Read more!
Read more!

Hindi na Ako Pumalya sa mga Pagtitipon Matapos kong Makita ang Mapanlinlang na mga Plano ni Satanas

Tala ng editor: Ang mga pagtitipon ay nagbibigay ng napakagandang oportunidad upang mapalapit sa Diyos at makamtan ang katotohanan, at gayunman tayo, bilang mga Kristiyano, ay madalas na ginugulo ng mga tao, mga kaganapan at mga bagay sa paligid, na pumipigil sa atin na regular na dumalo sa mga pagtitipon at nagdulot sa atin na maiwala ang ating normal na kaugnayan sa Diyos. Ang mga bagay na ito ay lumilitaw na nangyari ng aksidente lamang, ngunit ano ang nakatago sa likod ng mga ito? Paano eksaktong dapat nating harapin ang mga taong ito, mga kaganapan at mga bagay upang hindi sila makagambala sa ating pagdalo sa mga pagtitipon?

Ako ay isang Kristiyano. Noong unang bahagi ng 2017, nagkataong nakilala ko ang maraming mga kapatid, at sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdalo sa mga pagtitipon kasama nila, natuklasan kong bumalik na ang Panginoon, at nagpahayag ng maraming katotohanan at nagsasagawa ng Kanyang gawain upang husgahan at linisin ang sangkatauhan. Karaniwan, sa tuwing may oras ako, nakikipag-tipon ako sa aking mga kapatid at nakikipagbahagian ng mga salita ng Diyos. Sapagkat ako ay lubhang mayabang at patungkol sa sarili, bihira akong maging bukas sa aking mga kapatid kung nahihirapan ako o kung mayroong isang bagay sa mga salita ng Diyos na hindi ko maintindihan, dahil lagi akong natatakot na pagtawanan nila ako. Pagkatapos ay ipinakibahagi sa akin ng mga kapatid ang tungkol sa kung paano iniibig ng Diyos ang mga dalisay, bukas at matapat, at kaya sinimulan kong magsanay upang maging isang matapat na tao. Habang nasa mga pagtitipon, nagiging bukas ako sa aking mga kapatid at sinasabi sa kanila ang tungkol sa anumang kahirapan na aking dinaranas, at hinahanap namin ang katotohanan upang malutas ito. Makalipas ang ilang panahon, nagsimula kong mas lalo pang nadama ang pagiging malaya, napuno ng kasiyahan ang aking puso, at mas higit pa akong nasisiyahan makipag-tipon sa aking mga kapatid.

Nang maglaon, nagsimula akong magtrabaho sa isang kapehan. Ang trabahong ito ay higit na madali, hindi ko kailangang magtrabaho ng maraming oras, at marami akong oras upang dumalo sa mga pagtitipon sa aking mga kapatid. Naramdaman kong napakabait ng Diyos sa akin! Ngunit hindi nagtagal, nakatagpo ako ng ilang mga isyu na pumipigil sa akin na regular na dumalo sa mga pagtitipon ...

Isang araw, ang isang pagtitipon ay malapit nang magsimula nang ang manager sa trabaho ay biglang nagpadala sa akin ng mensahe sa LINE na nagsasabi na may isang bagay na nangyari sa isa sa aking mga kasamahan at kinailangan nila ng araw ng pahinga, at tinanong niya ako kung maaari kong punan. Sa pagtitig sa mensahe, medyo nakaramdam ako ng pagkabalisa: Kung pupunan ko para sa aking kasamahan, hindi ako makakadalo sa pagtitipon na ito at malalaktawan ko ang pag-unawa sa ilang mga katotohanan. Ang higit pa, sumang-ayon na akong dumalo sa isang pagtitipon sa oras na ito kasama ang aking mga kapatid. Kung hindi ako pumunta, iisipin ba nila na tumalikod ako sa aking salita? Ngunit pagkatapos ay naisip ko na ito ay isang huling-minutong bagay na hindi mahuhulaan ng sinuman, at kaya sinabi ko sa manager na pupunan ko ang para sa aking kasamahan. Kahit na nasa trabaho ako, tuwing naiisip ko ang katotohanan na hindi ako dumalo sa aking pagtitipon, pakiramdam ko ay may utang ako na paumanhin sa kanila at sinisisi ko ang aking sarili. Nang gabing iyon, nang makapag-online ako, sinabi ko sa isa sa mga kapatid na babae ang nangyari noong araw na iyon at humingi ako ng tawad sa kanya. Sinabi ng kapatid na huwag mag-alala, at nag-ayos kami ng oras para sa aming susunod na pagtitipon.

Dumating ang araw ng aming sunod na pagpupulong at, matapos ng agahan, masayang inaasam ko ang pagtitipon. Nang makita na mayroon pa ring ilang oras bago ito mag-umpisa, pumasok ako sa trabaho upang matulungan ang aking mga kasamahan sa loob ng ilang sandali. Noon din, biglang pumasok ang may-ari ng kapehan. Tiningnan ko siya sa pagkabigla at naisip: “Dalawang buwan na akong nagtatrabaho dito at hindi ko pa siya nakitang pumasok sa shop. Bakit siya pumasok ngayon, ng biglaan lang?” Pagkakita sa akin, sinabi ng may-ari, “Ying, hindi ka pa matagal na nagtatrabaho dito at hindi ka pa marunong kung paano magluto ng kape. Kung nagtatrabaho ka araw-araw sa buong linggo, hindi mo lamang matututunan kung paano magluto ng kape, ngunit kikita ka rin ng mas maraming pera—hindi ba’t magkakaroon ka ng kahusayan sa parehong mundo? Sige at magpalit ka ng iyong damit pantrabaho at magtrabaho! Susuriin ko ang iyong suweldo.” Ang pagdinig sa kanya sa pagsasabi nito, isang bahagi sa akin ang sumaya. “Oo,” naisip ko, “kung nagtatrabaho ako ng dagdag na araw gayon makakakuha ako ng kaunting dagdag pera.” Ngunit pagkatapos ay naisip ko: “Ngunit magkagayon ay mawawalan ako ng oras upang dumalo sa mga pagtitipon kasama ng aking mga kapatid. Ngunit ano ang iisipin ng may-ari kung tanggihan ko ang kanyang alok? Sa tingin ba niya, bilang isang baguhan, hindi ko siya nirerespeto dahil tinanggihan ko ang kanyang alok sa kauna-unahang pagkakataon na nagka-kilala kami?” Ang aking mga saloobin ay nagpupumiglas nang paulit-ulit, at sa huli, nagpasya akong tanggapin ang kanyang alok.

Matapos abandonahin ang isa na namang pagtitipon, naramdaman ko talaga na parang sinira ko ang salita ko at ako ay hiyang hiya na harapin ang aking mga kapatid. Magkagayon pinili ko na iwasan sila at putulin ang lahat ng kontak sa kanila. Sa buong panahon, ako ay unti-unting naging mas higit pang napalayo sa Diyos. Upang maging akma sa mga uso sa lipunan, ako ay nagsimulang uminom ng alak at nagbuhos ng panahon sa aking panlabas na anyo at sa pag-gamit ng make-up. Kapag ako ay nababagot, ako ay nanonood sa channel ng fashion, nanonood ng mga teleserye na Thai at naglalaro ng computer games, at iba pa. Ngunit ang aking puso ay nakadarama ng kahungkagan, at madalas akong nawawalan ng pasenya. Ang pagkakita sa sarili ko na namumuhay na walang pagkakahawig sa bilang Kristiyano, nadama ko ang higit na pakiramdam ng pagkakasala. Nang maglaon ay naisipko na tanging ang Diyos lamang ang makakapagbago sa tao, at nais kong muling sumali sa mga kapatid na dumalo sa mga pagtitipon at makipagsalamuha ng mga salita ng Diyos. Ngunit nang maisip kung paanong dalawang beses akong tumalikod sa pagdalo sa mga pagtitipon, hindi ko malampasan ang aking kahihiyan, at kinulang ako ng tapang upang makipag-ugnayan sa kanila.

Isang buwan ang lumipas, hindi ko namamalayan na nakapag-log in ako sa Facebook. Nang nakapag-online na, nakita ko na ang isang kapatid na babae ay nagpadala sa akin ng mensahe na nagtatanong kung kaya ba hindi ako dumadalosa pagtitipon ay dahil may nagawa siyang mali, mas lalo kong naramdaman ang pagka-guilty. Naisip ko kung paano ang mga kapatid ay palaging nag-aalala tungkol sa akin at kung paano nila palaging pinapakisalamuha sa akin ang tungkol sa katotohanan ng buong tiyaga. Wala silang nagawang mali; ako mismo ang sadyang umiwas sa kanila at nagdulot sa kapatid na ito upang mag-isip na may nagawa siyang mali. Sa pag-iisip nito, ipinaliwanag ko ang aking mga rason sa pagpalya sa mga pagtitipos sa kapatid. Sinabihan niya ako na huwag magdamdam ng masama tungkol dito, at hinikayat niya ako na dumalo ng mga pagtitipon sa online. Nakita ko na tinutuungan ako ng Diyos sa pamamagitan ng kapatid na ito, at nadama ko ang sobrang pagka-antig, at muli akong nagsimulang dumalo sa mga pagtitipon kasama ang aking mga kapatid.

Sa isang pagtitipon, ang isang kpatid ay nagpadala sa akin ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan.” Matapos siya ay nagbigay ng pagbabahagi, nagsabing, “Katulad ng nakikita natin mula sa mga salita ng Diyos, ang mga tao, kaganapan at mga bagay na ating nakakasalamuha sa araw araw ay mukhang sa panlabas ay interaksyon ng mga tao sa bawat isa. Sa espiritwal na daigdig, gayunpaman, ito ay ang pang-gugulo ni Satanas sa atin at pakikipagtalo sa Diyos, at tayo ay dapat tumayo ng matatag sa ating patotoo. Ito’y katulad nang nakatagpong pagsubok ni Job, bilang halimbawa. Ang lahat ng kanyang kayamanan ay kinuha mula sa kanya sa loob lamang ng isang gabi. Mula sa labas, parang lahat ng ito ay ninakaw ng mga kawatan, ngunit sa totoo lang ito ay isang tukso ni Satanas, at nang tumayo si Job sa kanyang patotoo, si Satanas ay napahiya at lumayas. Alam ni Satanas na sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon, mauunawaan natin ang maraming katotohanan. Ngunit hindi nito nais na makuha natin ang katotohanan at matamo ang pangwakas na kaligtasan ng Diyos, at sa gayon ay laging sinusubukan nitong abalahin tayo sa pamamagitan ng mga tao, mga kaganapan at mga bagay sa paligid natin, upang lumayo tayo sa Diyos at mabuhay na napinsala ni Satanas. Kamakailan lamang, kinausap ka ng iyong manager na punan ang para sa isang kasamahan at sinabihan ka ng may-ari ng kapehan na mag-obertaym. Mula sa labas, ang mga bagay na ito ay lumilitaw na tila ang mga tao ay nangangailangan ng mga bagay sa iyo, ngunit sa katunayan sila ay lihim na si Satanas na nagdudulot ng mga panggambala. Gumagamit si Satanas ng trabaho upang maglaan ng oras na dapat na ginugol sa pagpupulong, upang mapigilan ka na lumapit sa harapan ng Diyos at sirain ang iyong normal na kaugnayan sa Diyos. Ito ay nagiging dahilan upang lumayo ka mula sa Diyos at maging nasa isang mas masamang kalagayan, hanggang sa huli ay mabuhay sa kadiliman. Kung gayon, dapat nating makita nang malinaw ang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas, matiyaga na dumalo sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid at makipagsalamuha sa mga salita ng Diyos, sapagkat sa pamamagitan lamang ng paggawa ng mga bagay na ito maaari nating mapanatili ang isang normal na ugnayan sa Diyos at maglakad sa landas tungo sa kaligtasan.”

