Menu

Nagawa Kong Malaman ang mga Sabi-sabi ng CCP Dahil sa mga Katunayan at Katotohanan

Quick Navigation
Mag-ina, Ngunit Estranghero sa Isa’t-isa
Nalinlang ng mga Sabi-sabi, Sinubukan Kong Pigilan ang Aking Ina sa Paniniwala sa Diyos
Sinalungat ng Katotohanan ang mga Sabi-sabi, at Unti-unti Kong Nakita ang Totoo
Sa Pamamagitan ng Pagpapaamin sa Isang Kapatid, Nakita ko ang Katotohanan sa Problema
Naintindihan Ko ang Layunin ng CCP sa Paggawa ng mga Sabi-Sabi

“Ma, hindi ka na maniniwala sa Diyos. Tingnan mo ang sinasabi online!”

“Hindi ka dapat maniwala sa sinasabi ng pamahalaang Tsino. Lahat ng iyon ay mga sabi-sabi lamang at kasinungalingan ...”

“Ibinabalita pa ang mga ito, at gusto mo pa ring maniwala?”

Sa tuwing naaalala ko ang panahong iyon, ilang taon na ang nakalilipas, kung saan naniwala ako sa mga sabi-sabi ng CCP at sinubukang pigilan ang aking ina na maniwala sa Diyos. Noong mga panahong nag-iingat ako sa mga kapatid at sinubukang alamin ang intensiyon nila, nakakaramdam ako ng matinding pagsisisi. Kasabay noon, napupuno ako ng pasasalamat sa pagmamahal ng Diyos na kailanman ay hindi ako iniwan, ang pag-ibig niya ang dahilan upang malaman ko ang katotohanan sa likod ng mga bulung-bulungan at bumalik sa Diyos. Habang iniisip ko iyon ngayon, bawat eksena ng nakaraang pangyayaring iyon ay naglalaro sa aking isipan ...

Nagawa Kong Malaman ang mga Sabi-sabi ng CCP Dahil sa mga Katunayan at Katotohanan

Mag-ina, Ngunit Estranghero sa Isa’t-isa

Noong walong taon ako, nagkasakit ang aking ama at namatay, nanatili kaming mag-ina na magkasama at umasa sa isa’t-isa. Labis na nasasaktan ang aking ina ng mga panahong iyon at palaging mukhang malungkot. Kailangan niya ring magtrabaho araw-araw, buong araw, at hindi niya ako kinausap kahit kailan tungkol sa kahit ano. Wala siyang masyadong pakialam tungkol sa buhay ko o sa pag-aaral ko, at kapag hindi maganda ang timpla niya, madalas na nawawalan siya ng pasensiya sa akin. Kaya naman naging ilag ako sa sarili kong ina, at hindi ko gustong sabihin sa kanya ang tungkol sa kung anong problema ang kinakaharap ko. Paglipas ng panahon, lalo nang naging mas madalang ang pag-uusap namin at, kahit na nakatira kami sa iisang bubong, naging tila kami malapit na estranghero, at lalo akong naging malungkot ...

Nalinlang ng mga Sabi-sabi, Sinubukan Kong Pigilan ang Aking Ina sa Paniniwala sa Diyos

Isang araw sa Nobyembre 2012, may dalawang taong pumunta sa bahay namin, at kinausap nila ang aking ina tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, babasahin ng aking ina ang librong Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero tuwing gabi pagkauwi niya mula sa trabaho. Mausisa, tinanong ko siya, “Ma, anong libro ang binabasa mo nitong mga nakaraan?” Ngumiti siya at sinabing, “Ito ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Bawat salita ay ang katotohanan. Heto, tingnan mo.” Naisip kong sapat na ang mga librong binasa ko sa mga nakalipas na taon habang nag-aaral, kaya tumanggi ako.

Ngunit nang makita ko kung gaano kasigasig ang aking ina sa pagbabasa ng librong ito, nag-umpisa akong mag-alala na baka niloloko siya, kaya naman tumingin ako online ng mga impormasyong may kinalaman doon. Nang buksan ko ang isang webpage at nakita ang mga balitang nagsasabing “Naging Abnormal ang mga Tao Matapos Maniwala sa Diyos,” nag-umpisang dumagundong ang puso ko, at nakaramdam ako ng matinding takot. Agad kong sinabihan ang aking ina na huwag nang maniwala sa Diyos. Gayunman ay hindi siya nakinig sa’kin, ngunit sa halip ay nagpatuloy sa pagbabasa ng Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, kaya naman sinabi ko sa kanya kung anong sinasabi sa balita. Matapos mabasa ang balita online, hindi nag-alala ang aking ina, at sinabing, “Gawa-gawa lamang ng pamahalaang Tsino ang balita, at ni hindi nito binabalita ang mga katotohanan.” Nababalisang sinabi ko sa kanya, “Iisa ang sinasabi ng lahat ng balita, at naniniwala ka pa rin sa Diyos?” Walang sinabi ang aking ina ngunit tahimik na naglakad pabalik sa kanyang silid.

Mula noon, sa tuwing makikita ko siyang dinadampot ang librong iyon, mabilis akong lalapit at sasabihin sa kanyang huwag iyong basahin. Gayunpaman, hindi siya nakinig sa’kin ngunit matiyagang sinabi sa’kin, “Alam kong nag-aalala ka na niloloko ako, ngunit sa buong panahon na ito at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ko sa mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na hindi sila katulad ng sinasabi ng CCP. Kapag nagtitipon kami, nagbabahagi lamang kami ng tungkol sa katotohanan at pinag-uusapan namin ang tungkol sa aming mga karanasan at kaalaman ng mga salita ng Diyos. Wala kaming ginagawang mali.” Naririnig siyang sinasabi ito, naisip ko sa sarili ko: “Naglagay ng propaganda online ang pamahalaang Tsino, sinasabing nagiging abnormal ang mga tao matapos nilang maniwala sa Diyos, ngunit hindi ko pa nakitang kumilos ng kakatwa ang aking ina mula nang maniwala sa Diyos. Maaari kayang mali ang sinasabi ng pamahalaang Tsino? Mabuti pang saliksikin ko ito.” Pagkatapos, inobserbahan ko kung paano kumilos ang aking ina, at nadiskubre ko na hindi na siya malungkot kagaya noon. Mas madalas na siyang ngumingiti, at kahit pa hindi maganda ang kanyang timpla, bibihira na siyang maubusan ng pasensiya sa akin. Nag-umpisa na rin siyang madalas na magsabi sa’kin, nag-aalala siya tungkol sa buhay at mga problema ko. Isa pa, sa tuwing may nangyayari na nagiging dahilan upang maging masaya o mainis siya, kinakausap niya ako tungkol doon. Nakikita kung paanong nagbago ang aking ina, naisip ko: “Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi naging abnormal si mama kagaya ng sinasabi ng CCP. Sa halip, gumaganda ang kanyang pananaw, palagi siyang nag-aalala sa’kin, at lalo pang nagiging maganda ang samahan namin.” Mula sa kaibuturan ng aking puso, naramdaman kong maganda ang binabasa niyang libro. Gayunman, wala pa akong nakikilalang mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya naisip kong mas makabubuti kung magiging alerto ako.

Sinalungat ng Katotohanan ang mga Sabi-sabi, at Unti-unti Kong Nakita ang Totoo

Mayamaya, ilan sa mga kapatid mula sa iglesia ang dumalaw sa bahay namin upang magpulong kasama ang aking ina. Nang makita nila ako, ngumiti silang lahat at nangumusta. Ngunit nang sandaling makita ko sila, naisip ko ang mga sabi-sabi na nabasa ko online, kaya naman binigyan ko sila ng impresyon na binabalewala ko sila, ngunit ang totoo, lihim kong pinagmamasdan ang bawat kilos nila. Nang pinagmasdan ko sila sa kanilang pagpupulong, lahat sila ay nagsalita tungkol sa mga pangyayari o problema na naranasan nila kamakailan lang, at pagkatapos ay nagbahagi sila ng mga salita ng Diyos upang ayusin ang mga problemang ito. Habang nakikinig ako, nagtaka ako at naisip: “Kailanman ay hindi ako naging ganito ka-prangka at bukas sa mga malalapit kong kaibigan, at lalo nang ayokong magsalita tungkol sa kahit anong nakakahiyang nangyari sa’kin. Gayunman, ang mga kapatid na ito ay nagawang maging prangka at bukas sa bawat isa. Tinutulungan din nila ang isa’t isa at hindi nila minamaliit ang isa’t isa. Masayang nakikipag-kuwentuhan sa kanila ang aking ina, at napakatagal na mula nang makita ko siyang ganito kasaya. Nararamdaman ko na ang dinadala nila sa aking ina, at sa aming tahanan, ay kaligayahan, at na hindi sila masasamang tao. Kung ganoon, bakit may napakasamang mga balita online? Nalilito ako ...”

Makalipas ang dalawang araw, inimbitahan ako ng dalawa sa mga kapatid na dumalo sa kanilang pagpupulong, at bahagya akong nag-alangan. “Makipagkita ka lang sa kanila,” naisip ko. Ngunit naisip ko ang mga sabi-sabi ng CCP, at natakot ako. Gayunman, kung hindi ako makikipagkita sa kanila, maiilang pa rin ako. Kaya naman, tahimik akong umupo sa isang gilid at nakinig sa kanilang kumanta ng mga himno at magbahagi ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay tinapos nila ang kanilang pagpupulong sa isang masayang kapaligiran. Talagang nagustuhan kong magpulong sa kanila gaya nito.

Sa pamamagitan ng pagsama sa kanila, lalo kong naramdaman na mababait na tao ang mga kapatid. Mababait ang mga nakatatanda at magiliw at napaka-tapat ng mga nakababata. Ang makilala sila at makausap ay nagbibigay sa’kin ng masaya at malayang pakiramdam. Nang lumipas ang panahon, unti-unting gumanda ang pakikitungo ko sa kanila, at madalas akong dumadalo sa mga pagpupulong kasama sila. Nang maisip ko kung paano ako makitungo sa kanila noon, pakiramdam ko ay may utang ako sa kanila. Humingi ako ng tawad sa kanila, ngunit hindi nila ako sinisi. Sa halip, pinakitaan nila ako ng pag-intindi at kapatawaran, at inudyukan nila akong magbasa pa ng mga salita ng Diyos at dumalo pa sa mas maraming pagpupulong. Labis akong natutuwa.

Sa Pamamagitan ng Pagpapaamin sa Isang Kapatid, Nakita ko ang Katotohanan sa Problema

Gayunman ay labis na nakabaon sa aking puso ang mga sabi-sabi ng CCP. Sa tuwing naiisip ko ang mga balita ng pamahalaang Tsino na nagsasabing ang mga taong naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay pinipilit ang iba na maniwala sa Diyos, nag-uumpisa akong mag-alala: “Magiging kagaya kaya ng sinasabi online ang mga kapatid at susubukan akong pilitin na maniwala sa Diyos? Magpapanggap akong hindi naniniwala sa Diyos upang makita kung susubukan nila akong pilitin o hindi.” Kaya naman, sinadya kong sabihin sa isang kapatid na hindi ako naniniwala sa Diyos. Matapos akong marinig na sabihin ito, nag-alala ang kapatid at tinanong ako kung nakakaranas ba ako ng kahit anong paghihirap, at pinakiusapan niya akong sabihin sa kanya ang tungkol sa mga iyon upang malutas namin iyon ng magkasama. Wala akong masyadong sinabi, kaya sa wakas ay sinabi ng kapatid, “Nakapagdesisyon ka na, at hindi ka namin pipilitin. Palaging bukas ang mga pagpupulong namin para sa iyo sa hinaharap kung gusto mong dumalo.”

Isang buong buwan akong hindi dumalo sa mga pagpupulong, at hindi ako tinawag ng mga kapatid. Naisip ko sa sarili ko: “Hindi sila gaya ng sinasabi ng pamahalaang Tsino. Hindi nila sinubukang pilitin ako na maniwala sa Diyos—maling lahat ang mga sinasabi ng CCP.” Naisip ko ang masasayang sandali na ginugol ko kasama ang mga kapatid at gusto ko talagang dumalong muli sa mga pagpupulong kasama nila. Kalaunan, nang nagtatapat ako kay Kapatid na Wang, sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga iniisip at kinababahala ko, at binasa niya ang mga salita ng Diyos sa’kin: “Ang kaanak na iba ang pananampalataya (ang iyong mga anak, ang iyong asawa, iyong mga kapatid o magulang, at iba pa) ay hindi dapat piliting sumapi sa iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang pataasin ang bilang nito ng mga taong walang silbi. Hindi na dapat akayin sa iglesia ang lahat ng hindi malugod na nananalig. Ang kautusang ito ay para sa lahat ng tao. Dapat ninyong siyasatin, subaybayan at paalalahanan ang isa’t isa sa bagay na ito, at walang sinumang maaaring lumabag dito.

