Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 19 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 19
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 19

00:00
00:00

Bago ang dalawang libong taon kung saan ginawa ni Jehova ang Kanyang gawain, walang alam ang tao, at halos lahat ng tao ay nahulog sa kabuktutan, hanggang, bago ang pagwasak ng mundo sa pamamagitan ng baha, umabot sila sa lalim ng kahalayan at katiwalian kung saan sa kanilang mga puso ay walang laman na Jehova, at lalong walang laman ng Kanyang paraan. Hindi nila kailanman naunawaan ang gawain na gagawin ni Jehova; kulang sila ng katuwiran, lalong walang kaalaman, at, tulad ng isang makinang humihinga, ay lubusang ignorante sa tao, sa Diyos, sa mundo, sa buhay at sa mga katulad nito. Sa lupa nasangkot sila sa maraming tukso, tulad ng ahas, at nagsabi ng maraming bagay na nakasakit kay Jehova, ngunit dahil sila ay ignorante hindi sila kinastigo o dinisiplina ni Jehova. Tanging pagkatapos ng baha, nang si Noe ay 601 taong gulang, pormal na nagpakita si Jehova kay Noe at gumabay sa kanya at sa kanyang pamilya, nanguna sa mga ibon at mga hayop na nakaligtas sa baha kasama si Noe at ang mga inapo niya, hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, lahat sa loob ng 2,500 taon. Siya ay gumawa sa Israel, iyon ay, pormal na gumawa, para sa kabuuang 2,000 taon, at sabay na gumawa sa Israel at sa labas nito ng 500 taon, sama-sama ay nakabuo ng 2,500 taon. Sa panahong ito, inatasan Niya ang mga Israelita na upang maglingkod kay Jehova, dapat silang magtayo ng isang templo, magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote, at lumakad nang nakayapak sa templo sa madaling araw, kung hindi ay madudumihan nila ang templo at padadalhan sila ng apoy mula sa ibabaw ng templo at susunugin sila hanggang mamatay. Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin at nagpasakop sa mga plano ni Jehova. Nanalangin sila kay Jehova sa templo, at pagkatapos tanggapin ang kapahayagan ni Jehova, iyon ay, pagkatapos makapagsalita ni Jehova, pinangunahan nila ang napakaraming tao at tinuruan sila na dapat silang magpakita ng pagpitagan kay Jehova—ang kanilang Diyos. At sinabihan sila ni Jehova na magtayo ng templo at ng altar, at sa panahong itinakda ni Jehova, iyon ay, sa Paskwa, dapat silang maghanda ng mga bagong panganak na guya at mga tupa upang ihain sa dambana bilang mga handog upang magsilbi kay Jehova, upang higpitan sila at lagyan ng pagpipitagan para kay Jehova sa kanilang mga puso. Kung sinunod nila ang kautusang ito ang naging sukatan ng kanilang katapatan kay Jehova. Inilaan din ni Jehova ang araw ng Sabbath para sa kanila, ang ikapitong araw ng Kanyang paglikha. Ang araw pagkaraan ng Sabbath ay ginawa Niyang unang araw, ang araw para purihin nila si Jehova, para mag-alay sa Kanya ng mga handog, at lumikha ng musika para sa Kanya. Sa araw na ito, tinawag ni Jehova ang lahat ng mga saserdote upang hatiin ang mga handog na nasa dambana para kainin ng mga tao, upang tamasahin nila ang mga handog sa dambana ni Jehova. At sinabi ni Jehova na sila ay pinagpala, na sila ay may takdang bahagi sa Kanya, at sila ay Kanyang piniling bayan (na siyang tipan ni Jehova sa mga Israelita). Iyan ang dahilan, kung bakit hanggang ngayon, ang bayan ng Israel ay nagsasabi pa ring si Jehova ang tanging Diyos nila, at hindi ang Diyos ng ibang mga tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Mag-iwan ng Tugon