Mga kapatid, kapayapaan ay suma inyo! Salamat sa Panginoon para sa Kanyang mga paghahanda na nagpahintulot sa atin na ipabatid dito ang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan. Patnubayan nawa tayo ng Panginoon. Sa araw na ito, nais kong mangusap sa bawat isa tungkol sa paksang “muling pagkabuhay ng isang patay na tao.”
Gaya ng pagkakaalam ng mga taong naniniwala sa Panginoon, ang “muling pagkabuhay ng isang patay na tao” ay tumutukoy sa oras nang pagbabalik ni Jesus. Ito rin ay isang sitwasyon na kinasasabikan natin makita bilang mga Kristiyano. Ngayon, paano ba ang “isang patay” ay muling mabuhay? Maraming tao ang maiisip ang kabanata 37, talatang 5-6 sa Libro ni Ezekiel: “Ganito ang sabi ni Jehova Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay. At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.” Sa Ebanghelyo ni Juan kabanata 6, talatang 39, sinabi ni Jesus: “At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.” Sa kabanata 15, talatang 52-53 sa Libro ng 1 Corinto, nababasa: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin. Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.” Bukod pa rito, kung babasahin ng mga tao ang literal na kahulugan ng Biblia, ito ang paniniwalaan nila: Sa mga huling araw, kapag pababa na ang Panginoon, magaganap ang maraming dakila at mahimalang mga bagay. Sa Kanyang pagka-makapangyarihan, muli Niyang bubuhayin ang katawan ng mga santong natutulog sa loob ng maraming henerasyon. Iaangat Niya ang mga ito mula sa kanilang mga libingan, mula sa ilalim ng lupa o dagat. Ang libu-libong mga kalansay na nabulok sa ilalim ng lupa o dagat ay kaagad mabibigyan ng bagong buhay. Ang pagkabulok ay mahiwagang mawawala at sila ay papasok patungo sa kaluwalhatian. Talagang kamang-mangha ang tanawing ito! … Ito rin ang ating mga pananaw at imahinasyon patungkol sa “muling pagkabuhay ng isang patay na tao.” Paano ba matutupad ang propesiyang ito? Ito ba talaga ay magiging kahima-himala tulad ng ating iniisip? Tutuparin ba ito ng Panginoon ayon sa ating mga imahinasyon?
Alam nating lahat, ang karunungan ng Diyos ay mas mataas kaysa sa kalangitan. Anuman ang gawin ng Diyos ay higit sa ating mga iniisip at mga imahinasyon. Sa Biblia, ito ay nakatala: “Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ni Jehova. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isa 55:8-9). Bilang mga nilikha sa harap ng Diyos, tayo ay walang halaga at kasing-baba tulad ng alikabok. Hindi natin kailanman maaarok ang gawain ng Diyos. Ito ay katulad sa mga nakatala sa Biblia kung saan si Jesus ay nakikipag-usap kay Nicodemus patungkol sa katotohanan ng muling kapanganakan: “Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3). Naunawaan ni Nicodemus ang mga salita ni Jesus sa literal na pagkaintindi. Naniwala siyang ang “muling kapanganakan” ay nangangahulugang paglitaw muli mula sa sinapupunan ng ina. Gamit ang kanyang utak at imahinasyon, naunawaan niya ang isang bagay na espiritwal na para bang isang bagay ng materyal na mundo. Ang ganitong uri ng pagtanggap ay lubhang mali. Dagdag pa rito, nang si Jesus ay nakikipag-usap sa babae mula sa Samaria, Kanyang sinabi: “Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man” (Juan 4:14). Noong panahong iyon, hindi naunawaan ng babae sa Samaria kung ano ang sinasabi ng Panginoon. Inisip niyang ang tubig na inihahain ng Panginoon ay parehong tubig na iniinom ng mga tao. Ang bunga nito, sinabi niya: “Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako'y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa” (Juan 4:15). Sa totoo lang, ang “tubig” na tinutukoy ni Jesus ay ang salita ng Panginoon. Tinutukoy Niya ang tubig ng buhay. Naunawaan lamang ng babae mula sa Samaria ang literal na kahulugan ng sinabi ni Jesus at dahil doon, ay mali ang pagkaintindi sa kahulugan. Makikita natin dito na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan. Tinatago nito ang hiwaga ng gawain ng Diyos. Kung hindi ihahayag ng Diyos ang mga hiwagang ito, ang ating kaunawaan ay magiging lubhang limitado. Gayundin naman, kung mauunawaan lamang natin ang literal na kahulugan ng propesiya ng “muling pagkabuhay ng isang patay na tao,” hindi ba tayo gagawa ng parehong pagkakamali na ginawa ni Nicodemus at ng babae mula sa Samaria? Samakatuwid, pagdating sa mga propesiya, dapat nating panatilihin ang paggalang, higit na magsaliksik, huwag ipakahulugan ang teksto nang literal, huwag umasa sa ating mga imahinasyon at pagkaunawa para magpasiya at higit pa rito, huwag umasa sa ating personal na kahulugan upang ipaliwanag ito.
Ngayon, ano nga ba ang tinutukoy ng “muling pagkabuhay ng isang patay na tao?” Ano ba ang tinutukoy ng “patay na tao” at “buhay na tao?” Sa loob ng libu-libong taon, wala kahit isang tao ang nagawang sagutin nang malinaw ang tanong na ito. Tanging ang Diyos ang may kakayahang buksan ang mga hiwagang ito. Ngayon, bumalik na ang Diyos sa anyo ng nagkatawang tao na Makapangyarihang Diyos. Ipinahayag na Niya ang milyon-milyong salita at ibinunyag ang lahat ng mga hiwagang nakapaloob sa Biblia. Tingnan nating lahat ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos:
“Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong kung saan ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. … Sa simula, ang taong nilikha ng Diyos ay buhay, ngunit dahil sa kasamaan ni Satanas, namuhay ang tao sa gitna ng kamatayan, at namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, kaya naging mga patay na walang espiritu ang mga taong ito, naging mga kaaway sila na sumasalungat sa Diyos, naging mga kasangkapan sila ni Satanas, at naging mga bihag sila ni Satanas. … Ang mga patay ay yaong mga walang espiritu, yaong mga manhid sa sukdulan, at yaong mga sumasalungat sa Diyos. Bukod dito, sila ang mga hindi nakakakilala sa Diyos. Wala kahit na katiting na intensyon na sumunod sa Diyos ang mga taong ito, nanlalaban lamang sila sa Kanya at sinasalungat Siya, at wala kahit na katiting na katapatan. Ang mga buhay ay yaong mga espiritung ipinanganak muli, na alam tumalima sa Diyos, at yaong tapat sa Diyos. Pag-aari sila ng katotohanan, at ng patotoo, at ang mga tao lang na ito ang nakalulugod sa Diyos sa Kanyang tahanan. Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay muli, na nakikita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos, at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at naniniwala sa Kanyang pagpapakita” (“Ikaw Ba’y Nabuhay?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang nagpaliwanag sa atin kung ano ang ibig sabihin ng “patay na tao” at “buhay na tao.” Sa pasimula, nilikha ng Diyos ang mga ninuno ng sangkatauhan, sina Adan at Eva. Sila ay mga buhay na nilalang na may mga espiritu. Sila ay mga taong matapat at matalino at nagagawa nilang mapakilala ang Diyos at maparangalan ang Diyos. Pagkatapos nito, sila ay natukso ni Satanas na kainin ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Bilang resulta, sila ay napuno ng lason ni Satanas. Hindi na sila naging matapat sa Diyos ni hindi na sila sumusunod sa Diyos. Nawala sa kanila ang imahe ng taong nilikha ng Diyos noong pasimula. Bagaman ang kanilang mga katawan ay nanatiling buhay, sa mga mata ng Diyos, sila ay naging mga patay na taong walang espiritu. Sa kasalukuyan, lalo tayong ginagawang masama ni Satanas. Tayo ay puno ng mala-Satanas na masamang disposisyon katulad ng pagmamataas, pagiging makasarili, pagtataksil, pagiging malisyoso, at kasakiman. Dumarating sa punto kung saan kapag nakakatagpo tayo ng isang bagay na hindi ayon sa ating mga pagkaintindi, nagrereklamo tayo sa Diyos, hinahatulan ang Diyos, lumalaban sa Diyos at pinagtataksilan ang Diyos. Sa mga mata ng Diyos, tayo ay mga patay na tao na walang espiritu. Mula dito, makikita natin na ang “patay na tao” ay tumutukoy sa mga taong namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, iyong may masasamang kalikasang lumalaban sa Diyos at iyong mga kaaway ng Diyos. Bilang kahalili, ang “buhay na tao” ay tumutukoy sa mga taong itinaboy na ang mala-Satanas na masamang disposisyon, sila na napanumbalik ang kanilang konsensya at pakiramdam, sila na nakakaunawa sa Diyos, sila na sumusunod sa Diyos at nagmamahal sa Diyos. Ang mga taong ito ay may lugar para sa Diyos sa kanilang mga puso. Sa lahat ng bagay ay kaya nilang hanapin ang katotohanan, maintindihan ang mga ninanais ng Diyos, isagawa ang katotohanan ng mga salita ng Diyos at hindi na umasa pa sa mga panuntunan ni Satanas sa buhay. Sila ay mga taong nagtagumpay sa impluwensya ni Satanas at bumalik na sa Diyos. Ito ay mga buhay na taong may mga espiritu at sila ay tunay na muling nabuhay mula sa mga patay.
