Ito ang kritikal na oras ng pagdating ng Panginoon sa mga huling araw. Maraming tao ang saksi na nagbalik na ang Panginoon, ngunit sinabi ng Pastor na walang nakakaalam kung kailan darating ang Panginoon, dahil sinasabi sa Biblia: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Kung kaya’t lahat ng mga balitang nagsasaad na nagbalik na ang Panginoon ay mali. Isa pa, sinabi niya sa’ming huwag makikinig, manonood o lalapit sa ganoong klase ng balita baka sakaling malinlang kami. Totoo ba talaga ang mga salita niya? Kung talagang nagbalik na nga ang Panginoon at hindi tayo makikinig, manonood o lalapit sa mga nakasaksi ng pagbabalik ng Panginoon, magagawa ba nating salubungin ang Panginoon? Ngayon tayo ay magbabahagian tungkol sa isyung ito.
Sa katunayan, ang taludtod na “tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam” ay hindi nangangahulugang walang nakakaalam pagkatapos na bumalik ang Panginoon. Ang ibig sabihin niyon ay walang nakakaalam ng petsa at oras na darating ang Panginoon. Mayroong makakakilala sa Panginoon matapos Siyang bumalik. Kung hindi, paanong ang mga salita ng Panginoong Jesus na “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6) ay matutupad? At ang taludtod na “pagkahating gabi ay may sumigaw” ay nagpapakita na mayroong makakaalam sa sandaling dumating ang Panginoon.
Gaya sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Kahit na hinulaan ng mga propeta na ang Mesiyas ay darating, walang nakaalam kung anong oras at kung paano Siya darating. Nang magsimula nang kumilos at mangaral ang Panginoon Jesus, maraming tao ang nakakilala sa Kanya. Katulad niyon, walang nakakaalam ng petsa at oras ng pagbabalik ng Panginoon. Ngunit kapag bumalik na ang Panginoon at nagsimulang kumilos, siguradong may makakakilala sa Kanya. Ang mga makakakilala sa Panginoon ay ikakalat iyon at magiging saksi ng Kanyang pagbabalik.
May maaaring magtanong: Paano natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon kung hindi natin alam ang eksaktong petsa ng Kanyang pagdating?
Minsang sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo Niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Lahat ng mga taludtod na ito ay ipinapakita na magsasalitang muli ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik na. Ang matatalinong birhen ay sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon dahil lamang narinig nila ang tinig ng Panginoon na nagsasabing maaari silang dumalo sa piging ng Panginoon. Dapat tayong lumabas upang hanapin ang mga bagong salita ng Panginoon tulad ng ginagawa ng mga matatalinong birhen. Kapag narinig natin ang anunsiyo na parating na ang kasintahang lalaki, dapat tayong lumabas at salubungin ang Panginoon. Kung magagawa nating makilala ang tinig ng Diyos, sasalubungin natin ang pagbabalik ng Panginoon at susundin ang mga yapak ng Diyos, hindi ba?
Tapusin na natin ang pagbabahagi ngayon. Inaasahan kong makakatulong ito sa bawat isa sa inyo.
Inirerekomenda para sa iyo: