Ang mga bata ay isang pagpapala at nagdudulot ng lubhang kagalakan sa ating pamilya. Gayunpaman, ang kanilang paghihimagsik ay sinusubok ang ating pasensya at pangunawa, na isang tunay na sakit ng ulo para sa atin at kung paano turuan ang ating mga anak ay nagiging isang mahirap na problema. Tanging ang Diyos ang ating patuloy na suporta. Siya ay umaaliw sa atin at nagbibigay sa atin ng karunungan. Tanging kung taimtim tayong umaasa sa Kanya ay makakakuha tayo ng tulong at mahahanap ang tamang paraan upang turuan ang mga bata.
Kung ikaw ay isang magulang at may problema sa pagtuturo sa mga bata, pakibasa ang mga pangunahing talata na ito ng Bibliya. Umaasa kami na makakatulong ito.
Ang tamang paraan upang turuan ang mga bata ay paghihikayat sa kanila sa halip na laging pag-pagalit sa kanila. Ang Paghihikayat ay mas epektibo kaysa sa pagsinghal sa kanila at tutulong sa iyo na maging mas malapit sa iyong mga anak. Totoong, kapag nagkakamali ang mga bata, kailangang itama ang kanilang mga pagkakamali. Basahin ang mga talatang ito ng Bibliya at makikita mo ang tamang paraan upang turuan ang mga bata.
Colosas 3:21
Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
Efeso 6:4
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Sa hakbang sa Paglaki ng mga bata,mas makabubuti na gabayan sila na lumapit sa harap ng Diyos at makabuo ng isang normal na relasyon sa Diyos. ito’y makatutulong sa kanila sa tama ukol sa kanilang mga paglabag, at mapatnubayan sila na lumakad patungo sa tamang landas. Sa gayon sila ay lumalaki sa ilalim ng proteksyon ng Diyos.
Ang mga sumusunod na talata ay magbibigay sa iyo ng paraan upang magabayan ang iyong mga anak na lumakad sa tamang landas.
Kawikaan 22:6
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Filipos 4:6-7
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
Deuteronomio 6:6-8
At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.
Efeso 6:5
Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo;
Gabayan ang iyong mga anak na lumapit sa harap ng Diyos, at upang ilagay sa pamantayan ang kanilang mga salita, pag-uugali, at pang-araw-araw na buhay sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, makikilala nila ang tama mula sa mali, maiwasan ang masasamang pa-uso ni Satanas, matanggihan ang mga tukso, lumakad patungo sa tamang landas at sa gayon ay makamit ang kaligtasan ng Diyos.
2 Timoteo 3:15
At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
Kawikaan 1:10
Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
Santiago 4:7
Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.
Efeso 6:10
Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.
Kawikaan 3:5-7
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan.
Tala ng Editor:
Inaasahan namin na ang mga talatang ito ng Bibliya ay makatutulong sa iyo na madaling makibagay sa iyong mga anak at magtatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Kung mayroon kang anumang mga kaliwanagan o pang-unawa na maibabahagi, o anumang mga kalituhan at mga tanong na maaaring saliksikin, Ikaw ay malugod naming inaanyayahan na pindutin sa kanang sulok sa ibabang bahagi ng screen upang kumonekta sa amin. Nawa’y tulungan at suportahan natin ang isa’t isa sa pag-ibig ng Panginoon.