Pagkatapos maunawaan ang pagkakaiba ng “patay na tao” at “buhay na tao”, maaaring itanong ng ilang kapatiran, paano matutupad ang propesiya ng “muling pagkabuhay ng isang patay na tao?” Bago sagutin ang tanong na ito, tingnan natin ang isang halimbawa. Bagaman ang ating mga kasalanan ay napagbayaran na ni Jesus at napatawad na, ang ugat ng ating pagkakasala ay hindi pa nalutas. Nabubuhay pa rin tayo sa mala-Satanas na masamang disposisyon. Tayo ay nagkakasala at inaamin sila araw at gabi. Halimbawa: hindi natin kayang sumunod sa mga kautusan ng Diyos at hindi natin kayang isagawa ang mga salita ng Panginoon. Tayo ay gaya ng mga nasa mundo ng mga walang kaugnayan sa relihiyon na sumusunod sa takbo ng mundo, nagnanasa sa kayamanan at makalamang layaw. Tayo ay mapagmataas at palalo, buktot at taksil at makasarili at mababang klase. Tayo ay kinokontrol ng ating mala-Satanas na kalikasan. Madalas nating sinasalungat ang Diyos at lumalaban sa Diyos. Madalas tayong magyabang sa mga tao. Sumasaksi tayo sa ating mga sarili para tayo ay tingalain ng mga tao at nakikipagpaligsahan sa Diyos para sa katayuan. Para sa ating sariling kapakanan, kaya nating magtaksil, magsinungaling para manlinlang ng mga tao at lantarang makipag-away at manlinlang nang patago. Kaya pa nating mangako nang mga huwad na sumpa at magbigay ng mga hungkag na pangako sa Diyos. Habang ang ating mga labi ay nagsasabing minamahal natin ang Diyos, ang totoo, nakikipagkalakal tayo sa Diyos. Sa panlabas, tayo ay masipag na gumagawa, nagpapalayas at gumugugol, ngunit ginagawa natin ang mga bagay na ito sa pag-asa sa kapalit na mga kaloob at biyaya ng Diyos. Naniniwala tayo sa Diyos, ngunit hindi natin pinararangalan ang Diyos bilang dakila. Wala tayong puwang sa ating puso para sa Diyos. Sa halip, sinasamba natin ang mga sikat, mga dakilang tao, mga pastor at matatanda, at iba pa. Kapag hindi natin nagawang linisin ang ating masamang disposisyon, paano tayo magiging mga buhay na tao at paano natin maaabot ang pagsang-ayon ng Diyos at makapasok sa kaharian ng langit? Bilang resulta, hinihiling pa natin sa Diyos na gumawa ng isa pang hakbang ng pagliligtas.
Sinabi ni Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Maliwanag na babalik ang Diyos sa mga huling araw upang ihayag ang katotohanan at gawin ang huling yugto ng Kanyang gawain ng pagkakaloob ng buhay sa tao. Sinabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kung nais ng mga tao na maging buhay na katauhan, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang sumuko nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagpupungos at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng mga katotohanang hinihingi ng Diyos na isabuhay, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na katauhan” (“Ikaw Ba’y Nabuhay?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga huling araw, upang maligtas tayo sa impluwensya ni Satanas, muling nagkatawang-tao ang Diyos. Ginagamit Niya ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos upang ilahad ang Kanyang gawain ng paghatol na nagsisimula sa Kanyang tahanan. Naranasan na natin ang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos at mga pagsubok at paglilinis ng mga salita ng Diyos. Tunay nating nauunawaan ang katotohanan ng ating sariling paglaban at pagsalungat sa Diyos at ng ating mala-Satanas na kalikasan at diwa. Kasabay nito, mayroon tayong kaunting pagunawa sa matuwid at banal na disposisyon ng Diyos. Nakikita natin na ang pagliligtas ng Diyos ay napaka praktikal. Higit pa rito, napopoot at nagtataksil tayo sa ating sariling mala-Satanas na disposisyon. Handa tayong isagawa ang katotohanan, umasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay bilang mga tao, itapon ang ating masamang disposisyon at bigyang lugod ang mga layunin ng Diyos. Natanggap na natin ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos at ibinaling ito sa ating mga buhay. Naabot na natin ang tunay na pagsunod sa Diyos, pag-ibig sa Diyos at isinasabuhay ang tunay na anyo ng tao. Ito ay kung paanong ang isang “patay na tao” ay mabago tungo sa isang “buhay na tao.” Ito ay muling pagkabuhay sa mga patay. Tinutupad din nito ang mga salita ni Jesus: “At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw” (Juan 6:39). Maliwanag na ang “muling pagkabuhay” ay nakakamit sa pamamagitan ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ito ay hindi kasing kahima-himala na inaakala ng mga tao. Mga kapatid, ang gusto ng Diyos ay mga buhay na tao at hindi mga patay na tao. Iyon lamang mga buhay na tao ang makapagbibigay karangalan sa Diyos at magbibigay saksi sa Diyos. Iyon lamang mga buhay na tao ang angkop para manahin ang pangako ng Diyos – ang pumasok sa kaharian ng langit. Hangga’t tinatanggap natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nararanasan ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos at tinatanggap ang katotohanan bilang ating mga buhay, tayo ay maaaring muling mabuhay mula sa mga patay!
Salamat sa Diyos! Lahat ng luwalhati ay pag-aari ng Diyos!
Rekomendasyon: