Ang pinakamalaking kahilingan ng maraming mananampalataya sa Panginoong Jesus ay ang salubungin Siya sa mga huling araw, at kaya napakaraming may nais na malaman kung paano matutupad ang mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus, upang matanggap nila Siya sa lalong madaling panahon. Kami ay magbabahagi rito at lulutasin ang isyung ito upang maipakita sa iyo ang paraan upang salubungin ang Panginoon na maaaring makapagbigay ng tulong sa iyo.
Tungkol sa mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus, nakatala sa Pahayag 6:12, “At nakita ko nang buksan Niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.” At sabi ng Mateo 24:6–8, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako.”
Sa mga nagdaang taon, sunud-sunod na lumitaw ang mga kamangha-manghang tanawin tulad ng mga blood moon at supermoons. Bukod dito, ang mga sakuna sa buong mundo ay nagiging mas malala, tulad ng mga lindol, sunog, baha, mga taggutom at salot. Sa partikular na tala, ang pandemyang sumiklab sa pagtatapos ng 2019 ay kumalat sa buong mundo. Bukod dito, ang mundo ay nasa isang magulong estado, at ang mga giyera, marahas na pagkilos at pag-atake ng terorista ay madalas na nangyayari at patuloy na lumalakas; ang atmospera ng mundo ay nagiging mas mainit, at ang matinding lagay ng panahon ay nangyayari sa lahat ng oras.
Mula sa mga tandang ito, makikita na ang mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus ay higit na natutupad, sa gayon ay ipinapakita na ang Panginoon ay bumalik na. Kung gayon, paano natin Siya sasalubungin?
Kung nais nating salubungin ang Panginoon, dapat tayong maging malinaw sa kung paano Siya darating. Maraming tao ang nakabasa sa mga salitang ito sa Biblia, “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Natitiyak nila na ang Panginoong Jesus ay babalik kasama ng mga ulap, kaya’t walang taros silang naghintay na dumating Siya sa isang ulap. Ngunit bakit hindi nila tinanggap ang Panginoon yamang ang mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus ay talagang natutupad na ngayon?
Sa katunayan, kahit na ipinropesiya ng Panginoon na Siya ay bababa sa isang ulap, hindi Niya kailanman sinabi na babalik lamang Siya sa ganitong paraan sa mga huling araw, ngunit sa halip ay nagpropesiya Siya sa kung anong paraan mangyayari ang Kanyang pagbabalik. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating hanapin at siyasatin sa maraming aspeto ang paraan kung saan babalik ang Panginoon kapag sinasalubong ang Kanyang ikalawang pagdating. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia, madaling makita na ang pagbabalik ng Panginoon ay ipinropesiya sa dalawang magkakaibang paraan. Bukod sa Kanyang pagbaba sa publiko sa isang ulap, darating din Siya nang palihim. Halimbawa, itinatala ng Biblia, “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Ang mga pagtukoy ng Kasulatan sa “gaya ng magnanakaw,” “datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw” at “paririto ang Anak ng tao” ay nagpapahiwatig na ang Panginoon ay babalik sa ibang paraan, na darating nang palihim sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao. Ang mga salitang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak ng isang tao at may isang ina at ama. Kaya, ang Espiritu ng Diyos na isinuot ng katawang-tao bilang isang tao ay tinatawag na Anak ng tao. Halimbawa, nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, Siya ay naging tao at nagpakita sa tao sa anyo ng Anak ng tao, at kumain, nagsuot ng damit, nabuhay at kumilos tulad ng isang regular na tao. Kung ang Diyos ay darating sa anyo ng Espiritu, kung gayon hindi Siya maaaring tawaging Anak ng tao, tulad ng Diyos na si Jehova na isang Espiritu at samakatuwid ay hindi matatawag na Anak ng tao. Ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay maaaring lumusot sa mga pader, nagpapakita ngayon, nawawala ngayon, at lubhang eksepsyonal, at sa gayon ay hindi rin matatawag na Anak ng tao.
Bukod dito, ang mga salitang “Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” ay binanggit sa mga Kasulatan. Tanging kapag ang Diyos ay nagiging tao at isinasagawa ang Kanyang gawain bilang Anak ng tao na makakaranas Siya ng paglaban, pagkondena, at pagtanggi mula sa sangkatauhan. Kung ang Panginoon ay bumalik sa anyong Espiritu matapos ang Kanyang muling pagkabuhay at Siya ay dumating na may dakilang kaluwalhatian kasama ng mga ulap upang hayagang lumitaw sa lahat ng mga tao, kung gayon walang sinuman ang mangangahas na labanan Siya. Kung gayon ang magdusa at matanggihan ng henerasyong ito ay hindi mangyayari. Tanging sa pagkakatawang-tao ng Diyos bilang normal, ordinaryong tao at hindi pagtrato sa Kanya bilang Diyos na Siya ay magbabata ng paghihirap. Nang ang Panginoong Jesus ay gumawa nang lihim sa pagkakakilanlan ng Anak ng tao, halimbawa, ang mga Fariseo ay tumingin lamang sa panlabas na hitsura ng Panginoon at inakalang Siya ay isang Nazareno at nabigong kilalanin Siya bilang ang Mesiyas. Sa gayon ay kinondena at nilabanan nila ang Panginoon at ipinako pa Siya sa krus. Samakatuwid, kapag ang Panginoon ay nagbabalik sa mga huling araw, Siya ay unang magpapakita sa atin sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao at paggawa nang lihim—ito ay kapag hindi natin inaasahan na Siya ay darating.
Sa puntong ito, tiyak na magtatanong ang ilang mga tao: “Kung ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay kinasasangkutan ng pagbaba nang palihim sa katawang-tao bilang Anak ng tao, paano natutupad ang mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus sa ulap?” Sa katunayan, bawat propesiya na sinabi ng Panginoong Jesus ay matutupad. Ang pagbabalik ng Panginoon ay tutuparin pa isa-isa: Siya ay una munang magkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa nakatagong pagdating; pagkatapos niyon ay hayagan Siyang magpapakita sa lahat. Ito ay magiging katulad noong dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa: Siya ay unang nagkatawang-tao bilang Anak ng tao at dumating nang lihim. Pagkaraang matapos ang gawain ng pagpapapako sa krus na Siya ay nabuhay mula sa mga patay. Nagpakita Siya nang hayagan sa mga tao sa loob ng apatnapung araw, at pagkatapos ay umakyat sa langit.
Ang Panginoon, sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, ay una ring nagkakatawang-tao at dumarating nang lihim. Sa panahong ito, yaong mga nagmamahal sa katotohanan at kayang kilalanin ang tinig ng Diyos ay nagagawang talikuran ang lahat ng kanilang mga kuru-kuro at tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sa gayon ay nagiging mga pakay ng pagliligtas ng Diyos, sa huli ay magagawang mga mananagumpay ng Diyos at papatnubayan sa kaharian ng Diyos. Gayunpaman, ang mga matitigas ang ulo na kumakapit sa kanilang sariling mga kuru-kuro na tanggihan at siraan ang Diyos at upang labanan at kondenahin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay likas na nalalantad bilang masasamang tao, mga kaaway ng Diyos, at ang mga tao na mauuwing maalis ng Diyos. At sa gayon, ang mga nagmamahal sa katotohanan ay nahihiwalay sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan, at ang trigo ay nahihiwalay mula sa mga panirang damo. Pagkatapos lamang paghiwalayin ng Diyos ang mabuti sa masama ay darating Siya na kasama ang mga ulap, na hayagang nagpapakita sa lahat ng mga tao, at nagsisimulang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama batay sa bawat gawa ng tao, sa gayon natutupad ang propesiya sa Pahayag 1: 7, “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya.”
