Maraming Kristiyano ang naniniwala na ang pag-aayuno, pakikiisa sa Banal na Komunyon, paghahati ng tinapay, at iba pang mga relihiyosong seremonya ay hinihingi ng Panginoon sa Kanyang mga tagasunod, kaya mahigpit nating ipinapatupad ang iba’t-ibang relihiyosong ritwal. Gayunman, talaga bang pinahintulutan ng Diyos ang ganoong mga gawa? Si Jane, ang bida sa artikulong ito, ay nahanap ang sagot at namuhay sa tunay na espirituwal na buhay. Sinasabi ng artikulong ito ang kanyang karanasan.
Ipinanganak ako sa pamilya ng mga Katoliko. Mula noong bata pa ako, ginagawa ko na ang mga relihiyosong ritwal ng mga Katolisismo. Mula sa panahong naaalala ko, nag-umpisa akong magdasal kasama ng mga magulang ko. Maliban sa pagdadasal ng Angelus ng 6 a.m., 12 a.m., at 6 p.m. araw-araw, nagdarasal kami ng Chaplet ng 3 p.m. at ng Rosaryo sa gabi. Ito ang ritwal na kailangan naming panatilihin sa araw-araw. Nagdadala din kami ng rosaryo at prayer bracelet sa buong araw para makapagdasal kami anumang oras. Kapag nagdarasal, madalas na paulit-ulit naming binibigkas ang panalangin. Sa haba naman ng dasal, depende iyon sa kung anong mga kasalanan ang ginawa namin. Mas malaki ang kasalanan, mas mahaba ang dasal. Kapag maliliit na kasalanan lang naman ang ginawa namin gaya ng pagsisinungaling, hindi namin kailangang magdasal ng matagal.
Tuwing Oktubre, ang buong pamilya ko at mga kapitbahay ay nagtitipon-tipon upang magdasal sa imahen ng Pinagpalang Ina. Dinadala namin ang imahen sa isang silid, nagdarasal, at pagkatapos ay lilipat sa isa pang silid at uulitin iyon. Kadalasang tumatagal ng isang buwan ang ritwal na ito, ngunit hindi ako nagtamo ng kasiyahan doon; sa halip ay pagod lamang ang naramdaman ko. Dahil kailangan naming lumuhod sa sahig sa mahabang oras habang nagdarasal, nangangatog ang mga binti ko matapos kong tumayo, at minsan pa ay nawawalan ako ng boses. Kaya, hindi ko mapigilang magreklamo at magduda, iniisip ang mga bagay gaya ng, “Talaga bang pinahihintulutan ng Diyos ang ganitong mga gawain?” Ngunit sa tuwing naiisip ko ito, nakakaramdam ako ng pagsisisi, natatakot na magalit ang Diyos. Kaya sinusunod ko pa rin ang mga relihiyosong ritwal na ito. Habang tumatanda ako, naging mas abala ang buhay ko, at kaya naman naging pahirap para sa akin ang mahahabang dasal. Araw-araw, nilalaktawan ko na lamang ang mga dasal upang magkaroon ako ng mas marami pang oras na gawin ang iba pang bagay. Dahil dito, labis akong nag-alala, at naisip, “Hindi ako mapapalapit sa Diyos sa pagdadasal ng ganito. Tatanggapin ba ng Diyos ang mga panalangin ko?”
Tuwing Disyembre, kailangan naming dumalo sa Misa sa magkakasunod na 9 na araw, na nag-uumpisa ng 3:30 a.m. o 4 a.m tuwing umaga. Sinabi sa amin ng pari, “Kung magagawa mong dumalo sa bawa’t Misa sa siyam na araw na ito, tutuparin ng Panginoon ang iyong mga panalangin sa taong ito at patatawarin ang iyong mga kasalanan.” Kaya naman, sa panahong iyon ay palaging napakaraming tao ang pumupunta sa simbahan. Kahit na maraming bagyo at baha ang dumarating tuwing Disyembre, nagpupumilit pa rin kaming dumalo sa Misa. Ngunit dahil napaka-aga naming gumigising upang dumalo sa Misa, karamihan sa mga tao ay inaantok kapag nakikinig sa mga sermon. Nakikita ito, naisip ko, “Dahil karamihan sa mga mananampalataya ay natutulog sa Misa, anong silbi ng pagsasagawang ito?” Gayunman, walang nagduda kung tama ba ang gawaing iyon o hindi.
Maliban sa mga ito, napakarami pa naming ritwal na kailangang gawin, gaya ng pagdarasal sa mga santo, pagtanggap ng komunyon sa Misa, pangungumpisal sa mga pari, paggawa ng mga relihiyosong seremonya, pagpunta sa pitong mga simbahan, at marami pa. Naisip namin na kapag nabigo kaming gawin ang mga ritwal na ito, hindi namin magagawang makapasok sa kaharian sa langit dahil sa paggawa ng napakaraming kasalanan. Mayroong apat na pista sa isang buwan. Araw-araw, mas lalong nakatuon ang atensiyon ko sa mga petsang ito sa takot na makakalimutan kong ihanda ang mga kandila at ang “holy” water para sa mga pista. Dahil napakaraming bagay kaming dapat na ihanda, madalas na umaasa ako sa aking ina na magpaalala sa’kin. Kapag may nakalimutan ako, namimighati ako at nagkasala, iniisip na hindi sapat ang pagiging relihiyoso ko. Bukod doon, nagiging dahilan ang madalas na pagdadasal upang hindi ako makapagtuon ng pansin sa trabaho dahil sa tuwing darating ang oras ay kailangan kong itigil ang ginagawa ko upang magdasal. Kapag nakalimutan kong magdasal, mag-aalala ako na itakwil ng Diyos at pagkatapos ay agad akong magdadasal sa Diyos upang hingin ang Kanyang kapatawaran. Lalo akong nalulungkot sa pamumuhay ng ganito. Naitanong ko sa sarili ko, “Normal ba ang buhay na ito? Maingat kong sinusunod ang mga ritwal na ito, pero hindi ko nararamdaman ang presensiya ng Banal na Espiritu; hindi rin ako nakokontento o lumalago sa buhay ko. Talaga bang nakakatanggap ako ng pagsang-ayon ng Diyos sa pagkilos ng ganito? May iba bang paraan ng pagsunod sa Diyos at pagsamba sa Diyos?” Sa tuwing makakaisip ako ng ganito, pinagagalitan ko ang aking sarili sa pag-iisip ng, “Karapat-dapat ba akong magreklamo? Isa akong makasalanan. Dapat kong gawin ang mga ritwal na ito.”
Gayunman, habang lumilipas ang panahon, nag-umpisa akong manawa sa mga relihiyosong ritwal. Taimtim akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos! Hindi ko maramdaman ang presensiya ng Banal na Espiritu. Marahil ay may ibang paraan upang mapalapit ako sa Iyo, ngunit hindi ko alam kung paano hanapin iyon. Nawa’y gabayan Mo ako.” Kalaunan, inilagay ko ang mga salitang “grupo para kay Kristo” upang maghanap ng mga impormasyon sa Internet sa pag-asang mahanap ang Diyos.
Isang araw habang tumitingin ako sa Facebook, nakuha ng post ng isang kapatid ang atensiyon ko. Ni-like ko ang post niya at dinagdag siya bilang kaibigan ko. Pagkatapos niyon, madalas kaming magkasamang nag-uusap tungkol sa paniniwala namin sa Diyos. Hindi nagtagal, inimbitahan ako ng kapatid na dumalo sa isa sa mga pagpupulong nila, kung saan ibinabahagi ng mga kapatid ang katotohanan tungkol sa gawain ng Diyos sa anim-na-libong taong plano ng pamamahala, ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos (ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian), at ang tunay na kuwento at diwa ng gawain ng Diyos sa bawa’t kapanahunan. Ibinahagi nila ito sa akin, “Kahit na tinanggap na natin ang kaligtasan ng Panginoon at napatawad sa ating mga kasalanan, nananatili pa rin ang makasalanan nating kalikasan. Tanging kapag tinanggap natin ang gawain ng paghatol at paglilinis ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw lamang tayo tuluyang makakalaya mula sa gapos ng kasalanan at babalik sa Diyos.” Nagulat ako sa kanilang pagbabahagi at nagbigay ng kasiyahan sa espiritu ko. Mas hindi inaasahan, sinabi nila sa akin na bumalik na ang Diyos at ginawa ang bagong gawain, at na ang mga salitang pinagbahagian naming magkakasama sa pagpupulong ay mga personal na pagbigkas ng Diyos. Nang marinig ang balitang ito, natuwa at nasorpresa ako. Ni hindi ko pinangarap na makakaharap ko mismo ang Diyos. Nang mga sandaling iyon, wala akong mahanap na salita upang ilarawan ang pagkasabik ko. Kalaunan, marami pang ibinahaging mga katotohanan ang mga kapatid sa The Church of Almighty God. Hindi pa ako nakarinig ng napaka-praktikal na pagbabahagi noon at naramdaman kong iyon mismo ang kailangan ng aking espiritu, kaya napagdesisyunan kong imbestigahan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Isang araw, tinanong ko ang Kapatid na Lily, “Kung ganoon ay Kapanahunan na ng Kaharian ngayon? Kung ganoon ay anong dapat nating gawin upang mapaluguran ang Diyos?”
Sumagot siya, “Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Inihayag Niya ang lahat ng katotohanang kailangan natin. Ang Kanyang intensiyon at Kanyang mga kinakailangan ay nasa mga salita Niyang lahat. Hangga’t binabasa at nararanasan natin ang Kanyang mga salita, makikilala natin Siya at maiintindihan ang Kanyang kalooban. Samantala, sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos, maiitindihan natin ang katotohanan tungkol sa pagtitiwali sa’tin ni Satanas, gayundin ang ating kalikasan at diwa ng paglaban at pagtutol sa Diyos. Pagkatapos ay magiging determinado tayong mamuhi sa ating mga sarili at ipagkanulo ang ating laman. Kapag isinasagawa natin ang katotohanan at namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos, magbabago ang ating disposisyon. Kaya, hangga’t tinatanggap at isinasagawa natin ang mga katotohanan, malilinis ang tiwali nating disposisyon at magkakaroon tayo ng pagkakahawig sa mga tunay na tao, at sa huli ay maililigtas ng Diyos.” Nakaramdam ako ng pagkalito nang marinig ang kapatid. Naisip ko, “Ganito ba kadali na matanggap ang kaligtasan ng Diyos? Totoo bang hindi ko na kailangang gawin ang mga relihiyosong ritwal?”
Pagkatapos ay tinanong ko si Kapatid na Lily, “Ibig bang sabihin nito ay hindi na natin kailangang pumunta sa Misa, sambitin ang rosaryo, manalangin, o lumuhod at sambahin ang mga imahen?”
Nakangiti akong sinagot ni Lily, “Oo.”
Pagkatapos ay sinabi ko sa kanya, “Napaka-praktikal talaga ng pagbabahagi ninyo, pero nalilito pa rin ako. Ang mga relihiyosong ritwal gaya ng pag-aayuno at pakikiisa sa Banal na Komunyon ay mga bagay na hinihingi ng Panginoong Hesus na panatilihin natin, at ilang henerasyon na natin silang ginagawa. Talaga bang hindi na natin kailangang gawin ang kahit ano sa kanila?”
Nagpatuloy si Kapatid na Lily sa pagbabahagi sa akin, “Totoo na ang pag-aayuno at pakikiisa sa Banal na Komunyon ay mga hinihingi ng Panginoon sa mga mananampalataya sa Kapanahunan ng Biyaya. Ngunit ang mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan ay hindi nababago ngunit nagbabago ayon sa kapanahunan at yugto ng Kanyang gawain. Gaya ng sinasabi sa Mateo 9:16-17: ‘At sinoma’y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagka’t ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit. Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.’ At sinasabi ng Mateo 26:29: ‘Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.’ Ang katotohanan sa isyu na ito ay malinaw ding inihayag sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya basahin natin ang ilang mga sipi ng Kanyang mga salita: ‘Ang hinihingi sa tao ngayong araw ay hindi tulad niyaong sa nakalipas at lalong hindi tulad ng hiningi sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan. At ano ang hiningi sa tao sa ilalim ng kautusan noong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Israel? Walang ibang hiniling sa kanila kundi ang panatilihin ang Sabbath at ang mga kautusan ni Jehova. Walang sinuman ang dapat magtrabaho sa Sabbath o lumabag sa mga kautusan ni Jehova. Ngunit hindi na ganito sa ngayon. Sa araw ng Sabbath, ang tao ay gumagawa, nagtitipon at nananalangin gaya ng dati, at walang mga paghihigpit na ipinapataw sa kanya. Yaong mga nasa Kapanahunan ng Biyaya ay dapat mabautismuhan, at hiningi rin sa kanila na mag-ayuno, magpira-piraso ng tinapay, uminom ng alak, takpan ang kanilang mga ulo, at hugasan ang mga paa ng iba para sa kanila. Ngayon, ang mga patakarang ito ay naiwaksi na ngunit mas malalaki ang hinihingi sa tao, dahil ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalalim at ang pagpasok ng tao ay patuloy na tumataas.’”
Nagbahagi pa si Kapatid na Lily, “Mula sa mga salita ng Panginoong Hesus at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na ang gawain ng Diyos ay bago at buhay, at na iba’t-iba ang hinihingi Niya sa mga tao ayon sa kapanahunan at yugto ng Kanyang gawain. Kapag gumagawa ng bagong gawain ang Diyos, kung mananatili pa rin tayo sa lumang gawain at mga lumang paraan ng paggawa ng mga bagay, hindi kikilos ang pagpasok natin sa buhay. Gumagawa rin ang Banal na Espiritu kasabay ng bagong gawain ng Diyos. Kapag dumating ang bagong kapanahunan, nawawala ang lumang kapanahunan, at ang lumang paraan ng paggawa ng mga bagay ay maluluma. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, hiningi ng Diyos na Jehovah sa tao na panatilihin ang Sabbath, ang mga hindi susunod sa Sabbath ay babatuhin hanggang sa mamatay. Gayunman, nang dumating ang Panginoon Hesus upang gumawa, hiningi Niya sa mga tao na magpabinyag, mag-ayuno, maghati ng tinapay, uminom ng alak, takpan ang kanilang mga ulo at hugasan ang kanilang mga paa. Kung ang mga mananampalatayang sumunod sa Panginoong Hesus ay hindi sumunod ayon sa Kanyang bagong mga hiningi sa sangkatauhan, ngunit nanatili sa mga lumang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, hindi nila makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos at maaari pa ngang isumpa ng Panginoong Hesus. Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay; ang dala Niya sa sangkatauhan ay lubos na kalayaan at pagpapalaya, habang ang mga kautusan at ritwal ay mga panlalansi ni Satanas at ang taling ginagamit nito upang igapos tayo. Kung maiintindihan natin ang kalooban ng Diyos at maiintindihan ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, hindi tayo maigagapos ng mga kautusan at ritwal at magagawang mamuhay ng malaya at mapapalaya mula sa kalituhan sa harap ng Diyos.”
Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at pagbabahagi ng kapatid, naintindihan ko na palaging bago ang gawain ng Diyos at hindi naluluma, at na kapag gumawa ng bagong gawain ang Diyos, nagdadala din Siya ng mga bagong pagsasagawa. Iba’t-iba ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan sa iba’t-ibang mga kapanahunan, at kailanman ay hindi Niya hiningi sa sangkatauhan na panghawakan ang mga lumang bagay. Gayunman, si Satanas ay palaging ginagamit ang mga ritwal at kautusan upang kontrolin ang sangkatauhan. Kaya pala sa tuwing mas ginagawa ko ang mga relihiyosong ritwal, lalo kong nararamdaman sa espiritu ko ang panunuyo at kadiliman. Iyon ay dahil gumawa na ng bagong gawain ang Diyos at may mga bagong hinihingi sa atin. Kailangan kong tumigil sa pagkapit sa mga lumang gawain at sundin ang bagong gawain ng Diyos at kumilos ayon sa Kanyang kasalukuyang hinihingi. Noon ko lamang makakamit ang Kanyang pagsang-ayon. Salamat sa Diyos! Matapos kong marinig ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid, pakiramdam ko ay nakalaya na ako sa kalituhan at malaya ang aking puso. Napakapalad ko! Ito mismo ang paraang hinahanap ko.