Read more!
Read more!

Kapag Dumating ang Panginoon na Kumakatok sa Pintuan, Paano Tayo Sasagot

Pagkapasok ko sa paniniwala sa Panginoon, gustong awitin ng mga kapatid ang himnong tinatawag na “Ang Mabuting Tao ay Kumakatok sa Pintuan” na ganito: “Ang mabuting tao ay kumakatok sa pintuan, Ang Kanyang buhok ay basa sa hamog; kaagad tayong bumangon at buksan ang pintuan, at huwag hahayaan ang mabuting tao na tumalikod at umalis. …” Sa bawat pagkakataong inaawit namin ang himnong ito, ang aming mga puso ay lubos na naaantig at napupukaw. Nais naming lahat na hilingin sa mabuting tao na magpalipas ng gabi, kaya pagdating ng mabuting tao at kakatok sa pintuan sasalubungin natin ang Panginoon sa unang pagkakataon na maririnig natin ang tinig ng mabuting tao. Maaaring sabihin na lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay mayroong ganoong pag-asa. Ngunit pagdating ng Panginoon, paano Siya kakatok? Kapag kumatok ang Panginoon, ano ang dapat nating gawin upang matiyak na tinatanggap natin Siya bilang Panginoon? Ito ay isang bagay na dapat pag-isipan ng mga tao na naniniwala sa Panginoon.

Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang gawaing pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga balita ng mga himala na ginawa ng Panginoon at ang salita ng Panginoon ay lumaganap sa buong bayan ng Judea. Ang Kanyang pangalan ay naging sanhi din ng isang malaking kaguluhan sa buong Judea, at para sa mga tao sa panahong iyon ang pagkatok sa pintuan ay ang mga disipulo na pinangungunahan ng Panginoong Jesus na ipinangangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa bawat dako. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Ang Panginoon ay umaasa na ang mga tao ay lalapit sa harap ng Panginoon upang magsisi at magkumpisal ng kanilang mga kasalanan. Sa paggawa nito, ang kanilang mga kasalanan ay patatawarin, at sila ay makalalaya sa paghatol at pagsumpa ng kautusan at tutubusin ng Diyos. Sa panahong iyon, maraming mga Hudyo ang nakasaksi sa mga himala na isinagawa ng Panginoong Jesus. Napansin din nila ang awtoridad at kapangyarihan sa salita ng Panginoon, kagaya ng nagawang pakainin ng Panginoong Jesus ang 5,000 katao sa pamamagitan ng limang piraso ng tinapay at dalawang isda. Sa pamamagitan ng isang salita, nagawa ng Panginoong Jesus na mapakalma ang hangin at ang dagat, gayundin ang pabangunin si Lazaro sa kanyang puntod pagkatapos mamatay sa loob ng tatlong araw…. Alinsunod sa mga salita ng Panginoong Jesus, anumang sinambit ay matutupad, na nagtutulot sa atin upang makita ang awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Panginoon. Mayroon ding mga salita ng Panginoong Jesus na nagtuturo sa mga tao at at sumasaway sa mga Fariseo. Ang mga salitang ito ay katotohanan at hindi mga salita na ating mabibigkas. Ang mga salita na sinambit ng Panginoong Jesus at ang mga bagay na Kanyang ginawa ay naghahayag sa disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Ipinahahayag ng mga ito ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos at nagpaalog sa mga puso ng mga tao. Narinig na ng mga Hudyo ng panahong iyon ang tunog ng pagkatok ng Panginoon, ngunit paano nila tinrato ang Panginoon?

Nalalaman nang malinaw ng mga paring Hudyo, mga escriba, at mga Fariseo ng panahong iyon na ang mga salita na sinabi ng Panginoong Jesus at ang mga himala na Kanyang ginawa ay galing lahat sa Diyos, ngunit ni wala silang mga puso na gumagalang Sa Diyos. Hindi nila hinangad o siniyasat ang gawain ng Panginoon, ngunit nakakapit lamang sa mga salita ng mga hula sa Biblia, naniniwala na ang darating ay tatawaging Emmanuel o Mesias, at ipanganganak ng isang dalaga. Nang makita nila si Maria na mayroong siyang asawa, napagtanto nila na ang Panginoong Jesus ay hindi ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at na hindi Siya ipinanganak ng isang dalaga. Gumawa rin sila ng mga paghatol paano man nila maibigan at sinabi na ang Panginoong Jesus ay anak ng isang karpintero at kaya isa lamang ganap na karaniwang tao. Ginamit nila ito upang ikaila at paratangan ang Panginoong Jesus. Umabot pa sila hanggang sa pagsasabi ng masama laban sa Panginoong Jesus at sinasabi na umasa Siya kay Beelzebub, ang pinuno ng mga demonyo, upang magpalayas ng mga demonyo. Sa bandang huli, sumama sila sa pamahalaan ng Roma sa pagpapako sa krus sa Kanya. Karamihan sa mga Hudyo ay naniniwala na dapat ipinanganak ang ating Panginoong Jesus sa templo, at na Siya ay magiging kanilang hari upang iligtas sila sa pamamahala ng Roma. Nang ipinalalaganap ng mga Fariseo ang mga usap-usapan at sinisiraang-puri at hinahatulan ang Panginoong Jesus, sila ay naging bulag na tagasunod lamang nang walang anumang diskriminasyon sa anumang paraan. Sa pagitan ng pagliligtas ng Panginoong Jesus at ang mapanirang mga salita na sinabi ng mga Fariseo, pinili nilang makinig sa mga usap-usapan at mga kasinungalingan ng mga Fariseo, at itinakwil ang landas na ipinangaral ng Panginoong Jesus. Nang kumatok ang Panginoon sa pintuan, isinara nila ang kanilang mga puso sa Panginoon. Kagaya lamang ng sinabi ng Panginoong Jesus: “At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi, Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mamamalas: Sapagka’t kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila’y aking pagalingin(Mateo 13:14-15). Dahil tumanggi silang makinig sa tinig ng Panginoon at hindi tinanggap ang gawaing pagliligtas ng Panginoon, pinakawalan ng mga Hudyong ito ang kanilang pagkakataong sumunod sa Panginoon. Bilang resulta sa pagtutol sa Diyos, sinalubong sila ng pagpaparusa ng Diyos, na nagdulot ng 2000 taong pagkawasak sa Israel. Sa kabaligtaran, ang mga disipulo na sumunod sa Panginoong Jesus sa panahong iyon kagaya nina Pedro, Juan, Santiago, at Nathanael ay mayroong mga puso na umiibig sa katotohanan. Hindi sila umasa sa kanilang sariling mga pagkaunawa at mga imahinasyon sa kung paano nila tinrato ang salita at ang gawain ng Panginoong Jesus, ngunit naghangad nang tapat, maingat na nagsiyasat, at nakamit ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Narinig nila ang tinig ng Diyos at kinikilala na ang Panginoong Jesus ay ang Mesias na darating, at kaya sinundan nila ang mga yapak ng Panginoon at tinanggap ang pagliligtas ng Panginoon. Makikita natin na ang kabiguan ng mga Fariseo at ng mga Hudyo ay dahil sa umasa lamang sila sa literal na kahulugan ng hula sa Biblia upang tanggapin at kilalanin ang pagpapahiwatig at gawain ng Diyos. Ito ang nag-udyok upang sila ay maging mga taong naniniwala sa Diyos subalit tinututulan ang Diyos. Makikita natin mula rito na kung tinatrato ng mga taong naniniwala sa Diyos ang bagong gawain ng Diyos sa batayan ng kanilang sariling mga pagkaunawa at mga imahinasyon, hindi lamang sa hindi nila masasalubong ang pagdating ng Panginoon, ngunit maaari silang agad na mapabilang sa mga naniniwala sa Diyos gayunman ay tinututulan Siya. Hindi ba nakapanghihinayang ang ganoon? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin(Mateo 5:3,6). Makikita natin dito na matatanggap lamang natin ang pagbabalik ng Panginoon kung tayo, kagaya ni Pedro at ni Juan, naririnig ang tinig ng Panginoon, mayroong mga puso na nagugutom at nauuhaw sa pagkamakatuwiran, at aktibong naghahangad at nagsisiyasat.

Sa kasalukuyan, ang mga hula sa ikalawang pagparito ng Panginoon sa mga huling araw ay pangunahin ng natupad. Sa muling pagdating ng Panginoon sa mga huling araw, dapat tayong maging mas mapagmatyag at handa, dinggin ang tinig ng Diyos, at magkaroon ng mga puso na naghahangad at nasasabik para sa pagkamakatuwiran upang hintayin ang Panginoon na kumatok sa pintuan anumang oras. Sa ganitong paraan lamang natin matatanggap ang ikalawang pagparito ng Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12-13). Hinulaan din ito nang maraming beses sa kabanata 2:29 ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Makikita natin sa mga banal na kasulatan na sa pagdating ng Panginoong Jesus ay magsasalita Siyang muli at gagawa ng bagong gawain. Ito ang Panginoon na kumakatok sa pintuan para sa atin, Siya rin ang gumagamit ng Kanyang mga salita upang kumatok sa pintuan ng ating mga puso. Ang lahat ng mga nakakarinig sa mga pagbigkas ng Panginoon at aktibong naghahangad at nakikinig nang mabuti sa tinig ng Panginoon ay matatalinong dalaga. Kung makikilala nila na ang Panginoon ang nagsasalita matatanggap nila ang pagbabalik ng Panginoon at makakamit ang pagdidilig at panustos ng salita ng Diyos. Tinutupad nito ang salita ng Panginoon: “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu(Joel 2:29). Ang Panginoon ay tapat, at tutulutan Niya ang nasasabik at naghahangad sa Kanya na dinggin ang Kanyang tinig sa panahong ito. Gayunpaman, mahirap para sa ating mga taong maarok ang karunungan ng Diyos, at ang kung paano kakatok sa pintuan ang Panginoon sa pagbalik Niya ay hindi magiging kagaya ng sa ating mga pagkaunawa at mga imahinasyon. Maaaring isang taong tumatawag “ang Panginoon ay nagbalik na!” sa atin. Kagaya lamang ito ng babala sa atin ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). Maaari din nating marinig ang tinig ng Diyos mula sa mga iglesia na nagpapalaganap sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, o mula sa internet, radyo, Facebook, o kahit saan at makikita ang Diyos na nagsasalita sa lahat ng mga iglesia. Gayunman, paano man kumatok ang Panginoon sa ating mga pintuan, hindi natin talaga dapat tratuhin ang pagkatok ng Panginoon kagaya ng ginawa ng mga Hudyo. Hindi dapat natin tanggihan ang paghahangad at pagsisiyasat batay sa ating mga pagkaunawa at mga imahinasyon ni basta na lang maniniwala sa mga kasinungalingan at mga usap-usapan. Sa paggawa nito maitatakwil natin ang pagtawag ng Panginoon at mapakakawalan natin ang ating pagkakataon na salubungin ang Panginoon at umakyat sa kaharian ng langit. Hinuhulaan ng Aklat ng Pahayag: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko(Pahayag 3:20). Sinasabi ng Panginoong Jesus: “Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7). Ang kalooban ng Diyos ay ang maging matatalinong dalaga tayo at palaging maging mapagmasid sa pakikinig sa tinig ng Panginoon. Kapag narinig natin ang tinig ng Panginoon dapat natin itong tingnan nang may bukas na isip at taimtim na siyasatin, at kapag nakilala natin ang tinig ng Panginoon dapat tayong magmadali upang salubungin ang Panginoon. Hangga’t mayroon tayong mga pusong naghahangad, tiyak na bubuksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata. Sa ganitong paraan, makakaakyat tayo sa sa harap ng trono ng Diyos at makadadalo sa pagdiriwang ng Kordero!

Lahat ng kaluwalhatian ay sa Diyos!

Magrekomenda nang higit pa Ikalawang Pagparito ni Jesus:

Share