Read more!
Read more!

Ang Pagdating ng Anak ng Tao sa Mga Huling Araw—Isang Komentaryo sa Lucas 17:24-25

Bible Verse of the Day Tagalog

Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Base sa mga talatang ito, ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay bilang “ang pagdating ng Anak ng tao.” “Ang Anak ng tao” ay nangangahulugang Siya ay ipinanganak bilang isang tao at nagtataglay ng normal na katauhan, tulad ng ang Panginoon Jesus ay ipinanganak ni Maria. Sa panlabas na kaanyuhan Siya ay tila ordinaryo at normal, ngunit Siya ang nagkatawang-taong Diyos, at kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tubusin ang buong sangkatauhan. Kung ang nagbalik na Panginoon ay lilitaw sa atin sa Kanyang nabuhay-muling espiritwal na katawan, tumatagos sa mga dingding at bigla-biglang lilitaw sa tabi natin at mawawalang bigla, gayon Siya ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao at ang lahat ay manginginig at mangangalupaypay sa takot sa Kanya. Kung gayon, hindi sila mangangahas na kalabanin ang Diyos at ang Diyos ay hindi magdurusa o tatanggihan ng tao. Tanging kapag ang Diyos ay dumating sa anyo ng pagkakatawang-tao na ang tao ay mabibigong matanto ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan, at kanilang ituturing Siya bilang isang ordinaryong tao at aasahan ang sari-saring mga nosyon upang kalabanin at kondenahin Siya tulad ng pagkondena sa Panginoong Jesus ng mga Pariseo sa pagsasabing hindi Siya ang Mesiyas, na kung saan ay tumutupad sa talatang, “Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Malinaw na, "ang pagdating ng Anak ng tao" ay nangangahulugan na ang Panginoon ay magiging laman sa mga huling araw sa Kanyang pagbabalik. Bilang karagdagan, ang mga talata ay nagbabanggit din ng "kidlat." Ang mga pamilyar sa Bibliya ay alam na ang "kidlat" ay tumutukoy sa Diyos Mismo (tingnan ang Zacarias 10:1 at Pahayag 4:5). Nangangahulugan ito na pagdating ng Panginoon upang gumawa sa mga huling araw, ang Kanyang ebanghelyo ay lalaganap na tulad ng kidlat. Samakatuwid, sa paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, kung naririnig natin na may nagsabi na ang Panginoon ay bumalik na, dapat tayong aktibong maghanap at magsaliksik. Tanging sa gayon lamang na maaari tayong makasunod sa gawain ng Diyos at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Basahin pa ang mas maraming nilalaman tungkol sa ikalawang pagparito ni Jesus upang mahanap ang landas sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Share