Sabi ng Bibliya, “Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso” (Mga Hebreo 4:12).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa pinakamataas na punto sa sansinukob, pinanonood ng Diyos ang bawat galaw ng tao, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng tao. Kahit ang bawat kaloob-loobang kaisipan nila ay Kanyang minamasdan nang may walang-pasubaling kalinawan, hindi ito nilalampasan—kaya’t humihiwa ang mga salita ng Diyos sa mga puso ng mga tao, tumatama sa kanilang bawat iniisip, at matalas at walang kamalian ang Kanyang mga salita. ‘Kahit na ang tao ay “nakakikilala” sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala sa Aking Espiritu. Ang Aking mga salita’y inilalantad ang pangit na larawan ng lahat ng tao, at inilalantad ang pinaka-malalalim na saloobin ng lahat ng tao, at sinasanhi ang lahat sa lupa na bumagsak sa kalagitnaan ng Aking pagsisiyasat.’”
Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na sinisiyasat ng Diyos ang mga puso at isipan ng mga tao. Tanging ang mga salita ng Diyos ang makahahayag ng mga ideya at saloobin natin na mga tiwaling sangkatauhan. Sa ibang salita, malinaw na nalalaman ng Diyos kung ano ang iniisip natin araw-araw, ang ating mga saloobin at pagpapahayag ng katiwalian, at maaaring ibunyag ang mga ito sa mga salita. Halimbawa, sa panahong iyon, ang mga Fariseo, sa mata ng mga Hudyo, ay mga banal na lingkod ng Diyos. Ngunit nakita ng Panginoong Jesus sa kanilang puso ang pagmamahal sa kawalang-katarungan at napopoot sa katotohanan, at inilantad Niya sila, na sinasabi, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal” (Mateo 23:27). Ang isa pang halimbawa, kahit na nakilala ng Panginoong Jesus ang babaeng Samaritana sa kauna-unahang pagkakataon, kaya Niyang maipahayag ang kanyang nakatagong lihim. Kaya kinilala ng babaeng Samaritana na ang Panginoong Jesus ay ang darating na Mesiyas. Mula rito, makikita natin na ang Diyos lamang ang makakapagsiyasat sa mga puso ng mga tao at tanging ang Diyos lamang ang nakakakita ng malinaw na katotohanan ng katiwalian ng mga tao at ang kanilang mga panloob na kaisipan. Ito rin ang isang prinsipyo upang makilala ang tinig ng Diyos.
Inirerekomenda:
Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)