Nagpadala ang isang kapatid ng isang sipi ng mga Sermon at Pakikisalamuha tungkol sa Pagpasok sa Buhay: “Ang pagsasagawa ng mga pakana ni Satanas ay tumutukoy sa lahat ng mga uri ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga tao araw-araw, kasama na ang lahat ng mga uri ng masasamang pag-iisip na kanila mismong binubuo sa kanilang mga puso at kalikasan. Nang hinarap ni Pedro ang mga bagay na ito ay nanalangin siya sa Diyos, hinanap ang mga salita ng Diyos, at hinanap ang kaliwanagan at pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Maaring ito ay tumagal ng ilang mga araw na paghahanap at maraming beses na pakikipagbahagian bago niya naintindihan ang hangarin ng Diyos, kalooban ng Diyos. Sa ganitong paraan nakamit niya ang resulta ng pag-unawa sa Diyos at gayundin nakita rin ang mga pakana ni Satanas.” Ang kapatid ng matapos ay nagbigay ng pakikipag-bahagi, na nagsasabing, “Bukod sa paggamit ng mga tao, mga kaganapan at mga bagay sa paligid upang pigilan tayo mula sa paglapit sa Diyos, ginagamit din ni Satanas ang ating sariling maling mga saloobin at ideya, tulad ng ‘Kung hindi ako mag oobertym, iisipin ba ng aking manager sa linya na hindi ko siya iginagalang? ‘Makakakuha ako ng mas maraming pera kung ako’y mag-oobertym,’ at ‘Dahil nagmintis ako ng dalawang pagtitipon, sasabihin ba ng aking mga kapatid na tumalikod na ako sa aking salita?’ at iba pa. Ginagamit ni Satanas ang mga saloobin at kaisipang ito upang maistorbo ka, upang sukuan mo ang mga pagpupulong nang gayon ay maprotektahan ang iyong kapalaluan at pagpapahalaga sa sarili, at kumita ng kaunting dagdag na pera, sobra upang iwasan mo pa ang mga kapatid. Sa madaling salita, ang anumang pag-uugali, pag-iisip o ideya na nagpapa-urong sa atin at nagpapanegatibo, o na pinapalayo tayo mula sa Diyos, ay nagmula kay Satanas. Kapag nakatagpo tayo ng mga isyu, kailangan nating tularan si Pedro at manalangin nang higit pa sa Diyos, hanapin ang kalooban ng Diyos, alamin kung paano makilala kung aling mga saloobin at ideya ang nagmumula sa Diyos at nagmula sa pang-gagambala ni Satanas, at iwasang mahuli sa mga mapanlinlang na mga pakana ni Satanas.”

Pagkatapos lamang ng mga pakikipagbahagi na ibinigay ng aking mga kapatid ay nalaman ko na si Satanas ay nasa lahat ng dako: Gumagamit ito ng pera upang akitin ako at pigilan ako mula sa pagdalo sa mga pagtitipon at paglapit sa Diyos, at naglalagay ito ng mga ideya sa aking ulo upang maisip ko na hindi ako mapagkakatiwalaan, at na nahihiya din akong makita ang aking mga kapatid, at sa gayon ay ilagan ang mga pagtitipon. Sa ganoong paraan, malalayo ako mula sa Diyos at mapupunta ako sa isang mas masamang kalagayan. Salamat sa Diyos sa pag-aayos ng isang sitwasyon na nagpapahintulot sa akin na muling lumapit sa harap ng Diyos, at sa paggamit ng mga pakikipagsalamuha na ibinigay ng mga kapatid upang hayaan akong maunawaan ang katotohanan at makita ang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas. Mula nang sandaling iyon, nagpasya akong, mas lalapit ako sa Diyos at magdarasal nang higit pa sa Kanya, magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Kanya, alamin kung paano makita ang mga bagay mula sa pananaw ng espirituwal na mundo, at hindi lumulubog sa mga tukso ni Satanas. Matapos ito, binasa ko ang mga salita ng Diyos at kinakanta ang mga himno tuwing may oras ako, pinapanatili ko ang isang normal na relasyon sa Diyos at ang aking estado ay unti-unting bumalik sa normal.

Isang araw, nagsa-ayos kami ng isang kapatid na babae na dumalo sa isang pagtitipon sa gabi. Sa hindi inaasahan, ang manager sa trabaho ay biglang pumasok sa kapehan at sinabi sa akin, “Ying, ang ating kape ay nanalo ng pangalawang lugar sa isang kumpetisyon sa ibang lalawigan. Inanyayahan ng boss ang lahat na lumabas ngayong gabi upang pumunta para sa hotpot at magdiwang. Gusto mo bang pumunta?” Naisip ko ang pagtitipon sa gabing iyon. Na kung saan noon ako ay nawalan ng patotoo dahil sa aking kasakiman para sa pera at dahil nais kong protektahan ang kapalaluan at pagpapahalaga sa sarili, ngayon ako ay muling naharap laban sa tukso, at nais kong magsanay ng katotohanan at pasiyahin ang Diyos, kaya’t tinanggihan ko ang paanyaya.

Isang araw, makalipas ang ilang linggo, dahil hindi ko lubos maintindihan ang ilang mga katotohanan na nabasa ko noong umaga, pinlano kong hilingin sa aking mga kapatid na bigyan ako ng pagbabahagi sa mga ito sa aming pagtitipon sa gabing iyon. Pagdating sa hapon, gayunpaman, biglang sinabi ng manager, “Inanyayahan ng asawa ng amo ang lahat sa gabing ito para sa hotpot, kaya magsasara tayo ng isang oras na mas maaga ngayon.” Masaya ang lahat na nagsabi, “Napakaganda!” Naisip ko: “Mayroon akong pagtitipon ngayong gabi kaya sasabihin ko sa kanila na hindi ako makakapunta sa hotpot.” Bago ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita, sinabi sa akin ng isang kasamahan, “Ying, hindi ka maaaring tumanggi na pumunta tulad ng huling ginawa mo noong nakaraan. Sa oras na ito, kailangan mong pumunta! Sabihin mo sa iyong kapatid sa Iglesia na mayroon kang bagay na gagawin sa gabing ito. Ang pagmintis ng isang pagtitipon ay hindi isang malaking bagay!” Sa pakikinig sa pagsasalita ng aking kasamahan, ang aking puso ay medyo gumewang, at naisip ko kung ano ang iisipin nila sa akin kung lahat ay lalabas para sa hotpot, maliban sa akin. Magiging mapanghusga ba sila laban sa akin at ang tingin sa akin ay antisosyal? Kung itakwil nila ako, paano ako makikisalamuha sa kanila sa hinaharap? Kaya’t napagpasyahan kong mas mabuti na lumabas ako kasama nila nang isang beses lamang.

At kaya, pinabayaan ko ang aking pagtitipon. Labis akong nakaramdam ng pagkakasala dahil hindi ako matatag sa aking patotoo, at hindi ko gustong kumakain ng anumang hotpot. Matapos akong umuwi, naramdaman kong patuloy na hindi mapakali at nagkasala. Nanalangin ako sa Diyos, na nagsasabi: “O Diyos! Sa pagharap sa desisyon na ito, muli kong pinili na iwanan ang aking pagtitipon. Labis akong nalulumbay at hinihiling ko sa Iyo na pagliwanagan ako at payagan akong maunawaan ang Iyong kalooban.” Matapos kong patahimikin ang aking puso, naisip ko ang lahat ng nangyari sa nakaraang dalawang linggo. Bakit ang dalawang imbitasyon na lumabas para sa hotpot ay parehong sa mga oras ng pagtitipon sa aking iglesia? Noon lang, naalala ko ang pakikisama na ibinigay ng aking mga kapatid tungkol sa kung paano lumitaw ang mga bagay mula sa labas upang maging kaayusan ng tao, na kung sa katunayan ay sila ay isang labanan sa espirituwal na mundo na nagngangalit sa likuran ng mga eksena. Sa wakas natanto ko na ang mga mapanlinlang na mga pakana ni Satanas ay lihim na nakatago sa likod ng mga kaganapang ito. Alam ni Satanas na nagpapahalaga ako sa sarili at palaging nag-aalala tungkol sa kung ano ang iniisip sa akin ng ibang tao at nag-aalala na ang aking mga kasamahan sa trabaho ay ibukod ako, at sa gayon ginamit nito ang aking mga kahinaan upang salakayin ako, upang gawin akong sumunod sa aking laman at ipagkanulo ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, wala akong paraan upang makita ang mga bagay mula sa pananaw ng espiritwal na mundo, at kaya nahulog ako sa mapanlinlang na mga pamamaraan ni Satanas, at isinuko ko rin ang pagdalo ko sa mga pagpupulong upang mapanatili ang aking relasyon sa aking mga kasamahan sa trabaho.

Naisip ko kung paano ako naniniwala sa Diyos at gayunman ay wala akong lugar para sa Diyos sa aking puso, at sa tuwing ang tukso ay sumunod sa akin, lagi kong sinubukan na mapanatili ang aking mga interpersonal na relasyon at lalo akong lumayo sa Diyos. Ang pagsasanay sa ganoong paraan ay hindi pagtayong matatag sa aking patotoo, at sa halip ako ay naging katatawanan ni Satanas, at hindi inaaprubahan ng Diyos. Ang kalooban ng Diyos ay magsanay ako ng katotohanan at paluguran muna Siya at ang pinakamahalaga sa tuwing nakatatagpo ako ng isang isyu, at hindi ko sinisikap na mapanatili ang aking mga interpersonal na relasyon para sa aking kapalaluan at pagpapahalaga sa sarili, palaging nag-aalala tungkol sa iniisip ng ibang tao sa akin , o kung ano ang naiisip sa akin ng aking amo at mga kasamahan sa trabaho. Natanto ko ito, sinabi ko sa aking puso ang isang dalangin: “Hindi ko na nais na mapanatili ang mga interpersonal na relasyon sa hinaharap, at kahit na ano ang mangyari upang guluhin ako o hadlangan ako sa pagdalo sa mga pagtitipon, lagi kong isasagawa ang katotohanan at manatiling matatag sa aking patotoo upang masiyahan ang Diyos!”

Nang maglaon, ang may-ari ay dumating sa kapehan at inanyayahan kaming mga kawani sa darating na Sabado upang kumain ng seafood na BBQ. Naisip ko na mayroon akong pagtitipon na dadaluhan sa Sabado, kaya sinabi kong hindi ako makakapunta. Sinabi sa akin ng aking mga kasamahan sa trabaho na sinabi ng manager na kailangan nating lahat na sumama, at ang hindi pagpunta ay magiging dahilan upang mawalan siya ng kahihiyan. Kapag naalala ko ang nangyari noong huling pagkakataon, napagpasyahan ko na hindi ko mapananatili ang aking mga interpersonal na relasyon sa oras na ito at kailangan kong magsanay ng katotohanan at matatag na tumayo sa aking patotoo upang mapaluguran ang Diyos. Kaya’t mahigpit kong sinabi sa kanila, “Hindi talaga ako pupunta!” Sa hindi inaasahan, tinanong ako ng isa sa aking mga kasamahan, “Ano ang mas mahalaga, ang iyong mga pagtitipon o kami?” Alam kong ito ay tinutukso ako ni Satanas upang makita kung papayagan ko ba ang aking sarili na mapigilan ng ibang tao, at kaya tumawa ako at sinabi, “Ang aking mga pagtitipon ay mas mahalaga, syempre! Kung nais mong samahan ako sa isa, maiintindihan mo ang aking desisyon.” Walang sinabi ang kasamahan sa aking trabaho at umalis.

Sa gabing iyon, sa isang pagtitipon, paunang pinakisalamuhan namin ang mga katotohanan tulad ng kahalagahan ng pag-lam sa ating sarili at kung paano makilala ang ating sariling mga masasamang ugali, at natagpuan ko ito na lubos na kapaki-pakinabang sa aking buhay. Noong mga nakaraan, sa tuwing nakatagpo ako ng isang bagay na hindi sang-ayon sa aking sariling mga ideya, hindi ko kailanman naaaninag ang aking sariling mga isyu, at ito ang dahilan kung bakit madalas kong sisihin ang mga tao, mga kaganapan at mga bagay sa paligid ko. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa katotohanan ng pagkilala sa sarili, nagkaroon ako ng landas sa pagsasanay. Nang matapos ang pagtitipon, ang aking puso ay kumalma at ang aking espiritu ay nakakaramdam ng kasiyahan. Noon lang, sa wakas na tunay kong pinahahalagahan ang sinasabing ito sa mga salita ng Diyos: “Kapag nabigyang-lugod mo na ang Diyos, magkakaroon sa loob mo ng gabay ng Diyos, at natatangi kang pagpapalain ng Diyos, na magbibigay sa iyo ng pakiramdam ng kasiyahan: Mararamdaman mo na tangi mong ikinararangal na nabigyang-lugod mo ang Diyos, mararamdaman mo na natatangi kang masigla sa kalooban, at magiging maaliwalas at mapayapa ka sa iyong puso. Pagiginhawain ang iyong budhi at malaya sa mga paratang, at makararamdam ka ng kaaya-ayang kalooban kapag nakita mo ang iyong mga kapatid. Ito ang ibig sabihin ng pagtamasa sa pag-ibig ng Diyos, at ito lamang ang totoong pagtamasa sa Diyos.

Sa pamamagitan ng aking mga karanasan sa panahong ito, nagkaroon ako ng pagkilatis sa iba’t ibang mga tukso ni Satanas, at naintindihan ko na, kapag ang mga masamang kalagayan ay naroroon, dapat tayong manalangin nang higit pa, hanapin ang kalooban ng Diyos at umasa sa katotohanan sa pagharap sa mga tao , mga kaganapan at bagay sa ating paligid, sapagkat sa pamamagitan lamang ng paggawa nito maiiwasan nating mahulog sa mapanlinlang na mga pakana ni Satanas. Ngayon, hindi ko na ulit papayagan ang sinumang tao, kaganapan o bagay na pumigil sa akin na dumalo sa mga pagtitipon! Salamat sa Diyos. Mula sa araw na ito, dadalo ako ng mas maraming pagtitipon at gagawin ang aking buong makakaya upang ituloy ang katotohanan at masiyahan ang Diyos!

Inirerekomenda para sa iyo:

Share