Read more!
Read more!

Mateo 5:11 - Devotional Verses With Reflection Tagalog

Bible Verse of the Day Tagalog

Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Ang halimbawa ng mga Kristiyano na inuusig ay masyadong karaniwan pa rin. Ang Panginoong Jesus ay nagsabi, “Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo.” Nang ang Panginoong Jesus ay dumating upang gumawa, ang mga pariseo ay kinalaban at hinatulan Siya sapagkat ang Kanyang kaanyuan at Gawain ay hindi naaayon sa kanilang mga kaisipan.Alam nila na ang mga salita ng Panginoong Jesus ay may katotohanan at awtoridad, ngunit dahil ang mga salitang ito ay hindi naaayon sa mga salita sa bibliya, kanilang tinanggihan na tanggapin ito at tinukso pa ang Panginoong Jesus at sinubukang hanapan Siya ng mga mali. Samantala, upang protektahan ang kanilang mga posisyon at mga kabuhayan, hindi lamang nila pinagbawalan ang mga nananampalataya na sumunod sa Panginoong Jesus, ngunit ginawa rin na pagsalitaan ng masama at siraan ng puri ang Panginoong Jesus. at sa huli, kanilang ipinako Siya sa krus. Ito’y naglantad ng kanilang poot-sa-katotohanah at poot-sa-diyos na kalikasan at sangkap. dahil dito, kanila ding kinapopootan ang mga yaong nag pupursige sa katotohanan at nagsasaliksik sa liwanag, at kaya maraming mga apostol na sumunod sa Panginoong Jesus ang nausig. Hanggang sa ngayon, tayong mga sumusunod sa Diyos ay dumaranas parin ng maraming pang-aabuso, panghihiya, pag-aresto, at pag-uusig. at mas malala, ang mga Kristiyano ay nagdurusa ng mas higit pang pang-uusig sa Tsina, na kung saan ang atheistic na partido ang nasa kapangyarihan at seryosong nang-uusig sa relihiyosong paniniwala.Gayunpaman, ang Karununungan ng Diyos ay ginagawa base sa mga pakana ni Satanas; ginagamit Niya ang kapaligirang ito upang maperpekto tayo. Sabi ng Salita ng Diyos, ‘Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, nguni’t walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kahalagahan ng mga ito. Ang mga salitang ito ang siyang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ang mga ito ay mangyayari doon sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pang-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay isinasakatuparan sa isang lupain na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi naisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay dinadalisay dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, nguni’t ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng Kanyang gawain upang ipamalas ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Kinukuha ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng mga tao. ’ Mula sa mga salita ng Diyos, maaaring makita na ang mga pag-uusig na ating pinagdaanan dahil sa paniniwala sa Diyos ay ginugunita ng Diyos. sa pamamagitan ng ganitong kapaligiran, Pineperpekto ng Diyos ang ating paniniwala, hinahayaan tayo na makuha ang katotohanan, mapagtagumpayan ang mga temtasyon ni Satanas at atake, at upang maka-tayong saksi para sa Kanya. Tanging sa ganitong paraan tayo magiging kuwalipikadong magmana ng mga pangako at mga pagpapala ng Diyos.

Inirerekomenda para sa iyo:

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Tularan ang Panginoong Jesus”

Christian Full Movie 2018 | “Tamis sa Kahirapan” An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)

True Story “Mula sa mga Pangil ng Kamatayan” | Christian Experience of Wonderful Salvation of God

Share