Ano ang pagdadala bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawa bago sumapit ang kalamidad?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang “madagit paitaas” ay hindi ang madala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Malaking pagkakamali iyan. Ang madagit paitaas ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagpili noon pa man. Nakatutok ito sa lahat ng Aking naitalaga at napili noon pa man. Yaong mga nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, ang katayuan ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng tao na nadagit. Lubha itong hindi tugma sa mga paniwala ng mga tao. Yaong mga may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay pawang mga tao na nadala sa Aking harapan. Totoo talaga ito, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga noon pa man ay madadagit sa harap Ko.
—mula sa “Kabanata 104” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nagkaanyo na ang iglesia ng Philadelphia, at lubusan itong naging ganito dahil sa biyaya at awa ng Diyos. Naipapahayag ng mga banal ang kanilang pag-ibig para sa Diyos at hindi kailanman natinag mula sa kanilang landasing espirituwal. Matatag sila sa kanilang pananampalataya na naging katawang-tao na ang isang tunay na Diyos, na Siya ang Pinuno ng sansinukob na nag-uutos sa lahat: Pinagtitibay ito ng Banal na Espiritu at pinatutunayan ng mahigpit na katibayan! Hindi ito mababago kailanman!
…………
Ngayon nagawa Mo nang ganap ang lahat ng iglesia—ang iglesia ng Philadelphia—na siyang katuparan ng Iyong 6,000-taong plano ng pamamahala. Maaari nang maging mapagpakumbabang magpasakop ngayon ang mga banal sa harapan Mo; nakaugnay sila sa isa’t isa sa espiritu at sinasamahan ang isa’t isa sa pag-ibig. Nakaugnay sila sa pinagmumulan ng bukal. Dumadaloy nang walang-tigil ang buhay na tubig ng buhay at hinuhugasan at nililinis nito ang lahat ng dumi at lusak sa iglesia, muling dinadalisay ang Iyong templo. Nakilala na namin ang praktikal na tunay na Diyos, naglakad sa loob ng mga salita Niya, kinilala ang aming sariling mga gawain at mga tungkulin, at ginawa ang lahat na makakaya namin upang gugulin ang aming mga sarili para sa iglesia. Dapat naming kunin ang bawat sandali upang manahimik sa harapan Mo, dapat sundin ang gawain ng Banal na Espiritu upang hindi mahadlangan ang kalooban Mo sa amin. Mayroong pag-iibigan sa isa’t isa sa gitna ng mga banal, at mapagtatakpan ng mga kalakasan ng ilan ang mga pagkukulang ng iba. Maaari silang makalakad sa espiritu sa bawat sandali at makamtan ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Isinasagawa nila ang katotohanan kaagad pagkatapos na maunawaan ito. Umaalinsabay sila sa bagong liwanag at sinusundan ang mga yapak ng Diyos.
…………
Aktibong makipagtulungan sa Diyos, maglingkod na magkakaugnay at maging isa, bigyang-kaluguran ang kalooban ng Makapangyarihang Diyos, magmadaling maging isang banal na espirituwal na katawan, yurakan si Satanas, at wakasan ang kapalaran nito. Ang iglesia ng Philadelphia ay natitipon sa harap ng Diyos at ipinamamalas ang sarili nito sa luwalhati ng Diyos.
—mula sa “Kabanata 2” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag dumating ang Diyos, tatamasahin ng mga tao ang Kanyang kamahalan at ang Kanyang poot, nguni’t gaano man kaanghang ang Kanyang mga salita, dumating Siya para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Bilang mga nilalang, kailangan tuparin ng mga tao ang mga tungkulin na dapat nilang tuparin, at sumaksi para sa Diyos sa gitna ng pagpipino. Sa bawat pagsubok dapat nilang pagtibayin ang pagsaksi na dapat nilang gawin, at maging isang matunog na saksi para sa Diyos. Ito ay isang mananagumpay. Hindi alintana kung paano ka pipinuhin ng Diyos, nananatili kang puno ng pagtitiwala at hindi nawawalan ng pagtitiwala sa Diyos. Ginagawa mo kung ano ang dapat gawin ng tao. Ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at dapat ang puso ng tao ay kayang ganap na bumalik sa Kanya at bumaling tungo sa Kanya sa bawat sandali. Ito ay isang mananagumpay. Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang tumayong saksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay.
—mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bilang isa na naniniwala sa Diyos, dapat mong maunawaan na, ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ng lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap na ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok na sa kalipunang ito ng mga tao. Nailaan na Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nabawi na at naibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, nailipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na bayan, sa inyo, nang sa gayon ay lubusang maipamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ninyong kalipunan ng mga tao. Samakatwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Dati, narinig na ninyong lahat ang kasabihang ito, nguni’t walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kahalagahan ng mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ang mga ito ay mangyayari doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging realidad sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay isinasakatuparan sa isang lupain na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinipino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, nguni’t ito’y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng Kanyang gawain upang ipamalas ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Kinukuha ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng mga tao. Dahil sa pagdurusa ng mga tao, sa kanilang kakayahan, at sa lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lupaing ito, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makamit yaong mga tumatayong saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kabuluhan ng lahat ng sakripisyo na nagawa na ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito.
—mula sa “Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at makakatayong saksi sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, kinakailangan sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, kailangang tanggapin itong huling pagpipino. Yaong mga lugmok sa kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, nguni’t yaong mga tunay na nalupig na at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayong matatag sa kahuli-hulihan; sila yaong mga may angking pagkatao, at siyang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang ginagawa ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain, at patuloy pa ring magsasagawa ng katotohanan nang hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila yaong mga makalalampas sa matinding kapighatian sa wakas.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dati Ko nang nasabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natatamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig sabihin ng mga iyon ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas at lahat ng uri ng pagpipino. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos.
—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Ang mga taong ililigtas ng Diyos ay ibinabalik nang grupu-grupo. Ang unang grupo ay ang mga taga-mainland China; ang ikalawang grupo ay ang mga taga-ibang bansa. Ang mga taga-ibang bansa ay nagsisimula na ngayong bumaling sa Diyos. Ang ikatlong grupo ay ang mga tao na pagkaraan ng malalaking kalamidad ay maliliwanagan at babalik sa harap ng Diyos sa gitna ng mga kalamidad. Maraming madadala at babalik sa harap ng Diyos bago sumapit ang mga kalamidad. Sa ngayon, ang gawain ng pagdadala bago sumapit ang malalaking kalamidad ay mabilis na nalalapit ang pagwawakas. Ano ang tinutukoy ng “mabilis na nalalapit ang pagwawakas”? Bakit ko sasabihin ito? Dahil ang malalaking kalamidad ay malapit nang dumating. Kung darating ang malalaking kalamidad sa loob ng dalawang taon, ang mga nagbabalik sa Diyos sa loob ng dalawang taong ito ay ituturing ding bahagi ng grupong dadalhin bago sumapit ang mga kalamidad. Yaon namang mga hindi nagbabalik sa Diyos sa loob ng dalawang taong ito, ipinalalaganap ng ibang mga tao ang ebanghelyo sa kanila at pinatototohanan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, subalit tahasan nilang sinasabing, “Mali ito, hindi puwede! Wala akong paniniwalaan hangga’t hindi ko iyon nakikita mismo.” Anuman ang maaaring sabihin ng iba, hindi pa rin nila ito tinatanggap. Ilalagay ng Diyos ang mga taong ito sa gitna mismo ng mga kalamidad. Gagamitin Niya ang mga kalamidad para pinuhin at parusahan sila, para nananangis sila at nagngangalit ang kanilang mga ngipin sa gitna ng mga kalamidad, sa loob ng kadiliman.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
“Bakit ka naniniwala sa Makapangyarihang Diyos; ano ang kahulugan ng paniniwala sa Makapangyarihang Diyos?” Ito ay napakahalagang maunawaan. Iniisip ng ilang tao: “Naniwala ako dati sa Panginoong Jesus. Narinig ko ngayon ang gayong kalinaw na patotoo ng katotohanan ng Biblia mula sa mga tagapangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pangunahin ng, narinig ko ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos, na pawang katotohanan at maririnig kong ang mga ito ay tinig ng Diyos. Ganap nitong natutupad kung ano ang nakasulat sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2:7). Pagkarinig sa lahat ng pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos, napagtitibay ko ang isang bagay: Na ang Panginoong Jesus ay nagbabalik, at Siya ang Makapangyarihang Diyos.” Tayong mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay nabibilang sa isang grupo ng mga tao na dadalhin sa langit ng Panginoon. Ganap na natutupad nito ang hula ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6), at “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15). Sapagka’t ang mga hula ng Panginoon ay natutupad, tayo ngayon ay naghahapunan kasama ng Panginoon. Sa Biblia, tinawag ito ng Panginoong Jesus na “ang hapunan sa kasal ng Kordero.” Ano ang ibig sabihin ng “ang hapunan sa kasal ng Kordero”? Bakit ito tinawag na “ang hapunan sa kasal ng Kordero”? “Ang Kordero” ay si Cristo, at ang kasal ng Kordero ay nangangahulugan na si Cristo ay dumarating upang gawing ganap ang isang grupo ng mga tao. Gagawin Niyang Kanyang mga tupa, ang mga paunang-itinalaga Niyang mga mananagumpay bago pa ang sakuna, kung gayon ito ay tinatawag na “pagdalo sa hapunan.” Ang “Kasal” ay upang makamit, at pagkatapos ay nagiging isang pamilya tayo. Samakatuwid, tinutukoy ng ilang paliwanag ng kasulatang ito si Cristo bilang ang lalaking ikakasal at ang iglesia bilang ang babaeng ikakasal. Ito ay tinatawag na isang kasal, at ito ay pagkakamit ng isang bagay. Kung pagkakamit ang pag-uusapan, ito ay may kinalaman sa gawaing paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, na siyang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Ang pagsailalim sa gawaing ito ay nangangahulugang malupig muna ng Diyos, at pagkatapos nito ay ang pagiging nalinis, nagawang perpekto, at nakamit at pinaging ganap; ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos ay ang gayong gawain. Pagkatapos sumailalim ang mga tao sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at nagiging kaayon ni Cristo, ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos ay hahantong sa pagwawakas. Sa sandaling ito ay nagiging ganap, ang grupo ng mga tao na ginawang ganap ay ang grupo ng mga mananagumpay na nagawa na bago pa ang sakuna. Ano ang katayuan ng mga mananagumpay sa kaharian ng Diyos? Sila ang mga haligi ng kaharian ni Cristo. Ang mga mananagumpay na ito na ginawa ng Diyos bago dumating ang mga sakuna ay magiging mga haligi ng kaharian ni Cristo. Sa tingin mo hindi ba napakalaking biyaya nito? Ito ay isang napakalaking biyaya.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay