Read more!
Read more!

Paano Bumuo nang Normal na Relasyon sa Diyos

Sabi ng Diyos: “Ang magtatag ng isang mabuting kaugnayan sa Diyos ay isang pinakapangunahin para sa bawat isang naniniwala sa Diyos; dapat itong tratuhin ng bawat isa bilang siyang pinakamahalagang gawain at bilang kanilang pinakamalaking pangyayari sa buhay(Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?). Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang pagbuo ng isang normal na relasyon sa Diyos sa kanyang pananampalataya sa Diyos ay isang katotohanan na pinakamahalaga. Kung nais nating makuha ang papuri ng Diyos at maglingkod sa kalooban ng Diyos, tanging sa pamamagitan lamang ng pagbuo ng isang normal na relasyon sa Diyos makakamit ang mga bagay na ito. Kung wala tayong isang normal na relasyon sa Diyos, hindi tayo karapat-dapat na tawaging mga mananampalataya—kaya’t ang pagbuo ng isang normal na relasyon sa Diyos ay napakahalaga. Kaya paano tayo bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos? Sa ibaba ay isang simpleng pagbabahagi ng apat na mga prinsipyo.

1. Patahimikin ang Iyong Puso sa Harap ng Diyos at Tunay na Manalangin sa Diyos

Sinasabi sa Bibliya: “Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka’t dinadaluyan ng buhay” (Kawikaan 4:23). Sabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya(Juan 4:23). Ang Diyos ay umaasa ng malaki sa puso ng tao. Bagaman kung minsan ay hindi natin nasasabi ang ating mga dalangin sa Diyos, o abala tayo sa ating mga trabaho, ang ating mga puso ay lumalapit pa rin sa Diyos, ang Diyos ay may lugar sa ating mga puso, at ang ating mga puso ay sumusunod sa Diyos sa lahat ng ating ginagawa. Sa ganitong paraan, nakakakuha tayo ng paggabay, pamumuno, pagliliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, at ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos ay nagiging mas normal. Samakatuwid, ang pinakamahalagang prinsipyo sa pagbuo ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay ang patahimikin ang ating mga puso sa harap ng Diyos.

Nabubuhay tayo ngayon sa mundong ito sa walang hangganang pagka-abala, at ang ating mabilis na takbo ng buhay ay nangangahulugan na ang ating mga puso ay okupado ng lahat ng uri ng mga tao, mga kaganapan at mga bagay, sa gayon binibigyan tayo ng kaunting oras upang patahimikin ang ating sarili sa harap ng Diyos, lumapit sa Diyos at pagnilayan ang Diyos. Sapagkat ang ating mga puso ay madalas na malayo sa Diyos, at dahil hindi natin maibigay ang ating mga puso sa Diyos, lalo pa ang sumunod sa Diyos sa ating mga puso, kaya’t hindi natin kayang makuha ang gawain ng Banal na Espiritu, wala tayong paggabay at pamumuno ng Diyos sa ating buhay, madalas tayo ay natatapos sa sobrang trabaho at pagod sa parehong katawan at isip habang inaabala ang ating sarili sa lahat ng iba’t ibang mga tao, mga kaganapan at mga bagay sa ating buhay, at walang tayong nagagawa na maayos. Ngunit tiyak na naranasan na nating lahat na kapag pinatahimik natin ang ating mga puso sa harap ng Diyos, kapag tumingin tayo sa Diyos at umaasa sa Diyos sa ating mga puso, at hinahanap natin ang katotohanan sa lahat ng mga bagay, kung gayon ay makakakuha tayo ng patnubay at pamumuno ng Diyos, tayo ay nagkaroon ng kamalayan sa kung ano ang mga gawa na naaayon sa kalooban ng Diyos, kung ano ang mga gawa na hindi kasiya-siya sa Diyos at sa pamamagitan ng panalangin, maaari nating talikuran ang ating laman at iwaksi ang mga bagay na salungat sa kalooban ng Diyos. Bukod dito, kapag ang ating relasyon sa Diyos ay naging normal, mayroon tayong patnubay ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaari tayong magkaroon ng mas tumpak na pananaw sa mga problema, matutuklasan natin ang mga pagkukulang sa ating mga gawa sa napapanahong paraan, at makakahanap tayo ng tamang landas at makakamit ng dalawang beses ang resulta sa kalahati ng pagsisikap sa mga bagay na ginagawa natin. Mula rito, makikita natin na kung nais nating bumuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung gayon ang pagbibigay ng ating mga puso sa Diyos ang pinakamahalaga. Kung nais nating makamit ito, dapat natin sadyaing manalangin nang higit sa Diyos at madalas na pagnilayan ang pag-ibig at biyaya ng Diyos. Sa ganoong paraan, mapupukaw tayo ng Espiritu ng Diyos nang hindi natin namamalayan, at mabubuhay tayo palagi sa presensya ng Diyos.

