Menu

Bakit Napakahalaga para sa mga Kristiyano na Dumalo sa mga Pagtitipon?

Quick Navigation
Paano Tinitignan ng Diyos ang mga Kristiyanong Hindi Dumadalo sa mga Pulong?
Ang Nasa Likod ng Ating Palaging Pagliban sa mga Pagtitipon ay Pakana ni Satanas
Bakit Napakahalaga ng Pagdalo sa Pagpupulong

Nasusulat sa Bibliya, “Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw” (Mga Hebreo 10:25). Ang pagdalo sa mga pagtitipon ay isang bagay na dapat sundin ng mga Kristiyano. Ngunit ngayon, ang ilang mga kapatid ay hindi maaaring gawin ito nang regular dahil inaalala nila ang kanilang sariling trabaho at buhay pamilya. Ang ilan sa kanila ay itinuturing din ang pagdalo sa mga pagtitipon bilang isang labis na pasanin, iniisip na sapat ng magbasa lamang ng mga salita ng Diyos sa bahay.

Sa totoo lang, ang dahilan na maaari nating isaalang-alang ang pagdalo sa mga pagtitipon bilang isang pasanin at piliing isakripisyo ang ating mga pagtitipon para sa buhay pamilya at trabaho ay hindi natin naiintindihan ang kahulugan ng pagdalo sa mga pagtitipon at ang mga bunga ng hindi paggawa nito. Ngayon, magkakaroon tayo ng fellowship tungkol dito.

Regular na Dumalo sa mga Pulong

Paano Tinitignan ng Diyos ang mga Kristiyanong Hindi Dumadalo sa mga Pulong?

Sabi ng Diyos, “Mayroon ka lamang matatamo mula sa iyong pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo itong pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga pa kaysa pagkain, damit, o anupaman! Kung naniniwala ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananampalataya, at kung palagi kang nakalublob sa kalituhan, wala kang mapapala.” “Mayroong ilang tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa madaling salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga alagad Niya sila, dahil hindi Niya pinupuri ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, ilang taon man nila nasunod ang Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw; para silang mga hindi mananampalataya, sumusunod sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ng mga hindi mananampalataya at sa mga batas para patuloy na mabuhay at pananampalataya. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi kailanman naniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, at hindi kailanman kinilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Ang tingin nila sa paniniwala sa Diyos ay libangan ng baguhan, na tinatrato Siya bilang isang espirituwal na pagkain lamang; sa gayon, hindi nila iniisip na mahalagang subukan at unawain ang disposisyon o diwa ng Diyos. … Ano ang tingin ng Diyos sa gayong mga tao? Ang tingin Niya sa kanila ay mga hindi mananampalataya.

Mula dito makikita natin na bilang Kristiyano kailangan nating idambana ang Diyos sa ating puso. Kahit na sa ating buhay o sa trabaho, dapat nating unahin muna ang Diyos, at gawin ang pagdalo sa mga pulong, pagdarasal sa Diyos, at pagbabasa ng mga salita ng Diyos bilang pinakamahalagang bagay na dapat gawin. Ito ang dapat gawin ng isang mananampalataya sa Diyos. Kung nasisiyahan lamang tayo sa paniniwala sa pagkakaroon ng Diyos ngunit hindi natin pinahahalagahan ang pagdalo sa mga pagpupulong, at kung kinukuha lamang natin ang paniniwala sa Diyos bilang isang espirituwal na panustos at binabalisa ang ating sarili sa paggawa ng pera at mga bagay na makamundo araw-araw, iniisip natin na walang pagkakaiba kung tayo ay dumalo sa mga pagpupulong o hindi, kung gayon sa pagsasagawa ng paniniwala sa hindi interesadong kaparaanan, hindi ba tayo eksaktong kapareho ng mga hindi mananampalataya? Ang mga hindi mananampalataya ay hindi mahal ang katotohanan, hindi hinahangad ang buhay na galing sa Diyos, at nakikibahagi sa pagkita ng pera at binibigyang kasiyahan ang kanilang sariling laman. Kung tayong mga mananampalataya sa Diyos ay nagbabahagi ng parehong layunin ng gawain at parehong direksyon ng buhay ng mga hindi mananampalataya, ano ang iisipin ng Diyos sa ating pananampalataya? Tutukuyin tayo ng Diyos bilang mga hindi mananampalataya alinsunod sa ating walang malasakit at walang pakundangang pag-uugali sa paniniwala sa Diyos. Hindi niya tayo kikilalanin bilang Kanyang mga tagasunod, dahil naniniwala tayo sa Kanya ngunit hindi talaga natin Siya sinasamba at ayaw nating tanggapin ang Kanyang kaligtasan o kumilos alinsunod sa Kanyang mga kinakailangan. Bilang resulta, ang ating pangwakas na kalalabasan ay magiging katulad ng mga hindi mananampalataya, na hahatulan at parurusahan ng Diyos. Sa gayon, makikita natin na regular man tayo o hindi sa pagdalo sa mga pagpupulong ay ipinapakita kung tunay tayong naniniwala sa Diyos o hindi at kung tayo ay sumusunod sa katotohanan. Kung palagi tayong gumagawa ng mga dahilan upang maiwasan ang pagdalo sa mga pagpupulong, at hindi pa rin tumatalikod sa ating maling pananaw sa pagpupursige, kung gayon hindi natin marahil makakamit ang katotohanan o buhay kahit gaano karaming taon na naniniwala tayo sa Diyos, at tiyak na sa huli tayo ay aalisin. Samakatuwid, hindi tayo pwedeng maniwala sa Diyos alinsunod sa ating sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, o hihinto sa pagdalo sa mga pagpupulong tuwing hindi natin nais, sapagkat kung naniniwala tayo sa Diyos sa gayong paraan hanggang sa wakas, hindi tayo kikilalanin ng Diyos bilang Kanyang mga mananampalataya.

Ang Nasa Likod ng Ating Palaging Pagliban sa mga Pagtitipon ay Pakana ni Satanas

Upang mabigyang-katwiran ang kanilang pagliban sa mga pagtitipon, maraming mga tao ang gumagamit ng mga dahilan ng pagiging abala sa trabaho upang kumita ng pera, pakikisalamuha, o pag-aalaga sa kanilang mga pamilya. Ang mga dahilan na ito ay tila napaka-makatwiran, ngunit wala tayong alam na nahuli tayo ng mga pakana ni Satanas. Sabi ng Diyos, “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at mga panahong ito ay binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinuman ang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din siya ni Satanas, at binubuntutan ito sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ng ito ay upang makamit ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na makuha ng Diyos ang sinuman; nais nito para sa kanyang sarili ang lahat ng nais ng Diyos, gusto nitong sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito.” “Para sa mga tao, tila isang mundo ito ng saya at karingalan; lalo’t lalo itong nagiging gayon, naaakit dito ang puso ng lahat ng tao, at maraming taong nabitag at hindi mapalaya ang kanilang sarili mula rito; napakaraming malilinlang ng mga nakikibahagi sa pandaraya at salamangka. Kung hindi ka magpupunyaging umunlad, wala kang mga mithiin, at hindi ka nakaugat sa tunay na daan, matatangay ka ng lumalaking mga alon ng pagkakasala.

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang Diyos ay gumagawa upang iligtas tayo, nguni't si Satanas ay ayaw tayong makamit ng Diyos basta-basta. Kaya, sinusubukan nito ang lahat ng posibleng paraan para pigilan tayong lumapit sa Diyos. Mga bagay tulad ng pera, katanyagan at katayuan, pagkain, pag-inom, at pagpapasaya sa ating sarili ay mga tukso sa atin. Una ng inilagay ni Satanas sa mga tao ang mga iba't- ibang maling pananaw na ito, kagaya ng madalas nating sabihin, “Ang pera ay hindi lahat, ngunit kung wala ito wala kang magagawa,” “Ang tao ay iiwanan ang kanyang pangalan saan man siya manatili, gaya ng isang gansa na umiiyak saanman siya lumipad,” “Bunuin ang araw sa kasiyahan, dahil ang buhay ay maikli lamang.” Ang mga maling pananaw na ito ay madali tayong malilinlang kung wala tayong katotohanan. Pag tinanggap natin ang mga pananaw na ito, babagsak tayo sa masasamang uso ng paghahabol ng pera at katanyagan at pagpapasasa ng laman at tayo ay magiging katulad ng mga hindi mananampalataya, nakikisali sa intriga at gumagawa ng kataksilan para sa katanyagan at pakinabang, nabubuhay sa gitna ng kasalanan ngunit hindi naniniwala na ito ay kasalanan. Lalo na kapag nakita natin na ang buhay ng ibang tao ay mas mabuti kaysa sa atin, iisipin natin kung paano kumita ng mas maraming pera. Pero ang ilan ay nabubuhay pa rin sa isang malala, masamang buhay ng pagkain, pag-inom, at pagpapasarap sa kanilang sarili upang mapanatili ang kanilang kumplikadong mga interpersonal na relasyon, at tinitingnan nila ang pagdalo sa mga pagpupulong bilang isang pasanin. Kapag ang isang tao ay nakulong sa gayong alimpuyo, sila ay nagiging biktima ni Satanas. Hindi lamang sa magiging padilim ng padilim ang kanilang espiritu, kundi ang kanilang buhay ay magiging mas hungkag. Sa kalaunan, mawawalan sila ng pagkakataong makamit ang katotohanan at kaligtasan dahil sa paglayo sa Diyos, pagtataksil sa Diyos, at pagbalik sa mundo.

Ngayon, maraming mga Kristiyano ang hindi nakakakita ng tagusan sa mga panlilinlang ni Satanas, iniisip na hindi isang malaking kasalanan ang pagsunod sa mga uso ng mundo, at ang paniniwala sa Diyos at pagsunod sa katotohanan ay hindi makakagawa ng resulta sa magdamag. Kaya, madalas nilang sinusunod ang laman at walang pagmamadali sa kanilang pagpupursige sa katotohanan. Sa katunayan, ginagamit ni Satanas ang mga masasamang uso upang mapatiwali ang mga tao, na mas pinapalayo ang mga ito sa Diyos at sa huli ay lalamunin ang mga ito ng buo. Kung hindi natin hinahangad ang katotohanan, hindi natin maiintindihan ang mga panlilinlang ni Satanas. Ito ay tulad nang tinukso ni Satanas si Eva na magkasala, sa halip na sabihin sa mga tao na ang pagtanggi at pagtataksil sa Diyos ay may kahihinatnan, nagsabi ito ng isang bagay na maganda upang hikayatin ang mga tao at bigyan sila ng isang maling pakiramdam na sinasabi ni Satanas ang mga bagay na iyon para sa kanilang ikabubuti, at sa huli ay gagawa sila ng mga bagay na magkakanulo sa Diyos. Sa panahong ito , kapareho natin si Eba na nadaya, hindi naniniwala sa mga salita ng Diyos ngunit ang pagtingin sa mga materyal na bagay na ito sa harapan natin ang pinakamahalaga. Upang masiyahan ang ating pisikal na kasiyahan, hindi tayo nag-aatubiling italaga ang lahat ng ating enerhiya at oras dito. Kung magpapatuloy ito, hindi ba tayo rin ang magiging pakay ng paglamon ni Satanas? Gayunpaman, kung susundin natin ang mga salita ng Diyos, lumahok sa buhay iglesiya ng normal, at makakaintindi ng maraming katotohanan, malalaman natin ang mga panlilinlang ni Satanas gamit ang katotohanan, at hindi tayo madadaya at mapapahirapan ni Satanas.

Bakit Napakahalaga ng Pagdalo sa Pagpupulong

Ang Panginoong Jesus ay nagsabi, “Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila(Mateo 18:20). Sabi ng Diyos, “Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Gamitin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa paggawa nito mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at ang paraan kung saan lalago ang buhay.

Mula sa mga salita ng Diyos, alam natin na ang simbahan ay ang lugar kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu. Hangga't ang mga kapatid ay nagtitipon upang basahin ang salita ng Diyos, gagawa ang Banal na Espiritu. Samakatuwid, ang pamumuhay ng buhay iglesia ay isang paraan para matanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu at lumago sa ating espirituwal na buhay. Tulad ng magkakaibang mga kapatid na may magkakaibang mga kalibre, pananaw, at karanasan, at may iba't ibang kaliwanagan at kaalaman mula sa salita ng Diyos, kapag nagtitipon tayo sa fellowship, matututo tayo mula sa malakas na mga punto ng bawat isa upang mabawasan ang ating sariling mga kahinaan upang maunawaan natin ang ang katotohanan ng mas malinaw. Kung mayroon tayong maling pag-unawa sa isang bagay, mapapansin ito ng mga kapatid at makikipag-usap sa atin kaagad, nagsasabi sa atin kung paano maunawaan alinsunod sa katotohanan. Bukod dito, ang bawat kapatid na sumusunod sa katotohanan ay magkakaroon ng bagong pag-unawa at pagdanas ng katotohanan sa bawat panahon. Sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang usapan kung paano nila naranasan ang gawain ng Diyos sa kanilang buhay, tayo mismo ay matutustusan. Kaya, ang buhay iglesia ay nagbibigay-daan sa atin upang maunawaan ang maraming mga katotohanan at tumutulong sa atin na lumago sa buhay. Ang ilang mga tao ay maaaring sabihin, “Hindi ba matatanggap ko rin ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos sa bahay?” Totoo ito, ngunit ang naiintindihan ng isang tao ay limitado, at ang iyong indibidwal na kaliwanagan at liwanag mula sa Diyos ay limitado rin. Sa kasong ito, maiintindihan natin ang katotohanan nang mabagal. Madalas maaari lamang nating maunawaan ang ilang mga titik at doktrina, ngunit hindi maaaring magkaroon ng isang malinaw na pag-unawa sa mga detalye tulad ng kung ano ang hangarin ng Diyos ng sabihin ang mga salitang iyon at kung ano ang mga alituntunin ng pagsasanay. Minsan maaari ring magkaroon tayo ng maling pag-unawa dahil sinusubukan nating suriin ang mga salita ng Diyos alinsunod sa kanilang literal na kahulugan sa ating isip, at sa gayon ay magkakaroon tayo ng paniniwala at hindi pagkaunawa tungkol sa Diyos. Bilang isang resulta, ang ating paglago ng buhay ay magiging mabagal, o maaaring makapagsanay tayo nang mali, na magiging sanhi ng pagkaantala ng ating paglago sa buhay.

Bilang karagdagan, sa totoong buhay, makakatagpo tayo ng lahat ng uri ng mga problema, tulad ng mga paghihirap na lumilitaw sa trabaho, kumpetisyong matindi mula sa mga kasamahan, hirap sa pagtuturo sa mga bata, at mga salungatan sa ating mga asawa. Sapagkat maliit ang ating tayog at hindi natin naiintindihan ang katotohanan at hindi malinaw na nakikita ang mga bagay, hindi natin alam kung paano haharapin ang maraming paghihirap. Kung mayroon tayong wastong buhay iglesia, maaari tayong magsabi sa mga kapatid sa mga pagpupulong, at ibabahagi nila ang salita ng Diyos at ibabahagi ang kanilang mga personal na karanasan sa atin, at sa gayon ay magkakaroon tayo ng landas upang malutas ang ating mga problema at malalaman kung paano magsanay. Katulad nito, mas hinahanap natin ang katotohanan at nilulutas ang mga problema, mas maraming mga katotohanan ang maiintindihan natin at mas kaunting mga paghihirap at mga problema ang darating, at ang ating mga puso ay mapapalaya. Kaya, ang pagdalo sa mga pagpupulong ay hindi lamang isang karagdagang pasanin, ngunit magdadala sa atin ng higit pang mga pakinabang. Ang ating mga buhay ay mas mabilis na lalago, at ang ating kaugnayan sa Diyos ay magiging higit pang normal. Ang buhay iglesia ay masyadong kapaki-pakinabang sa atin!

Sa ngayon, napagtanto mo ba ang kahalagahan ng pagdalo sa mga pagpupulong?

Pinahabang Pagbabasa:

Mag-iwan ng Tugon