Sa mga oras na ito, nagbasa si Kapatid na Chen ng dalawang talata ng mga salitang: “Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito” (“Anong Kahulugan ng Tunay na Maniwala sa Diyos”). “Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang taong lalabas na kayang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, magtaboy ng mga demonyo, magpagaling ng mga may sakit, at gumawa ng maraming himala, at kung ang taong ito ay inangking siya si Jesus na dumating, isa itong huwad na ginawa ng mga masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang magkaparehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling pangangasiwaan ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. ... Kaya naman, isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng gawain Niya, agad itong ginagaya ng mga masasamang espiritu, at pagkatapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, lumilipat ang Diyos tungo sa ibang kaparaanan. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, ginagaya ito ng mga masasamang espiritu. Dapat malinaw kayo tungkol dito” (“Pagbabatid sa Gawain ng Diyos Ngayon”).
Nagpatuloy sa pagbabahagi si Kapatid na Chen: “Mula sa dalawang talata na ito ay makikita natin na si Kristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang paraan upang makilala natin ang tunay na Kristo mula sa mga huwad na Kristo ay pangunahing ginagawa sa pamamagitan ng pagtingin kung maaari nilang ipahayag ang katotohanan, at magawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, dumating ang Panginoong Jesus. Nagpahayag siya ng maraming mga katotohanan ayon sa mga kinakailangan ng sangkatauhan, nagsagawa ng maraming himala, at ginawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako. Inumpisahan niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Palaging bago ang Diyos at kailanman ay hindi luma at hindi inuulit ang Kanyang gawain. Sa mga huling araw, ang nagbalik na Panginoong Jesus ay hindi uulitin ang gawain na ginawa na Niya noon—pagsasagawa ng mga senyales at himala, pagpapagaling sa may sakit at pagpapalayas sa mga demonyo, o pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako, dahil ang yugtong iyon ng gawain ay nagawa na. Hinulaan ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ay magpapakita ng malalaking senyales at kababalaghan ang mga huwad na Kristo upang linlangin ang mga tao, kaya, kapag nagbalik Siya at ginawa pa rin ng Panginoon ang mga bagay na ito, hindi ba’t sinasalungat Niya ang Kanyang sarili? Hinulaan ng Biblia na sa mga huling araw ay babalik ang Panginoon upang buksan ang aklat, ihantad ang mga misteryo, gawin ang gawain ng paghatol umpisa sa pamilya ng Diyos, ihiwalay ang mga kambing mula sa mga tupa, ilagay ang mga tao sa kategorya kung saan sila kabilang, gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama, at iba pa. Ang mga huwad na Kristo ay masasamang espiritu na pinepeke si Kristo. Wala silang kakayahan na ihayag ang katotohanan, gawin ang gawain ng pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at tapusin ang lumang kapanahunan. Tiyak na hindi nila maihahantad ang mga misteryo o gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang magagawa lang nila ay gawin ang mga senyales at kababalaghan upang linlangin ang mga walang alam na tao na hindi marunong makakilala.”
Matapos kong marinig sa sinabi niya, punung-puno ng kaliwanagan ang puso at isip ko, at sinabi ko sa kapatid: “Noon, basta na lang sinasabi sa amin ng mga pastor na magpapakita ang mga huwad na Kristo sa mga huling araw at na iwasan ang malinlang, kahit sino pa ang magsabi na nagbalik ang Panginoon ay hindi kami dapat makinig. Ngunit kailanman ay hindi sila nagbahagi kung paano kilalanin ang tunay na Kristo mula sa mga huwad na Kristo. Kapatid, matapos marinig ang sinabi mo, naiintindihan ko na ang lahat ng malinaw, at alam ko na rin kung paano kilalanin ang tunay na Kristo mula sa mga huwad na Kristo.”
Sa mga sumusunod na pagtitipon, ibinahagi sa akin ng kapatid ang tungkol sa katotohanan ng pitong palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, ang kahulugan ng pangalan ng Diyos, at iba pa. Habang mas nakikinig ako, mas naliliwanagan ang aking puso, at mas lalong gusto kong makinig. Kasabay noon, nakarating ako sa konklusyon na naiintindihan ni Kapatid na Chen ang napakaraming katotohanan. Mayamaya, sinabi niya: “Naintindihan ko lamang ang mga aspetong ito ng katotohanan na sinabi ko sa mga nakalipas na pagpupulong mula sa pagbabasa ng marami sa mga salita ng Diyos matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Siya ay nagpahayag ng ilang milyong mga salita, binuksan ang aklat, nagpahayag ng disposisyon na pinamumunuan ng pagka-makatuwiran, ginawa ang gawain ng paghatol umpisa sa pamilya ng Diyos, at inihantad ang lahat ng mga misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos. Kung hindi inihantad ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga misteryong ito, kailanman ay hindi natin maiintindihan ang mga katotohanang ito kahit na basahin natin ang Biblia sa buong buhay natin.” Nang marinig ito, nagulat ako, iniisip: “Nagbalik na ang Panginoong Jesus? Ang Makapangyarihang Diyos ay nagbalik na Panginoong Jesus? Maaari kayang ang mga narinig ko nitong mga nakaraang araw ay talaga ngang ang paraan ng Kidlat ng Silanganan?” Ngumiti siya: “Kapatid, narinig nating lahat ang Kidlat ng Silanganan, ngunit alam ba natin kung saan patungkol ang Kidlat ng Silanganan? At kung saan nagmula ang Kidlat ng Silanganan?” Umiling ako, hindi alam kung paano sasagot.
Nagpatuloy si Kapatid na Chen: “Dahil wala tayong ideya, maaari tayong maghanap sa Biblia at makita kung anong sinabi ng Panginoon tungkol dito. Sa buong Biblia, maraming banal na kasulatan ang nagbanggit ng kidlat, gaya ng: ‘At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog’ (Pahayag 4:5). ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao’ (Mateo 24:27). Mula sa mga banal na kasulatang ito ay makikita natin na ang kidlat ay mula sa Diyos, at tumutukoy sa gawain ng Diyos at mga salita ng Diyos; ang Silanganan ay tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng mga huling araw. Ngayon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay kumakalat na sa buong Tsina. Ang mga tao mula sa iba’t ibang denominasyon na nagtataguyod ng katotohanan at tunay na inaasam ang Diyos ay bumalik sa harap ng Makapangyarihang Diyos. Milyun-milyong tao ang tinatangkilik ang mga salita ng Diyos, tumatanggap ng paghatol, paglilinis, kaligtasan at pagiging perpekto ng mga salita ng Diyos, at pagpapatotoo sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos. Gumawa ng grupo ng mga mananagumpay sa Tsina ang Diyos, at nagtamo ng isang grupo ng mga tao na iisa ang puso at isip sa Kanya. Sa wakas ay nagtapos na ang gawain ng Diyos na may pagkaluwalhati Niya at mabilis na kumikilos mula sa Malayong Silangan—Tsina—patungo sa Kanluran. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag sa ilang dosenang malalaking bansa at mga rehiyon sa buong mundo, na siyang ganap na katuparan ng propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao’ (Mateo 24:27). Tungkol sa Kidlat ng Silanganan, mas maiintindihan natin matapos panoorin ang bidyo ng pagbigkas ng mga salita ng Diyos.”
Pagkatapos ay nagpalabas si Kapatid na Chen ng bidyo ng pagbigkas ng mga salita ng Diyos—Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob, kung saan sinasabi ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Sinasanhi Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. … Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, Pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olibo’ sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at nahiwalay sa sangkatauhan, pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Hayaang lumapit ang lahat sa Aking luklukan at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at mamasdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang gawin Akong sambahin ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat wika, ipahingalay sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!”
Matapos panoorin ang bidyo, nabigla ako. Bawat pangungusap ay puno ng kapangyarihan at awtoridad—tanging ang Diyos lamang ang makakapagsabi ng mga salitang ito. Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang Kidlat ng Silanganan ay tumutukoy sa gawain at mga salita ng Kristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos. Nagbalik na pala ang Panginoong Jesus sa katawang-tao kasama natin upang iligtas tayo sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan, at maraming tao ang bumalik sa Diyos matapos marinig ang Kanyang tinig. Noon, sinabi ng mga pastor na maraming mananampalataya ang ninakaw ng Kidlat ng Silanganan matapos marinig ang kanilang mga pagtuturo. Ngayon ko lamang naintindihan na dahil inilantad na ng Diyos ang lahat ng mga misteryo, ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay nasakop matapos marinig ang mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumalik sila sa harap ng Diyos. Pagkatapos ay kinilala ko ng buo na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Kailanman ay hindi ko napagtanto na tunay ngang nagbalik na ang Panginoon. Higit pa doon, nagkaroon ako ng pribilehiyo na makasalubong ang pagdating ng Panginoon, at dahil doon, tunay akong pinagpala! Nagpapasalamat ako sa Diyos sa paggabay sa akin at pinahintulutan ako na marinig ang Kanyang tinig at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos ay masaya kong tinanggap ang bagong gawain ng Diyos.
Pagkatapos, sa tuwing may libreng oras ako, binabasa ko ang mga salita ng Diyos, nakikinig sa mga himno at pinanonood ang iba’t ibang klase ng bidyo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakakasama at nagbabahagi din ako kasama ng mga kapatid. Matapos ang isang panahon, maliwanag ang pag-unlad ko sa buhay, at nararamdaman ko na ang mga katotohanang naintindihan ko sa huling tatlong buwan ay higit pa sa natamo ko mula sa paniniwala sa Panginoon sa nakaraang limang taon. Hindi lamang higit kong nalalaman ang tungkol sa gawain ng Diyos, pinanumbalik ko din ang aking orihinal na pananampalataya at pag-ibig at muling nakita ang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu. Salamat sa Diyos! Mula ngayon ay hahanapin ko ang katotohanan nang may pagsisikap. Anuman ang mga paghihirap na kaharapin ko, sisikapin kong sundin ang Diyos hanggang sa wakas.
Unang Bahagi: Magandang Balitang Natanggap sa Pagpupulong ng Pag-aaral ng Biblia (I)