Sa mga sumunod na araw, gutom na binasa ko ang mga salita ng Diyos araw-araw at nagkamit ng tunay na pagkain sa aking espiritu. Kasabay niyon, unti-unti kong isinasantabi ang mga lumang relihiyosong kautusan at gawain at minsan na lamang sumama sa aking ina sa simbahan para sa Misa. Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung talagang nais mong maging perpekto, dapat kang magpasya na talikuran nang ganap ang lahat ng bagay mula sa nakaraan. Kahit pa tama ang nagawa noon, kahit na ito ay gawain ng Diyos, dapat mo pa ring magawang isantabi ang mga ito at ihinto ang pagkapit dito. Kahit na malinaw na gawain ito ng Banal na Espiritu, tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu, ngayon ay dapat mo itong isantabi. Hindi mo ito dapat panghawakan. Ito ang hinihingi ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay dapat magpanibago. Sa gawain at mga salita ng Diyos, hindi Niya tinutukoy ang mga lumang bagay na naganap noon, at hindi Niya hinuhukay ang lumang almanak; Ang Diyos ay isang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma, at hindi Siya kumakapit kahit sa sarili Niyang mga salita mula sa nakaraan—na malinaw na nagpapakita na ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin. Kung ikaw, bilang isang tao, ay palaging kumakapit sa mga bagay ng nakaraan, kung tatanggi kang pakawalan ang mga ito, at mahigpit silang gagamitin sa nakapormulang pamamaraan, samantalang ang Diyos ay hindi na gumagamit ng mga paraang ginamit Niya noon, hindi ba’t nakapipinsala lamang ang mga salita at kilos mo? Hindi ka ba naging kaaway ng Diyos? Hahayaan mo bang lubos na mawasak at masira ang iyong buong buhay dahil sa mga lumang bagay na ito? Ang mga lumang bagay na ito ay gagawin kang isang taong humahadlang sa gawain ng Diyos—ito ba ang uri ng tao na nais mong maging? Kung talagang hindi mo ito nais, itigil mo agad ang iyong ginagawa at mag-iba ng landas; magsimulang muli. Hindi tinatandaan ng Diyos ang nakaraan mong paglilingkod.”
Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang Kanyang kalooban: hinihingi ng Diyos na tayong mga mananampalataya sa Kanya ay huwag kumapit sa mga lumang bagay at basta na lamang bigyan ng kahulugan ang Kanyang bagong gawain, na nagtataglay ng Kanyang disposisyon. Noon, pinanghawakan ko ang paniniwalang nauugnay sa mga relihiyosong ritwal at pagsisilbi sa relihiyosong paraan ay ipinapakita ang katapatan ko sa Diyos at naaayon iyon sa puso Niya. Nalaman ko na lang nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos na ang mga lumang ritwal na iyon ay kinamumuhian pala ng Diyos. Sa tuwing gagawa ang Diyos ng isang yugto ng gawain ay nagdadala Siya sa atin ng bagong paraan ng pagsasagawa, at ang dapat nating gawin ay tanggapin, sundin at sundan iyon, dahil gusto ng Diyos ang mga naghahanap at nagmamahal sa katotohanan at simpleng sinusunod ang Kanyang gawain. Hindi na dapat ako basta sumunod at makinig sa mga pari dahil naglilingkod silang lahat sa Diyos ayon sa sarili nilang mga pananaw at imahinasyon, na taliwas sa kalooban ng Diyos. Tingnan ang mga Fariseo sa Kapanahunan ng Kautusan: Dahil hindi alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, hinusgahan at kinondena nila ang gawain ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng mga lumang kautusan at ritwal at sa huli ay pinuksa ng Banal na Espiritu. Gayunman, ang mga disipulo ng Panginoon ay nakalayo mula sa mga batas at kautusan at namuhay na kaharap ang Panginoon. Kaya kung mananatili akong nakakapit sa lumang gawain ng Diyos, magiging isa akong modernong Fariseo na tumatanggi sa gawain ng Diyos. Naiintindihan ito, determinado akong isantabi lahat ng mga relihiyosong kautusan at ritwal.
Kalaunan ay nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang isang normal na espirituwal na buhay ay hindi limitado sa mga pagsasagawang tulad ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, paglahok sa buhay-iglesia, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Sa halip, kinapapalooban ito ng pamumuhay ng bago at masiglang espirituwal na buhay. Ang mahalaga ay hindi kung paano kayo nagsasagawa, kundi kung ano ang ibinubunga ng inyong pagsasagawa. Naniniwala ang karamihan sa mga tao na ang isang normal na espirituwal na buhay ay kailangang kapalooban ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos o pagninilay sa Kanyang mga salita, mayroon mang tunay na epekto ang gayong mga pagsasagawa o kaya’y humahantong man ang mga ito sa tunay na pagkaunawa. Nakatuon ang mga taong ito sa pagsunod sa mababaw na mga pamamaraan nang hindi iniisip ang magiging resulta ng mga ito; sila ay mga taong nabubuhay sa mga ritwal ng relihiyon, hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Lahat ng kanilang panalangin, pagkanta ng mga himno, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay puro pagsunod sa panuntunan, na ginagawa dahil napipilitan sila at para makaagapay sa mga kalakaran, hindi dahil sa kahandaan at ni hindi mula sa puso. Gaano man manalangin o kumanta ang mga taong ito, hindi magkakaroon ng bunga ang kanilang mga pagsisikap, sapagkat ang isinasagawa nila ay mga panuntunan at ritwal lamang ng relihiyon; hindi talaga sila nagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Nagtutuon lamang sila sa pagkabahala kung paano sila nagsasagawa, at itinuturing nilang mga panuntunang susundin ang mga salita ng Diyos. Hindi isinasagawa ng gayong mga tao ang mga salita ng Diyos; pinagbibigyan lamang nila ang laman, at gumagawa sila para makita ng ibang mga tao. Lahat ng panuntunan at ritwal na ito ng relihiyon ay tao ang pinagmulan; hindi nagmumula ang mga ito sa Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga panuntunan, ni hindi Siya sakop ng anumang batas. Sa halip, gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw, nagsasakatuparan ng praktikal na gawain. Gaya ng mga tao sa Three-Self Church, na nililimitahan ang kanilang sarili sa mga pagsasagawa tulad ng pagdalo sa pagsamba sa umaga araw-araw, pag-aalay ng mga panalangin sa gabi at panalangin ng pasasalamat bago kumain, at pasasalamat sa lahat ng bagay—gaano man karami ang kanilang ginagawa at gaano man katagal nila iyon ginagawa, hindi mapapasakanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nabubuhay ang mga tao sa gitna ng mga panuntunan at nakatutok ang kanilang puso sa mga pamamaraan ng pagsasagawa, hindi makakagawa ang Banal na Espiritu, dahil ang kanilang puso ay puno ng mga panuntunan at kuru-kuro ng tao. Sa gayon, hindi nagagawang mamagitan at gumawa ang Diyos sa kanila, at maaari lamang silang patuloy na mabuhay sa ilalim ng kontrol ng mga batas. Ang gayong mga tao ay walang kakayahang tumanggap ng papuri ng Diyos kailanman.”
Hindi lamang inihantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang paglihis sa aking pagsasagawa, kundi sinabi rin sa akin kung paano mamumuhay ng totoong espirituwal na buhay. Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko: Hindi hinuhusgahan ng panlabas na pormalidad at aksiyon natin kung paano tayo magkakaroon ng tunay na espirituwal na buhay, kundi ang pagiging epektibo nito. Kung mananalangin man tayo sa Diyos, o babasahin ang Kanyang mga salita o maging aktibo sa simbahan, iyon ay para mapalapit tayo sa Diyos, intindihin ang Kanyang kalooban at pagkatapos ay magsagawa ayon sa Kanyang mga hinihingi. Iniisip ang mga relihiyosong ritwal na ginawa ko—araw-araw na nagdarasal sa itinakdang oras, dumadalo sa pang-umagang Misa, nag-aayuno at nakikiisa sa Banal na Komunyon—nalaman ko na nakatuon lamang ako sa mga panlabas na gawain ngunit sa puso ko ay hindi napalapit sa Diyos. Bilang resulta, kahit na maraming taon kong pinanatili ang mga ritwal na iyon ay hindi nadagdagan ang kaalaman ko sa Diyos o nakalaya mula sa gapos ng kasalanan, ngunit lalo pa akong nakaramdam ng kagipitan at may pinapasan. Sa pamamagitan ng pagsisikap ko lamang at wala ang gawain ng Banal na Espiritu, kahit na perpekto pa ang paggawa ko sa mga ritwal na iyon, hindi ko pa rin matatanggap ang pagpuri ng Diyos. Kung ganoon ay anong silbi niyon?
Noon, talagang pahirap sa akin ang pagdadasal: Kailangan kong lumuhod sa harap ng Diyos, inuulit ang mga panalangin ko sa mahabang oras. Kahit na minsan ay hindi ko maituon ang buong atensiyon ko doon, kailangan ko pa ring magpatuloy hanggang sa matapos ang dasal. Ngayon, matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi ko sinasambit ang mahahabang mga panalanging iyon sa tuwing nagdarasal ako sa Diyos, ngunit sinasambit ang nilalaman ng puso ko sa Diyos, sinasabi sa Kanya ang tungkol sa mga paghihirap at iniisip ko. Sa paglaya sa gapos ng mga relihiyosong ritwal at mga kautusan, labis na malaya ang pakiramdam ko.
Ngayon ay linggo-linggo akong dumadalo sa mga pagpupulong, pagbabahagi at ibinabahagi ang mga salita ng Diyos sa aking mga kapatid at madalas na makinig sa mga sermon at pagbabahagi, nagtatamo ng maraming pagkain para sa aking espiritu. Idagdag pa, inayos ng mga salita ng Diyos ang maraming praktikal na paghihirap sa pang-araw-araw kong buhay. Napakabago at praktikal ng paraang iyon! Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa aking mga kapatid sa mga pagtitipon sa loob ng ilang sandali, nagkakamit ako ng maraming kaalaman ng maraming katotohanan na hindi ko natamo sa aking tatlumpu’t limang taon ng pananampalataya sa Katolisismo, gaya ng katotohanan sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, at ang kuwento sa loob at diwa ng Biblia. Idagdag pa, sa mga salita ng Diyos ay nahanap ko ang praktikal na paraan upang mapalapit sa Kanya at hanapin ang Kanyang kalooban, at hindi na kailangang hingin ang payo ng pari tungkol sa lahat ng bagay. Ibinunyag ng salita ng Diyos ang lahat ng katotohanan at misteryo na hindi ko alam, kaya hangga’t binabasa ko ang Kanyang mga salita at hinahanap ang katotohanan sa mga iyon ay mahahanap ko ang tamang daan sa pagsasagawa. Ngayon ay may normal na akong espirituwal na buhay at nararamdaman ang presensiya ng Diyos, namumuhay sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala at gabay. Nangangaral din ako ng ebanghelyo sa aking pamilya at ngayon ay sama-sama na naming sinusunod ang bagong gawain ng Diyos. Nag-umpisa na ang bagong buhay namin. Papuri sa Diyos! Amen!