Noong Nobyembre 2020, inimbitahan ako ng isang brother na sumali sa online na pagtitipon. Naisip ko na pare-pareho at hindi nagbibigay ng espirituwal na panustos ang mga sermon na palagi kong naririnig sa aking simbahan, kaya baka mas mabuti ang isang banyagang pastor na nagdaraos ng service online. Masayang-masaya akong nagpaunlak. Sa loob ng ilang araw na pagbabahagi ay nalaman ko na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Pumarito Siya upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan upang matakasan natin ang mga gapos ng kasalanan, at magawa tayong mga taong tunay na nagpapasakop at sumasamba sa Diyos, at madala tayo sa kaharian ng Diyos. Maganda ang mga sermon, at tungkol sa mga bagay na noon ko lang narinig, na maraming bagong kaliwanagang tunay na nagtustos sa akin. Ibinahagi ko ang lahat ng ito sa isang brother na malayong kamag-anak ko, pero sa hindi inaasahan, hindi lang siya tumangging makinig, sinabi pa niya ang lahat ng iyon sa pastor ko.
Nagpadala ang pastor ng tatlong lider ng simbahan sa bahay ko para alamin pa ang tungkol sa mga online na pagtitipon ko, kung anong denominasyon sila at kung taga-saan ang tagapangaral. Sabi ko sa kanila, “Hindi ito anumang denominasyon. Nagbalik na ang Panginoong Jesus at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Marami na akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na malinaw Niyang sinasabi sa atin ang ugat ng pagiging makasalanan ng tao, kung paano matakasan ang kasalanan at malinis, at talagang nagbibigay rin ng kaliwanagan ang pagbabahagi ng mga kapatid.” Pero sabi ng mga lider, “Hindi mahalaga kung gaano kaganda ang mga sermon. Ang anumang balita ng pagbabalik ng Panginoon ay mali, dahil sinasabi ng Biblia, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang’ (Mateo 24:23–24). Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na lilitaw ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw, kaya’t anumang pananampalatayang nagsasabing nagbalik na ang Panginoon ay siguradong mali. Paano mo nagagawang makinig sa kanila?” Nang sabihin nila ito, naisip ko na sinabi iyon ng Panginoong Jesus para magkaroon tayo ng pagkakilala sa mga huwad na Cristo, hindi para maging masyado tayong maingat na ni hindi na natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Sa mga online na pagtitipon, nagbahagi si Brother Chen ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng mga katotohanan ukol sa pagkilala sa mga huwad na Cristo at ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang taong lalabas na kayang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, magtaboy ng mga demonyo, magpagaling ng mga may sakit, at gumawa ng maraming himala, at kung ang taong ito ay inangking siya si Jesus na dumating, isa itong huwad na ginawa ng mga masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang magkaparehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling pangangasiwaan ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao; halimbawa, hinulaan ng Lumang Tipan ang pagdating ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagdating ni Jesus. Yamang nangyari na ito, magiging mali na may panibagong Mesiyas na darating. Dumating nang minsan si Jesus, at magiging mali kung darating pang muli si Jesus sa oras na ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at nagtataglay ang bawat pangalan ng paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga kuru-kuro ng tao, dapat palaging magpakita ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, dapat palaging magpagaling ng mga may sakit at magtaboy ng mga demonyo, at dapat palaging maging katulad ni Jesus. Subalit sa oras na ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpapakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtataboy pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga may sakit—kung gagawin Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang kaparehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Kaya naman, isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng gawain Niya, agad itong ginagaya ng mga masasamang espiritu, at pagkatapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, lumilipat ang Diyos tungo sa ibang kaparaanan. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, ginagaya ito ng mga masasamang espiritu. Dapat malinaw kayo tungkol dito” (“Pagbabatid sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tinulungan akong makita ng pagbabahagi niya na nang sabihin ng Panginoong Jesus na “May magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan,” sinasabi Niya sa atin na inililigaw ng mga huwad na Cristo ang mga tao gamit ang mga tanda at kababalaghan. Kaya ang sinumang nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan at tinatawag ang kanilang sarili na Diyos ay tiyak na huwad na Cristo, isang masamang espiritu. Sapagkat ang Diyos ay laging bago, hindi kailanman luma, at hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain kahit kailan. Pagbalik ng Panginoon, hindi Niya gagawin ang parehong gawain ng sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan sa mga huling araw, bagkus ay nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos upang linisin at iligtas ang tao. Napakarami nang katotohanan ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos—Siya ang Cristo, ang Panginoong Jesus na nagbalik. Kaya’t sumagot ako, sabi ko, “Sinabi iyon ng Panginoong Jesus upang magawa nating kilalanin ang mga huwad na Cristo. Si Cristo ang Siyang may kakayahang magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas, pero ang mga huwad na Cristo ay masasamang espiritu at hindi kayang magpahayag ng katotohanan. Ginagaya lang nila ang dating gawain ng Diyos at nagpapakita ng ilang simpleng tanda at kababalaghan upang manlinlang ng mga tao. Sinabi ng Panginoong Jesus na magbabalik Siya at sinabihan tayong maging alerto at maghintay. Tiyak na magkakaroon ng mga taong maghahayag ng Kanyang pagbabalik, kaya kung basta mo na lang sasabihin na mali ang lahat ng iyon, hindi ba’t makokondena mo ang pagbabalik ng Panginoon?” Hindi nila alam kung ano ang isasagot doon, kaya’t binalaan na lang nila ako, sinasabi na kung patuloy akong dadalo sa mga online na pagtitipon na iyon, walang matatanggap na tulong ang pamilya ko mula sa kanila. Sa Vietnam, hinihingi namin ang panalangin ng mga pastor namin para sa lahat ng bagay, malaki at maliit. Kapag may namatay o may iba pang pangyayari sa buhay, palaging tumutulong ang mga pastor. Kapag hindi sila dumating, wala na ring ibang darating para tumulong. Kaya’t alalang-alala ako nang sabihin nilang hindi na sila tutulong. Paano namin haharapin ang mga usapin ng aming pamilya? Noong oras na iyon, hindi ako ganap na nakatitiyak sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Alam kong mali ang mga pastor ng simbahan, pero may epekto pa rin sila sa akin dahil hindi ko gaanong nauunawaan ang katotohanan. Nag-aalala rin ako sa pagharap sa mga problema sa buhay nang walang tulong ng mga pastor. Pero naisip ko na sa pamamagitan ng mga pagtitipong iyon, nakita ko na ang lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na lahat ng iyon ay mula sa Diyos. Pakiramdam ko ay malamang na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Paano kung nakinig ako sa mga lider at napalagpas ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw? Nagtalo talaga ang kalooban ko at hindi ko alam kung dapat akong pumayag na itigil ang pagdalo sa mga online na pagtitipon.
Nakikita ko kung gaano sila kagalit. Kung patuloy akong dadalo sa mga pagtitipon at makikinig sa mga sermon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, alam kong hindi sila titigil. Naisip kong pwede akong magkunwaring sumasang-ayon, at pagkatapos ay palihim na dumalo pag-alis nila, kaya sinabi ko sa kanilang titigil na ako sa pagdalo sa mga pagtitipong iyon. Pero hindi sila tumigil doon. Iginiit nila na burahin ko ang impormasyon para makontak ang mga taong sumasampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Ayaw kong gawin iyon, kaya’t sinadya kong ipagpaliban iyon, iniisip na baka umalis na sila kung patuloy kong hindi ibibigay sa kanila ang telepono ko. Pero noon ay hinimok ako ng asawa kong makinig sa kanila, na ginagawa nila iyon dala ng pagmamahal. Naisip ko na kung talagang mahal nila ako, dapat ay gabayan nila akong siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa halip ay hinatulan at kinondena nila ang bagong gawain ng Diyos at pinigilan akong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ba sila natatakot na masira ang pagkakataon kong salubungin ang Panginoon? Pagmamahal ba iyon? Pagabi na nang pagabi pero hindi pa rin sila umaalis, pinagpipilitang ibigay ko ang telepono ko. Sa wakas, dahil wala na akong ibang magawa, ibinigay ko iyon sa kanila at binura nila ang buong grupo ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ibinlock silang lahat. Binalaan nila ako na kapag sinuway ko sila at patuloy na nakinig sa mga sermon ng mga ito, patatalsikin nila ako sa simbahan. Talagang natakot ako nang marinig iyon. Kapag patuloy akong dumalo sa mga pagtitipong iyon at may nangyari sa pamilya ko, anong gagawin namin nang wala ang kanilang tulong at suporta? Anong gagawin ng mga anak namin kapag nagalit sa akin ang asawa ko dahil dito, kapag hindi kami nagkasundo? Naging miserable ang pakiramdam ko nang maisip ko iyon, kaya’t pinilit ko ang sarili kong sabihing, “Titigil na ako sa pagdalo.” Ngumiti ang isang lider at sinabing, “Ganyan nga. Ituloy mo lang ang pagdalo sa mga service ng simbahan natin.”
Matapos umalis sa online na grupo, wala na akong nagawa kundi bumalik sa dating simbahan. Doon sa simbahan, palaging tinatalakay ng pastor ang tungkol sa biyaya o mga handog, o basta na lang siyang pipili ng ilang bersikulong tatalakayin. Paulit-ulit ang mga sinasabi niya nang walang anumang bagong kaliwanagan. Minsan kapag hindi niya alam kung ano ang sasabihin ay nagbibiro na lang siya. Hindi iyon kapaki-pakinabang ni bahagya para sa buhay ko, at nakakatulog pa nga sa service ang ilan sa mga mananampalataya. At ipinagdarasal lang ng pastor ang mga parokyano na mas marami ang inihahandog, binabalewala ang mga walang gaanong maibibigay, hindi sila ipinagdarasal. Sa nakikita kong ito ay naisip ko ang pagbabahagi ng mga kapatid mula sa mga online na pagtitipon. Sinabi nila na mapanglaw ang mundo ng relihiyon, at sa paggawa ng Diyos ng bagong gawain, hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga iglesia na mula sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, ang mga sermon ng mga pastor ay hindi interesante at paulit-ulit, at hindi nakapagtutustos para sa mga tao. Habang pinag-iisipan ito, alam ko sa aking puso na talagang hindi taglay ng simbahan ang gawain ng Banal na Espiritu. Noon ang simbahan namin ay laging may labis na kasiglahan, pero ngayon ay halos ayaw na naming piliting dumalo sa mga service. Inalala ko kung gaano katindi ang liwanag na taglay ng pagbabahagi ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung gaano iyong nakatutustos para sa akin. Maraming taon na akong nakikinig sa mga sermon ng pastor, pero hindi pa rin malinaw sa akin ang plano ng Diyos sa pagliligtas, kung paano Siya gumawa sa mga Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya, kung ano ang mga bunga ng Kanyang gawain, o kung paano hinahatulan ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw. Alam ko lang na kailangan ko ng pananampalataya. Mula nang marinig ko ang tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko ang tungkol sa lahat ng misteryo ng gawain ng Diyos, at tinulungan ako ng pagbabahagian namin ng iba na lalo pang maunawaan ang gawain ng Diyos. Nakita ko na talaga ngang taglay ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu at katotohanan lahat ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakikita ko na malamang na malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang pagbabalik-tanaw sa lahat ng natamo ko mula sa mga online na pagtitipon ay talagang nagpaligaya sa puso ko. Naisip ko na alam kong nagbalik na ang Diyos para gumawa ng bagong gawain. Kung hindi ako dadalo sa mga pagtitipong iyon upang magsiyasat, baka mapalagpas ko ang pagkakataon kong maligtas. Gustung-gusto kong sumali sa mga kapatid na iyon para sa mas marami pang pagtitipon, pero hindi ko magawa, dahil binura na ng mga lider ang lahat ng impormasyon para makontak sila. Nagugutom na ang espiritu ko, at pakiramdam ko ay nawala na sa akin ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Miserable, hungkag, at nasasaktan ang pakiramdam ko. Bawat araw ay nananalangin ako, hinihiling sa Diyos na magpakita sa akin ng daan palabas. At salamat sa Diyos, dininig nga Niya ang mga panalangin ko. Hindi nagtagal, isang sister mula sa Laos at isa pang brother sa Facebook ang nakipag-ugnayan sa akin. Sinabi nila sa akin na sa ilang araw na hindi kami nagkakausap ay alalang-alala sila sa akin, sinusubukan nila akong hanapin. Talagang naantig ako at nagpapasalamat sa Diyos. Nararamdaman ko ang pagmamahal ng Diyos, at na ibinibigay talaga Niya ang lahat para sa ating kaligtasan, hindi tayo iniiwanan kahit kailan! Sa pag-aalalang maging negatibo at mahina ang pakiramdam ko, pinadalhan nila ako ng ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis akong naapektuhan ng isang sipi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at mga panahong ito ay binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinuman ang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din siya ni Satanas, at binubuntutan ito sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ng ito ay upang makamit ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na makuha ng Diyos ang sinuman; nais nito para sa sarili nito ang lahat ng nais ng Diyos, gusto nitong sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ibinahagi ng sister na makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na kahit na may mga taong gumagambala at humahadlang sa atin, sa likod noon ay talagang isang labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Gumagawa ang Diyos upang iligtas tayo habang si Satanas ay gumagamit ng lahat ng uri ng tao upang siilin at hadlangan tayo para itatwa at pagtaksilan natin ang Diyos, at mawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang masamang layunin ni Satanas. Ito ang panahon na kailangan nating manindigan at kilalanin ang mga tao at bagay na ito, at piliin ang sarili nating landas ng pananampalataya. Yamang narinig na natin ang tinig ng Diyos, kailangan nating sumunod nang mabuti sa Kanyang mga yapak. Ito ang tanging paraan para manindigan sa tunay na daan. Nabigyan ako ng kaliwanagan ng pagbabahagi niya. Ayaw ng mga lider na dumalo ako sa mga online na pagtitipon at binura nila ang impormasyon para makontak ang lahat diumano para mapigilan akong mailigaw, at tila galing ito sa isang lugar ng pagmamahal at pagtulong. Pero ang totoo, hinahadlangan nila ako, pinipigilan akong salubungin ang Panginoon, pilit akong hinahatak pabalik sa mundo ng relihiyon para mawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Inihayag din ng mga paggambala ng mga pastor kung gaano kababaw ang aking pananampalataya, kung gaano kahina ang loob ko. Basta ko na lang ibinigay ang telepono ko sa mga pastor at hinayaan silang putulin ang kaugnayan ko sa iba, at bumalik ako agad sa dating simbahan. Nabubuhay ako sa kadiliman, hindi magawang matamo ang kahit katiting na espirituwal na panustos. Kamuntik ko nang sundin ang pastor at isuko ang tunay na daan—nakakatakot! Hindi na ako pwedeng sumuko ulit kay Satanas. Nagpasya akong ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, anuman ang gawin ng mga pastor. Pagkatapos noon ay pinadalhan ako ng isang brother ng ilang video ng patotoo tungkol sa mga bagay na tulad ng pang-uusig ng pamahalaan ng Tsina sa mga kapatid, at kung paano sila tumayong saksi sa gitna ng matinding pagpapahirap. Iyon ang totoong pananampalataya. Kung ihahambing, basta na lang akong bumigay sa kaunting panggagambala ng mga pastor. Malayo pa ang tatahakin ko! Alam kong kailangan kong sumandig sa Diyos para malampasan ang lahat ng iyon, at kailangan kong matatag na manindigan paano man ako tanggihan ng pamilya ko o siilin ng mga pastor. Nagpasya akong patuloy na mag-online para sa mga sermon at pagtitipon.
Kalaunan ay marami pang ginawa ang mga pastor para pigilan akong sumali sa mga online na pagtitipon. Nagsinungaling pa sila sa akin, sabi nila, “Itinalaga kami ng Diyos para bantayan ang Kanyang mga tupa, kaya’t personal kaming may pananagutan sa iyo. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan naming subaybayan ang mga online mong pagtitipon, at ang pagbubura sa mga kontak na iyon ay para sa kabutihan mo. Kung hindi namin babantayan ang mga tupa ng Diyos, hahatulan kami ng Panginoon pagbalik Niya.” May naalala akong sinabi ng isang brother sa isang online na pagtitipon tungkol sa kung hinirang ba ng Diyos ang mga pastor. Sabi niya, “May mga salitang mula sa Diyos na magsisilbing basehan para sa sinumang itinalaga Niya. Sa Kapanahunan ng Kautusan, nang italaga ng Diyos na si Jehova si Moises para sa mga Israelita, personal Niyang sinabi kay Moises, ‘Tunay na Ako’y sasaiyo; at ito’y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay Aking sinugo: Kapag iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay maglilingkod kayo sa Diyos sa bundok na ito’ (Exodo 3:12). Sa Kapanahunan ng Biyaya, nangusap ang Panginoong Jesus bilang katunayan ng pag-aatas Niya kay Pedro ng pagpapastol sa mga iglesia: ‘At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesia; at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi magsisipanaig laban dito. At ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit’ (Mateo 16:18–19). ‘Alagaan mo ang Aking mga tupa’ (Juan 21:16). Makikita natin na personal na nagpapatotoo ang Diyos doon sa mga itinatalaga at kinakasangkapan Niya. Taglay nila ang mga salita ng Diyos bilang katunayan. Kapag wala iyon, kahit papaano ay kailangang may katunayan ng gawain ng Banal na Espiritu. Mayroon bang kahit anong katunayan ang mga pastor mula sa mga salita ng Diyos na itinalaga Niya sila? E ang gawain ng Banal na Espiritu?” Binigyan ako nito ng kaunting lakas ng loob. Alam ko na kailanman ay hindi sinabi ng Diyos na itinalaga Niya ang mga miyembro ng klero, at kahit na sinabi ni Pablo na “ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa,” ang mga salita ni Pablo ay hindi mga salita ng Diyos, kaya’t hindi maaaring gamiting basehan ang mga iyon. Sadyang walang katunayan ang sinasabi nila! At kamakailan ay napagtanto ko na hindi taglay ng mga pastor ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa mga sermon nila. Hindi nila ibinabahagi ang kalooban ng Diyos o ginagabayan kaming isagawa ang mga salita ng Panginoon. Ganap na wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Ipinakita nito na hindi sila hinirang ng Diyos, kundi ng tao. Sa aking pananampalataya, kailangan kong makinig sa mga salita ng Diyos at sumunod sa Kanya, hindi makinig o sumunod sa sinumang tao. Nang makitang hindi ako sumasagot, nagalit ang pastor at pinagalitan ako: “Ang sinumang gustong magbahagi ng ebanghelyo ay kailangan munang dumaan sa amin. Kung wala ang pagsang-ayon namin, isa iyong maling daan. Hindi ka pwedeng makinig doon!” Sumagot ako, “Ang Diyos ang Lumikha at ginagawa Niya ang sarili Niyang gawain. Hindi Niya kailangan ng pagsang-ayon ng sinumang tao. Nagbalik na ang Panginoon. Nakikinig kami sa tinig ng Diyos at sumusunod sa Kanya—bakit namin kakailanganin ang pagsang-ayon ninyo?” Sa isip ko ay masyadong mataas ang tingin nila sa mga sarili nila, at napakamapagmataas nila! Ang pagtangging pakinggan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos o siyasatin ang Kanyang gawain, sa halip ay basta na lang nanghuhusga ay katulad na katulad ng asal ng mga Fariseo ukol sa gawain ng Panginoong Jesus. Wala silang anumang paggalang sa Diyos at walang anumang pagmamahal sa katotohanan.
Pagkatapos noon ay nagsinungaling sila sa asawa ko, sinasabi sa kanyang nailigaw ako sa maling daan. Wala siyang anumang pagkakilala sa kanila, kaya sa tuwing dadalo ako sa isang online na pagtitipon ay labis siyang magagalit at sasabihing nasa dalawang magkaibang landas kami, na ididiborsiyo niya ako kapag ipinagpatuloy ko ang pagsali sa mga pagtitipong iyon. Labis akong nanghihina at nagiging miserable noong panahong iyon. Naisip ko, kapag nakipagkompromiso ako at tumigil sa pagdalo sa mga pagtitipon, mawawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos. Pero kapag ipinagpatuloy ko ang pagdalo, ididiborsiyo niya ako, at pagkatapos ay paano na ang maliliit naming anak? Nanalangin ako sa Diyos sa kahinaan ko, “Diyos ko, pakiusap patatagin Mo ang pananampalataya ko. Tulungan Mo akong malagpasan ang mga pagsubok na ito at akayin Mo ako sa landas na nasa harapan ko.” Tapos may naalala akong sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; at ang umiibig sa anak na lalaki o anak na babae nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin” (Mateo 10:37). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pagmamahal ko sa asawa at mga anak ko ay nakahihigit sa pagmamahal ko sa Diyos, na hindi ako karapat-dapat sa Kanya. Tahimik akong nagpasya na kahit na idiborsiyo nga ako ng asawa ko, ipagpapatuloy ko ang pagsunod sa Makapangyarihang Diyos. Nang subukan akong hadlangan ng asawa ko pagkatapos noon, wala na siyang kahit anong epekto sa akin.
Kalaunan ay isinangkot ng pastor ang biyenan kong lalaki sa mga pagtatangka niyang pigilan ako sa mga pagtitipon. Mahilig uminom ang biyenan ko at madalang lang pumunta sa simbahan, pero inimbitahan siya ng pastor sa isang service at nagsinungaling, sinasabi sa kanya na matapos sumampalataya sa Makapangyarihang Diyos, babaliin nila ang mga binti mo kapag sinubukan mong umalis sa iglesia. Nang marinig iyon mula sa tatay niya, umuwi ang asawa ko at nagsimulang sigawan ako. Sabi ko sa kanya, walang basehan ang sinabi ng mga pastor. Walang sinuman sa buong mundo ang nabalian ng binti dahil sa hindi pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Isa iyong sabi-sabi na ginawa ng pamahalaang Komunista ng Tsina, at isa silang mapaniil na pamahalaang laban sa Diyos. Minsan ay sinabi sa akin ng isang pastor na mag-uuwi ang isa pang pastor ng mga Biblia galing sa US, at kinumpiska ang mga iyon ng mga pulis sa hangganan ng Tsina. Hindi pinahihintulutan ng CCP ang pananampalataya sa Diyos. Ngayon na nagbalik na ang Panginoon at nagpakita Siya sa Tsina, tinutugis at inuusig nila ang mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos. Paano natin mapaniniwalaan ang kahit anong sinasabi ng ganoong pamahalaan na laban sa Diyos at ateista? Dumadalo ako sa mga online na pagtitipon at nagbabasa ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, na mayaman at sagana, at inihahayag ng mga iyon ang mga misteryo ng gawain ng Diyos, pati na ang katiwalian at makasalanang kalikasan ng tao upang makilala natin ang ating sarili, atbp. Habang lalo kong binabasa ang mga bagay na ito, lalo akong nabibigyan ng kaliwanagan at lalo kong nararamdaman na tinig ito ng Diyos. Sinabi ko sa kanya na nakatitiyak akong ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nagbalik ang Panginoong Jesus at kailangan nating makasabay sa mga yapak ng Diyos. Bakit ako babalik sa dating simbahan? Wala nang masabi ang asawa ko roon, pero sa sandaling dumalo siya ng mga service at nakinig sa mga sabi-sabi ng pastor, makikipagtalo siya sa akin pag-uwi niya sa bahay. Dati ang tingin ko sa mga pastor ay mga taong may pagmamahal sa Diyos at may pagmamahal din sa akin, pero mula nang matuklasan nila ang paghahanap ko sa bagong gawain ng Diyos, ginagawa na nila ang lahat ng makakaya nila para hadlangan ako, pinipilit na hatakin ako pabalik sa relihiyon nila. Sa wakas ay nakita ko na ang tunay nilang mukha. Naalala ko ang mga salita ng Panginoong Jesus na sinusumpa ang mga Fariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili” (Mateo 23:15). Inakit ng mga Fariseo ang mga tao papasok sa relihiyon para mahawakan sila sa leeg, at nang pumarito ang Panginoong Jesus, nakita nila kung gaano kamakapangyarihan at kamaawtoridad ang Kanyang gawain at mga salita, pero kumapit sila sa literal na Kasulatan at hindi hinanap ang katotohanan, natatakot na manganganib ang mga pamumuhay nila kapag sumunod ang mga tao kay Jesus. Kaya’t nagpakalat sila ng mga sabi-sabi na sinisiraang-puri at kinokondena ang Panginoong Jesus at sa huli ay ipinapako Siya sa krus. Hindi ba’t parehong-pareho ang mga pastor sa kasalukuyan sa mga Fariseo na iyon? Ikinukulong din nila ang mga mananampalataya sa mga simbahan nila, pinananatiling nasa ilalim ng kontrol nila, hindi sila hinahayaang marinig ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon. Napakasama noon! Naalala ko roon ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nakita ko sa isang pagtitipon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (“Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang tunay, laban sa Diyos na mukha ng mga pastor. Pumarito ang Diyos sa mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan, at hindi lang tumatanggi ang mga pastor na maghanap at magsiyasat, kundi nilalabanan at kinokondena pa nila Siya, nagpapakalat ng mga sabi-sabi at kasinungalingan, sinasara ang mga simbahan, pinipigilan ang mga mananampalatayang hanapin ang tunay na daan. Hindi sila sumasalubong sa Panginoon o pumapasok sa kaharian ng Diyos, at pinipigilan nila tayong tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, sinisira ang pagkakataon nating makapasok sa kaharian. Sila ang mga demonyong binanggit sa mga salita ng Diyos na kumakain ng laman ng tao at umiinom ng dugo ng tao, ang mga halimaw na naglalayo sa mga tao sa tunay na daan.
Pinatalsik nila ako sa simbahan dahil ayaw kong sumunod sa kanila. Sinabi sa akin ng mga lider na hindi nila ako tutulungan kapag nagkaroon ako ng kahit na anong problema. Noon ko nakita talaga na ang mga pastor na iyon ay hindi umiibig sa katotohanan o naririnig ang tinig ng Diyos. Hindi sila mga tupa ng Diyos. Ang pagsunod sa kanila sa aking pananampalataya ay magiging bulag na umaakay sa bulag, at mapapahamak kaming lahat. Pakiramdam ko ay napakaswerte ko na napalaya ako mula sa mga huwad na pastol na iyon at nahanap ang mga yapak ng Diyos.
Sa mga sumunod na araw ay nagbasa pa ako ng marami sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakinig sa mas maraming patotoo mula sa mga kapatid. Pakiramdam ko ay labis na natustusan at napakitaan ng magandang halimbawa ang espiritu ko, higit kailanman sa sampung taon ng pananampalataya ko. Nadama ko na isang napakalaking pagpapala ang maipanganak sa mga huling araw at magawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon! Gusto kong ibahagi ang napakagandang balitang ito sa mas maraming taong hindi pa nakakalapit sa harap ng Diyos, pero binalaan ako ng mga pastor na huwag ibahagi ang ebanghelyo sa ibang miyembro ng simbahan, kung hindi ay isusumbong nila ako sa mga awtoridad at ipaaaresto ako. Sabi ko, “Hindi ba kayo natatakot na lumaban sa Diyos?” Isa sa kanila, si Mr.Zhao, ay malamig na sumagot, “Kung talagang gawain ito ng Diyos, kami ang magiging mga Fariseo sa pagkakataong ito at hahayaan ang Diyos na parusahan kami sa loob ng maraming henerasyon.” Sa pagsasabi ng ganitong klaseng bagay, hindi ba’t sinasadya nilang lumaban sa Diyos at labagin ang Kanyang disposisyon? Mas malinaw na ipinakita sa akin ng kanilang pagmamataas at ganap na kawalan ng takot sa Diyos kung paanong napopoot sila sa katotohanan at mga kalaban ng Diyos. Sa paglaban sa Diyos sa ganoong paraan, sa huli ay maparurusahan sila ng Diyos tulad mismo ng mga Fariseo!
Nagtamo ako ng tunay na malinaw na pagkakilala sa kanila pagkatapos noon. Hindi na nila ako mahahadlangan, at mas determinado akong sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Ngayon ay umako ako ng tungkulin sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naging mausisa ang asawa ko nang makita niya kung gaano ako kananinindigan sa pananampalataya ko at nagsimulang magsiyasat nang mag-isa. Tinanggap din niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw matapos mabasa ang Kanyang mga salita, at ngayon ay nagbabahagi na siya ng ebanghelyo. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos at gusto kong ibigay ang lahat sa paggawa ng tungkulin ko at pagsukli sa pagmamahal ng Diyos.