Tayong mga tao ay namumuhay bilang isang yunit ng pamilya sa mundong ito. Kaya lahat ay naghahangad para sa isang masayang pamilya. Paano natin maunawaan ang pagnanais na ito? Paano dapat mabuhay ang pamilya ng may pagkakaisa sa bawat isa? Basahin ang sumusunod na mga talata at panghawakan ang lihim sa may pagkakaisang pamilya.
Paano isinasaayos ng Diyos ang ating pamilya? Basahin ang sumusunod na mga talata sa Bibliya upang malaman ang pinagmumulan ng pamilya.
At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya.
Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.
Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
Kung paano itinuturing ng haligi ng tahanan ang kanyang maybahay sa isang pamilya ay may kaugnayan sa kung o hindi ang pamilyang ito ay magiging masaya. Bilang isang mananampalataya ng Diyos, paano tayo dapat maging isang mabuting haligi ng tahanan? Pakibasa ang sumusunod na mga talata:
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko: siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.
Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan. Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili: Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia.
Ang isang maybahay ay may mahalagang papel sa isang pamilya. Basahin ang sumusunod na mga talata at makuha ang lihim na maging isang mabuting Maybahay.
Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi.
Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayon din ang kaniyang asawa, at pinupuri siya niya, na sinasabi.
Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa.
Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon, Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios.
Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae; Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.
Ang mga magulang ay umaasa na magkaroon ng isang malapit na kaugnayan sa kanilang mga anak. Ngunit marami sa kanila ang may puwang nang henerasyon sa kanilang mga anak at hindi makibagay sa kanilang mga anak. Ang mga sumusunod na talata ay maaaring makatulong sa iyo na makita ang lihim na magpapabuti ng iyong relasyon sa iyong mga anak upang maayos kang maka-ugnay sa kanila.
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon: At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo. At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.
Hinihiling ng Diyos na igalang natin ang ating mga magulang. Kaya paano tayo dapat magsanay alinsunod sa kahilingan ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay? Ang mga sumusunod na artikulo at mga talata ay magpapakita sa iyo ng paraan ng pagsasanay.
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios: upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.
Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina.
Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda. Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa. Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya. Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo.
Mula pa noong likhain ang mundo nasimulan Ko nang italaga at piliin ang grupo ng mga taong ito, samakatuwid nga, kayo sa kasalukuyan. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, sambahayan kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at ang iyong buhay may asawa, ang iyong kabuuan, maging ang kulay ng iyong balat at ng iyong buhok, at ang panahon ng iyong pagsilang ay isinaayos ng Aking mga kamay. Maging ang lahat ng iyong ginagawa at ang mga tao na iyong nakatatagpo sa bawat isang araw ay isinasaayos ng Aking mga kamay, huwag nang banggitin ang katunayan na ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya sa kasalukuyan ay Aking pagsasaayos talaga. Huwag mong ibulid ang sarili mo sa kaguluhan; dapat kang magpatuloy nang mahinahon.
Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay Mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha
Saan ka pupunta araw-araw, ano ang gagawin mo, sino o ano ang iyong makakatagpo, ano ang sasabihin mo, ano ang mangyayari sa iyo—maaari bang mahulaan ang alinman sa mga ito? Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang lahat ng pangyayaring ito, higit lalo ang makontrol kung paano magaganap ang mga ito. Sa buhay, ang mga di-nakikitang pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, at ito’y mga pang-araw-araw na pangyayari. Ang araw-araw na malaking mga pagbabago at ang mga paraan ng pagkakaganap ng mga ito o ang mga disenyo ng pangyayari ng mga ito, ay palagiang mga paalala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang sapalaran, na ang landas sa pagbuo na kukunin ng mga bagay na ito at ang pagiging di-maiiwasan ng mga ito, ay hindi mababago ayon sa kagustuhan ng tao. Bawa’t pangyayari ay naghahatid ng isang paalala mula sa Manlilikha ng sangkatauhan, at nagpapadala rin ito ng mensahe na hindi maaaring makontrol ng mga taong nilalang ang kanilang sariling mga kapalaran; kasabay nito ang bawa’t pangyayari ay isang pagsalungat sa padalus-dalos, walang-saysay na ambisyon at mga pagnanasa ng sangkatauhan na ilagay sa sariling mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang mga ito’y parang malalakas na sunud-sunod na sampal sa sangkatauhan, pinupwersa ang mga tao na isaalang-alang kung sino ang mamamahala at kokontrol sa kanilang kapalaran sa katapusan. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay paulit-ulit na nahahadlangan at nadudurog, likas na humahantong ang mga tao sa walang-malay na pagtanggap sa kung ano ang inilaan ng kapalaran, isang pagtanggap sa realidad, sa kalooban ng Langit at sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Mula sa pang-araw-araw na malalaking pagbabago na ito sa mga kapalaran ng buong buhay ng mga tao, walang bagay na hindi nagbubunyag sa mga plano ng Manlilikha at ng Kanyang dakilang kapangyarihan; walang anumang hindi nagpapaabot ng mensahe na "ang awtoridad ng Manlilikha ay hindi malalampasan," ang hindi nagpapadala ng walang hanggang katotohanan na "ang awtoridad ng Manlilikha ay pinakamataas."
Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakaugnay sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Manlilikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Manlilikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng bagay nagsisimulang maunawaan ng tao ang mga pagsasaayos ng Manlilikha at Kanyang dakilang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng kaligtasan nararamdaman niya ang pamamahala ng Manlilikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan na isinasagawa ng Manlilikha ang Kanyang dakilang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Manlilikha para sa lahat ng bagay at may buhay at tunay na sumasaksi sa kung paanong ang mga pagsasaayos at paghahandang 'yon ay humahalili sa lahat ng maka-lupang batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na kilalanin na ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang, na walang puwersa ang maaaring makialam sa o magpalit ng mga pangyayari at mga bagay na itinadhana ng Manlilikha. Sa ilalim ng mga banal na batas at mga patakarang ito nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na kumakatawan sa awtoridad ng Manlilikha?
Nakatutulong ba sa iyo ang nilalaman sa itaas? Kung mayroon kang anumang mga kaliwanagan o pang-unawa na maibabahagi, o anumang mga kalituhan at mga tanong na maaaring saliksikin, Ikaw ay malugod naming inaanyayahan na pindutin sa kanang sulok sa ibabang bahagi ng screen upang kumonekta sa amin. Nawa'y tulungan at suportahan natin ang isa't isa sa pag-ibig ng Panginoon.