biblia, at katotohanang isasagawa at aayunan. Pag lumulutas sila ng mga problema, nakabase iyon sa mga salita ng tao sa Biblia sa halip na sa mga salita ng Diyos. Ginagamit nila ang mga salita ng tao sa Biblia para tanggihan at kalabanin ang mga salita ng Diyos. Tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa mga tao: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Pero isinasantabi ng mga pastor at elder ang mga salita ng Panginoong Jesus at tinuturing na katotohanan ang mga salita ng tao sa Biblia para makapasok sa kaharian ng langit, itinuturo sa mga tao na kailangan lang maglingkod sa Panginoon para makapasok sa kaharian ng langit. Ginagamit nila ang mga salita ng tao para palitan at tanggihan ang mga salita ng Diyos, kaya naliligaw ng landas ang mga tao. Ito’ng pinakatraidor at pinakamasamang aspeto ng pagkalaban ng mga pastor at elder sa Diyos! Binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto, gamit ang mga salita ng tao sa Biblia para kalabanin at tuligsain ang Makapangyarihang Diyos, at hindi tumitigil sa panlilinlang at pagkontrol sa mga nananalig, at hinahadlangan silang siyasatin at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, kaya naman lubos nilang nakokontrol ang mga tao. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Masdan mo lang ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at mapagmalinis, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y walang kakayahang mangaral ng anuman, susunod ba sa kanila ang mga taong iyon? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman, at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam kung paano makaakit ng iba at paano gumamit ng ilang pagkukunwari. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, nguni’t sa realidad sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng sinumang nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.’ Ang kanilang pananampalataya ay dapat dumaan sa isang tao; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?” (“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Base sa katotohanang iyon, paano natin masasabi na ang mga pastor at elder na nagpapaliwanag sa Biblia ay pinupuri at pinatototohanan ang Diyos? Hindi ba nila sinasamantala ang pagkakataong ipaliwanag ang Biblia para ipaliwanag iyon nang mali at gawing wala sa konteksto para kalabanin ang Diyos? Matagal na silang hadlang sa mga taong tumatanggap sa tunay na daan at bumabalik sa Diyos, at mga anticristo silang inilantad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi pa rin ba malinaw para sa mga tao ang katotohanang iyan?
Ang alam ng mga tao, pareho ang pagpapaliwanag sa Biblia sa pagpuri at pagpapatotoo sa Diyos, pero sa pagpapaliwanag ng mga Fariseo at pinuno ng mga relihiyon sa Biblia, makikitang hindi ganyan ang nangyayari. Ang pinupuri at pinatototohanan ng mga Fariseo ay ang Biblia at hindi ang Diyos. Ipinaliliwanag lang ng kanilang pangangaral ang mga salita ng tao sa Biblia at hindi ang mga salita ng Diyos. Ginagamit nila ang mga salita ng tao sa Biblia para palitan at kalabanin ang mga salita ng Diyos, at wala sa konteksto ang paliwanag nila sa mga salita ng tao sa Biblia para kalabanin at husgahan ang Diyos. Ang layunin ng pagpapaliwanag nila sa Biblia ay hindi para purihin at patotohanan ang Diyos, kundi para linlangin at kontrolin ang mga tao at magtagumpay sa kasuklam-suklam nilang mga layunin. Ang gayong pagpapaliwanag sa Biblia ay masama at pagkalaban sa Diyos. Kaya nga, kapag dumarating ang Diyos para gumawa, ginagamit nila ang Biblia para higpitan ang mga tao upang pikit-mata silang mapaniwala at humawak sa Biblia, at maakay silang lahat na kalabanin ang Diyos. Pinapakita niyan na ang paliwanag ng mga Fariseo at pinuno ng relihiyon ay paraan ng pagkalaban sa Diyos. Iniintindi nila nang wala sa konteksto ang mga salita ng tao sa Biblia para kalabanin ang Diyos para