Read more!
Read more!

Alam Mo Ba ang Kahulugan ng “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok”?

Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Mula sa propesiya na ito tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, makikita na ang Panginoon ay kakatok sa ating mga pintuan sa Kanyang pagbabalik. Kaya, sa anong paraan kakatok ang Panginoon? At paano natin sasalubungin ang Panginoon kapag Siya ay kumakatok? I-fellowship natin ang mga katanungang ito.

Quick Navigation
Paano Kakatok ang Panginoon sa Ating mga Pintuan sa Kanyang Pagbabalik?
Kapag Kumakatok ang Panginoon, Ano ang Dapat Nating Gawin para Salubungin Siya?
Ang Panginoon ay Kumakatok

Paano Kakatok ang Panginoon sa Ating mga Pintuan sa Kanyang Pagbabalik?

Sa pagbabalik ng Panginoon, sa anong eksaktong paraan Siya kakatok sa ating mga pintuan? Ang sagot sa katanungang ito ay mahalaga para sa pagtanggap sa Panginoon. Sa Pahayag 3:20 iprinopesiya nang malinaw, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.” Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang mga nakakarinig lamang ng tinig ng Diyos at magbubukas ng kanilang mga pintuan sa Kanya ay magdidiwang kasama ng Panginoon. Kaya’t, sa pagdating ng Panginoong Jesus, paano Siya kakatok sa ating mga pintuan gamit ang Kanyang tinig? Ito ba ay tulad ng akala ng maraming mga mananampalataya na ang Panginoon ay personal na kakatok sa ating mga pintuan upang sabihin sa atin na Siya ay bumalik na? Sa katunayan, sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang mga sagot matagal na panahon na ang nakalipas. Iprinopesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Sa Pahayag 2–3, pitong beses na itong napropesiya “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Nalaman natin mula sa mga talatang ito na sa pagbabalik ng Panginoon magsasalita Siya sa mga simbahan at ipapahayag ang katotohanan upang magtustos para sa tao, at samakatuwid pinayuhan tayo ng Panginoon na ang bawat isang may tainga ay dapat makinig. Sa madaling salita, ang totoong kahulugan ng “Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok” ay na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magsasalita Siya ng mga salita sa tao at kakatok sa pintuan ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga pagbigkas. Ganito kakatok ang Panginoon.

Kapag Kumakatok ang Panginoon, Ano ang Dapat Nating Gawin para Salubungin Siya?

Matapos malaman ang paraan kung paano kakatok ang Panginoon, natural na sumusunod ang ikalawang tanong: Ano ang dapat nating gawin upang masalubong Siya?

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6), “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). At ang Aklat ng Pahayag ay iprinopesiya, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Ipinapakita ng mga salitang ito na ang susi sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon ay ang pakinggan ang tinig ng Diyos. Kapag mayroong isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay dumating at nagpahayag ng mga katotohanan, sa likod ng mga eksena, ang Panginoon talaga ang gumagamit sa mga tao upang iparating sa atin ang Kanyang tinig at kumatok sa ating mga pintuan, kaya ang dapat nating gawin ay ang maging matalinong dalaga, buksan ang pintuan sa ating mga puso, aktibong naghahanap at nag-iimbestiga upang malaman kung tinig ito ng Diyos at kung may katotohanan na ipinahayag. Sa sandaling makilala natin ang tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin at sundin ang bumalik na Panginoon nang walang pag-aalinlangan. Sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang Panginoon at makadalo sa pista ng Cordero. Tulad noong si Jesus ay gumawa, si Pedro, Juan, at iba pang mga apostol ay malugod na tinanggap ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos: Nang marinig nila ang makapangyarihan, may awtoridad na mga salita ng Panginoong Jesus, na maaaring magbigay ng panustos para sa sangkatauhan anumang oras, kahit saan, natukoy nila na ang salita ng Panginoong Jesus ay totoong tinig ng Diyos. Nalaman nila na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na darating, kaya’t nagpasiya silang sundin Siya at sa gayon ay nakamit ang kaligtasan ng Panginoon. Ang mga Hudyo na punong pari, eskriba, at Fariseo, sa kabaligtaran, ay isinara ang pintuan sa kanilang mga puso at hindi binigyang pansin ang tinig ng Diyos, hindi alintana kung gaano karami ang katotohanan na ipinahayag ng Panginoong Jesus at kung gaano kalaki ang awtoridad at kapangyarihan ang nilalaman ng mga salita ng Panginoong Jesus. Sinubukan pa nila ang lahat ng paraan upang maghanap ng kapintasan sa Panginoong Jesus at, sa huli, ipinako Siya sa krus. Sa paggawa nito, gumawa sila ng isang karumal-dumal na krimen at sila’y pinarusahan ng Diyos dahil dito.

Samakatuwid, kung nais nating tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, dapat tayong matuto mula sa pagkabigo ng mga Fariseo, buksan ang ating mga puso at pakinggan ang tinig ng Diyos, kung hindi mapapalampas natin ang pagkakataon na tanggapin ang Panginoon. Iyon ay upang sabihin, kung mayroong patotoo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, dapat tayong magtuon ng pansin upang makinig sa tinig ng Diyos. At kapag naririnig natin ang tinig ng Diyos, hindi ba nangangahulugang nakita natin ang pagpapakita ng Diyos at tinanggap natin ang Panginoon?

Ang Panginoon ay Kumakatok

Ngayon, sa buong mundo, tanging ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang bukas na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik at Siya ang Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw at nakagawa ng malaking pasabog sa mundo. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong mga salita ng katotohanan upang kumatok sa ating mga pintuan. Sinumang makakakita nito ay walang pagpipilian kundi kilalanin na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na may kapangyarihan at awtoridad, ay talagang ang katotohanan at tinig ng Diyos. Makinig …

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw.

Ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos ay pawang binigkas nang direkta sa sangkatauhan. Batay sa Kanyang posisyon bilang Panginoon ng lahat ng nilikha, ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasalita nang may natatanging awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na walang alinlangang nagpapatunay sa mga salita bilang tinig ng Diyos. Sapagkat, bukod sa Diyos Mismo, sino pa ang makakapagsalita sa buong sangkatauhan? Sino pa ang maaaring magpahayag sa tao ng hangarin ng Diyos ng pagliligtas ng sangkatauhan? Sino pa ang maaaring magpahayag ng mga atas administratibo ng Diyos sa buong sansinukob? Sino pa, bukod sa Diyos, ang maaaring panibaguhing muli ang langit at lupa? At sino pa ang makapag-uuri sa tao ayon sa kanilang uri? Walang iba maliban sa Diyos! Ito ay nasa sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Tagapaglikha na ang Diyos ay nakikipag-usap sa sangkatauhan at ibinubunyag ang Kanyang disposisyon ng katarungan at ’di naaagrabyadong kamahalan. Samakatuwid, pagkatapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang lahat ng mga may puso at espiritu ay nadarama na ang bawat bahagi ng mga salita ng Diyos ay naglalaman ng awtoridad, kapangyarihan, at kamahalan, na nagpapatunay na ito ay tinig ng Diyos at na ang mga salita ay mismong binibigkas ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi ba sapat ang lahat ng ito upang patunayan na ang Panginoong Jesus ay bumalik na?

Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ngayon ng milyun-milyong mga salita, na makikita sa online para masaliksik at masiyasat ng mundo. Ito ang Panginoon na kumakatok sa ating mga pintuan at pati na rin ang patotoo na ang Kasintahang Lalaki ay dumating. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay hindi pinapansin ang maawtoridad at makapangyarihang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pinipilit na isara ang kanilang puso at tumanggi na magsiyasat: Hindi ba sila mga hangal na dalaga? Kung nais nating sundan nang maigi ang mga yapak ng Cordero at dumalo sa kapistahan, ang tanging landas lamang ay ang maging mga matalinong dalaga, pakinggan ang tinig ng Diyos, tanggapin at magpaubaya sa tinig ng Diyos sa oras na makilala natin ito. Tulad ng propesiya sa Pahayag 3:20, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.

Tala ng Patnugot:

Ngayon alam mo na ba ang kahulugan ng “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok”? Kung mayroon kang mga karagdagang katanungan, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng live chat, at sasagutin ka namin anumang oras.

Share