Tulad ng inasahan ng mga kinauukulang eksperto, dalawang supermoon ang lilitaw nang sunod-sunod sa ika-19 ng Pebrero at ika-21 ng Marso 2019, na nagiging dalawang kamangha-manghang tanawin sa astronomiya na kasunod ng "super blood wolf moon" na lumitaw noong ika-21 ng Enero.
Isinasaad ng may-kaugnayang impormasyon na ang terminong "supermoon" ay tumutukoy na kapag gumagalaw ang kabilugan ng buwan sa pinakamalapit na lugar nito sa mundo, ang perigee nito, na kung saan mas malaki ang diyametro ng buwan ng 14% kaysa sa normal at nadaragdagan ang liwanag nito ng 30%—ito ang pinakamalaki, pinakamabilog na buwan na maliwanag na nakikita ng mata. Tatlong supermoon ang lilitaw nang sunod-sunod sa taon na ito, na isang pambihirang tanawin sa astronomiya. Sa katunayan, ang mga kahanga-hangang tanawin gaya ng mga blood moon at supermoon ay patuloy ang mga paglitaw sa mga nakaraang taon, halimbawa ang mga blood moon ng 2011 at 2013, ang serye ng apat na blood moon na lumitaw ng 2014 at 2015, ang super blue blood moon ng 2018, na naganap din 152 taon na ang nakalipas, at ang super blood wolf moon na lumitaw noong ika-21 ng Enero 2019 kung saan perpektong pinagsama ang tatlong tanawin sa astronomiya na isang supermoon, isang blood moon at isang wolf moon, at tinawag ito bilang pinaka-kahanga-hangang kababalaghan sa astronomiya.
Marami nang propeta ang nagpropesiya na ang paglitaw ng mga blood moon ay nagpapahiwatig sa pagdating ng hindi karaniwan at dakilang mga pangyayari. Marami ring mga eksperto sa Biblia na matibay na naniniwala na ang paglitaw ng mga blood moon ay ang katuparan ng propesiya sa Aklat ni Joel 2:29–31: "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Jehova." Gayon din, sa Pahayag 6:12, ito ay nagsasaad: "At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo." "Ang dakila at kakilakilabot na araw" na binanggit sa propesiya sa Aklat ni Joel ay tumutukoy sa malalaking kalamidad. Nakita na nating lahat ang mga kalamidad na lalong lumalala sa nakaraang ilang taon, na may madalas na pangyayari ng ganoong mga kalamidad gaya ng mga lindol, taggutom, salot at baha na nakakatakot para ating masaksihan; ang sitwasyon ng mundo ay nasa kaguluhan at patuloy na nagbabago, mayroong mga madalas na pagsabog ng mga digmaan, mararahas na insidente at mga pagsalakay ng terorista na patuloy na nagiging malala; ang atmospera ng mundo ay patuloy ang pag-init, at ang masasamang panahon at lahat ng uri ng mga kababalaghan sa astronomiya ay nangyayari sa lahat ng oras. Bilang mga Kristiyano, kung gayon, paano natin dapat tingnan ang mga kalamidad na ito? Ano ang nais ng Diyos upang magbigay ng inspirasyon sa atin sa pamamagitan ng mga kalamidad na ito? Ano ang gawaing gagampanan ng Diyos bago dumating ang malalaking kalamidad? Sinasabi sa Joel 2:29: "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu." Ayon sa propesiyang ito, bago dumating ang malalaking kalamidad, ang Espiritu ng Diyos ay magwiwika ng Kanyang mga salita sa tubig na Kanyang mga lingkod na lalaki at babae. Ito ang propesiya sa maraming bahagi ng mga kabanata 2 at 3 ng Pahayag: "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." At sa Pahayag 7:14: "Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero." At sa Pahayag 14:4: "At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero." At sa Pahayag 2:7, ito ay nagsasaad: "Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios." Mula sa propesiyang ito, makikita nating ang Diyos ay gaganap ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw, kung saan ay Kanyang ipapahayag ang Kanyang mga salita at gagawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay bago ng mga kalamidadnd. Ang mga taong ito ang magiging mga unang bunga, at sila ang maglilingkod sa Diyos at aakayin Niya sa Kanyang kaharian sa katapusan.
Ang mga salita ng Diyos ay nagbunyag nang misteryong ito at sinabi sa atin kung anong gawain ang gagampanan ng Diyos bago dumating ang mga kalamidad. Halina at sama-sama nating basahin ang ilang sipi ng mga klasikong salitang ipinahayag ng Diyos:
Buksan ang mga mata at tingnan at makikita ang dakilang kapangyarihan Ko sa lahat sa dako! Makatitiyak kayo sa Akin sa lahat ng dako. Pinalalaganap ng sansinukob at kalawakan ang Aking dakilang kapangyarihan. Nagkakatotoong lahat ang mga salitang nasabi Ko na sa pag-init ng panahon, pagbabago ng klima, katiwalian ng mga tao, kaguluhan sa kalagayan ng lipunan, at ang panlilinlang sa mga puso ng mga tao. Pumuputi ang araw at pumupula ang buwan; nasa kaguluhan ang lahat. Hindi ninyo pa ba nakikita ang mga ito?
mula sa "Kabanata 39" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula
Sa lahat ng bansa at sa lahat ng dako ng mundo, mga lindol, mga taggutom, mga salot, lahat ng uri ng sakuna ay madalas nangyayari. Habang ginagawa Ko ang Aking dakilang gawain sa lahat ng bansa at lahat ng dako, lilitaw nang mas matindi ang mga sakunang ito kaysa sa anumpamang panahon simula sa paglikha sa mundo. Ito ang pasimula ng Aking paghatol sa lahat ng tao.
mula sa "Kabanata 92" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula
Hindi namamalayan, ang situwasyon sa bawa’t bansa ng mundo ay tumitindi, gumuguho araw-araw, nagiging magulo araw-araw. Ang mga pinuno ng bawa’t bansa ay umaasang lahat na makuha ang kapangyarihan sa katapusan. Hindi nila ito inaasahan, nguni’t ang Aking pagkastigo ay nasa kanila na.
mula sa "Kabanata 82" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula
Ginagawa Ko na ngayon ang gawain na itinakda Kong tuparin sa gitna ng mga bansa ng mundo. Naglilibot Ako sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ginagawa ang lahat ng gawain sa loob ng Aking plano, at winawasak ng lahat ng tao ang iba’t ibang mga bansa ayon sa Aking kalooban. Habang papalapit ang araw at pinapatunog ng mga anghel ang kanilang mga trumpeta, nakatutok lamang ang mga tao sa lupa sa sarili nilang hantungan. Wala nang mga pagkaantala, at magsisimula nang sumayaw sa kagalakan ang buong sangnilikha. Sino ang makakapagpalawig ng Aking araw sa kanilang kalooban? Isang taga-lupa? O ang mga bituin sa himpapawid? O ang mga anghel? Kapag Ako ay gumawa ng isang pagbigkas upang simulan ang pagliligtas ng mga tao ng Israel, nalalapit na ang araw Ko sa buong sangkatauhan. Kinatatakutan ng bawa’t tao ang pagbabalik ng Israel. Kapag bumabalik ang Israel, iyan na ang araw ng kaluwalhatian Ko, at magiging ang araw din kung kailan mapapalitan ang lahat ng bagay at mapapanibago. Sa napipintong pagdating ng matuwid na paghatol sa buong sansinukob, pinanghihinaan ng loob ang lahat ng tao at natatakot, dahil hindi pa nababalita ang pagkamatuwid sa mundo ng tao. Kapag lumitaw ang araw ng pagkamatuwid, maiilawan ang Silangan, at pagkatapos nito ay paliliwanagin nito ang buong sansinukob, na umaabot sa lahat. Kung talagang magagawa ng tao ang Aking pagkamatuwid, ano ang dapat na katakutan? Hinihintay ng lahat ng mga tao Ko ang pagdating ng Aking araw, inaasam nila ang pagdating ng araw Ko. Hinihintay nila Ako upang gantimpalaan ang buong sangkatauhan at isaayos ang hantungan ng sangkatauhan sa Aking papel bilang ang Araw ng pagkamatuwid. Nagkakahugis na ang Aking kaharian sa ibabaw ng buong sansinukob, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng daan-daang milyon na mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang madala sa kaganapan ang dakila Kong gawain. Pigil-ang-hiningang hinihintay ng lahat ng Aking mga anak-na-lalaki at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, hindi na kailanman maghihiwalay muli. Dahil sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi mag-uunahang palapit sa isa’t isa ang napakaraming mga tao sa Aking kaharian sa buong-kagalakang pagdiriwang? Wala kayang halagang kailangang mabayaran para sa muling pagsasamang ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Ko pang lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Patatakbuhin Ko ang Aking gawain, maghahari Ako sa kalagitnaan ng tao! Pabalik na Ako! Paalis na Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ito ang kanilang inaasahan. Tutulutan Ko ang buong sangkatauhan na makita ang pagdating ng Aking araw, at hahayaan silang malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!
mula sa "Kabanata 27" ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob
Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa "Bundok ng mga Olivo" ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang "sanggol" na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!
mula sa "Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob"
Kaugnay na Babasahin: