Ito ay nakapropesiya sa Bibliya, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20), at “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27). Malinaw na sinasabi sa atin ng mga propesiya na ito na ang Panginoon ay babalik sa mga huling araw upang ipahayag ang Kanyang mga salita at hahanapin ang Kanyang mga tupa, at kikilalanin Siya ng mga tupa ng Diyos sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang tinig, susundan ang Kanyang mga yapak, at pagkatapos ay lalapit sa Kanya. Kaya, sa pagsalubong sa Panginoon, ang pinakamahalagang bagay ay ang makinig sa tinig ng Diyos. Kung naririnig natin ang tinig ng Diyos at tinatanggap at sumusunod sa Kanya, sa gayon magiging mga matalino tayong mga dalaga at masasalubong ang Panginoon.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod” (Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).
Kapag naririnig natin ang isang taong nangangaral ng balita ng pagbabalik ng Panginoon, paano natin makikilala ang tinig ng Diyos? Ano ang mga pangunahing punto upang makilala ang tinig ng Diyos?
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)
Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)