2. Madalas na Pagnilayan ang Mga Salita ng Diyos at Isagawa ang Katotohanan

Sabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko(Juan 14:6). Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, naipakikita nito sa atin ang daan, at ito ang mga prinsipyo sa kung paano tayo kumilos at isinasagawa ang ating sarili. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng higit pa sa mga salita ng Diyos at pag-unawa sa katotohanan, at sa pamamagitan ng pagdadala ng mga salita ng Diyos sa ating buhay upang maaari nating maranasan at maisagawa ang mga ito, mabubuhay tayo sa reyalidad ng mga salita ng Diyos, at ang ating relasyon sa Diyos ay nagiging mas normal.

Maraming oras, binabalewala nating basahin ang mga salita ng Diyos dahil abala tayo sa ating mga trabaho, o sa ating pamilya, o sa ating mga karera. Hindi natin matahimik ang ating mga puso sa harap ng Diyos, lalo na ang isagawa ang mga salita ng Diyos. Tayo ay palayo ng palayo sa Diyos, ang ating espirituwal na buhay ay unti-unting nagiging tigang, hindi natin nauunawaan nang lubusan ang marami sa mga bagay na nakakaharap natin sa ating buhay, at kumakapa tayo sa kadiliman, nang walang direksyon o layunin. Kung babasahin natin nang madalas ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang kalooban ng Diyos at mga kinakailangan sa loob ng Kanyang mga salita, magkakaroon tayo ng wastong pagsasanay alinsunod sa Kanyang mga salita, at ang ating relasyon sa Diyos ay magiging normal. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit(Mateo 18:3). Natuklasan natin sa mga salita ng Diyos na ang kakanyahan ng Diyos ay matapat, na mahal ng Diyos ang mga taong matapat, na hinihiling Niya tayong maging matapat na tao, na ang mga matapat na tao lamang ang nagkakaroon ng pagkakahawig sa isang tunay na tao at makakakamit ang kaligtasan ng Diyos at makakapasok sa Kaniyang kaharian. Kapag naunawaan natin ang hinihingi ng Diyos sa atin, kung gayon kapag sa pang araw-araw nating buhay nais nating sabihin ang mga kasinungalingan at makisali sa panlilinlang upang maprotektahan ang ating sariling mga interes, natatanto natin na ang ganitong uri ng pag-uugali at kasanayan ay kinamumuhian ng Diyos. Pagkatapos ay magagawa nating maghanap kung ano ang dapat nating gawin upang maging matapat na tao at kung ano ang gagawin upang umayon sa kalooban ng Diyos. Sa sandaling talikuran natin ang ating laman at isinasagawa ang mga salita ng Diyos, ang ating mga espiritu ay nakakaramdam ng hindi kapani-paniwalang kapayapaan at kaginhawaan, libre at malaya, at ang ating relasyon sa Diyos ay lalong lumalapit.

Dagdag pa rito, kapag natagpuan natin ang alinman sa mga salita ng Diyos na hindi natin maunawaan, dapat nating hanapin ang mga kapatid na nakakaintindi ng katotohanan at makipagbahagi sa kanila, at sa pamamagitan ng paghahanap, mauunawaan natin ang katotohanan at maisasagawa natin ito. Sa madaling salita, sa pamamagitan lamang ng pagbabasa nang higit pa sa mga salita ng Diyos at madalas na pagninilay-nilay, pagbabahaginan at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos ay magagawang mas mahusay ang ating pag-unawa sa katotohanan at ang ating kaalaman tungkol sa Diyos, at sa ganitong paraan ay magiging normal ang ating relasyon sa Diyos.

