Menu

15 Bible Verses About Faith and Trust Tagalog

Sinabi ng Panginoong Jesus, “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig(Mateo 24:12). Sa kasalukuyan ang mundo ay nagiging mas higit na madilim at masama. Ang mga tao ay sinusunod ang mga uso sa mundong ito, at hinahangad ang kasiyahan ng laman. Ang mga mananampalataya ay hindi isinasagawa ang mga salita ng Panginoon, o sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon; sa halip, tanging humahawak lamang sila sa mga naipasang tradisyon ng tao, at nakatuon sa pagpapalawak ng kanilang kaalamang biblikal at mga teoryang teolohika upang maipagyabang ang kanilang mga sarili at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi sila nagpapatotoo sa Panginoon, itaas ang Panginoon, o talagang hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay lubusang lumayo mula sa daan ng Panginoon. Ang mga masasamang pagkilos na ito ay nangyayari ng nangyayari, kaya ang mga kapatid ay di-matamo ang pagtutubig at pagtustos ng buhay na tubig ng buhay. Sa gayon, ang kanilang pananampalataya ay naging maligamgam, at nakakaramdam sila ng pagkanegatibo at panghihina, at naiwala ang presensya ng Panginoon. Sa panahon ng delikadong mga sandali ng mga huling araw, paano natin makakamtan ang pananampalataya at lakas mula sa Diyos? Basahin ang sumusunod na mga talata ng Bibliya tungkol sa pananampalataya at tutulungan kayo ng mga ito na matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, mapalago ang iyong pananampalataya sa Diyos, at mapanumbalik ang normal na kaugnayan sa Diyos.

Bible Verse Tungkol sa Pananampalataya

Quick Navigation
1. Ang kahalagahan ng Pananampalataya
2. Ang Ugat na Dahilan ng Pagkawala ng Pananampalataya
3. Paano Muling Buuin ang Pananampalataya sa Diyos

Ang kahalagahan ng Pananampalataya

» Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

Mga Hebreo 3:14

Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan.

1 Juan 5:4

Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.

Santiago 2:26

Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.

Marcos 9:23

At sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya.

Juan 11:40

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios?

» Nauugnay na mga Video:

Ang Ugat na Dahilan ng Pagkawala ng Pananampalataya

» Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

Mateo 24:12

At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.

Amos 4:7–8

At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ni Jahova.

1 Juan 2:15–16

Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.

» Inirerekomenda para sa iyo:

Paano Muling Buuin ang Pananampalataya sa Diyos

» Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

Juan 16:12—13

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.

Pahayag 3:20

Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

Juan 10:27

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin.

Pahayag 3:22

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Mateo 7:7–8

Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

Pahayag 14:4

At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon.

» Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.

Hinango mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan”

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Narinig na ba ninyo ngayon ang salita ng Banal na Espiritu? Ang mga salita ng Diyos ay dumarating sa inyo. Naririnig ba ninyo ang mga ito? Ginagawa ng Diyos ang gawain ng salita sa mga huling araw, at ang mga nasabing salita ay yaong sa Banal na Espiritu, dahil ang Diyos ay ang Banal na Espiritu at maaaring maging katawang-tao rin; samakatwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na binigkas sa nakalipas, ay ang mga salita ng nagkatawang-taong Diyos ngayon. Maraming mga taong katawa-tawa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa mga kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na sinalita ng Banal na Espiritu ay yaong mga sinalita ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi direktang nakakapagsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ang gayon sa kapanahunan ngayon? Para magwika ang Diyos ng mga pagbigkas upang isakatuparan ang gawain, dapat Siyang magkatawang-tao, kung hindi ay hindi matutupad ng Kanyang gawain ang Kanyang mithiin. Yaong mga nagkakaila sa Diyos na nagkatawang-tao ay yaong mga hindi nakakakilala sa Espiritu o sa mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos. Yaong mga naniniwala na ngayon ang kapanahunan ng Banal na Espiritu nguni’t hindi tinatanggap ang Kanyang bagong gawain ay yaong mga namumuhay sa hindi-malinaw na pananampalataya. Ang gayong mga uri ng tao ay hindi kailanman tatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga nagnanais lamang para sa Banal na Espiritu na direktang magsalita at magsakatuparan ng Kanyang gawain, nguni’t hindi tumatanggap sa mga salita o gawain ng nagkatawang-taong Diyos, ay hindi kailanman makakatapak sa bagong kapanahunan o makakatanggap ng ganap na kaligtasan mula sa Diyos!

Hinango mula sa “Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaunawa sa Diyos?”

Lahat niyaong nakakasunod sa kasalukuyang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit na sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi nakakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong nakakatanggap sa bagong liwanag, at nais Niya yaong mga tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakahuling gawain. Bakit sinabi na dapat kang maging isang dalagang malinis? Nagagawa ng isang dalagang malinis na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at nauunawaan ang mga bagong bagay, at higit sa rito, nagagawang isantabi ang dating mga pagkaintindi, at sinusunod ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupo ng mga taong ito, na tumatanggap ng pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang anyo ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupo ng mga taong ito.

Hinango mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak”

Tala ng Patnugot:

Mula sa mga talata sa Bibliya sa itaas tungkol sa pananampalataya, alam mo ba kung paano maibalik ang iyong nawalang pananampalataya? Anumang mga katanungan sa pananampalataya o buhay? Huwag mag-atubiling makipag-chat sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Narito ang aming mga masigasig na kinatawan sa online para sa iyo.

Mag-iwan ng Tugon