Sinabi ni Kapatid na Wang, “Hinihingi sa atin ng Diyos na mahigpit na sumunod sa Kanyang administratibong mga kautusan. Hindi kami maaaring maghatak papasok sa iglesia ng mga taong nagpupumiglas, dahil ito ang administratibong kautusan ng Diyos. Pinapangaral din namin ang ebanghelyo ayon sa mga administratibong kautusan at prinsipyong ipinahayag ng Diyos, at pinapangaralan lang namin ang may mabuting katauhan at naniniwala sa Diyos. Kung hindi gustong maniwala ng isang tao, kung ganoon ay rerespetuhin namin ang kanilang kagustuhan at hindi kailanman susubukang pilitin sila.” Matapos makinig sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ng kapatid, ang mga pagdududa at paghihinala na kinimkim ko sa aking puso ay nawala na sa wakas: Kung ganoon, mayroong sistema ng mga administratibong kautusan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Ang mga nag-aaral ng kanilang paraan ay may karapatang pumili ng malaya, at ang mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kailanman pinilit ang kahit na sino na maniwala sa Diyos. Naisip ko rin kung paano nagbago ang aking ina mula nang maniwala siya sa Diyos; naging mas malawak pa ang kanyang pag-iisip, naging mas maalaga at maalalahanin sa akin, at nag-umpisang gumanda ang kanyang relasyon sa mga kamag-anak at kapitbahay. Tinuring din kaming lahat na pamilya ng mga kapatid, at madalas silang pumunta upang tulungan si mama sa kanyang trabaho. Walang pagbabalak ng masama o pag-iingat sa isa’t isa sa mga kapatid. Ngayon ko nakita ng malinaw na ang mga opinyon na inilabas ng CCP ay mga kasinungalingan lamang upang lokohin ang mga tao, at hindi na nila ako malilinlang.

Noon ako nag-umpisang dumalo sa mga pagpupulong, at madalas na nagtatanong ang mga kapatid kung nahihirapan o nalilito ba ako sa isang bagay. Matapos kong sabihin sa kanila ang mga problema na kinakaharap ko sa trabaho, kumalap sila ng mga salita ng Diyos nang magkakasama at nagbahagi sa akin kung paano ko malalampasan ang sitwasyon na ito. Noon naayos ang problema ko, at naging malaya ang pakiramdam ng puso ko. Katagalan, unti-unti kong inalis ang aking depensa hanggang sa mawala iyon. Naging sigurado ako tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at nag-umpisa akong magkaroon ng normal na buhay sa iglesia.

Naintindihan Ko ang Layunin ng CCP sa Paggawa ng mga Sabi-Sabi

Sa isang pagpupulong, tinanong ko ang opinyon ng isang kapatid tungkol sa mga sabi-sabi ng CCP, at tinanong kung bakit nito gustong gumawa ng ganoong sabi-sabi tungkol sa aming iglesia. Binasa ng kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at madalas nitong ipinakikita ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng pagpapanggap na ito ay nagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang mga tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng uri ng paraan upang pamanhirin, linlangin, at buyuin ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang sumama rito ang tao sa paglaban sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag naging malinaw na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong anyo nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay nitong mukha, na masama, malisyoso, pangit at mabagsik. Wala itong ibang nais kundi lipulin yaong lahat ng tumatangging sundin ito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa. Sa puntong ito, hindi na makakapagpakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan at maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa.

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng kapatid, sa wakas ay napagtano ko na ang pamahalaang Tsino ay ateista at, mula nang magkaroon ng kapangyarihan, binansagan na nitong masamang kulto ang Kristiyanismo, binansagan ang Biblia na aklat ng masamang kulto, at galit na galit nitong sinugpo at inaresto ang mga Kristiyano. Sa labas, ang propaganda nito ay ang kalayaan ng relihiyon, ngunit ang totoo ay ginagawa lamang iyon upang linlangin ang mga ordinaryong tao. Galit ito sa katotohanan at higit na kinamumuhian ang Diyos at natatakot sa mga taong naniniwala sa Diyos, dahil kapag naintindihan ng mga tao ang katotohanan, makikilala nila ang totoong CCP, at tatanggihan nila iyon. Kaya naman, upang pigilan ang mga tao sa paniniwala sa Diyos, makamit ang masamang layunin nito na pamunuan at kontrolin ang mga tao habambuhay, at ang gawing isang lugar ng mga ateista ang Tsina, gumagamit ng iba’t ibang media ang CCP gaya ng intenet, TV at mga pahayagan upang siraan at gumawa ng mga sabi-sabi tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at walang taros na siraan ang gawain ng Diyos. Kung wala ang katotohanan, hindi matututong kumilala ang mga tao, kaya naman madali silang malilinlang ng mga sabi-sabi ng CCP, at hindi sumusubok na pag-aralan o tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Kaya naman, nawawala sa kanila ang pagkakataon na makamit ang huling kaligtasan ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ko sa mga kapatid, nakita ko sa wakas na ang lahat ng sinabi ng CCP ay mga sabi-sabi at mga kasinungalingan, gayunman ay mangmang na naniwala ako na hindi magagawang linlangin ng pamahalaan ang mga tao, at na ang lahat ng ginagawa nito ay para sa ating proteksiyon. Gayunman, nahaharap sa mga katotohanang ito ay nakita ko sa wakas ang katotohanan sa likod ng reaksiyonaryong diwa ng paglaban at pagsalungat ng CCP sa Diyos. Tayong mga tao ay ginawa ng Diyos, at ang maniwala sa Diyos at sambahin ang Diyos ay isang hindi nababagong batas ng langit at lupa. Gayunman ay gumagawa ang pamahalaang Tsino ng lahat ng klaseng sabi-sabi upang linlangin tayo at pigilan tayo mula sa paniniwala sa Diyos sa walang hanggang pag-asa na magiging kasabwat tayo nito at sasamahan ito sa paglaban sa Diyos, upang wasakin tayo ng Diyos sa huli—nakakagalit talaga ang CCP! Noon ko naisip muli kung paano ako nalinlang ng mga sabi-sabi ng CCP at sinubukang pigilan ang aking ina mula sa paniniwala sa Diyos. Hindi ko siya hinahayaang basahin ang mga salita ng Diyos, at nagduda ako, nag-ingat at sinubukang paaminin ang mga kapatid ko. Labis akong nahihiya sa pagiging rebelde ko, at nagsisisi ako sa paggawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos.

Mayamaya, binasa ko ang mga salita ng Diyos, “Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng ‘ama,’ at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik.” Matapos kong basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang pag-ibig ng Diyos at matinding pagsisikap Niya upang iligtas ang tao. Labis akong nalinlang noon ng mga sabi-sabi at gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos. Gayunman ay naawa ang Diyos sa sarili kong kahangalan at kaignorantehan at hindi nag-alala sa Kanyang sarili tungkol sa aking pagsuway. Sa halip, isinaayos Niya na mag-abala ang mga kapatid na ibahagi ang mga salita ng Diyos sa akin, na naging dahilan upang makita ko ang katotohanan ng bagay at makita ang masamang hangarin sa likod ng pagpapakalat ng sabi-sabi ng pamahalaang Tsino. Kung hindi, hindi ako kailanman makatatakas sa ulap ng mga sabi-sabi, makita ng malinaw at malinaw na maihiwalay ang tama at mali, at sa huli ay mawawala sa akin ang kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw. Tunay ngang dakila ang pag-ibig ng Diyos.

Sa aking karanasan, nakita ko na, kahit na gumagawa ng iba’t ibang uri ng sabi-sabi ang pamahalaang Tsino upang siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at galit na galit na pinipigilan ang mga miyembro nito, hindi lamang ito nabigong pigilan ang gawain ng Diyos ngunit, sa kabaligtaran, parami nang parami ang mga tao na nakikita ang diwa ng CCP ng paglaban sa Diyos. Nakikita rin nila na bawat salitang pinapahayag ng Diyos ay ang katotohanan, na totoo ngang magagawa nilang iligtas ang tao, at sunud-sunod silang bumabalik sa harap ng Diyos. Tunay ngang makapangyarihan at matalino ang Diyos! Mula rito, nakita ko na ang CCP ay isang bagay na ginagamit ng Diyos upang magbigay ng serbisyo, at ginagamit ng Diyos bilang palara—ang karunungan ng Diyos ay magpapatuloy magpakailanman batay sa mapanlinlang na mga pakana ni Satanas!

Mag-iwan ng Tugon