3. Magkaroon ng Tamang Mga Intensyon at Tanggapin ang Pagmamasid ng Diyos sa Lahat ng mga Bagay

Kung nais nating bumuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung gayon napakahalaga din na magkaroon ng tamang motibo sa lahat ng bagay. Bagaman maraming naniniwala sa Diyos, kakaunti lamang ang nagagawang kumilos sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Marami sa nananampalataya sa Diyos ay may sariling personal na motibo at layunin, at kakaunti sa kanilang ginagawa ang maaaring dalhin sa harap ng Diyos upang matanggap ng Kanyang pagsusuri. Halimbawa ay ang paghahandog at paglilingkod. Ang tunay na dedikasyon at paglilingkod ay dapat na itayo sa pagnanais na mabayaran ang pag-ibig ng Diyos, nang walang anumang personal na motibo o layunin. Ang kusang-loob na paghahandog ay maaaring kasama ng pagbibigay ng kanyang pera, oras, o pagbibigay ng buong sarili. Ngunit ang hindi maikakaila na kapag gumawa tayo ng mga paghahandog at ginugol natin ang ating sarili, palaging nagsasangkot ito ng maraming mga personal na motibo at mga maruruming hangarin. Kunin mo ako bilang halimbawa. Nang makita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi, “Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ni Jehova ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan(Malakias 3:10). Pagkatapos ay aktibong inilaan ko ang ikapu ng lahat ng aking mga kita. Naniniwala ako na ang lahat ng aking kinikita ay ibinigay sa akin ng Diyos, at sa gayon ay dapat kong ibalik sa Diyos at ito ay isang bagay na dapat kong ibigay bilang isang nilalang. Ngunit ang aking sariling personal na motibo ay nakatago sa loob ng pinakamalalim na espasyo ng aking puso. Naniwala ako na, ngayon na ginawa ko ang paghahandog na ito, kung gayon ay tiyak na pupurihin ako ng Diyos, at masasabing tatanggap ako ng higit pang mga gantimpala mula sa Diyos; iyon ang tanging dahilan na ginawa ko ang gayong aktibong paghahandog. Kumuha tayo ng isa pang halimbawa mula sa mga salitang binanggit ni Pablo na apostol: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon” (2 Timoteo 4: 7–8). Lubos kong sinang-ayunan ang mga salitang ito nang basahin ko ito, at sa gayon ay lumabas ako na nangangaral ng ebanghelyo sa lahat ng panahon, mula madaling araw hanggang hapon, at itinatag ko ang mga simbahan at sinuportahan ang mga mahihina na kapatid, umaasa na gamitin ang mga gawa na ito bilang puhunan upang bilhin ang aking sariling kaluwalhatian at isang korona na isusuot. Nagtitiwala ako na mayroong higit sa isa o dalawa sa atin na nagkakaroon ng gayong mga ideya. Ngunit ang hindi pa natin napag-isipan ay, sa pamamagitan ng paggawa ng mga paghahandog, nagmamadali at ginugugol ang ating sarili sa ganitong paraan, hindi natin ginagawa ang tungkulin ng isang nilalang, ngunit sa halip ay gumagawa tayo ng kasunduan sa Diyos, at ginagawa natin ang mga bagay na ito upang makuha ang higit pang mga pagpapala mula sa Diyos bilang kapalit. Sa ganoong kaso, hindi mahalaga kung gaano tayo maaaring maghandog, o kung gaano tayo maaaring magmadali o kung gaano tayo maaaring magdusa, ano ang punto sa alinman? Sinusuri ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, kaya paano tayo pupurihin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisikap na linlangin ang Diyos at sa pamamagitan ng paggamit sa Kanya sa ganitong paraan? At paano tayo makakabuo ng isang normal na relasyon sa Diyos kapag ginagawa natin ang mga bagay na ganito? Sabi ng Panginoong Jesus, “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos(Mateo 22:37–38). “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko(Juan 8:31). Kinakailangan ng Diyos na sundin natin ang Kanyang daan, at malinaw na hinihiling Niya na ihandog ang ating sarili at gugugulin ang ating sarili para sa Kanya nang walang anumang personal na motibo o hindi wastong hangarin, at nang walang kasunduan sa Kanya o umaasa ng anumang kapalit. Dapat nating gugulin ang ating sarili para sa Diyos na ganap na bayaran ang pag-ibig ng Diyos at dahil sa ating pagmamahal sa Diyos, at dapat nating ibigay ang ating lahat upang masiyahan ang Diyos at maglingkod sa Diyos—ito ang paraan na dapat nating sundin bilang mga nilalang, at ito ang pamantayan kung saan pagpapasyahan kung ang ating pananampalataya ay pinuri ng Diyos at katanggap-tanggap sa Diyos. Samakatuwid, upang makabuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, dapat nating suriin ang ating mga layunin sa paghahandog ng ating sarili, pagdurusa at paggugol ng ating sarili para sa Diyos, at agad na maalis ang lahat ng iba’t ibang mga marumi at hindi tamang motibo na umiiral sa loob ng ating pananalig sa Diyos.

4. Hanapin ang Katotohanan sa Lahat ng mga Bagay at Magpasakop sa Pamumuno at mga Pagsasaayos ng Diyos

Ang ating mga buhay ay puno ng mga kawalang-katiyakan sa araw-araw, at wala tayong ideya kung kailan tayo makakatagpo ng isang bagay na salungat sa ating mga sariling kaisipan. Kung wala tayong lugar para sa Diyos sa ating mga puso at hindi natin hinahangad ang katotohanan, kung gayon ang tanging magagawa natin ay ang paggamit ng ating talino upang suriin at pag-aralan ang mga bagay na nangyari, at pagkatapos ay naguguluhan sa mga tama at mali ng mga bagay. Hindi natin kayang magpasakop sa soberanya at pagsasaayos ng Diyos, sinisisi at hindi natin maunawaan ang Diyos, at nahuhulog tayo sa isang kadiliman ng matinding pagdurusa. Kamakailan lamang, ang isa kong kaibigan sa simbahan ay natalo sa boto upang maging Senior Executive sa kanyang kumpanya, na naging dahilan upang makaramdam siya ng pagkahiya. Sa mga tuntunin ng kwalipikasyon at talino sa negosyo, siya ang pinakamahusay sa kumpanya. Kaya bakit hindi siya napili? Masama ang loob niya sa nangyari at hindi niya mapatahimik ang kanyang puso sa harap ng Diyos. Sinabi sa kanya ng isang mabuting kaibigan, “Kailangan mong magtiwala sa soberanya ng Diyos sa bagay na ito. Ang mabuting kalooban ng Diyos ay nasa likod ng lahat ng nangyayari sa iyo. Kailangan mong hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, at dapat mong maunawaan kung ano ang mabuting kalooban ng Diyos para sa iyo ngayon na natalo ka sa boto, at kung ano ang mga aral na kailangan mong matutunan.” Salamat sa paalala na ibinigay ng kanyang mabuting kaibigan, lumapit siya sa Diyos upang magnilay sa kanyang sarili. Matapos manalangin at maghanap ng maraming beses, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, sa wakas nakita niya na ang mga mabubuting hangarin ng Diyos ay nasa likod ng kanyang pagkatalo sa pagiging Senior Executive. Matapos niyang makagawa ng mga ilang tagumpay sa kumpanya, napuno siya ng mga ligaw na ambisyon at pagnanasa, at nais niyang umangat ng mataas sa kumpanya at magkaroon ng mas magandang hinaharap. Upang maisakatuparan ang kanyang mga plano, sa loob ng mahabang panahon ay naging abala lamang siya sa trabaho, at hindi nanalangin, o magbasa man ng mga salita ng Diyos, o ni hindi regular na dumalo sa mga pulong sa simbahan. Ang kanyang puso ay mas lumayo pa mula sa Diyos, siya ay nabubuhay sa kasalanan nang hindi nakakaramdam ng labis na pagsisi sa sarili at kahit na nagkakasala pa nang labis. Nakita ng Diyos na siya ay nabubuhay sa paghahabol ng katanyagan at pakinabang at hindi kayang palayain ang kanyang sarili, at sa gayo’y ginamit Niya ang pagkatalo nito sa boto upang paalalahanan siya at hikayatin siyang lumapit sa Diyos sa kanyang pagdurusa upang pagnilayaan ang kanyang sarili, upang ihinto ang kanyang bulok na mga paraan, upang bumalik muli sa harap ng Diyos, at upang kumilos ng may pagpapakumbaba. Ang aking kaibigan sa simbahan sa wakas ay nakita na ang lumitaw na isang masamang bagay ay talagang naging isang mabuting bagay, na ang mga mabubuting hangarin ng Diyos ay nasa likod ng lahat! Samakatuwid, ang paghahanap ng katotohanan sa lahat ng mga bagay, ang pagsunod sa patnubay ng Diyos at pagsasagawa alinsunod sa kalooban ng Diyos ay mga kasanayan din na mahalaga sa pagbuo ng isang normal na relasyon sa Diyos.

Sa itaas ay ang apat na mga prinsipyo ng pagbubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, at sa pamamagitan ng pagsasanay alinsunod sa mga prinsipyong ito, tiyak na maitatatag at mapapanatili natin ang isang normal na relasyon sa Diyos. Salamat sa kaliwanagan at gabay ng Diyos! Nawa tayong lahat ay magbuo ng normal na relasyon sa Diyos, at nawa ang bawat kilos natin ay nakakatugon sa pagtanggap ng Diyos. Amen!

Welcome ka na gamitin ang Pang-kristiyanong debosyonal na mapagkukunan sa mga seksyon sa Paglago ng Espiritwal at Panalangin upang pagyamanin ang iyong espirituwal na buhay.

Share