Naranasan mo na ba ang gayong mga problema: Hindi sinasagot ng Diyos ang iyong mga dasal at hindi mo alam kung paano manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos? Huwag kang mag-alala! Makinig sa mga sumusunod na mga Christian praise and worship tagalog prayer songs at makikita mo ang paraan upang ang iyong mga panalangin ay madinig ng Diyos.
I
Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag. Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag. Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon.
II
Kaya ang mga hindi nananalangin ay patay na walang espiritu. Hindi sila maaaring maantig ng Diyos, hindi masusunod ang gawain ng Diyos. Ang mga taong hindi nananalangin ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay, may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan. Ang mga taong hindi nananalangin ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay, may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan.
III
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Natupad na ang mga propesiya sa pagbalik ng Panginoon, kumakatok ang Panginoon, paano natin Siya sasalubungin? Sumali sa aming mga online meeting upang malaman.
I
Matapos likhain ng Diyos ang tao, pinagkalooban Niya sila ng mga espiritu, at sinabi sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Kanya, sila'y malalayo sa Kanyang Espiritu, at ang “makalangit na pagsasahimpapawid” ay hindi matatanggap sa lupa. Sa mga pagsamo ng sangkatauhan, ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan. Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila, pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila. Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban, at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas para maglaro ayon sa gusto nito.
II
'Pag wala ang Diyos sa espiritu ng tao, isang bakanteng upuan ang naiiwan. Sinasamantala ni Satanas na pumasok. Ngunit kapag nakipag-ugnayan sila sa Diyos sa kanilang puso, si Satanas ay natataranta at nagmamadaling tumakas. Sa mga pagsamo ng sangkatauhan, ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan. Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila, pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila. Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban, at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas para maglaro ayon sa gusto nito.
III
Kung tao'y laging nakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos, 'di mangangahas si Satanas na humadlang. Kung wala ang paghadlang ni Satanas, ang mga tao'y mamumuhay nang normal, at makakikilos ang Diyos sa kanila nang walang anumang sagabal. Sa ganitong paraan, ang nais gawin ng Diyos ay makakamit sa pamamagitan ng sangkatauhan. Sa mga pagsamo ng sangkatauhan, ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan. Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila, pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila. Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban, at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas para maglaro ayon sa gusto nito.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
I
Sa pagdarasal kailangan mong pumayapa, at maging tapat. Sa Diyos tunay na makipagniig. 'Wag Siyang lokohin sa magandang salita. Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa 'yo, sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.
II
Pagdarasal isentro sa matatapos Niya ngayon. Hilinging mas malinawan ka, dalhin problema mo sa Kanya at iparating ang iyong pasiya. Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa 'yo, sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.
III
Pagdarasal di para sumunod sa proseso kundi hanapin ang Diyos. Hilinging puso mo'y ingatan Niya. Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos. At sa paligid na inayos para sa 'yo, sarili'y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan. Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos, at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos, magiging mapagmahal ka sa Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
I
Ang dalanging tunay ay mula sa puso. Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos. Pakiramdam mo'y napakalapit mo sa Kanya, at tila Siya ay kaharap mo. Ibig sabihin nito'y marami kang masasabi sa Diyos, puso mo'y umaalab na parang araw, ika'y napupukaw ng kariktan ng Diyos, ang mga nakakarinig ay naluluguran. Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa't kagalakan, ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas, ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama; at lahat ito'y magiging patunay na dalangin mo'y tunay.
II
Ang dalanging tunay ay walang pormalidad at di lang pagbibigkas. Ito ay hindi panggagaya ng iba. Sambitin mo ang nasa iyong puso at nang pukawin ka ng Diyos. Upang maging mabisa ang mga dalangin mo, salita ng Diyos ay dapat mong basahin. Makikita lamang ang kaliwanagan kung salita Niya'y batayan ng dalangin.