maitayo ang sarili nilang independiyenteng kaharian. Kung gayon, paano dapat ipaliwanag ang Biblia para maging papuri at patotoo sa Diyos? Ang nakatala sa Biblia ay gawain at mga patotoo ng Diyos. Ang kahulugan ng pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpuri at pagpapatotoo sa Diyos ayon sa mga salita Niya at mga katotohanan sa Biblia. Para iyon sa pagpapalaganap at pagpapatotoo sa mga salita ng Diyos sa Biblia. Para ipagbigay-alam ang mga intensyon ng Diyos ayon sa Kanyang mga pinapagawa at salita at ang katotohanan sa Kanyang mga salita. Iyon ay para patotohanan sa mga tao ang gawain at disposisyon ng Diyos, at ang tunay Niyang diwa at pagiging kaibig-ibig. Iyon ay para hikayatin ang mga taong ipamuhay ang mga salita ng Diyos, upang matanggap nila ang realidad ng mga salita Niya. Iyon ay para purihin ang Panginoong Jesus at patotohanan Siya sa lahat ng bagay. Sa gayong paraan lang ng pagpapaliwanag sa Biblia pinupuri at pinatototohanan ng tao ang Diyos nagiging kaayon ng puso ng Diyos, at tunay na paglilingkod sa Diyos. Ang mga salita ng tao sa Biblia ay magagamit lang bilang sanggunian at suplemento, at hindi kailanman maikukumpara sa mga salita ng Diyos. Pero ang gusto lang ipaliwanag ng mga pastor at elder ay ang mga salita ng tao sa Biblia. Tinuturing nila bilang mga salita ng Diyos at katotohanan ang mga salita ng tao sa Biblia, gabay iyon sa pagkilos nila, at basehan ng paglutas nila sa mga problema. Pero bihira nilang banggitin ang mga salita ng Diyos, at ginagamit nila ang mga salita ng tao para palitan at iwanan ang mga salita ng Diyos. Pagpapatotoo ba sa Diyos ang gayong pagpapaliwanag sa Biblia? Hindi ba pagpuri at pagpapatotoo lang iyan sa tao? Saka pag pinapaliwanag nila ang Biblia, sa teoryang teolohikal lang sila nakatuon, pinapaliwanag ang mga tauhan, lokasyon, at kasaysayan sa Biblia para magpakitang-tao. Hindi ba panlilinlang at pangbibitag iyan sa mga tao? Hindi ba panghihikayat iyan sa mga tao na sambahin at sundin sila? Noon, sinamantala ng mga ipokritong Fariseo ang pagkakataong ipaliwanag nang mali ang Biblia para linlangin at kontrolin ang mga tao, at sa huli ay hinikayat nila ang mga nananalig na sundin ang tao at kalabanin ang Diyos, at ginawang independiyenteng kahariang kontra sa Diyos ang Judaismo. Sa mga huling araw, sinasamantala rin ng mga pastor at elder na ipaliwanag ang Biblia para pikit-matang manalig at sumamba ang mga tao sa Biblia, at ipinapalit nila ang Biblia sa Diyos sa puso ng mga tao, di-sinasadyang hinihikayat nila ang mga nananalig na ipagkanulo ang salita ng Panginoon at kalabanin ang Diyos, at ginawa ring independiyenteng kahariang kontra sa Diyos ang mga relihiyon, isang balwarte ng mga kumakalaban sa gawain ng Diyos. Hindi ba paglapastangan sa Diyos ang ginagawa nilang pagpapaliwanag sa Biblia? Hindi ba iyan ang panlilinlang ng mga anticristong Fariseo sa pagkontra sa Diyos at pagtatayo ng sarili nilang kaharian? Papaano masasabi na pagpuri at pagpapatotoo iyan sa Diyos? Ang katusuhan ng mga Fariseo sa pagkalaban sa Diyos ay nasa pagsasamantala nilang ipaliwanag nang mali ang Biblia para linlangin at kontrolin ang mga tao. Sa simula, ang Biblia ay isang patotoo sa Diyos. Sa pang-unawa ng tao, lagi silang nagpapatotoo sa Diyos paano man ipaliwanag ang Biblia, pero sinasamantala ng mga ipokritong Fariseo ang pagkaintinding iyan ng tao, ginagawa nila ang lahat sa pagpupuri at pagpapatotoo sa Biblia. Ginagamit nila ang Biblia para palitan at kalabanin ang Diyos at linlangin ang mga tao. Kaya pikit-matang naniniwala at sinasamba ng lahat ang Biblia, at sinasamba at sinusunod ng mga tao ang mga iskolar ng Biblia na gaya nila at kaya nagtataksil sila sa Diyos. Iyan ang pinakatraidor at tusong panlilinlang ni Satanas para kalabanin ang Diyos at linlangin ang mga tao, at ang pinakamahirap nilang maunawaan at pinakamadaling makalinlang sa kanila.
