Naitala ng Bagong Tipan: “At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, ‘Kahabagan Mo ako, Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.’ Datapuwa’t Siya’y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan Siya ng kaniyang mga alagad at Siya’y pinamanhikan, na nangagsasabi, ‘Paalisin Mo siya; sapagka’t nagsisisigaw siya sa ating hulihan.’ Datapuwa’t Siya’y sumagot at sinabi, ‘Hindi Ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.’ Datapuwa’t lumapit siya at Siya’y sinamba niya, na nagsasabi, ‘Panginoon, saklolohan Mo ako.’ At Siya’y sumagot at sinabi, ‘Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso.’ Datapuwa’t sinabi niya, ‘Oo, Panginoon: sapagka’t ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.’ Nang magkagayo’y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, ‘Oh babae, malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo.’ At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon” (Mateo 15:22–28). Matapos basahin ang mga talatang ito, naramdaman ko na ang babaeng taga-Canaan ay may dakilang pananampalataya. Nang tawagin siya ng Panginoong Jesus na aso, nagawa pa rin niyang sambitin ang gayong mga salita, “sapagka’t ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.” Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita sa isang libro ay nakakuha ako ng bagong pag-unawa at kaalaman sa kuwentong ito, at medyo nalaman kung bakit pinuri ng Panginoong Jesus ang pananampalataya ng babaeng taga-Canaan.
Sinasabi ito sa libro: “Bakit pinuri ng Panginoong Jesus ang pananampalataya ng ganitong tao? Ito ay hindi dahil sa handa siyang maging isang aso, ni dahil sa handa siyang kainin ang mga mumo ng tinapay. Pumapangalawa lang ang lahat ng ito. Ano kaya itong ikinapuri ng Panginoon sa kanya? Ito ay dahil siya ay walang pakialam kung nakita siya ng Panginoong Jesus bilang isang aso, isang tao, o bilang ang demonyong si Satanas. Wala siyang pakialam kung paano Niya siya nakita. Ang pinakamahalagang punto ay itinuring niya ang Panginoong Jesus bilang Diyos, at tiniyak niya na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, at maging ang Diyos. Ito ay isang katotohanan at isang katunayan na walang hanggang di-nagbabago. Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos, ang Panginoon, ang Isa na nagpatibay ng ganoon sa kanyang puso, at sapat na iyon. Hindi alintana kung iniligtas siya o hindi siya iligtas ng Panginoong Jesus, kung nakikita Niya siya bilang isang taong makakasabay kumain sa mesa, o bilang isang disipulo, o isang tagasunod, o kung nakikita Niya siya bilang isang alagang aso o bantay na aso, ayos lang lahat ito, wala siyang pakialam. Sa anumang kalagayan, sapat na para sa kanya na kilalanin na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon ng kanyang puso; ito ang kanyang pinakadakilang pananampalataya” (“Ang Tao ang Pinaka-Nakikinabang sa Plano ng Pamamahala ng Diyos”).
Matapos basahin ang siping ito ng mga salita, naintindihan ko ang dahilan kung bakit pinuri ng Panginoong Jesus ang pananampalataya ng babaeng taga-Canaan ay dahil ang kanyang pananampalataya sa Kanya ay ganap na totoo. Sa oras na iyon, nang mabalitaan niya ang tungkol sa paraan ng pangangaral ng Panginoong Jesus at mga palatandaan at kababalaghang ginawa Niya, tiniyak niya sa kanyang puso na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos, ang Isa na dapat niyang sambahin at tingalain. Samakatuwid, wala siyang pakialam sa kung paano siya tinignan ng Panginoon, o ang pag-uugali Niya sa kanya o sa kung anong pamamaraan ang pagtrato Niya sa kanya. Hindi niya alintana kung itinuturing siya ng Panginoon bilang isang aso o isang tagasunod. Naisip niya na ang pagtingin sa kanya ng Panginoon o sa kung anong pakikitungo Niya sa kanya ay Kanyang pansariling desisyon. Sa kanyang puso, itinuring niya ang Panginoong Jesus bilang Diyos, bilang ang Lumikha, at nagtitiwala at tinitingala Siya. Sa gayon, nang siya ay humingi ng tulong sa Panginoon, nagawa niyang magkaroon ng katinuan ng isang nilalang: Anumang gawin ng Diyos, sa kanyang puso ang posisyon at pagkakakilanlan ng Diyos ay hindi nagbabago. Ang ganitong uri ng pananampalataya ay ang totoong pananampalataya, ito ay talagang pambihira at natatangi, at ito rin ang mismong bagay na pinaka-kinakasihan ng Diyos.
Gayunpaman, sa proseso ng ating pagsunod sa Diyos, madalas na ang ating pananampalataya sa Diyos ay naitatatag sa nakikita mismo ng ating mga mata. Halimbawa, kapag nakakaharap tayo ng mga paghihirap o pagsubok, kung sinasagot ng Diyos ang ating mga panalangin, binubuksan ang isang landas para sa atin, at tinutulungan tayong malutas ang mga paghihirap, magiging puno tayo ng tiwala sa Kanya; ngunit sa sandaling hindi tugunan ng Diyos ang ating mga panalangin at hindi nilutas agad ang ating mga paghihirap, ang ating pananampalataya sa Kanya ay nagiging mas maliit. Ang mas masahol pa, ang ilang mga tao, kahit na naniniwala sa Diyos, ay hindi talaga tinatrato ang Diyos bilang Diyos, kundi nais lamang na magkamit ng mga pagpapala mula sa Kanya; ang ilang mga tao ay sinisisi ang Diyos kapag hindi Niya napunan ang kanilang mga hinihingi pagkatapos nilang magbayad ng anuman; ang ilang mga tao, kapag nahaharap sa mga hindi magagandang bagay sa kanilang buhay, ay sisisihin ang Diyos na hindi sila pinoprotektahan. … Humihingi tayo ng mga hindi makatwirang kahilingan sa Diyos. Ito ba’y pagturing sa Diyos bilang Diyos? Mayroon bang anumang lugar para sa Diyos sa ating mga puso? Ang dahilan kung bakit mayroon tayo ng ganitong mga pagpapamalas ay dahil wala tayong anumang kaalaman tungkol sa diwa ng Diyos, sa gayo’y tinatrato lamang Siya bilang isang ordinaryong tao. Bagaman naniniwala tayo sa Diyos, ang Diyos ay wala mula sa ating pananampalataya—wala tayong puso na may takot sa Kanya, lalo na ang isang pusong gumalang sa Kanya. Ito ay isang kakila-kilabot na bagay.
Pagkaraan, binasa ko ang marami pang mga salita sa librong iyon: “Ang layunin ng paghahangad ng mga tao sa katotohanan ay upang sundin ang Diyos. Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, kung anong anyo Siya nagpapakita o kung anong pamamaraan ang ginagamit Niya upang makipag-usap sa iyo, ang posisyon na mayroon ang Diyos sa iyong puso ay hindi maaaring magbago, ang iyong pagpipitagan sa Diyos ay hindi maaaring magbago, ang distansya sa pagitan mo at ng Diyos ay hindi maaaring magbago at ang iyong tunay na pananampalataya sa Diyos ay hindi maaaring magbago; sa iyong puso, ang diwa ng Diyos at ang Kanyang posisyon ay hindi maaaring magbago. Iyon ay, kaya mong pamahalaan ang iyong ugnayan sa Diyos nang napakahusay, sa isang angkop, makatwirang paraan, na may mga guhit at hangganan. Ngunit kung hindi mo hahanapin ang katotohanan, ang puntong ito ay mahirap maabot at napakahirap magawa” (“Ang Tao ang Pinaka-Nakikinabang sa Plano ng Pamamahala ng Diyos”). Mula sa mga salitang ito, makikita natin na napakahalaga na hangarin ang katotohanan sa ating paniniwala sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan makakamit natin ang pagsunod sa Diyos, at tanging kapag tunay nating sinusunod ang Diyos na maaari tayong maniwala sa Diyos nang may katwiran, at sumamba sa Lumikha sa kakayahan ng Kanyang mga nilikha. Sa oras na iyon, gaano man karami ang ginawa ng Diyos at ang Kanyang mga pamamaraan ng paggawa ay hindi naaayon sa ating sariling mga kuru-kuro, matatanggap at susundin natin Siya, nang hindi nagsasabi ng anumang mga kadahilanan. Sa gayon, maaari tayong maging katulad ng babaeng taga-Canaan: Paano man tayo pinakikitunguhan ng Diyos o kung pinagpapala man Niya tayo, nananatili tayo sa posisyon ng isang nilikha, at naniniwala at sumasamba sa Kanya sapagkat kinikilala natin na ang Diyos ay Diyos. Sa ganitong paraan, nagagawa nating tratuhin ang Diyos bilang Diyos, ang ating pantaong pandama ay magiging mas normal, at makatatayo tayo sa lugar ng mga nilikha na tao at sambahin ang Lumikha; ang gayong pananampalataya ay talagang ninanais ng Diyos. Kung mayroon tayong pananampalataya sa Diyos nang gaya sa babaeng taga-Canaan, matatanggap natin ang mga pagpapala at pagsang-ayon ng Diyos nang madalas. Taglay mo ba ang pananampalataya ng babaeng taga-Canaan?