III
Dalanging tunay ay napapakita ng pusong nagnanais ng nais ng Diyos, kagustuhang ito'y mangyari, at pagkamuhi sa mga ayaw Niya. At batay sa alam mo, malinaw lahat ang katotohanang sinasabi ng Diyos, may matibay na pananampalataya at paraan upang ito’y isabuhay. Ito lamang ang dalanging tunay. Oo, ito lamang ang dalanging tunay. Ang dalanging tunay ay magdadalang kapayapaa't kagalakan, ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas, ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama; at lahat ito'y magiging patunay na dalangin mo'y tunay. Oo, ang mga dalangin mo ay tunay.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
I
O Diyos! Sana ang Iyong Espiritu ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa mundo, upang ang aking puso ay lubos na bumaling sa Iyo, upang maantig ang aking espiritu, at maaari kong makita ang Iyong kagandahan sa aking espiritu at sa aking puso, at silang nasa mundo ay maaaring makita ang Iyong ganda. O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago. O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, O Diyos. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan. at hindi ito kailanman magbabago, O Diyos!
II
Ang unang ginagawa ng Diyos ay subukin ang ating mga puso. Aantigin Niya ang ating mga espiritu kapag ibinubuhos natin ang ating mga puso sa Kanya. Tanging sa espiritu natin maaaring makita na ang Diyos ay dakila, Siya ay napakaganda at kataas-taasan. Ito ang landas ng Espiritu sa tao. O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago. O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, O Diyos. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan. at hindi ito kailanman magbabago. O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago. O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, O Diyos. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago, o Diyos, o Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Pakinggan natin ang himnong ito na nagpapahayag ng damdamin ng mga piniling tao ng Diyos.
I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono, inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos. Nawa'y pagpalain ng Diyos ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita, na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon. Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos. Nawa'y kumawala ang sangkatauhan sa gapos ng kanilang paniniwala, sa ganoo'y hanapin nila at suriin ang tunay na daan. Ang lahat ng mga pinili ng Diyos nawa'y sumunod sa mga yapak ng Kordero. Nawa'y makamtan ng sangkatauhan ang pagtustos ng salita ng Diyos ng hindi na mauhaw ang kanilang espiritu. Nawa'y matutunan ng sangkatauhan na magkaroon ng pagkaunawa at nang hindi na malinlang ng mga kasinungalingan ni Satanas. Nawa'y patnubayan tayo ng Diyos upang maipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa Kanya. Nawa'y palaging kasama ng Diyos ang Kanyang bayan, panatilihin tayong nabubuhay sa Kanyang pagmamahal.
II
Nawa'y bigyang liwanag tayo ng Diyos, nang maunawaan natin ang Kanyang salita at malaman ang Kanyang kalooban. Nawa'y pakamahalin ng mga tao ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Nawa'y lagi tayong hatulan at disiplinahin ng Diyos, nang matapat nating matupad ang ating tungkulin. Nawa'y bigyan pa tayo ng Diyos ng mas maraming pagsubok, nang ang ating mga disposisyon ay magbago. Nawa'y malaman ng lahat ng tao ang mabuti sa masama, isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos. Nawa'y parusahan ng Diyos ang mga gumagawa ng masama, upang maging payapa ang buhay sa iglesia. Nawa'y perpektuhin ng Diyos ang mas maraming tao upang maging kaisa ng Kanyang puso at kaisa ng Kanyang isipan. Nawa'y lahat ng tao ay mag-alay ng tunay na pagmamahal sa kaibig-ibig na Diyos. Nawa'y pagpalain ng Diyos ang lahat ng nagbabalik sa Kanya, upang lahat tayo ay mabuhay sa liwanag.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
» Narito ang ilang mga kapaki-pakinabang na mga artikulo tungkol sa panalangin para sa iyo:
• Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw
• 4 na Elementong Kailangan Upang Dinggin ng Diyos ang Iyong Panalangin
• Panalangin sa Diyos—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa
• Panalangin sa Diyos: Naalis Ko sa Aking Sarili ang Kaba Bago ang Pagsusulit