Tingnan natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni’t ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may ‘matipunong laman’, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?” (“Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kung naniwala ka na sa Diyos sa loob ng maraming taon, datapwa’t hindi pa kailanman nakasunod sa Kanya o natanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, bagkus ay hiningi sa Diyos na magpasakop sa iyo at kumilos ayon sa iyong mga pagkaunawa, kung gayon ikaw ang pinaka-mapanghimagsik sa mga tao, at ikaw ay isang hindi mananampalataya. Paano na ang isang gaya nito ay nakakayang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga pagkaunawa ng tao? Ang pinaka-mapanghimagsik na tao ay siya na sadyang hinahamon at nilalabanan ang Diyos. Siya ay ang kaaway ng Diyos at ang anticristo. Ang gayong tao ay patuloy na nagtataglay ng palabang saloobin tungo sa bagong gawain ng Diyos, hindi pa kailanman nagpakita ng pinakamaliit na hangaring magpasakop, at hindi pa kailanman galak na nagpakita ng pagpapasakop o nagpakumbaba sa kanyang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at hindi kailanman nagpapakita ng pagpapasakop sa kaninuman. Sa harap ng Diyos, ipinapalagay niya ang sarili niya na pinakasanay sa pangangaral ng salita at ang pinakamahusay sa paggawa sa iba. Hindi niya kailanman itinatapon ang mga ‘kayamanang’ nasa kanya nang pag-aari, kundi itinuturing ang mga iyon bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit ang mga iyon para bigyan ng aral yaong mga hangal na umiidolo sa kanya. Talagang may ilang taong ganito sa loob ng iglesia. Masasabi na sila ay mga ‘di-nalulupig na mga bayani,’ na ang bawat lumilipas na mga salinlahi ay nananahang pansamantala sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang kanilang pinakamataas na tungkulin. Taun-taon at sa paglipas ng bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang kanilang ‘banal at di-malalabag’ na tungkulin. Walang sinumang nangangahas na salingin sila at wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Sila ay nagiging ‘mga hari’ sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang tinatakot nila ang iba sa bawat lumilipas na mga kapanahunan. Itong bungkos ng mga demonyo ay naghahangad na magtulung-tulong at gibain ang Aking gawain; paano Ko mapapahintulutan itong mga buhay na diyablo na umiral sa harap ng Aking mga mata?” (“Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Malinaw na kahit madalas ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang Biblia, hindi nila kilala ang Diyos at nauunawaan ang katotohanan. Sila mismo ang mga ipokritong Fariseo. Sila ang mga bulaang pastol na lumilinlang, kumokontrol at nananakit sa mga tao. Hinihikayat nila ang mga tao na tanggihan at tuligsain si Cristo, hanggang sa kalabanin at kontrahin pa nila ang Diyos, kaya nagiging kasabwat at tau-tauhan silang lahat ni Satanas. Hindi ba ito ang kitang-kitang katotohanan?
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Yamang ang pagpapaliwanag at pagdakila ng mga pastor at elder ay iba sa pagdakila at pagpapatotoo sa Panginoon, kung gayon ano ang tunay na pagdakila at pagpapatotoo sa Panginoon? Ang tunay na pagsaksi sa Panginoon at pagdakila sa Kanya ay hindi tungkol sa kung paano natin ipinapaliwanag ang Biblia. Ang susi ay kung maisasagawa ba natin o hindi ang mga salita ng Diyos, mararanasan ang Kanyang gawain, at matatamo ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Kung mahal at itinataguyod ng mga tao ang katotohanan, makakamtan nila ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at tunay na karanasan at kaalaman sa mga salita ng Diyos. Nalilikha ang kaalamang ito sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagdanas sa mga salita ng Diyos. Ito ang tunay na kaalaman ukol sa Diyos. Ang pagbibigay-alam ng tunay na mga karanasan at mga patotoong ito ang ibig sabihin ng tunay na pagdakila sa Diyos at pagsaksi sa Kanya. Ang sinasabi ng mga dumadakila at nagpapatotoo sa Diyos ay hindi galing sa kanilang mga sariling pagkaintindi, imahinasyon o lohika; talagang hindi ito galing sa kanilang literal na pagpapaliwanag ng mga salita ng Diyos o mga hungkag na teolohikal na teorya. Nagtutuon sila sa pagbibigay-alam sa mga salita ng Diyos tulad ng nakasaad sa Biblia, pagbibigay-alam ng kalooban ng Diyos, Kanyang mga utos sa mga tao, Kanyang disposisyon, at ang lahat ng kung anong mayroon at kung ano Siya, na nagpapaintindi sa atin sa kalooban at disposisyon ng Diyos at tunay na makilala ang Diyos. Nagbibigay-daan ito upang sumunod tayo sa Diyos, matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Itong mga uri ng pagpapaliwanag sa Biblia at pagpapahayag tungkol sa mga salita ng Diyos ay kung paano nila tunay na madadakila ang Diyos at sumaksi sa Diyos. Gayunpaman, kapag pinapaliwanag ng mga pastor at elder ang Biblia, kaya ba talaga nilang sabihin ang realidad ng katotohanan ng mga salita ng Diyos? Kaya ba nilang sabihin ang kalooban ng Diyos? Kaya ba nilang sumaksi sa disposisyon ng Diyos? Kaya ba nilang ipaalam, ipasunod o ipagalang ang Diyos sa atin? Ipinakita na sa atin ng mga katunayan na karamihan sa mga pastor at elder sa relihiyosong komunidad ay kinapopootan ang katotohanan at tinututulan ang Diyos; iyon ang tunay nilang pagkatao. Hindi nila isinasagawa ang mga salita ng Diyos o nararanasan ang Kanyang gawain. Hindi nila naiintindihan ang Kanyang kalooban o mga hinihingi sa anumang paraan, at tiyak na hindi nila naiintindihan ang Kanyang disposisyon, ang lahat ng kung anong mayroon Siya o ang lahat ng kung ano Siya. Samakatuwid, hindi nila kayang magsabi ng anumang tunay na kaalaman sa Diyos, at hindi nila kayang sumaksi sa banal na diwa o mga kaibig-ibig na katangian ng Panginoong Jesus. Nagpapaliwanag lang sila ng mga patay na salita sa Biblia at teolohikal na teorya o mga partikular na kwento ng mga karakter sa Biblia ay ang mga nasa likod ng kasaysayan para mapahanga at mapatingala sa kanila ang mga tao. Hindi nila dinadakila ang Panginoon ni sumasaksi sa Kanya sa anumang paraan.
Hindi lang iyan, nguni’t kadalasan ay ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang mga salita ng tao, tulad ng mga salita ni Pablo sa Biblia. Ayon kay Pablo, “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” (2 Timoteo 3:16), itinuturing nila ang lahat ng salita sa Biblia na parang ito ay mga salita ng Diyos. Nagdulot ito sa buong relihiyosong komunidad para ituring ang mga salita ng mga apostol bilang mga salita ng Diyos at sinasabi sa mga mananampalataya na isagawa at sundin ang mga ito. Sinisipi nila ang mga salita ng mga apostol nang higit at mas madalas kapag nagbibigay sila ng mga sermon, pagsasalamuha o pagpapatotoo. Gayunpaman, paunti nang paunti nilang sinisipi ang mga salita ng Diyos at ng Panginoong Jesus. Ano ang dinudulot nitong resulta? Ang huling resulta ay napalitan at napawalang-bisa ng mga salita ng tao ang lahat ng salita ng Diyos at ng Panginoong Jesus sa Biblia. Patuloy na lumiliit ang lugar ng Panginoong Jesus sa mga puso ng mga tao, habang patuloy na lumalaki ang katayuan ni Pablo at ng iba sa mga puso ng mga tao. Binigyang-daan nito ang mga salita ni Pablo at ang mga salita ng ibang tao sa Biblia na sakupin ang mga puso ng mga tao. Naniniwala tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, nguni’t sa totoo, nagpapatuloy lang tayo ayon sa mga sinulat ng ilang tao sa Biblia, tulad ng kay Pablo. Naglalakbay tayo sa ating sariling landas ng pananalig sa Diyos, gamit ang mga salita ng mga tao, lalo na ng mga salita ni Pablo na pumapalit sa mga salita ng Panginoong Jesus. Kung naniniwala tayo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba tayo tataliwas mula sa landas ng Panginoon? Paanong maaayon sa kalooban ng Diyos ang ganitong uri ng serbisyo? Halimbawa, minsang sinabi ito ng Panginoong Jesus tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit: “kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Gayunpaman, mas gustong ginagamit ng mga pastor at elder ang mga salita ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Itinuturo nila sa atin na hangga’t nagsusumikap tayo para sa Panginoon tulad ng ginawa ni Pablo, makakapasok tayo sa kaharian ng langit. Lubusan itong pagtataksil sa mga salita ng Panginoong Jesus. Ang resulta ay hindi alam ng karamihan sa ating mga mananampalataya kung paano sumunod sa kalooban ng Diyos. Mas nalalabuan tayo kung anong uri ng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ginagamit natin ang mga salita ni Pablo bilang mga kasabihan natin. Ipinapalit ng mga pastor at elder ang mga salita ng mga tao para sa mga salita ng Panginoon. Sa paggawa nito ibinubukod nila ang mga salita ng Panginoon. Ang resulta ay inaakay nila na malihis ang mga tao. Kapag ipinapaliwanag nila ang Biblia sa ganitong paraan, tinutulungan ba nila tayong maunawaan ang mga salita ng Panginoon? Dinadakila ba nila ang Panginoon o sumasaksi ba sila sa Panginoon? Inaakay ba nila tayo upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos? Sa tingin ko ay nasa direktang pagsasalungat sila sa Diyos, at napakaseryoso ng problemang ito! Kadalasang ipinapalit ng mga relihiyosong pastor at elder ang mga salita ng tao sa Biblia para sa mga salita ng Diyos. Dapat malinaw na sa atin ngayon ang mga kahihinatnan nito, tama? Paano na maniniwala ang napakaraming tao sa Panginoon nang maraming taon at hindi pa rin Siya kilala? Bakit hindi nila kailanman nararanasan ang mga salita ng Panginoon? Paano na ang mga taong naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan ay makakamtan ang katotohanan o buhay? Hindi ba’t ito ay dahil patuloy na ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang mga salita ng tao mula sa Biblia at hinihikayat tayong sumunod sa mga paliwanag nila?
Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay inilantad ang mga pastor at elder na ito, itong mga demonyong anticristo sa relihiyosong komunidad. Kung hindi, walang sinuman ang makakakita na ang kanilang pagdadakila at pagpapaliwanag sa Biblia sa katunayan ay ang kanilang traydor na paraan para malinlang at makontrol ang mga tao, ni hindi makikita ng sinuman ang katotohanan: Mga kaaway sila ng Diyos na nakatuon sa pagtatatag sa kanilang sariling hiwalay na kaharian. Tulad ng alam ng lahat, sa panahon ng Panginoong Jesus, dinakila at sumaksi ang mga Fariseo sa Biblia; sinubukan nilang ikinulong ang Diyos sa loob ng Biblia. Hindi nila kailanman hinangad ang katotohanan o hinanap ang mga yapak ng Diyos, at walang pakundangan nilang tinuligsa at nilabanan ang Panginoong Jesus dahil sa katunayang humigit sa Biblia ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus. Tulad din ng mga Fariseong iyon ang mga pastor at elder sa mga huling araw: Dinadakila at sumasaksi sila sa Biblia; binibigyang-kahulugan nila ang Diyos bilang ang Diyos sa Biblia. Nagpapakalat din sila ng mga kasinungalingan, nagsasabing, “Wala sa mga salita at gawain ng Diyos ang umiiral sa labas ng Biblia,” “Ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos. Kung iiwan ng isang tao ang Biblia, hindi na sila naniniwala sa Diyos.” Sinasabi nila ito para iligaw tayo sa paniniwala at pagpupuri sa Biblia nang walang taros. Ginagamit ng mga pastor at elder itong sikreto, pakubling mga pamamaraan para nakawin tayo mula sa Diyos, at paluhurin tayo sa harapan ng Biblia. Ito ang nagdudulot sa ating hindi namamalayang mawala ang ating relasyon sa Diyos. Tayong minsa’y naniwala sa Diyos ay naniniwala na lang ngayon sa Biblia. Nagiging Panginoon na ang Biblia sa ating mga puso, ang Diyos sa ating mga puso. Ang lugar ng Diyos sa puso ng mga mananampalataya ay hindi namamalayang nababawasan, kaya ang kanilang bulag na paniniwala at pagpupuri sa Biblia ay nagdudulot sa kanila na magpuri at sumunod sa mga iskolar ng Biblia, sa mga pastor at elder. May ipinagkaiba ba ang pagdakila at pagpapatotoo sa Biblia ng mga relihiyosong pastor at elder mula sa mga Judiong punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo? Walang wala. Ginagamit ng mga pastor at elder ang Biblia bilang kagamitan para makontrol ang relihiyosong komunidad at makamtan ang kanilang sariling mga ambisyon. Dinadakila nila ang Biblia at ipinapaliwanag nang wala sa konteksto para manlinlang at makontrol tayo. Inaakay nila tayo nang hindi halata sa landas ng pagsunod at pagpupuri sa mga tao at pagiging mga kalaban ng Diyos. Inililigaw nila ang maraming mga tao sa pag-iisip na ang pagpupuri sa Biblia at pagsunod sa Biblia ay pareho ng paniniwala sa Diyos, at pagkakaroon ng presensya ng Diyos. Samakatuwid, hindi hinahanap o pinag-aaralan ng mga taong ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at napapalampas ang kanilang huling pagkakataon na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon at madala sa kaharian ng langit. Ito talaga ang pinakatraydor at pinakatusong plano ni Satanas. Samakatuwid, makikita natin na ang mga pastor at elder sa relihiyosong komunidad ay isang grupo ng mga tunay na Fariseo at manggagantso! Mga bulaang pastol at anticristo sila na nagliligaw at kumokontrol sa mga hinirang na tao ng Diyos! Kontrolado ang relihiyosong komunidad ng grupo ng mga Fariseo at mga demonyong anticristo na tumututol sa Diyos. Matagal na panahon nang huminto itong maging komunidad kung saan magagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Naging mala-satanas na kampo na ito na itinuturing ang Diyos bilang kalaban. Matagal na panahon na itong naging dakilang lungsod ng Babilonia! Paanong hindi babagsak ang relihiyosong Babilonia sa ilalim ng poot ng Diyos?
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian