Read more!
Read more!

Ano Ang Kalooban ng Diyos sa Likod ng Talinghaga ng Nawawalang Tupa?

Tala ng Editor: Naniniwala ako na ang lahat ay pamilyar sa talinghaga ng nawawalang tupa na nasa Bibliya. Ginamit ng Panginoong Jesus ang talinghaga ito upang malinaw na maihayag sa atin ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan at hayaan tayong maramdaman kung gaano ka-tapat ang mithiin ng Diyos na mailigtas ang sangkatauhan. Ngunit mayroon bang nakaka-alam kung ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng talinghagang ito? Sa isang pag-aaral ng Bibliya mayroong ilang mga kapatid ang sa wakas ay naka-unawa dito sa pamamagitan ng pakikipagbahagian—atin itong tignan ng magkasama.

Hawak ang Bibliya sa kanyang kamay, ang mangangaral na si Liu Qing ay nagsabi, “Mga kapatid, ating basahin ang talinghaga ng nawawalang tupa.” Lahat sila ay tumango at nagsimulang magbasa. “Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu’t siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi Ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu’t siyam na hindi nangaligaw. Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak(Mateo 18:12–14).

Pagkaraang matapos ang lahat sa pagbabasa, si Liu Qing ay nagpatuloy. “Mga kapatid, ating nadarama mula sa talinghaga ng nawawalang tupa kung gaano kadakila ang tapat na mithiin ng Diyos na mailigtas ang sangkatauhan. Sa tuwing nakararanas tayo ng mga dagok at nalulugmok sa mga temtasyon, kapag ang ating pananalig ay humihina, maaari nating pasiglahin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng talinghaga ito. At walang oras na nagbago ang kalooban ng Diyos na mailigtas tayo; Mahal tayo ng Diyos at dapat tayong sumunod ng walang pag-aalinlangan sa Panginoong Jesus.”

Ang lahat ay nagsabing “Amen!” nang may pagkakaisa.

Matapos ay nagsabi si Liu Qing, “Mangyaring malayang magbahagi ng anumang kaliwanagan o kaunawaan na inyong natamo mula sa talatang ito.”

Nang may kasamang kagalakan, si Kapatid Chen ay nagsabi, “Tayong lahat ay ang nawawalang tupa, at ang Panginoon ang nagdala sa atin sa Kanyang tahanan. Kung hindi, hindi natin maaaring tamasahin ang Kanyang pag-ibig. Tunay akong nagpapasalamat sa biyaya ng Panginoon!”

Matapos ay ibinahagi ni Wen Fang ang taos-pusong mga salita, “Pasasalamat sa Panginoon! Ang talinghaga ito ay laging tunay na mapagkukunan ng lakas at pag-asa para sa atin na sumusunod sa Panginoon, nagpapahintulot sa atin na tunay na maranasan ang pag-ibig at awa ng Panginoong Jesus sa atin. Ang aking pinsan ay pumunta sa aking bahay ilang araw na ang nakalipas at nang kami ay nagbabahagian sa paraan ng pakikisalamuha tungkol sa talinghagang ito, binigyan niya ako ng libro na naglalaman ng pagbabahagi sa talatang ito. Matapos basahin ito, Ako ay nagtamo ng panibagong kaunawaan sa kalooban ng Diyos sa likod ng talinghagang ito; Nararamdaman ko na talagang nakinabang ako mula dito. Dinala ko ang libro dito ngayon. Sama-sama nating tignan ito!”

Ang lahat ay masayang sumagot, “Maganda!”

Si Wen Fang ay nagbasa ng buong taimtim, “Ang paraan ng pagkakapahayag ng talinghagang ito ay gumagamit ng isang tayutay sa wika ng tao; ito ay isang bagay na nakapaloob sa saklaw ng kaalamang pantao. Kung ang Diyos ay nagsalita ng kaparehong bagay sa Kapanahunan ng Kautusan, maaaring madama ng mga tao na hindi ito talaga katugon ng kung sino ang Diyos, ngunit nang ipahayag ng Anak ng tao ang siping ito sa Kapanahunan ng Biyaya, ito ay nakaaaliw, malugod, at malapit sa mga tao. Nang ang Diyos ay maging tao, nang Siya ay nagpakita sa anyo ng isang tao, gumamit Siya ng isang angkop na angkop na talinghaga upang ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan. Ang tinig na ito ay kumakatawan sa sariling tinig ng Diyos at ang gawain na gusto Niyang gawin sa kapanahunang iyon. Kinakatawan din nito ang isang saloobin na mayroon ang Diyos tungo sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung titingnan mula sa pananaw ng saloobin ng Diyos tungo sa mga tao, inihambing Niya ang bawat isang tao sa isang tupa. Kung ang isang tupa ay mawala, gagawin Niya ang lahat nang makakaya upang mahanap ito. Kinakatawan nito ang isang prinsipyo ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng sangkatauhan sa panahong ito. Ginamit ng Diyos ang talinghagang ito upang ipaliwanag ang Kanyang kapasyahan at saloobin sa gawaing iyon. Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Maaari Niyang samantalahin ang kaalaman ng sangkatauhan at gamitin ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o ‘isinalin’ sa tao ang Kanyang malalim, maka-Diyos na wika na pinagsisikapang maintindihan ng mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao. Nakatulong ito sa mga tao na maintindihan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang gusto Niyang gawin. Maaari din Siyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng isang tao, gamit ang wika ng tao, at makipagniig sa mga tao sa isang paraan na kanilang naintindihan. Maaari pa Siyang magsalita at gumawa gamit ang wika at kaalaman ng tao nang upang maaaring maramdaman ng mga tao ang kabaitan at pagiging malapit ng Diyos, upang maaaring makita nila ang Kanyang puso(“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Nang matapos niya ang pagbabasa, Ibinahagi ni Wen Fang ang pakikisalamuha na ito ng may saya sa kanyang mukha: “Sa unang beses na nabasa ko ito ay nagpapasabik sa akin. Natutunan ko na sa pamamagitan ng talinghaga ng nawawalang tupa, hindi lamang natin matatanto kung gaano ka-tunay ang pag-ibig ng Diyos at ang pagliligtas Niya sa atin at makita kung gaano kalaking responsibilidad ang Kanyang tangan para sa ating mga buhay, ngunit atin ding makikita ang isang kalamangan ng Diyos na naging laman upang gumawa. Kung Kanyang ginawa ang gawain na ito sa anyong espiritu, nagpakita sa tao sa pamamagitan ng kulog, mga ulap, at mga haligi ng apoy, mawawalan tayo ng daan upang makalapit sa Diyos, ni maaaring maunawaan ang Kanyang kalooban. Gayunpaman, nang ang Diyos ay nagkatawang tao bilang ang Anak ng tao upang gumawa sa gitna natin, ang Panginoong Jesus ay gumamit rin ng wika ng tao tulad ng mga bagay na madalas nating makita at makasalamuha sa ating buhay, mga bagay na madali nating maunawaan, upang makagawa ng mga talinghaga. Kabilang dito ang talinghaga ng manghahasik (Mateo 13:1–9), ang talinghaga ng pansirang damo (Mateo 13:24–30), ang talinghaga ng butil ng binhi ng mustasa (Mateo 13:31–32), at ang talinghaga ng isang lambat (Mateo 13:47–50). Maaari tayong magkamit ng mas mahusay na kaunawaan ng kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng mga talinghagang ito, malaman kung ano ang hinihingi Niya sa atin, at dagdag pa ang kaunawaan kung Ano at ang mayroon Siya, at ang Kanyang disposisyon. Tulad nang kapag nababasa natin ang talinghaga ng nawawalang tupa, ating makikita ang kapasyahan at saloobin ng Diyos tungo sa pagliligtas sa sangkatauhan at Kanyang ililigtas ang isang nawawalang tupa sa ano mang paraan , at hindi magpapahinga hangga’t hindi Niya natatapos. Tayo rin ay nagkakamit ng tunay na kaunawaan ng pagka-maawain at mapagmahal na disposisyon ng Panginoong Jesus at nadarama natin kung gaano kabuti at nalalapitan ang Diyos—ang distansya sa pagitan natin at nang Diyos ay nagiging maliit. Kung hindi sa Diyos na naging laman at gumagamit ng wika ng tao upang mabuo itong mga talinghaga, upang makagawa ng mga halimbawang ito, ito sana’y magiging napakahirap para sa atin upang unawain ang kalooban ng Diyos, at ito’y isang bagay na hindi natin natanto.”

Masayang sinabi ni Liu Qing, “Ang pakikisalamuha ngayon ay nagtataglay ng ganoong kaliwanagan. Ang Diyos ay personal na naging laman at pumarito upang lumakad kasama natin upang gumawa at magsalita. Gumamit Siya ng pang-karaniwan, madaling intindihing wika upang gabayan tayo na maunawaan ang Kanyang kalooban at mga hinihingi upang magkaroon tayo ng landas ng pagsasanay. Ito ay nagpapakita kung gaano kahalaga para sa ating kaunawaan ng katotohanan at na ang Diyos na ito’y ang Diyos na nagkatawang-tao para gumawa at magsalita sa lupa!”

Sinabi ni Kapatid Wang, “Totoo ito. Alam lamang nating tamasahin ang pagpapala at biyaya ng Diyos, ngunit hindi natin iniisip ang kalooban ng Diyos na nasa likod ng Kanyang bawat salita at gawa, ngunit hindi natatanto na ang Diyos na naging laman at nagsalita sa atin gamit ang wika ng tao upang ating mas maunawaan ang katotohanan, na matubos ng Panginoon, at maunawaan ang mga disposisyon ng Diyos. Ang Diyos ay masigasig sa kanyang konsiderasyon para sa ating kaligtasan!”

Matapos si kapatid Zheng ay nagsabi, “ Tama si Kapatid Wang. Sa nakalipas ang tanging alam ko lamang ay na ang Diyos ay Diyos na nagmamahal sa atin, ngunit ang aking pang-unawa sa Kanyang pagmamahal ay talagang limitado. Ang alam ko lamang ay ang pagpako sa krus upang tubusin tayo, at ang pagbibigay ng mga pagpapala at biyaya sa atin ay ang kabuuan ng Kanyang pag-ibig. Ang pakikisalamuha ngayon ay nagbibigay sa akin ng mas malawak na ka-unawaan ng pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos na naging laman at pumarito sa lupa, gumagawa at nagsasalita upang iligtas ang sangkatauhan, naghahayag ng katotohanan gamit ang wika ng tao upang ating maunawaan ang kalooban ng Diyos at ang mga hinihingi—ang lahat ng nandito at ng sarili Nito ay ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa atin, sangkatauhan! Tanging ang Diyos ang posibleng magtaglay ng ganitong uring pag-ibig. Nagpapasalamat ako sa Panginoon! Ang pakikisalamuha na ito ay naging kapaki-pakinabang para sa atin.”

Pagkatapos lang si Wen Fang, na buong sidhi na pinag-aaralan ang libro, itinaas ang kanyang ulo at sinabi sa lahat, “Ang Panginoong Jesus ay nagsabi, ‘Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak(Mateo 18:14). Ang kalooban ng Panginoon ay nasa likod din nito. Mayroong malinaw na pagbabahagi ukol dito sa librong ito. Atin itong tignan!”

Si Liu Qing ay nagmamadali sa pag sang-ayon: “Mahusay, hayaan ninyo akong basahin ito.”

Masayang iniabot ni Wen Fang ang libro kay Liu Qing, na nagbasa ng malakas: “Tingnan nating muli ang huling pangungusap sa siping ito: ‘Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.’ Ito ba ay sariling mga salita ng Panginoong Jesus, o ang mga salita ng Kanyang Ama na nasa langit? Sa wari, para bang ang Panginoong Jesus ang nagsasalita, ngunit kinakatawan ng Kanyang kalooban ang kalooban ng Diyos Mismo, kaya nga sinabi Niyang: ‘Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.’ Ang mga tao sa panahong ito ay kinilala lamang ang Ama na nasa langit bilang Diyos, at ang taong ito na kanilang nakita sa harap ng kanilang mga mata ay isinugo lamang Niya, at hindi Niya maaaring katawanin ang Ama na nasa langit. Yaon ang dahilan kung bakit kinailangan ng Panginoong Jesus na sabihin din iyon, upang maaaring maramdaman talaga nila ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan, at maramdaman ang pagiging totoo at katumpakan ng Kanyang sinabi. Bagamat ito ay isang simpleng bagay na sabihin, ito ay talagang mapagkalinga at ibinunyag nito ang pagpapakumbaba at pagiging tago ng Panginoong Jesus. Hindi alintana kung ang Diyos man ay naging tao o Siya ay gumagawa sa espirituwal na dako, kilala Niya ang puso ng tao nang pinakamahusay, at naiintindihan nang pinakamahusay kung ano ang kinakailangan ng mga tao, nalalaman Niya kung ano ang ikinababahala ng mga tao, at kung ano ang nakapagpapalito sa kanila, kaya idinagdag Niya ang isang linyang ito. Itinatampok ng linyang ito ang isang suliranin na nakatago sa sangkatauhan: Ang mga tao ay nag-aalinlangan sa sinabi ng Anak ng tao, na ang ibig sabihin, nang nagsasalita ang Panginoong Jesus idinagdag Niya ang: ‘Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.’ Sa ganitong katuwiran lamang makapamumunga ang Kanyang mga salita, upang papaniwalain ang mga tao sa katumpakan ng mga ito at mapagbuti ang kanilang kredibilidad. Ipinakikita nito na nang ang Diyos ay maging karaniwang Anak ng tao, ang Diyos at ang sangkatauhan ay nagkaroon ng isang napakahirap na kaugnayan, at ang kalagayan ng Anak ng tao ay talagang nakakahiya. Ipinakikita rin nito kung gaano kahamak ang katayuan ng Panginoong Jesus sa gitna ng mga tao sa panahong iyon. Nang sinabi Niya ito, ito ay upang sabihin talaga sa mga tao: Makatitiyak kayo—hindi nito kinakatawan kung ano ang nasa sarili Kong puso, ngunit ang kalooban ng Diyos na nasa inyong mga puso. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito kakatwang bagay? Bagamat ang Diyos na gumagawa sa katawang-tao ay maraming kalamangan na wala sa Kanya sa Kanyang persona, kinailangan Niyang tiisin ang kanilang mga alinlangan at pagtanggi gayundin ang kanilang kamanhiran at kamangmangan(“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Matapos itong basahin ni Liu Qing, Si Wen Fang ay nagbahagi ng pakikisalamuhang ito: “Ako ay naantig habang binabasa ang talatang ito. Ang mga salitang ito ay talagang tumutukoy sa tunay na estado ng mga tao sa panahong iyon: Naniniwala lamang sila sa Diyos na nasa langit, sa Diyos na kanilang ginuguni-guni bilang malabo sa loob ng kanilang mga puso, at sila ay lubhang walang tunay na pang-unawa o pananalig sa Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay tulad ng sinabi ni Felipe sa Panginoong Jesus: ‘Panginoon, ipakita Mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin’ (Juan 14:8). Ang mga salita ni Felipe ay nagpapakita na hindi niya talaga itinuturing na Diyos ang Panginoong Jesus. Alam ng Panginoon na kahit pa ang tao ay sumusunod sa Kanya, hindi nila nauunawaan ang sangkap Ni Kristo, sa halip itinuturing Siya bilang isang pang-karaniwang tao. Kaya’t Kanyang sinundan ang talinghaga ng nawawalang tupa sa pagsasabing ‘Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit.’ Ito ay upang maniwala tayo na ang mga salitang iyon ay nagmula sa ating Ama sa langit, kaya’t mas nararapat na tanggapin ang mga salita ng Panginoong Jesus, maniwala na ang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan ay tunay, at huwag pagdudahan ang Kanyang pangkaligtasan sa sangkatauhan. Tandaan nating lahat na ang Panginoong Jesus ay tumugon kay Felipe sa pamamagitan ng pagsasabi, ‘Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin? ang mga salitang Aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa Aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa Akin ay gumagawa ng Kaniyang mga gawa(Juan 14:10). Ating makikita mula rito na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo—ang Kanyang mga gawa at mga salita ay ganap na pinamamahalaan ng Espiritu ng Diyos at kung ano ang ginawa niya ay sariling gawain ng Diyos. Gayunpaman, alam ng Panginoong Jesus na ang mga tao ay hindi nauunawaan ang Kanyang kakanyahan, kaya sa kapatawaran ng kawalang-pagkatao at kamangmangan ng sangkatauhan, hindi Niya tuwirang sinabi na Siya ay Diyos, ngunit sa halip tahimik na ginanap ang Kanyang gawain, na ipinahahayag ang kalooban ng Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan mula sa pananaw ng Anak ng tao upang ang mga tao ay mas makapaniwala at sumunod sa Kanya, at sa gayon makapag-kamit ng kaligtasan. Makikita natin mula dito kung gaano napaka-mapagkumbaba at nakatago ang Panginoong Jesus, at kung gaano kataos-puso ang Kanyang hangaring iligtas ang sangkatauhan!”

Tumango si Brother Wang at sinabi, “Kaya alam ng Panginoong Jesus na wala tayong kaunawaan sa pagkakatawang-tao at hindi natin magagawang sumamba kay Kristo bilang Diyos, kaya’t sinabi Niya ito sa ganoong paraan upang maging mas madali nating tanggapin ang Kanyang mga salita. Naiintindihan ng lubos ng Panginoon ang ating mga pagkukulang!”

Sinabi ni Liu Qing ng may malaking kahulugan, “Tama iyon. Kahit na hindi natin napagtanto na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo at hindi sumamba sa Kanya bilang Diyos, pinatawad Niya ang ating kamangmangan at ginamit ang Kanyang mga salita upang palakasin ang ating pananampalataya upang higit nating matanggap ang mga salita ng Panginoon. Mula sa mga salita ng Panginoon maaari rin tayong makapag-kamit ng kaunawaan sa kalooban ng Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan. Ito ang kalamangan ng Diyos na personal na pumarito sa lupa upang magsalita!”

Sinabi ni Wen Fang, “Salamat sa Panginoon sa Kanyang kaliwanagan at patnubay! Ngayon nauunawaan natin na ang bawat salita na binigkas at ang bawat gawain na ginawa ng Diyos sa laman ay nagtataglay ng katotohanan na maaari nating saliksikin. Ang kalooban ng Diyos, Ang Kanyang hinihingi sa atin, at ang Kanyang pag-ibig para sa atin ay nakatago sa lahat ng mga ito. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating mapanatili ang isang puso ng paggalang sa gawain at mga salita ng nagkatawang-taong Diyos. Kailangan nating hanapin at pagnilayan pa ang mga bagay na ito—ito lamang ang tanging paraan upang maiintindihan natin ang mas malalim na kahulugan sa mga salita ng Diyos.”

Tumango si Liu Qing at sinabi kay Wen Fang, na bahagyang nahihirapang pakawalan ang aklat sa kanyang mga kamay, “Pakiramdam ko ay talagang kapaki-pakinabang ang aklat na ito at maaaring gabayan tayo na makilala ang Diyos at maunawaan ang Kanyang kalooban. Ito ang kulang sa ating pananampalataya—nais kong basahin itong mabuti. Kapatid Wen, maaari mo bang tanungin ang iyong pinsan kung maaari akong makahiram ng kopya?”

Ang iba pang mga kapatid ay sumabay din, “Oo nga maaari ba rin kaming makakuha ng kopya?”

Masayang sinabi ni Wen Fang, “Oo naman maaari! Kamakailan lamang ay binabasa ko ng walang tigil ang librong ito. Nakita ko rin ang malinaw na pagbabahagi sa kalooban ng Diyos sa likod ng paggawa ng Panginoong Jesus sa araw ng Sabath, bakit tinanong ng Panginoong Jesus si Pedro ‘Iniibig mo baga Ako?’ ng maka-tatlong ulit, ang kahalagahan ng pagpapakita ni Jesus sa Kanyang mga disipulo matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, pati na rin ang mga katotohanan patungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos at kung paano natutukoy ang kahahantungan at mga destinasyon ng tao. Marami akong naiintindihan na katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa nito at nakakuha ako ng ilang kaunawaan sa Panginoon. Mas binabasa ko ito ay lalong lumiliwanag ang aking puso. Sa loob ng mga nakaraang araw na ito ay napapag-isip-isip ako: Sino ang makapagpapaliwanag ng kalooban ng Panginoon sa likod ng bawat isa sa Kanyang mga salita at gawa? Sa palagay ko tanging ang Diyos Mismo ang makapagpaliwanag ng lahat ng ito nang malinaw. Pakiramdam ko ito ay ang mga salita ng Diyos, na ito ang tinig ng Diyos! Gayundin, ang Panginoong Jesus ay minsan nang prinopesiya: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). At sa talata 2 at 3 ng Pahayag, ito ay maraming beses na nakapropesiya na: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.’ Ang mga propesiyang ito ay nagsasabi na ang Espiritu ng Katotohanan ay darating sa mga huling araw at magbibigkas ng mas marami pang mga salita upang gabayan tayo sa pagpasok sa lahat ng katotohanan. Nadarama ko na ito’y talagang posible na ang Panginoong Jesus ay nakabalik na; Nais kong ang aking pinsan ay magbahagi pa ng higit na pakikisalamuha sa akin. Oy, gusto nyo rin bang sumama?”

Tumingin si Liu Qing ng may biglaang pag-unawa at masayang sinabi, “Salamat sa Panginoon! Ngayon na inilagay mo sa ganoong paraan, sa palagay ko ay ito nga ay totoo. Sino ang maaaring maka-arok sa puso ng Panginoon? Tanging ang Diyos mismo ang nakakaalam ng mga kaisipan ng Panginoong Jesus sa likuran ng lahat ng ginawa niya at ang kalooban ng Panginoon para sa sangkatauhan, at ang Diyos Mismo ang makakapag-paliwanag ng malinaw! Katulad sa mga dalawang sipi na ating nabasa—ang pakikisalamuha sa kalooban ng Diyos sa likuran ng talinghaga ng Panginoon tungkol sa nawawalang tupa ay napakalinaw, na nagpapahintulot sa atin na makapag-kamit ng pag-unawa sa Panginoon. Hindi iyon magmumula sa isang karaniwan na tao. Pakiramdam ko ay malamang na ito ang mga salita ng Diyos! Kailangan nating kunin nang may pag-iingat ang mga ito. Wen Fang, paano kaya kung anyayahan mo ang iyong pinsan na pumunta sa simbahan upang marinig ng lahat ang kanyang pagbabahagi? Kung ang mga ito nga ay talagang mga salita ng Diyos, sa gayon ay masasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.”

Si Kapatid Wang at Kapatid Zheng ay masayang nagsabi, “Oo, Kapatid na Wen Fang, itakda ito sa mas lalong madaling panahon.”

Si Wen Fang ay tumango at nagsabi, “Tiyak iyan!”

Inirekomendang pagbabasa:

Share