Mag-subscribe

Menu

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | "Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos" | Sipi 10 Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | "Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos" | Sipi 10
00:00/ 00:00

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | "Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos" | Sipi 10

00:00
00:00

Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong mga yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo, at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa pangalan Niya—na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa umpisa hanggang sa ngayon. Kahit ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay naisakatuparan sa magkakaibang mga kapanahunan at mga lugar, at kahit na ang gawain ng bawa’t isa ay magkakaiba, lahat nang ito ay ginawa ng isang Diyos. Sa lahat ng mga pangitain, ito ang pinakadakilang pangitain na dapat malaman ng tao, at kung ito ay maaaring ganap na maintindihan ng tao, kung gayon siya ay makakatayo nang matibay. Ngayon, ang pinakamalaking suliranin na hinaharap ng lahat ng mga denominasyon at mga sekta ay na hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay walang kakayanang makita ang kaibahan sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at gawain na hindi sa Banal na Espiritu—at sa gayon hindi nila masabi kung ang yugto ng gawaing ito ay, tulad ng dalawang lumipas na gawain, ginawa rin ng Diyos na Jehova. Kahit na sinusunod ng mga tao ang Diyos, karamihan ay hindi pa rin masabi kung ito ay ang tamang paraan. Ang tao ay nag-aalala kung itong paraan ay ang paraan na pinangungunahan ng Diyos Mismo, at kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tunay, at karamihan ng mga tao ay wala pa ring palatandaan tungkol sa kung paano umarok pagdating sa mga bagay na ganoon. Yaong mga sumusunod sa Diyos ay hindi mapagpasiyahan ang paraan, kaya’t ang mga mensahe na binibigkas ay mayroon lamang bahagyang epekto sa gitna ng mga taong ito, at hindi kayang maging lubusang epektibo, sa gayon ito ay nakakaapekto sa buhay ng mga taong ganoon. Kung nakikita ng tao sa tatlong mga yugto ng gawain na ang mga iyon ay isinasakatuparan ng Diyos Mismo sa iba’t ibang panahon, sa iba’t-ibang lugar, at sa iba’t-ibang tao, kung gayon makikita ng tao na, kahit iba ang gawain, lahat ng ito ay ginawa ng isang Diyos. Dahil ito ay gawain na ginawa ng isang Diyos, kung gayon tiyak na ito ay wasto, at walang kamalian, at kahit ito ay kontra sa mga pagkaintindi ng tao, hindi maipagkakaila na ito ay gawain ng isang Diyos. Kung tiyak na masasabi ng tao na ito ay gawain ng isang Diyos, sa gayon ang mga pagkaintindi ng tao ay magiging walang-kabuluhan, hindi karapat-dapat na banggitin. Dahil ang mga pananaw ng tao ay malabo, at kilala lamang ng tao si Jehova bilang Diyos, at si Jesus bilang ang Panginoon, at nahahati sa dalawang pag-iisip tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ngayon, maraming tao ang nananatiling tapat sa gawain ni Jehova at Hesus, at sila ay nakakulong sa mga pagkaintindi tungkol sa gawain ngayon, karamihan ng tao ay laging nagdududa, at hindi sineseryoso ang gawain ng ngayon. Walang mga pagkaintindi ang tao tungo sa mga huling dalawang yugto ng gawain, na hindi nakikita. Iyan ay dahil hindi nauunawaan ng tao ang katotohanan ng mga huling dalawang yugto ng gawain, at hindi nasaksihan nang personal ang mga iyon. Ito ay dahil sa hindi makita ang mga ito kaya ginuguni-guni ng tao kung ano ang gusto niyang isipin; kahit ano pa ang mawari niya, walang mga katunayan na magpapatunay dito, at walang sinumang magtutuwid dito. Pinalalaya ng tao ang kanyang likas na kinasanayan, hindi nag-iingat at pinakakawalan ang kanyang imahinasyon, dahil walang mga katunayang magpapatotoo dito, at sa gayon ang mga naguguni-guni ng tao ay nagiging “katunayan,” di-alintana kung may anumang patunay sa mga iyon. Sa gayon naniniwala ang tao sa kanyang sariling naguni-guning Diyos sa kanyang isipan, at hindi hinahanap ang Diyos ng katotohanan. Kung ang isang tao ay may isang uri ng paniniwala, kung gayon sa isandaang tao mayroong isandaang uri ng paniniwala. Ang tao ay nagtataglay ng mga ganoong paniniwala dahil hindi niya nakikita ang katotohanan ng gawain ng Diyos, dahil naririnig lamang ito ng kanyang mga tainga at hindi nakikita ng kanyang mga mata. Naririnig ng tao ang mga alamat at mga kuwento—nguni’t bihira niyang naririnig ang kaalaman tungkol sa mga katunayan ng gawain ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pagkaintindi kaya ang mga taong naging mananampalataya sa loob ng isang taon pa lamang ay naniniwala sa Diyos, at ganoon din sa kanilang mga naniwala sa Diyos sa buong buhay nila. Silang hindi nakakakita sa mga katunayan ay hindi kailanman makakatakas mula sa isang pananampalataya kung saan mayroon silang mga pagkaintindi sa Diyos. Naniniwala ang tao na napalaya niya ang kanyang sarili mula sa pagkabihag ng kanyang mga lumang pagkaintindi, at nakapasok sa bagong teritoryo. Hindi ba alam ng tao na ang pagkakilala nilang mga hindi nakakakita ng tunay na mukha ng Diyos ay walang-iba kundi mga pagkaintindi at sabi-sabi? Iniisip ng tao na ang kanyang mga pagkaintindi ay tama, at walang kamalian, at iniisip na ang mga pagkaintinding ito ay galing sa Diyos. Ngayon, kapag nasasaksihan ng tao ang gawain ng Diyos, pinakakawalan niya ang mga pagkaintinding nabuo sa maraming mga taon. Ang mga imahinasyon at mga ideya ng nakaraan ay naging hadlang sa gawain ng yugtong ito, at nagiging mahirap para sa tao na bitawan ang ganoong mga pagkaintindi at pasubalian ang mga ideyang ito. Ang mga pagkaintindi tungo sa isa-isang hakbang na ito ng gawain ng maraming sumunod sa Diyos hanggang ngayon ay mas lalo pang nakapagpapadalamhati at ang mga taong ito ay unti-unting nakabuo ng mapagmatigas na pagkapoot sa Diyos na nagkatawang-tao, at ang pinagmulan nitong kapootan ay ang mga pagkaintindi at mga imahinasyon ng tao. Ito ay tiyak na dahil ang mga katunayan ay hindi hinahayaan ang tao na bigyang-kalayaan ang kanyang imahinasyon, at, bukod diyan, hindi madaling mapasinungalingan ng tao, at ang mga pagkaintindi at naguguni-guni ng tao ay hindi isinasaalang-alang ang pag-iral ng mga katunayan, at bukod diyan, dahil hindi iniisip ng tao ang pagiging-tama o pagiging-totoo ng mga katunayan, at desidido lamang na pakawalan ang kanyang mga pagkaintindi, at gamitin ang kanyang sariling imahinasyon, na ang mga pagkaintindi at mga naguguni-guni ng tao ay naging kaaway ng gawain ngayon, gawain na salungat sa mga pagkaintindi ng tao. Ito ay masasabi lamang na kasalanan ng mga pagkaintindi ng tao, at hindi masasabing kasalanan ng gawain ng Diyos. Maaaring guni-gunihin ng tao ang kahit anong nais niya, nguni’t hindi niya maaaring malayang pasubalian ang kahit anong yugto ng gawain ng Diyos o kahit anong kapirasong bahagi nito; ang katunayan ng gawain ng Diyos ay hindi kayang sirain ng tao. Maaari mong palayain ang iyong imahinasyon, at maaari ding mag-ipon ng mahuhusay na kwento tungkol sa gawain ni Jehova at Jesus, nguni’t hindi mo mapapasinungalingan ang katunayan ng bawa’t yugto ng gawain ni Jehova at Hesus; ito ay isang prinsipyo, at ito rin ay isang kautusang pamamahala, at dapat ninyong maunawaan ang kahalagahan ng mga usaping ito. Naniniwala ang tao na ang yugto ng gawaing ito ay hindi kaayon sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi ito ang katayuan sa dalawang naunang mga yugto ng gawain. Sa kanyang imahinasyon, naniniwala ang tao na ang gawain ng naunang dalawang mga yugto ay tiyak na hindi katulad ng gawain ngayon—nguni’t kahit kailan ba ay naituring mo na ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos ay pareho-pareho lahat, na ang Kanyang gawain ay laging praktikal, at, kahit na anong panahon pa, laging mayroong pag-apaw ng mga tao na lumalaban at sumasalungat sa katunayan ng Kanyang gawain? Lahat niyaong ngayon ay lumalaban at sumasalungat sa yugto ng gawaing ito ay walang-dudang sumalungat din sa Diyos sa mga naunang panahon, sapagka’t ang mga ganoong tao ay laging magiging mga kalaban ng Diyos. Ang mga taong alam ang katunayan ng gawain ng Diyos ay makikita ang tatlong yugto ng gawain bilang gawain ng isang Diyos, at bibitawan nila ang kanilang mga pagkaintindi. Ang mga ito ang mga taong nakikilala ang Diyos, at ang mga taong ganoon ay yaong tunay na sumusunod sa Diyos. Kapag ang buong pamamahala ng Diyos ay malapit na sa katapusan, uuriin ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri. Ang tao ay ginawa ng mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan dapat Niyang ganap na ibalik ang tao sa ilalim ng Kanyang dominyon; ito ang konklusyon ng tatlong mga yugto ng gawain. Ang yugto ng gawain ng mga huling araw, at ang naunang dalawang yugto sa Israel at Judea, ay plano ng pamamahala ng Diyos sa buong sansinukob. Walang makatatanggi rito, at ito ang katunayan ng gawain ng Diyos. Kahit hindi naranasan o nasaksihan ng mga tao ang karamihan ng gawaing ito, ang mga katunayan ay mga katunayan pa rin, at ito ay hindi maitatanggi ng kahit na sinong tao. Ang mga taong naniniwala sa Diyos sa bawa’t lupain ng sansinukob ay tatanggap lahat ng tatlong mga yugto ng gawain. Kung alam mo lamang ang isang tanging yugto ng gawain, at hindi naiintindihan ang iba pang dalawang mga yugto ng gawain, hindi naiintindihan ang gawain ng Diyos sa mga lumipas na panahon, sa gayon ikaw ay hindi makapagsasalita ng buong katotohanan ng kabuuan tungkol sa buong plano ng pamamahala ng Diyos, at ang iyong pagkakilala sa Diyos ay isang panig lamang, sapagka’t sa iyong paniniwala sa Diyos hindi mo Siya kilala, o naiintindihan Siya, at sa gayon hindi ka karapat-dapat magdala ng patotoo sa Diyos. Kung ang iyong kasalukuyang kaalaman sa mga bagay na ito ay malalim man o mababaw, sa katapusan, dapat kayong magkaroon ng kaalaman, at dapat na lubusang napapaniwala, at ang lahat ng tao ay makikita ang kabuuan ng gawain ng Diyos at magpapasailalim sa dominyon ng Diyos. Sa pagtatapos ng gawaing ito, lahat ng mga denominasyon ay magiging isa, ang lahat ng mga nilalang ay babalik sa ilalim ng dominyon ng Maylalang, ang lahat ng nilalang ay sasamba sa isang tunay na Diyos, at ang lahat ng mga kulto ay mauuwi sa wala, hindi na lilitaw muli.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon