Sa mga nagdaang taon, ang mga lindol, pagbaha, ang pandemya, mga taggutom, giyera, at iba pang mga sakuna ay lumalago sa mundo. Lalo na nitong 2,000 taon, ang pandemya ay nagngangalit sa buong mundo. Maraming tao ang nakapagtanto na ang mga sakuna ng wakas ng panahaon ay nagsimula na. Sa harap ng matitinding sakuna, natatagpuan natin ang ating mga sarili bilang aba at nakakaramdam ng pagkatakot at kawalang-magawa. Kung gayon, mas nagiging sabik ka ba na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon at makamit ang proteksyon ng Diyos sa mga sakuna? Bakit hindi basahin ang mga talatang ito ng Bibliya at mga salita ng Diyos patungkol sa mga sakuna gaya ng mga taggutom, pandemya, at mga giyera? Matutuklasan mo kung bakit sumasambulat ang mga sakuna at kung paano magtamo ng proteksyon.
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.
At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.
Natupad na ang mga propesiya sa pagbalik ng Panginoon, kumakatok ang Panginoon, paano natin Siya sasalubungin? Sumali sa aming mga online meeting upang malaman.
“Narito, ako'y madaling pumaparito” (Pahayag 22:12)! Ito ang pangako ng Panginoong Jesus sa mga tao 2,000 taon na ang nakakaraan. Ngayon ang mga sakuna ay nagaganap, kung saan ay tumpak na tumutupad sa mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Nagbalik na ang Panginoon at nagpahayag ng katotohanan upang gawin ang gawain ng paghahatol at pagdadalisay sa sangkatauhan na ganap na magliligtas sa tao mula sa gapos ng kasalanan, upang magkaroon tayo ng pagkakataong makaligtas sa mga sakuna at madala sa kaharian ng langit. Ang pagpapaulan ng mga sakuna ay isang paraan kung saan inililigtas tayo ng Diyos. Kung gayon, paano natin masasalubong ang Panginoon at mahahanap ang tanging paraan para magkamit ng proteksyon? Magpatuloy sa pagbabasa.
Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.
Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Dahil dito, yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipinapahayag ang katotohanan, at magiging naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos.
Hinango mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nakikita natin na ang susi sa pagtanggap sa Panginoon ay ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Kapag naririnig ang ilang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik na at nagpahayag ng mga salita, dapat tayong magmadaling magsaliksik upang makinig sa mga salita ng Panginoon. Kapag nakilala natin ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng nagbalik na Panginoon at namasdan ang pagpapakita ng Diyos, dapat nating tanggapin at sundin ang Diyos. Ito ang pagsalubong sa Diyos at pagpipiging kasama Niya. At kung gayon ay magkakaroon tayo ng pagkakataon na matamo ang pangangalaga ng Diyos sa panahon ng mga sakuna.
Nananabik ka ba sa pagbabalik ng Panginoon? Nais mo bang higit pang makinig sa mga salita ng nagbalik na Panginoon at salubungin Siya sa lalong madaling panahon? Malayang makipag-ugnayan sa amin at ibabahagi namin ang mga salita ng Diyos sa iyo.
Pinalawig na Pagbabasa