Patungkol sa pagbalik ng Panginoon, nakasulat sa Mateo 24:36: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Walang sinumang makakaalam kung kailan babalik ang Panginoong Jesus, kaya paano mo nalaman na nakabalik na ang Panginoong Jesus? Talagang parang mahirap isipin ‘yan!
Sagot:
Maaaring nagtatanong ang ilan sa mga kapatid: Sinasabi mo na ang Panginoon ay nagbalik na, ngunit papaano n’yo ito nalalaman sa inyong mga sarili? Sa anong batayan mo nalaman na Siya Mismo ang Diyos? Mga kapatid, kung gusto nating malaman kung ang Diyos ay dumating na o hindi, kailangan natin sa isang banda na umasa sa patotoo ng Banal na Espiritu, at sa kabilang banda ay kailangang ibatay ito sa gawaing ginawa ng Diyos. Alam nating lahat na bago ginampanan ng Panginoong Jesus ng Kanyang ministeryo, walang sinumang nakaalam na Siya ang Mesias na darating. Ngunit noong nagsimula ang Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, personal na sumaksi ang Banal na Espiritu sa Kanya para alam ng tao ang tunay na pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus. Kung hindi dahil sa patotoo ng Banal na Espiritu, hindi nakilala ng tao na Siya ang nagkatawang-taong Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ng tao na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo ay batay sa patotoo ng Banal na Espiritu. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos patungkol sa ganitong aspeto ng katotohanan ay napakalinaw: “Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Niyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan…. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’ … Kung nagsagawa ng dakilang gawain si Jesus bago magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya, ngunit wala ang patotoo ng Diyos Mismo, kaya gaano man kadakila ang Kanyang gawain, hindi malalaman ng mga tao ang Kanyang pagkakakilanlan, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga mata ng tao na makita ito. Kung wala ang hakbang ng pagpapatotoo ng Banal na Espiritu, walang makakikilala sa Kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan”). “Sa panahong iyon, tinanong ni Jesus yaong mga nakapaligid sa Kanya, ‘Datapuwa’t ano ang sabi ninyo kung sino ako?’Sila ay sumagot, ‘Ikaw ang pinakadakila sa mga propeta … Magkakaibang mga uri ng mga sagot ang ibinigay; sinabi ng ilan na Siya ay si Juan, na Siya si Elias. Bumaling si Jesus kay Pedro at tinanong, ‘Datapuwa’t ano ang sabi ninyo kung sino ako?’ Si Pedro ay sumagot, ‘Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.’ Mula noon namulat ang mga tao na Siya ang Diyos. Nang ito ay ipinaalam, si Pedro ang unang nakarating sa pagkaunawang ito at mula sa kanyang bibig ang gayon ay sinalita. Sa gayon ay isinaad ni Jesus, ‘ang iyong sinabi ay hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman o ng dugo, ngunit ng aking Ama na nasa langit’” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”). Sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na, bago nabautismohan ang Panginoong Jesus, walang sinuman ang nakaalam na Siya ang Diyos. Noon lang matapos mabautismuhan ang Panginoong Jesus, nabuksan ang kalangitan, at sinabi ng tinig, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan,” at matapos na naliwanagan ng Banal na Espiritu si Pedro para magsalita tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus, na nalaman ng mga tao na Siya ay Diyos at ang Cristo. Ibig sabihin, ito’y dahil lamang sa patotoo ng Banal na Espiritu na naintindihan ng mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo at ang pagkakatawang-tao ng Mismong Diyos. Mula dito, makikita natin na ang kaalaman ng tao na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao ay binatay sa patotoo ng Banal na Espiritu. Matapos sumaksi ang Banal na Espiritu sa Kanya, ang Panginoong Jesus ay nagsimulang gampanan ang Kanyang ministeryo, nagpapagaling ng may sakit, nagpapalayas ng mga demonyo, at gumagawa ng mga himala at mga kamangha-manghang bagay. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan at dinala ang Kapanahunan ng Biyaya. Ipinatupad Niya ang mga bagong utos, itinuro ang landas ng pagsasagawa sa bagong kapanahunan, nagdala sa mga tao ng masagana at nag-uumapaw na biyaya, nagbigay sa kanila ng walang hanggang pag-ibig at awa. Sa huli, Siya ay ipinako sa krus para sa sangkatauhan, kinukumpleto ang Kanyang gawain ng pagtutubos sa sangkatauhan. Mga kapatid, makikita natin mula sa naturang gawain na ginawa ng Panginoong Jesus na ang lahat ng gawain na Kanyang ginawa ay wala noong Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay gawain na hindi ginawa dati ng Diyos. Ito ay bagong yugto ng gawaing ginampanan sa mga pundasyon ng Kanyang gawain mula sa Kapanahunan ng Kautusan para magdadala sa mga tao ng mga bagong probisyon at bigyan sila ng mga bagong kaalaman sa Diyos. Ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay puno ng awtoridad at kapangyarihan. Binuhay Niya ang patay, binusog ang limang libong tao sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda, at iba pa—ang naturang gawain ay hindi magagawa ng sinumang tao. Sa huli, nakumpleto ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa krus at tinubos ang lahat ng sangkatauhan. Noon, ito’y dahil lamang sa naturang gawaing ginampanan ng Panginoon kung kaya’t nalaman ng mga taong sumunod sa Panginoong Jesus na Siya ay ang Tagapagtubos ng sangkatauhan. Sa pamamagitan nito, makikita natin na kailangan ng sangkatauhan ang gawaing ginampanan ng Panginoon bilang batayan para malaman na ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Diyos.
Sa gayunding paraan, kung gusto nating makasiguro ngayon na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus at malaman na Siya ay ang Mismong Diyos na nagkatawang-tao, kailangan din nating ibatay ito sa patotoo ng Banal na Espiritu at ang gawaing ginampanan ng Makapangyarihang Diyos. Susunod, sama-sama tayong makinig kung paano sumaksi ang Banal na Espiritu sa Makapangyarihang Diyos:
“Nakararating ang mga papuri sa Sion at nagpapakita ang tahanang dako ng Diyos. Pinupuri ng lahat ng tao ang maluwalhating banal ng pangalan, at lumalaganap. Ah, Makapangyarihang Diyos! Ang Pinuno ng sansinukob, Cristo ng mga huling araw—Siya ang sumisikat na Araw, at nagbabangon sa ibabaw ng maringal at kagila-gilalas na Bundok Sion sa buong sansinukob …
Makapangyarihang Diyos! Nagsasaya kami para sa Iyo; sumasayaw at umaawit kami. Tunay na Ikaw ang aming Manunubos, ang dakilang Hari ng sansinukob! Nakagagawa Ka ng isang pangkat ng mga mananagumpay, at naisasakatuparan ang plano ng pamamahala ng Diyos. Magsisiparoon ang lahat ng tao sa bundok na ito. Luluhod ang lahat ng tao sa harapan ng trono!” (“Ang Unang Pagbigkas”).
“Makapangyarihang Diyos! Hayagang nagpapakita ang Kanyang maluwalhating katawan, lumilitaw ang banal na espirituwal na katawan at Siya ang ganap ng Diyos Mismo! ... Suot Niya ang gintong korona sa Kanyang ulo, ang Kanyang kasuotan ay putting-puti, may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto at lahat ng bagay sa mundo ay Kanyang tuntungan. ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy, sa loob ng Kanyang bibig ay isang matalas na tabak na may dalawang talim at sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin. Ang daan sa kaharian ay walang hangganang maningning at lumilitaw at kumikinang ang Kanyang luwalhati; nagagalak ang mga bundok at tumatawa ang mga katubigan, ang araw, ang buwan at ang mga bituin ay lahat umiinog sa mahusay na pagkakaayos ng mga ito, sinasalubong ang natatanging, totoong Diyos na ang matagumpay na pagbabalik ay ihinahayag ang pagiging ganap ng Kanyang anim na libong taong planong pamamahala. Lahat tumatalon at sumasayaw sa kagalakan! Magbunyi! Nakaupo ang Diyos ba makapangyarihan sa lahat sa Kanyang maluwalhating trono! Umawit! Ang matagumpay na bandila ng Makapangyarihan ay itinataas sa makahari, maringal na Bundok Sion! Nagbubunyi lahat ng bansa, umaawit ang lahat ng tao, tumatawang may kagalakan ang Bundok Sion, lumilitaw ang luwalhati ng Diyos!” (“Ang Ikalabinlimang Pagbigkas”).
“Pagkatapos ng pagsaksi ng Anak ng tao, ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang Sarili Niya nang hayagan sa atin bilang Araw ng pagkamakatuwiran. Ito ang pagbabagong-anyo sa bundok! Nagiging higit at higit pang makatotohanan ito ngayon, at higit na isang realidad. Nakita natin ang paraan ng gawain ng Banal na Espiritu, lumitaw ang Diyos Mismo mula sa makalamang katawan. Hindi Siya nasa ilalim ng pangangasiwa ng tao man, ni kalawakan, ni heograpiya; Nahihigitan Niya ang mga hangganan ng daigdig at dagat, umaabot Siya sa kadulu-duluhang bahagi ng sansinukob, at lahat ng mga bansa at lahat ng mga tao ay tahimik na nakikinig sa Kanyang tinig. Pagbubukas natin sa ating mga espirituwal na mata nakikita natin na nagmumula ang salita ng Diyos mula sa Kanyang maluwalhating katawan; ito ang Diyos Mismo umaahon mula sa katawang-tao. Siya ang tunay at ganap na Diyos Mismo. Hayagan Siyang nagsasalita sa atin, mukhaan Siyang kasama natin, pinapayuhan Niya tayo, naaawa Siya sa atin, hinihintay Niya tayo, inaaliw Niya tayo, dinidisiplina Niya tayo at hinahatulan tayo. Inaakay Niya tayo sa kamay at ang Kanyang malasakit para sa atin ay nagliliyab na parang apoy sa loob Niya, taglay ang masugid na puso minamadali Niya tayong gumising at pumasok sa Kanya. Naisasagawa ang Kanyang nakahihigit na buhay sa ating lahat, at lahat ng pumapasok sa Kanya ay mahihigitan at mananagumpay sa mundo at lahat ng mga masasama, at mamumunong kasama Niya. Ang Makapangyarihang Diyos ang espirituwal na katawan ng Diyos. Kung itinatalaga Niya ito, sa gayon nagiging ito nga; kung sinasabi Niya ito, mangyayari ito, at kung inuutos Niya ito, sa gayon ito nga; Siya ang tanging totoong Diyos! Nasa ilalim ng Kanyang mga paa si Satanas, sa hukay na walang hanggan. Nasa mga kamay Niya ang lahat sa sansinukob; dumating na ang panahon, at babalik ang lahat sa kawalan at maisisilang muli” (“Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas”).
“Ang iisang totoong Diyos na nangangasiwa sa lahat ng bagay sa sansinukob—ang Cristong makapangyarihan sa lahat! Ito ang patotoo ng Banal na Espiritu, ito’y di-mapasisinungalingang katibayan! Gumagawa ang Banal na Espiritu upang magpatotoo sa lahat ng dako, upang walang sinuman ang magkaroon ng anumang pagdududa. Ang matagumpay na Hari, Makapangyarihang Diyos! Nananaig Siya sa buong mundo, nananaig Siya sa kasalanan at natupad Niya ang pagtutubos! Inililigtas Niya tayo, itong pangkat ng mga taong napapasama ni Satanas, at ginagawa Niya tayong ganap upang isagawa ang kalooban Niya. Naghahari Siya sa buong daigdig, binabawi ito at itinataboy si Satanas tungo sa walang hanggang hukay. Hinahatulan Niya ang mundo, at wala isa man ang makakatakas mula sa Kanyang mga kamay. Namumuno Siya bilang Hari.
Nagbubunyi ang buong daigdig! Pinupuri nito ang matagumpay na Hari—Makapangyarihang Diyos! Magpakailan-kailanman! Karapat-dapat Ka sa parangal at papuri. Awtoridad at luwalhati sa dakilang Hari ng sansinukob!” (“Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas”).
Mga kapatid, namili lamang tayo ng maliit na parte ng patotoo ng Banal na Espiritu para basahin, ngunit sapat na ito para makita mula dito na ang Banal na Espiritu ay nagpatotoo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Hari ng kaharian at ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus! Hangga’t ibinababa natin ang ating mga sarili at nakikinig sa mga salitang ito nang may pusong naghahanap, makukuha natin ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu at malalaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nag-iisang tunay na Diyos at ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Kung ano ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng salita; ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para publikong ipahayag ang lahat na mayroon ang Diyos at ano ang Diyos sa sangkatauhan. Ang disposisyon at karunungan ng Diyos ay ibinunyag din sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang salita para hatulan ang tao, para kastiguhin ang tao, at para suplayan ang tao ng lahat ng mga katotohanan para sa pagdadalisay at pagliligtas ng tiwaling sangkatauhan, para malinisan ang tao at tuluyang maligtas at maaaring tapusin ng Diyos ang Kanyang buong plano sa pamamahala. Sa mga salitang ito ng buhay na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, may mga salita na nagpopropesiya ng hinaharap ng kaharian, mga salita na nagbubunyag ng mga misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mga salita na naglalantad ng kalikasan ng tao, gayun din ang mga salita na tinatalakay ang buhay ng tao, pagpasok sa buhay, at iba pa. Ang lahat ng yaong tinatanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, naintindihan ang mga misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang layunin at kahulugan ng paglikha sa sangkatauhan ng Diyos, ang mga misteryo ng Diyos na naging tao, ang kaibahan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, ang istorya sa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at kung paano umunlad ang lahat ng sangkatauhan hanggang ngayon gayun din ang kanilang hinaharap na destinasyon, atbp. Sa pamamagitan ng mga pagbubunyag at paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, naintindihan din ng mga tao ang pinagmulan ng katiwalian ng sangkatauhan at kanilang tiwaling diwa, at kung bakit laging nagkakasala ang tao sa araw at nagtatapat sa gabi, hindi kailanman nakakawala sa kasalanan. At saka, naintindihan din nila kung paano maghangad para palayasin ang kanilang makasalanang kalikasan at tiwaling malasatanas na disposisyon para maging banal. At iba pa. Mga kapatid, ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ginawa ang lahat ng yaong mga sumusunod sa Kanya na tunay na maranasan kung ano ang tinawag na bukal ng buhay na tubig at kung paano ibinigay sa atin ang buhay. Tunay ring ipinakita nito sa mga tao ang katunayan na “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” Lalo na, ang gawain sa pagkastigo at paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao ay nakatulong sa kanila para hindi na mamuhay sa ikot ng pagkakasala sa araw at pagtatapat sa gabi; sa halip, namumuhay sila ng bagong buhay na nangingibabaw kay Satanas at nilalampasan ang mga kasalanan, mas lalong nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos, mas lalong nagiging masunurin, at mas lalong nagiging animo’y mga bagong tao. Sa pamamagitan ng naturang gawain ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na ang lahat ng gawaing ito na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay wala pa noong Kapanahunan ng Biyaya. Ito ay gawain na hindi pa kailanman ginawa dati ng Diyos, at ito ay isang bagong yugto ng gawain na ginawa sa mga pundasyon ng Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain na ginawa ng Makapangyarihang Diyos ay nagdala sa tao ng mga bagong probisyon at nagbigay sa tao ng bagong kaalaman sa Diyos. Ang gawain na Kanyang ginawa ay hindi maaaring magawa o mapalitan ng sinumang tao. Hindi ba ang naturang gawain at ang mga resulta ng naturang gawain ay ang pinakamagandang patotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mga kapatid, matapos pagdaanan ang patotoo ng Banal na Espiritu at ang gawain na ginawa ng Makapangyarihang Diyos, maaari pa ba nating masabi na ang Panginoon ay hindi nagbalik?
Makikita natin sa patotoo ng Banal na Espiritu, at ang lahat ng mga katotohanan na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos para linisin at iligtas ang tao, na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Cristo ng mga huling araw at ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Matagal nang nagkatawang-tao ang Diyos at nagsimula ng Kanyang gawain ng paghatol at paglinis sa mga huling araw. Sa harapan ng reyalidad na ito, maaari pa ba nating masabi na hindi pa nagbalik ang Panginoon? Hindi ba tayo naghihintay para sa araw na ito na dumating sa mga taon natin sa paniniwala? At ngayon, ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pangunahing lupa ng Tsina ay halos tapos na at lumalaganap nang mabilis sa buong sansinuklob. Ang ilang milyong salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay inilathala na online kasama ang lahat ng uri ng mga ebanghelyong pelikula at mga video at iba pa para sa imbestigasyon ng mga tao ng lahat ng nasyon at dila sa buong mundo na nagugutom at naghahanap ng pagpapakita ng Diyos. Ang mga gawain ng Diyos ay ibinunyag na sa publiko sa lahat ng nasyon at mga tao. Mga kapatid, sa mahalagang sandaling ito, dapat ka pa rin bang magpatuloy na maghintay at magmasid? Handa ka bang mawala ang huli mong pagkakataon para maligtas ng Diyos? Nawa’y makuha nating lahat ang pagliliwanag ng Diyos, hindi maglaon na masunod ang mga yapak ng Diyos at pumasok sa bagong kapanahunan. Nawa’y makapasok tayo lahat sa kamangha-manghang bagong langit at lupa na inihanda ng Diyos para sa atin.
Sinasabi ng ilang mga tao, "Paano namin maaaring hindi malaman kung dumating ang Panginoon? Paano kami hindi makatatanggap ng tanda kung ano pa man?" Tingnan natin ang hula ng Panginoon sa Biblia upang makita kung paano Siya darating kapag Siya ay bumalik. “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:25). Hinulaan din na ang Panginoon ay darating sa isang nakatagong paraan, na kung saan walang sinuman ang may alam. “Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Datapuwa’t ito’y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya’y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kanyang bahay. Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24: 42-44). Ito lamang ay nagpapatotoo sa katotohanan na ang ikalawang pagparito ng Diyos ay walang nakakaalam, at sa panahong walang nakakaalam ng kanyang pagdating, sa panahong iyon ay darating ang Anak ng tao. Sinasabi din ng hula ng Panginoon, “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Hindi alam ng mga anghel, hindi alam kahit ng Anak. Paanong hindi alam ng Anak? Na hindi alam ng Anak ay nangangahulugan na si Cristo na nagkatawang-tao, Mismo, ay hindi alam. Ang ibig sabihin din nito ay sa pasimula ang Anak ng tao na nagkatawang-tao ay hindi alam kung sino Siya. Upang magbigay ng halimbawa, nang ang Panginoong Jesus ay dumating, sa simula ay wala Siyang ideya na Siya ay Diyos. “Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin” (Juan 14:10). “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Nalaman lamang ito ng ating Panginoong Jesus tatlong taon bago ang pagpapako sa krus. Tatlong taon bago ang pagpapako sa krus, ay hindi alam ng Panginoong Jesus na Siya ang nagkatawang-taong Diyos Mismo. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay dumating, ngunit mula sa pasimula ay hindi man Niya nalaman na Siya ay Diyos. Kailan Niya nalaman ito? Pagkatapos ng pagpapahayag ng katotohanan sa isang partikular na tagal, nang sinasalita Niya ang pagkakatawang-tao, sa oras na iyon Niya ito nalaman. Nang Siya ay nagpasimula sa pagpapahayag ng salita, hindi Niya pa rin alam. Ang dalawang kaganapang ito ay nagpapatotoo sa katotohanan na ang ikalawang pagparito ng Panginoon ay hindi alam ng lahat. Ang mga anghel ay hindi alam. Ang Anak, Mismo, ay hindi alam; tanging ang Banal na Espiritu ang may alam, tanging ang Espiritu ng Diyos ang may alam. Kaya, sinasabi ng mga tao, “Hindi kataka-taka na hindi ko alam ang pagparito ng Diyos.” “Hindi kataka-taka na kaming mga Amerikano ay hindi alam.” “Hindi kataka-taka na kaming mga taong taga-Britanya ay hindi alam.” “Hindi kata-taka na walang sinuman sa buong mundo ang may alam. Ang Panginoon ay dumarating na gaya ng isang magnanakaw, kaya walang nakakaalam nito.” Ang Panginoon ay dumarating na gaya ng isang magnanakaw, tiyak na wala ni isa ang nakakaalam nito. Kung ang pagdating ng Panginoon ay isang pampublikong pagbaba, siyempre lahat ng tao ay malalaman ito. Ang pagdating ng Panginoon ay hindi hayagang kilala; ito ay isang lihim na pagbaba. Asahan na walang sinuman ang nakakaalam. Hindi lamang tayo ang hindi nakakaalam: Walang sinuman. Sinasabi ng ilang mga tao, “Iyan ay hindi tama. Kung sinasabi mo na walang sinuman ang nakakaalam, kung gayon ay paano mo nalaman?” Ito ay dahil sa ang mga tao ay naririnig ang ebanghelyo sa iba't ibang pagkakataon mula sa mga nagpapatotoo sa salita ng Diyos. May mga tumatanggap sa una, at may mga tumatanggap sa ibang pagkakataon. Naroon ang pagkakaibang ito. Ang mga taong tumatanggap sa una ay nakaalam ng mas maaga ng kaunti, ang mga tumatanggap sa ibang pagkakataon ay nakaalam ng mas huli ng kaunti. Ito ay tulad nang ang Panginoong Jesus ay lumitaw at gumawa matapos na magkatawang-tao: Ang mga tao tulad nina Pedro at Juan ang mga unang tumanggap sa Panginoong Jesus. Pagkatapos nang ang salita at gawa ng Panginoong Jesus ay kumalat na at pinatotohanan, parami nang parami ang mga taong dumating upang tanggapin ang Panginoong Jesus. Hindi ba ganito kung papaano? Ang tanong ba na ito ay naipaliwanag na ng sapat na malinaw? (Oo, malinaw.)
Mula sa Mga Piling Salaysay tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Inirerekomendang mga artikulo:Totoo Nga Bang Walang Nakakaalam Kung Kailan Darating ang Diyos