Kapag nakatagpo ng mga kakulangan at kabiguan, at mga pag-uusig at mga kapighatian sa ating buhay, madalas nating nadarama ang pagkabalisa at walang magawa, at maging negatibo at mahina hanggang sa mawalan tayo ng pananampalataya sa Panginoon. Basahin ang mga talatang ito ng Bibliya para sa pagpapalakas at mauunawaan mo ang kalooban ng Diyos at mahanap ang landas upang maiwaksi ang kahirapan.
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.
Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
Siya'y sumagot at nagsalita sa akin, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan.
Sila’y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan, nguni’t ang Panginoon ay siyang aking gabay.
Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila’y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. Sila’y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila’y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
Oh Dios ko sa iyo’y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
Sila’y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Nguni’t ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka’t ako’y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Dapat kang pumasok mula sa positibong panig. Kung basta ka na lamang naghihintay, negatibo pa rin ito. Dapat kang gumawa ng pangunang hakbang sa pakikipag-tulungan sa Akin; maging masigasig at huwag kailanman maging tamad. Palaging makisalamuha sa Akin at magkaroon ng mas malalim na pakikipagniig sa Akin. Kung hindi mo nauunawaan, huwag kang mainip para sa mabilisang mga resulta. Hindi naman na hindi Ko sasabihin sa iyo; nais Kong makita kung umaasa ka sa Akin kapag narito ka sa Aking presensiya at kung umaasa ka sa Akin nang may pagtitiwala. Dapat kang palaging nananatiling malapit sa Akin at ilagay ang lahat ng bagay sa Aking mga kamay. Huwag bumalik nang walang kabuluhan. Pagkatapos ng hindi-namamalayang pagiging malapit sa Akin sa ilang panahon, ang Aking mga intensiyon ay maihahayag sa iyo. Kung natatarok mo ang mga ito, kung gayon tunay na makakaharap mo Ako, at tunay mong matatagpuan ang Aking mukha. Ikaw ay magiging lubhang malinaw at matatag sa loob at magkakaroon ka ng isang bagay na aasahan, at magkakaroon ka rin ng kapangyarihan gayon din ng pagtitiwala. Magkakaroon ka rin ng isang landas pasulong at magiging madali ang lahat sa iyo.
Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.
Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.
Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok, Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo.
At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.
At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.
Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo’y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.
Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo’y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo’y di karaniwang bagay: Kundi kayo’y mangagalak, sapagka’t kayo’y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, Aking ibubunyag sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi ganyang kapatag, walang ganyang kasimple! Nais ninyo ng mga pagpapala na madaling makamtan, tama? Ngayon, bawat isa ay magkakaroon ng mapait na mga pagsubok na haharapin, kung hindi ang pusong mapagmahal na taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at kayo ay hindi magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na ito ay maliliit na pangyayari lamang, bawat isa ay dapat na dumaan sa mga iyon, nagkakaiba lamang ang mga iyon nang kaunti sa ilang antas. Ang pangyayari ay isa sa Aking mga pagpapala, ilan ang malimit na lumuluhod sa harapan Ko upang hingin ang Aking pagpapala? Hangal na mga bata! Lagi ninyong nadarama na ang ilang mapalad na mga salita ay naibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi nadarama na ang kapaitan ay isa sa Aking mga pagpapala. Yaong mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ay Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo.
Inirerekomenda para sa iyo: