Read more!
Read more!

Ano ang mga Bunga ng Kasalanan? Paano Tayo Makakalaya mula sa Kasalanan at Makapasok sa Kaharian ng Langit?

Maraming tao na tapat na naniniwala sa Panginoon ang may dinadalang hindi masabing sakit sa kanilang mga puso: Bagama't maraming taon na silang naniniwala sa Panginoon at madalas na nananalangin at nagtatapat ng kanilang mga kasalanan, kapag may mga nangyayari, nagsisinungaling pa rin sila, nawawalan ng pagtitimpi, nagiging mainggitin, nakikipagpaligsahan sa iba, at nagrereklamo pa tungkol sa Diyos. Maaari ba talaga na hangga't nagtatapat tayo ng ating mga kasalanan, ayos na ang lahat? Kung ang isang tao ay patuloy na namumuhay sa kasalanan, ano ang magiging huling kalalabasan? Ang artikulong ito ay nagsisimula sa katotohanan ng Bibliya upang tulungan kang maunawaan ang mga bunga ng kasalanan at mahanap ang landas tungo sa paglaya mula sa kasalanan.

I. Panimula

Sinasabi ng Bibliya, “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…” (Roma 6:23).

Ang talatang ito ay napakadirekta at walang paligoy-ligoy. Ang dala ng kasalanan ay hindi lamang ilang pagkatalo o pansamantalang paghihirap, kundi kamatayan—pagwasak. Ang “kamatayang” ito ay hindi lamang tumutukoy sa pagtatapos ng pisikal na buhay, kundi higit pa rito, dahil sa kasalanan, nawawala sa mga tao ang presensya ng Diyos, sa huli ay inalis sila ng Diyos, at nawalan ng kalipikasyon na makapasok sa kaharian ng langit.

Ngunit sa ngayon, maraming tao ang naging manhid na sa kasalanan. Matapos maniwala sa Panginoon, maraming tao ang nag-iisip, “Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at dinala ang ating mga kasalanan. Hangga't nananalangin tayo sa Panginoon, nagtatapat ng ating mga kasalanan, at nagsisisi, pinatatawad ng Panginoon ang ating mga kasalanan. Kami ay mga tao pa ring naligtas, at sa hinaharap ay makakapasok pa rin kami sa kaharian ng langit.” Tila makatwiran ito. Ngunit kung tayo ay tatahimik at tapat na susuriin ang ating mga sarili, matutuklasan natin ang isang napakatotoong problema: Bagama't naniniwala tayo sa Panginoon, ang kasalanan ay tila nananatili pa rin sa atin.

II. Ano ang mga Bunga ng Kasalanan?

Maraming mga kapatid ang nakaranas na ng ganitong kalagayan: Kapag nananalangin, sila ay napakatapat, at kapag nagtatapat ng kanilang mga kasalanan, maaari pa silang maluha. Ngunit kapag bumalik na sila sa tunay na buhay, hindi pa rin nila maiwasang mawalan ng pagtitimpi, magsinungaling, mainggit, humusga sa iba, gumawa ng pakana para sa sariling interes, magreklamo kung bakit hindi sila pinangalagaan ng Diyos kapag hindi kanais-nais ang mga pangyayari, ayaw nilang tanggapin kapag nakikita nilang mas mabuti ang kalagayan ng iba kaysa sa kanila, at bagama't sinasabi nilang mahal nila ang Panginoon, sa kanilang mga puso ay naghahangad pa rin sila sa mundo at naghahabol ng kasikatan, pakinabang, at katayuan… Ang mga ito ay hindi maliliit na bagay, kundi ang mga tunay na pagpapahayag ng kasalanan.

Ang problema ay ito: Kung ang ating mga kasalanan ay pinatawad lamang, ngunit hindi tayo tunay na nalinis, kung gayon ay namumuhay pa rin tayo sa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. Hindi tayo malayang mga tao—tayo ay mga taong nakagapos pa rin sa kasalanan. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nanannahan magpakailan man (Juan 8:34–35).

Ang mga salitang ito ay tumatagos sa puso, ngunit ang mga ito ay totoo. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus na hangga't naniniwala ang isang tao sa Kanya, ay hindi na mahalaga kung ang taong iyon ay patuloy na nagkakasala. Itinuro Niya ang isang katotohanan: Hangga't ang isang tao ay madalas pa ring nagkakasala at kontrolado pa rin ng kasalanan, ang taong iyon ay alipin ng kasalanan; at ang isang alipin ay hindi maaaring manatili sa bahay magpakailanman. Nagpapakita ito na ang isang taong patuloy na namumuhay sa kasalanan at hindi pa nakakalaya sa kasalanan ay hindi kalipikadong makapasok sa kaharian ng Diyos.

Maaaring may ilang tao na hindi handang tanggapin ang mga salitang ito, sa pag-aakalang dahil maraming taon na silang naniniwala sa Panginoon, masiglang naglingkod sa Kanya, at ibinuhos ang kanilang sarili para sa Kanya, tiyak na hindi sila pagbabawalan ng Diyos na makapasok sa kaharian. Ngunit ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal. Hindi Niya kailanman pahihintulutan ang mga hindi dalisay tao na makapasok sa Kanyang kaharian.

Gaya ng sinasabi ng Diyos: “Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; iyong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, iyong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunos-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga sumisipsip sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Nakadepende sa Landas na Tinatahak ng Tao).

Ang mga salitang ito ay mabigat, ngunit hinahayaan tayo nitong makita ang isang katotohanan: Pinahahalagahan ng Diyos hindi lamang kung gaano karaming gawain ang nagawa ng isang tao sa panlabas, kung gaano kalayo ang narating ng isang tao, o kung gaano karaming paghihirap ang tiniis ng isang tao. Higit na mahalaga, pinahahalagahan ng Diyos kung ang isang tao ba ay nalinis na sa loob. Ang Diyos ay banal, at hindi makikita ng tao ang Panginoon maliban kung siya ay banal. Hangga't mayroon pang dumi at katiwalian sa loob ng isang tao, at madalas pa rin silang namumuhay sa kasalanan, hindi sila posibleng makapasok nang direkta sa kaharian ng langit. Hindi ito dahil sinasadya ng Diyos na pahirapan ang mga tao, kundi dahil ito ay itinakda ng matuwid na disposisyon ng Diyos.

Kaya, ano nga ba ang mga bunga ng kasalanan? Sa hindi gaanong seryosong kahulugan, ang kasalanan ay nagiging sanhi upang ang mga tao ay lalong lumayo sa Diyos, na namumuhay sa sakit, kadiliman, at walang kapayapaan. Sa mas seryosong kahulugan, ang kasalanan ang maghahatid sa mga tao sa pagkawasak. Walang sinuman ang dapat magbalewala sa kahihinatnan na ito.

III. Paano Tayo Makakalaya mula sa Kasalanan at Makakapasok sa Kaharian ng Langit?

Pagkatapos ay darating ang tanong: Dahil ang lahat ng tao ay namumuhay sa kasalanan, mayroon bang landas pasulong? Ang sagot ay oo, at matagal na itong sinabi sa atin ng Panginoong Jesus.

Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Pakabanalin Mo sila sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: Ang Iyong salita ay katotohanan(Juan 17:17).

Ang dalawang talatang ito ay napakahalaga. Pinahihintulutan tayo nitong makita na ang ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ang natapos ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, upang ang mga kasalanan ng tao ay mapatawad. Ngunit ang ugat na sanhi ng kasalanan ng tao—ang katiwalian ng disposisyon ng tao—ay hindi pa ganap na nalulutas. Samakatwid, kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan at gagabayan ang mga tao sa lahat ng katotohanan. Sa pamamagitan ng katotohanan, lilinisin Niya ang mga tao at babaguhin sila, upang sila ay tunay na makalaya mula sa kasalanan.

Tulad ng sinasabi ng Diyos: “Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng mga tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas dakila pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang disposisyon nito na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita).

Ang siping ito ay nagpapaliwanag nang malinaw kung bakit tayo sa ngayon ay patuloy na inuulit ang siklo ng pagtatapat at pagkatapos ay magkakasala, at magkakasala at pagkatapos ay pagtatapat. Hindi ito dahil ang pagliligtas ng Panginoon ay kulang, kundi dahil ang ating tiwaling disposisyon ay nananatili pa rin sa loob natin—ang pagiging mapagmataas, pagkamakasarili, panlilinlang, kasakiman, at kasamaan—ang mga bagay na ito ay malalim pa ring nakaugat sa atin. Sa pamamagitan lamang ng pagtatapat at pananalangin, ang mga tao ay makakatanggap lamang ng kapatawaran, ngunit hindi sila makakalaya sa kasalanan sa mismong ugat nito. Samakatwid, kapag bumalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw, ipapahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao—ito mismo ang kaligtasang pinakakailangan natin. Ang paghatol na ito ay hindi lamang upang hatulan ang kasalanan ng tao, kundi sa pamamagitan ng katotohanan ay ilalantad ang katiwalian ng tao, upang ang tao ay tunay na makilala ang kanyang sarili, kamuhian ang kasalanan sa loob ng kanyang sarili, at magsimulang mamuhay nang may pusong nagpapasakop sa Diyos at may paggalang sa Diyos. Sa ganitong paraan lamang tunay na makakalaya ang tao mula sa gapos ng kasalanan at magiging isang malinis na tao.

Sa huli, ang pagpasok sa kaharian ng langit ay hindi nakadepende sa pasalitang pagtatapat ng, “Naniniwala ako sa Panginoon,” o sa panlabas na sigasig sa pagiging abala at pagtatrabaho. Sa halip, nakadepende ito sa kung ang isang tao ba ay tumanggap sa katotohanan at nalinis na. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap at pagpapasakop sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw tunay na makakalaya ang mga tao mula sa kasalanan, matatamo ang kaligtasan, at makakapasok sa kaharian ng langit.

IV. Kongklusyon

Ang kasalanan ay hindi maliit na bagay—itinatakda nito ang huling kalalabasan ng tao. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Ang mga salitang ito ay hindi kailanman maluluma. Ngayon, ang mga taong pinakakailangang mag-ingat ay hindi ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos, kundi ang mga taong nag-aakalang sila ay ligtas na habang namumuhay pa rin sa kasalanan araw-araw.

Kung tunay tayong naghahangad na makita ang Panginoon, at tunay na umaasang makapasok sa kaharian ng langit, hindi tayo maaaring tumigil sa basta mapatawad lamang ang ating mga kasalanan. Dapat tayong patuloy na maghanap sa mga katotohanang ipinahahayag ng Diyos sa mga huling araw at tanggapin ang gawain ng Diyos sa paglilinis sa tao. Sa ganitong paraan lamang tayo titigil sa pamumuhay sa siklo ng pagtatapat at pagkatapos ay magkakasala, at tunay na magiging malaya mula sa kasalanan at magiging mga taong umaayon sa mga layunin ng Diyos.

Kaibigan, kung ikaw ay nababagabag din dahil hindi ka makalaya mula sa kasalanan, mangyaring huwag manatili sa kalituhan. Maaari mo kaming kontakin sa pamamagitan ng online chat window sa ibaba ng aming website. Nais naming basahin ang mga salita ng Diyos kasama ka, makipagbahaginan sa katotohanan, at sama-samang hanapin ang gawain at mga salita ng Diyos sa mga huling araw, upang mahanap natin ang landas tungo sa paglaya mula sa kasalanan at pagpasok sa kaharian ng langit.

Pinahabang Pagbabasa:
15 Mga Bible Verse Tungkol sa Kasalanan: Paghahanap ng Daan upang Malutas ang Kasalanan
Pinahabang Pagbabasa:
Madalas ang Aming Pagdarasal ng Rosaryo, Ngunit Bakit Hindi Nakikinig ang Panginoon?
Share