Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 14 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 14
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 14

00:00
00:00

Ang bawa’t yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay kasabay na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang bawa’t yugto ng gawain ay isang paglalaban sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at ang pakay ng labanan ay si Satanas, habang ang isa na gagawing perpekto ng gawaing ito ay ang tao. Kung mamumunga man ang gawain ng Diyos o hindi, ito ay nakasalalay sa paraan ng patotoo ng tao sa Diyos. Ang patotoong ito ay kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa mga tagasunod Niya; ito ang patotoo na ginawa sa harapan ni Satanas, at patunay rin ng mga naibubunga ng gawain Niya. Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawa’t yugto, ang mga angkop na kinakailangan ay itinatalaga sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang mga kapanahunan, ang mga kinakailangan ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagiging lalong mas mataas. Kaya, isa-isang hakbang, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos ay nakakaabot sa rurok nito, hanggang napagmamasdan ng tao ang katunayan ng “pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,” at sa paraang ito ang mga kinakailangan sa tao ay mas tumaas pa, at ang mga pangangailangan sa tao na sumaksi ay mas tumaas. Habang mas nakakaya ng tao na tunay na makipagtulungan sa Diyos, mas niluluwalhati niya ang Diyos. Ang pakikipagtulungan ng tao ay ang patotoo na kinakailangan sa kanya na dalhin, at ang patotoo na kanyang dinadala ay ang pagsasagawa ng tao. Kaya, kung magkaroon man ng nararapat na bunga ang gawain ng Diyos o hindi, at kung magkakaroon man ng tunay na patotoo o hindi, ay di-maiiwasang kaugnay ng pakikipagtulungan at patotoo ng tao. Kapag natapos ang gawain, na ang ibig sabihin, kapag narating na ang katapusan ng buong pamamahala ng Diyos, kakailanganin sa tao na magdala ng mas mataas na patotoo, at kapag ang gawain ng Diyos ay nakarating na sa katapusan nito, ang pagsasagawa at pagpasok ng tao ay makakarating sa rurok ng mga ito. Sa nakalipas, kinailangan sa tao na sumunod sa batas at mga kautusan, at kinailangan na maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay kinakailangan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at mag-angkin ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay kinakailangan sa tao na mahalin pa rin ang Diyos sa gitna ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga kinakailangan ng Diyos sa tao, isa-isang hakbang, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawa’t yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawa’t yugto ang mga kinakailangan sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Talagang dahil sa ang mga kinakailangan sa tao ay lalo pang mas mataas kaya ang disposisyon ng tao ay mas lalong lumalapit sa pamantayang kinakailangan ng Diyos, at saka pa lamang unti-unting makakalayo ang buong sangkatauhan mula sa impluwensya ni Satanas hanggang, kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay nailigtas na mula sa impluwensya ni Satanas. Kapag dumating ang oras na iyon, ang gawain ng Diyos ay nakarating na sa katapusan nito, at ang pakikipagtulungan ng tao sa Diyos nang sa gayon ay magkamit ng pagbabago sa kanyang disposisyon ay wala na rin, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa kaliwanagan ng Diyos, at mula roon, mawawala na ang pagkasuwail at paglaban sa Diyos. Wala na ring hihingin ang Diyos sa tao, at magkakaroon ng mas maayos na pagtutulungan sa pagitan ng tao at ng Diyos, isa na magiging ang magkasamang buhay ng tao at ng Diyos, ang buhay na mararanasan pagkaraang ganap nang natapos ang pamamahala ng Diyos, at matapos na lubos na mailigtas ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas. Yaong mga hindi makasunod nang malapitan sa mga yapak ng Diyos ay walang kakayahang marating ang buhay na iyon. Naibaba na nila ang kanilang mga sarili sa kadiliman, kung saan sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin; sila ay mga taong naniniwala sa Diyos nguni’t hindi sumusunod sa Kanya, na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi tumatalima sa lahat ng Kanyang gawain.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Mag-iwan ng Tugon