Sabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Sabi ng Diyos, “Kung ang mga salita man na sinabi ng Diyos ay payak o malalim sa tingin, lahat ng iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao sa pagpasok niya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang doktrina at paniniwala para sa pagpapatakbo ng pang-araw-araw na buhay; ang daan, layunin, at direksyon na dapat daanan upang makatanggap ng kaligtasan; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagsasanhi sa tao na maging malakas at tumayo. Sagana ang mga iyon sa katunayan ng katotohanan ng normal na pagkatao tulad ng pagsasapamuhay nito ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan sa pamamagitan nito ang sangkatauhan ay nakakatakas mula sa kasamaan at nakakaiwas sa mga patibong ni Satanas, mayaman sa walang-pagod na pagtuturo, panghihikayat, pagpapalakas ng loob, at kaaliwan na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagliliwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay magsasabuhay at magtataglay ng lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay ay lahat sinusukat, at ang tanda sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa daan ng liwanag.”
Pinalinaw ng husto ng mga salita ng Diyos na ang salita lamang ng Diyos ang katotohanan at maaaring maging buhay ng tao. Kaya, ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay maaaring magbigay sa mga tao ng landas ng pagsasagawa at nagtutustos sa kanilang buhay. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay labis na nagawang tiwali, hindi alam kung paano mamuhay o kung paano sumamba sa Diyos. Ginamit ng Diyos na Jehova si Moises upang maghayag ng mga batas at utos, para ang mga tao ay matutong sumamba sa Diyos. Kung ang sinuman ay tumupad sa mga salitang ito ng Diyos, siya ay pagpapalain ng kaligtasan ng Diyos. Ang mga batas at utos na ito ay mga salita ng katotohanan, at sila ang pagkakaloob ng buhay na kailangan ng sangkatauhan sa panahong iyon. Sa huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay paulit-ulit na nagkasala, bigo na sundin ang mga batas, at hinarap nila ang panganib na maparusahan at mapatay ng mga batas. Ang pagparito ng Panginoon ay nagdala ng handog ng kasalanan at bagong landas ng pagsasanay. Tinuruan Niya ang mga tao na mangumpisal at magsisi pagkatapos gumawa ng kasalanan at upang ipakita ang pagpaparaya at pagpapasensya sa kanilang buhay, at iba pa. Ang mga salitang ipinahayag ng Panginoon ay lahat ng lubhang kinakailangan ng mga tao ng panahong iyon at higit na pagkakaloob ng buhay para sa tao. Kahit na pinatawad tayo sa mga kasalanan matapos na matubos ng Panginoong Jesus at tinatamasa ang labis na biyaya at pagpapala ng Diyos, hindi maikakaila na nabubuhay pa rin tayo sa kasalanan at hindi maalis ang ating sarili at hindi natin lubos na naiwaksi ang kasalanan at natamo ng Diyos. Iprinopesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). At sinabi ng Bibliya, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17), at “Sa harap ni Jehova; sapagka’t Siya’y dumarating: sapagka’t Siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng Kaniyang katotohanan ang mga bayan” (Awit 96:13). Mula sa mga salitang ito, makikita natin na darating ang Diyos sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan para hatulan at dalisayin ang tao at iligtas siya mula sa pagkaalipin ng kasalanan nang makamit ng mga tao ang kaligtasan at makapasok sa makalangit na kaharian.
Nais mo bang malaman ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Inirerekomenda naming mapanood mo ang video na ito: Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan