Read more!
Read more!

Maling Pananampalataya Ba ang Umalis sa Biblia?

Sa makapukaw na mga sakuna, ang mga pangitain na tanda sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay higit na nakikita ngayon, at maraming mga tao na naghihintay sa Diyos ay sabik na sabik sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nang ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagsimulang magpatotoo nang lantaran na ang Panginoon ay nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos—Cristo ng mga huling araw—na nagpapahayag ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, gayunpaman, ang ilang mga tao ay nalinlang at nahadlangan ng sinabi ng mga pastor at elder, na “Ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay nasa Biblia, at ang pag-alis sa Biblia ay maling pananampalataya,” at sa gayon ay hindi nila hinangad na hanapin at siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ngunit naaangkop ba sa katotohanan ang pahayag na ito ng mga pastor at elder? Mayroon bang anumang batayan para sa pag-angkin na ito sa mga salita ng Panginoong Jesus? Ang isyung ito ay may direktang kaugnayan sa kung maaari nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon at ma-rapture sa kaharian ng langit. Sabay nating tuklasin ito.

Ang Lahat Ba ng Mga Salita ng Diyos at Gawain ay Makikita sa Biblia?

Bagaman maraming tao ang naniniwala na “Ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay nasa Biblia, at ang pag-alis sa Biblia ay maling pananampalataya,” sinabi ba talaga ng Panginoong Jesus ang ganoong bagay? Sinabi ba ng Banal na Espiritu ang gayong bagay? Sumasang-ayon ba ang pananaw na ito sa mga katotohanan? Kung ang mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, paano kung gayon maipaliliwanag ang sumusunod na sinabi ni Juan? “At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Tulad ng alam nating lahat, ang Panginoong Jesus ay gumawa at nangaral sa loob ng tatlo at kalahating taon, nagsasalita at gumagawa na sino ang may-alam kung gaano karaming bagay sa bawat araw, kaya paano maaaring maitala ang lahat na ito sa loob ng mga saklaw ng Apat na Ebanghelyo? Ang Diyos ang Lumikha, Siya ang patuloy na dumadaloy na bukal na tubig ng buhay, kaya paano Siya marahil nagsalita lamang ng mga limitadong salita na naitala sa Biblia? Kung nililimitahan natin ang mga pagbigkas ng Diyos sa Biblia, hindi ba natin isinasaalang-alang ang Diyos bilang hamak at walang halaga? Bukod dito, malinaw na prinopesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Iprinopesiya rin ng Aklat ng Pahayag ang pagdagundong ng pitong kulog at bubuksan ng Kordero ang maliit na balumbon. Mula dito makikita natin na sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga bagong pagbigkas at magkakaloob ng lahat ng mga katotohanan sa tao. Kung naniniwala tayo na walang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia, hindi ba natin itinatanggi kung gayon ang pagbabalik ng Panginoon at itinatanggi ang Kanyang mga propesiya? Samakatuwid, ang pag-angkin na “Lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay nasa Biblia at walang mga salita o gawa ng Diyos sa labas ng Biblia” ay simpleng hindi naaakma. Kung mananatili tayo sa ganitong uri ng pananaw, hinding-hindi natin magagawang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Maling Pananampalataya Ba ang Umalis sa Biblia?

Yamang mayroong mga salita ng Diyos na nakita sa labas ng Biblia, ang pahayag ba na “Ang pag-alis sa Biblia ay maling pananampalataya” ay naaayon sa mga katotohanan? Sa katunayan, ang Biblia ay walang iba kundi isang talaan ng nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito man ay Kapanahunan ng Kautusan o Kapanahunan ng Biyaya, ito’y maraming taon matapos na nakumpleto ng Diyos ang Kanyang gawain na isinulat ng mga tao ang mga salitang Kanyang sinalita at ang gawain na Kanyang ginawa at pinagsama-sama ang lahat sa nakikilala natin ngayon bilang Biblia. Mula sa prosesong ito ng pag-iral ng Biblia, malalaman natin na ang Biblia ay isang talaan ng kasaysayan lamang ng nakaraang gawain ng Diyos—kung wala ang gawain ng Diyos ay walang Biblia. Nangangahulugan ito na hindi nagsasalita o gumagawa ang Diyos ayon sa Biblia at na Siya ay hindi limitado ng Biblia; Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at isinasagawa ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang sariling plano at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Kaya’t hindi natin malilimitahan ang gawain at mga salita ng Diyos sa Biblia, at hindi natin maaring gamitin ang Biblia upang ilimita ang Diyos, mas lalo nang hindi ang pag-angkin na ang anumang pag-alis mula sa Biblia ay maling pananampalataya, sapagkat ang Diyos ay may karapatang umalis mula sa Biblia upang magsalita at gumawa. Mas malilinawan tayo sa isyung ito kapag nabasa natin ang sipi ng mga salita ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa panahon ni Jesus, pinamunuan ni Jesus ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawa ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, ni naghanap Siya sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula sa kung saan Siya nagsimula ng gawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—isang salita kung saan lubusang walang nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Sa Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Kaya, gayon din, ang Kanyang gawain, ang Kanyang mga turo at ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang mga salita ay lampas sa sinumang tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Biblia—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan para ipako Siya sa krus—ang Kanyang gawain ay nahigitan ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at ang Kanyang kakayahan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo? … Sa mga tao, lumitaw na parang ang Kanyang gawain ay walang batayan, at marami rito ang salungat sa mga talaan sa Lumang Tipan. Hindi ba ito kamalian ng tao? Ang doktrina ba ay kailangang iangkop sa gawa ng Diyos? At ito ba ay dapat ayon sa mga hula ng mga propeta? Pagkatapos ng lahat, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung mangingilin Siya sa araw ng Sabbath at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, kundi sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Siya humiwalay sa mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia!

Nauunawaan natin mula sa talatang ito na ang Diyos ay laging bago at hindi naluluma, at na ang gawain ng Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan ay kumikilos nang pasulong at hindi nauulit. Sinimulan ng Diyos ang bagong kapanahunan at nagsasagawa ng mas bagong gawain upang dalhin ang mga bagong landas sa mga tao at maipagkaloob ang mas mataas na katotohanan sa mga tao, upang makamit nila ang mas higit na kaligtasan ng Diyos. Hindi lamang ang bawat yugto ng mga salita at gawain ng Diyos, samakatuwid, hindi batay sa Biblia, ngunit sa kabaligtaran, ang Diyos ay lumalampas sa Biblia upang magsalita ng mga bagong salita at magsagawa ng bagong gawain. Kunin ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, bilang halimbawa, na lubos na lumampas sa Lumang Tipan. Kinailangan ng Lumang Tipan na ang pagsamba ng mga tao sa Diyos na Jehova ay dapat isagawa sa templo, ngunit hindi lamang hindi pumasok ang Panginoong Jesus sa templo, sa halip pinangunahan din Niya ang Kanyang mga alagad sa bawat lungsod at bawat nayon upang mangaral at gumawa; Ipinangaral Niya ang paraan ng pagsisisi, at tinuruan ang mga tao na sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan, at hindi makulong sa mga pormalidad. Kinailangan ng Lumang Tipan na sundin ng mga tao ang araw ng Sabbath, ngunit inilabas ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga alagad upang gumawa at mangaral sa araw ng Sabbath, at ang mga alagad ay pumitas ng mga tainga ng mais upang kainin. Kinailangan ng Lumang Tipan na tratuhin ng mga tao ang kanilang mga kaaway nang mata sa mata, ngipin sa ngipin, ngunit hiniling ng Panginoong Jesus na mahalin ng mga tao ang kanilang mga kaaway, na iharap ang kabilang pisngi, at patawarin ang kapwa ng makapitumput pitong beses…. Kaya’t masasabi natin na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay lumampas sa Lumang Tipan. Kung sasabihin natin na ang pag-alis mula sa Biblia ay maling pananampalataya, hindi ba’t kung gayon matutukoy natin ang gawain ng Panginoong Jesus bilang maling pananampalataya?

Dapat nating malaman na ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga bagay; Siya ang Panginoon hindi lamang sa araw ng Sabbath, kundi pati na rin ng Biblia. Ito ay ganap na nasa loob ng Kanyang mga karapatan na lumampas sa mga hangganan ng Biblia upang maisagawa ang gawain na nararapat Niyang gawin at sabihin ang mga salitang nais Niyang sabihin. Bilang tiwaling sangkatauhan, wala tayong karapatang hatulan o limitahan ang mga salita at gawain ng Diyos, dahil ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan ay tiyak na laging naiiba sa lumang kapanahunan. Ang pag-angkin na “Ang pag-alis sa Biblia ay maling pananampalataya” ay, samakatuwid, simpleng hindi naaakma, at talagang hindi natin magagamit ang pag-angkin na ito upang hatulan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos na ginagawa sa mga huling araw.

» Kaugnay na Content:

Paano Natin Dapat Unawain ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw?

Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng milyun-milyong mga salita at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ang mga salitang ito ay mga katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, at bagaman hindi ito naitala sa Biblia nang mas maaga pa, gayunpaman tinutupad ng mga ito ang mga propesiya na sinasalita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan(Pahayag 2:11). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Bagaman tinanggap natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus at ang ating mga kasalanan ay pinatawad, subalit ang ating makasalanang kalikasan ay hindi pa natatanggal at nabubuhay pa rin tayo sa buhay ng pagkakasala at pangungumpisal, hindi makatakas. Ang Makapangyarihang Diyos, gayunman, sa saligan ng gawain ng Panginoong Jesus na pagtubos at ayon sa Kanyang planong pamamahala at mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan, ay nagpapahayag ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ginagawa Niya ito upang mailigtas tayo sa kasalanan, at upang tayo ay madalisay at magabayan sa kaharian ng langit. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay hinahatulan ang tiwaling kakanyahan ng tao at inilalantad ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan dahil kay Satanas, at sinusuri nito ang ugat ng paghihimagsik at paglaban ng tao sa Diyos. Kasabay nito, sinasabi nito sa atin ang lahat ng mga katotohanan na kailangan natin upang makamit ang buong kaligtasan, at ipinakikita nito sa atin ang landas na dapat nating gawin upang madalisay at makamit ang buong kaligtasan. Kung kakapit lamang tayo sa Biblia at tumatanggi na tanggapin ang gawaing ginagawa ng Diyos na nasa labas ng Bibliya sa mga huling araw, kung gayo’y mabubuhay lamang tayo sa isang estado na nagkakasala sa araw at nagkukumpisal sa gabi, at magpapatuloy tayong maghihimagsik at lumalaban sa Diyos, hindi magawang maging katugma ng Diyos. Kung gayon hindi tayo kailanman madadalisay at makakamit ang kaligtasan.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahabol ang buhay, dahil hinahabol mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahabol ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon.” Ang Biblia ay walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos. Kung nais nating makilala ang nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung gayon maaari nating basahin ang Biblia. Ngunit kung nais nating masalubong ang Panginoon at makamit ang kaligtasan ng mga huling araw, kung gayon dapat nating iwanan ang Biblia, hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon at sumabay sa bagong gawain ng Diyos. Nang nagpakita ang Panginoong Jesus at isinagawa ang Kanyang gawain sa pasimula, halimbawa, sina Pedro, Santiago, Juan, at iba pa, ay iniwan ang Lumang Tipan at hindi naitali at napigil ng Lumang Tipan, ngunit patuloy na sumunod sa bagong gawain ng Diyos at nakamit ang kaligtasan ng Panginoong Jesus. Sa kabaligtaran, alam ng mga Fariseo na ang mga salita at gawain ng Panginoon ay may awtoridad at kapangyarihan, ngunit dahil ang mga salita at gawain ni Jesus ay lumampas sa Lumang Tipan, kinondena at nilaban nila Siya, at ipinako sa krus. Sa paggawa nito, nasaktan nila ang disposisyon ng Diyos at sinumpa at pinarusahan ng Diyos.

Matapos basahin ang pagbabahagi sa itaas, tiwala ako na nauunawaan na nating lahat ngayon na ang pananaw na “Lahat ng mga salita ng Diyos ay matatagpuan sa Biblia, at ang pag-alis sa Biblia ay maling pananampalataya” ay mali, at ito ay salungat sa katotohanan . Sa pamamagitan lamang ng pag-talikod sa ating mga paniwala, buong puso na nakikinig sa mga salita ng Diyos, naghahanap at nagsisiyasat sa bagong gawain ng Diyos, at nakakamit kung ano ang sinasalita sa mga salitang “Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon(Pahayag 14:4) maaari nating makamit ang kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw, matanggap ang buong kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit.

» Rekomendasyon:

Welcome ka na bisitahin ang aming Pag-aaral ng Bibliya page, na makatutulong sa iyo na mapalalim sa Bibliya at maunawaan ang kalooban ng Diyos.

Share