Pag-isipan natin ito: Kung ang Panginoon ay bumaba nang hayagan sa isang ulap tulad ng akala ng mga tao, kung gayon ang mga panirang damo, kambing, at masasamang lingkod ay tiyak na babagsak sa pagsamba. Paano sila malalantad kung gayon? Paano mailalagay ang bawat isa sa kanilang sariling uri? At paano maparurusahan ng Diyos ang masasama at magagantimpalaan ang mabubuti? Tanging kapag ang Diyos ay palihim na dumarating sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao na ang mga propesiya na sinabi ng Panginoong Jesus ay ganap na matutupad at matatapos.
Nakita natin na ang pagbabalik ng Panginoon ay sa lihim muna, sa katawang-tao, kaya napakaraming nagsisimulang may pakialam sa kung paano sasalubungin ang Panginoon sa panahon na Siya ay dumarating upang gumawa sa lihim. Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus noong una pa, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Ito’y nasusulat din sa Aklat ng Pahayag, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Makikita natin mula rito na ang pinakamahalagang bagay sa pagsalubong sa Panginoon ay dapat tayong makinig nang mabuti sa tinig ng Panginoon. Ang mga matatalinong dalaga, kapag naririnig na ang isang tao ay nagpatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, ay maghahanap at magsisiyasat nang may bukas na isip at magtutuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos upang salubungin ang Panginoon. Ang mga nakaririnig sa tinig ng Diyos at pagkatapos ay tumatanggap at nagpapasakop dito ay ang mga matatalinong dalaga na sinasalubong ang lalaking ikakasal—ang ikalawang pagdating ng Panginoon.
Sa kasalukuyan, ang mga propesiya ng lihim na pagdating ng Panginoong Jesus ay natupad na. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lantarang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang lubusang madalisay at mailigtas ang tao. Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay tinutupad hindi lamang ang mga propesiya na nauugnay sa pagbaba ng Panginoon sa lihim, kundi pati na rin ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anumang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). At sinasabi sa 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.”
Ang kasalukuyang panahon ay ang yugto ng nakatagong gawain ng Makapangyarihang Diyos ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng salita upang hatulan at dalisayin ang mga tao. Sa sandaling makagawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay, ang dakilang gawain ng Diyos ay matagumpay na makukumpleto, at ang gawain ng natatagong pagdating ng nagkatawang-taong Diyos ay magtatapos din. Pagkatapos ay magsisimulang pakawalan ng Diyos ang malalaking sakuna upang gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Lahat ng ginawang mananagumpay bago ang mga sakuna ay mapapasailalim sa proteksyon ng Diyos at makaliligtas; yaong mga patuloy na tumatangging tanggapin ang gawain ng lihim na pagdating ng Makapangyarihang Diyos, at kinokondena ang Cristo ng mga huling araw, ay tuluyan nang tatalikuran at tatanggalin ng Diyos, mahuhulog sa sakuna, at mananangis at magngangalit ng kanilang mga ngipin.
Halos 30 taon na mula nang simulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain. Gumawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay, at ang kanilang mga patotoo ay matagal nang nailathala online, na nagpapatotoo sa buong mundo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Samakatuwid, kung nais nating salubungin ang Panginoon, kailangan nating maingat na pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at pakinggan upang makita kung ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Panginoon. Sa ganitong paraan hindi natin mapalalampas ang pagkakataong salubungin ang Panginoon at magawang mga mananagumpay, at ganap na hindi kasusuklaman, tatanggihan o aalisin ng Diyos, umiiyak at nagngangalit ang ngipin sa kadiliman.
Ngayon nauunawaan na natin kung paano matutupad ang mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus. Kung nais mong siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, o kung mayroon kang ibang mga isyu o katanungan, maaari kang mag-click sa online chat icon sa ilalim ng artikulong ito upang maghanap at magsiyasat, o magpadala ng mensahe sa amin sa Messenger.