Read more!
Read more!

11 Bible Verses Tungkol sa Pagtitiis

Sa buhay, madalas tayong nakakasumpong ng ilang mga di kaaya-ayang mga bagay, pati na rin ang mga pagsubok at paghihirap. Dahil hindi natin naiintindihan ang katotohanan at hindi nakikita ang mga bagay ng malinaw, nagagalit tayo, hindi pagkakaunawa sa Diyos at pati na rin pagrereklamo laban sa Diyos. Ang pagiging mapagpasensya ay nagdudulot sa atin na maging tahimik sa harapan ng Diyos upang hanapin ang Kanyang kalooban, kaya ang pagkatuto na maging mapagpasensya ay isang pangunahing aralin para sa atin na maitaboy ang kasamaan at matamo ang papuri ng Diyos. Ang sumusunod na 11 na mga talata sa Bibliya tungkol sa pagpapasensya ay makatutulong sa atin upang maitaguyod ang ating pagpapasensya.

Mateo 10:22

At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

Lucas 21:19

Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.

Roma 8:25

Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.

Roma 12:12

Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin.

2 Corinto 11:19

Sapagka't pinagtitiisan ninyo na may kasayahan ang mga mangmang, palibhasa'y marurunong kayo.

Efeso 4:2-3

Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.

2 Timoteo 2:24

At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin.

2 Timoteo 4:2

Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.

Mga Hebreo 6:12

Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.

Mga Hebreo 10:36

Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.

1 Pedro 2:20

Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.

Inirerekomenda para sa iyo:

Share