Ang Kapatid na Zhang ay nagbigay ng pagbabahagi, na sinasabi, “Sa ngayon, hindi hinahangad o sinusuri ng karamihan sa mga pastor at mga nakatatanda sa relihiyosong mundo ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sa halip ay hinuhusgahan at tinututulan nila ito. Ay ginagawa nila ang lahat ng uri ng mga bagay upang pigilan ang mananampalataya sa pagsusuri rito. Ang dahilan para rito ay matagal nang ibununyag ng Makapangyarihang Diyos. Suriin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ‘Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang-saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?’ ’Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni’t ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “matipunong laman”, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?’ Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na ang mga pastor at ang mga nakatatanda sa kasalukuyan ay kagaya lamang ng mga punong pari na Hudyo, mga escriba, at mga Fariseo ng nagdaang dalawang libong taon. Bagamat nakapaglingkod sila sa Diyos sa loob ng maraming taon, mga maalam sa Biblia, mistulang banal at maipapangaral ang ilang kaalamang pangteolohiya, hindi nila nauunawaan ang katotohanan o nakikilala ang Diyos sa anumang paraan, at wala sila ni kapirasong paggalang sa Diyos o pag-ibig sa katotohanan sa kanilang mga puso. Nang dumating ang Diyos upang tuparin ang isang bagong gawain, wala silang pakialam kung ilang katotohanan ang ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos, sa halip may katigasan silang kumapit sa kanilang sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip. Hindi nila hinahanap o sinusuri ang tunay na daan, sa halip basta na lamang hinatulan at hinusgahan ito, anupa’t nakisabay pa sila sa Pamahalaan ng Tsina at sinisiraang-puri at tinututulan ang bagong gawain ng Diyos. Ipinakikita nito na hindi nila talaga matapat na hinahanap ang katotohanan, ni masikap nilang tinatanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Sa halip, mayroon silang mayayabang, matitigas na kalikasan, at ayaw nila sa katotohanan. Bukod dito, dapat nating malinaw na makita na ang gawain at ang pangangaral ng karamihan ng mga pastor at mga nakatatanda ay hindi ginagawa dahil sa pagsasaalang-alang sa kalooban ng Panginoon, sa halip ito ay ginagawa para sa kapakanan ng kanilang sariling mga posisyon at mga kabuhayan. Samakatuwid, sa bawat pagkakataon na nagsusuri ang mga mananampalataya sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang mga pastor at ang mga nakatatanda ay nag-aalala at natatakot na susundin ng mga mananampalataya ang Diyos, at wala ng susunod sa kanila o magbibigay ng donasyon sa kanila. Ginagawa nila kung gayon ng lahat ng uri ng pamamaraan upang hadlangan ang mga mananampalataya na tanggapin ang tunay na daan, at itinitiwalag nila sa kanilang mga iglesia ang sinumang tumanggap. Mula rito, makikita natin na hindi kailanman isinasaalang-alang ng mga pastor at ng mga nakatatanda ang mga buhay ng mga kapatid; na mas gugustuhin pa nila na ang mga kapatid ay mamatay sa sobrang pagkahapo o sa gutom kaysa hayaan silang suriin ang tunay na daan. Hindi ba sila kung gayon naging mga katitisuran na humahadlang sa mga tao na makarating sa langit? Kagaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok’ (Mateo 23:13). Kung wala tayong pagkilala, kung gayon tayo ay malilinlang ng pagkaipokrito ng mga pastor at ng mga nakatatanda, patuloy natin silang susundin, at mauuwi tayo na dinadala sa pagkawasak ng mga bulaang pastol na ito.”
Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng kapatid na babae, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkilala tungkol sa panloob na esensya ng pastor. Noong nakaraan, sa panahon ng aking paniniwala sa Diyos, naniwala ako na inibig ng mga pastor ang katotohanan sapagkat naglingkod sila sa Diyos sa loob ng maraming taon at sila ay maalam sa Biblia, kaya inidolo ko sila at tiningala sila. Ngayon ko lang nakita na ang mga pastor ay hindi tunay na naniniwala sa Diyos o iniibig ang katotohanan sa anumang paraan. Matagal na nilang kilala ang nagbalik na Panginoon, ngunit wala silang pagnanais na suriin ang tunay na daan sa anumang paraan at, upang hadlangan ang mananampalataya na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang totoo sumabay pa sila sa CCP upang husgahan at tutulan ang gawain ng Diyos—tunay ngang sila ang mga makabagong Fariseo! Nang marating ang pagkatantong ito, gumawa ako ng isang paninindigan na hindi kailanman isusuko ang tunay na daan maging anumang paraan ang gawin ng pastor upang linlangin at takutin ako.
Kinabukasan, napuno ako ng pananampalataya at nagpunta ko sa aking dating iglesia nang walang anumang takot. Pagdating ko doon, nakita ko ang pastor, ang dalawang diakono at ang Kapatid na Zhang na nakaupo sa isang bahagi ng isang malaking mesa. Sa kanyang mga kamay, hawak ng pastor ang Biblia at ang dalawang diakono ay may mga kuwaderno sa harap nila, parang mga hukom na malapit ng tanungin ang isang kriminal. Sa harap ng ganitong eksena, natigilan ako, at naisip ko sa aking sarili: “Ilan ba talagang tanong ang itatanong ninyo sa akin? Naisaayos ninyo ang ganito kagarbong eksena.” Inisip ko na nakakatawa ito, ngunit hindi ako nangahas na maging kampante, kaya nanalangin ako sa Diyos sa aking puso at hiniling sa Kanya na ibigay sa akin ang pananampalataya at karunungan na kailangan ko upang harapin ang sitwasyong ito. Pagkaupo ko, kaagad nagtanong ang Diakonong si Zhao, “Kapatid na Fang, paano ka unang nakipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Sino ang nagsama sa iyo upang makipagkita sa kanila?”
Sasagot na sana ako, ang Diakonong si Huang sa gayon ay nagtanong, “Gaano ka na katagal naniniwala sa Makapangyarihang Diyos? Ano ang sinabi nila sa iyo? Hindi mo ba alam na mayroon silang maling pananampalataya? Ano ang nakaakit sa iyo sa Ang Iglesia ng Makpangyarihang Diyos? Bakit mo itong tatanggapin...?”
Walang anu-ano, itinaas ng Pastor ang Biblia at buong pagmamatuwid niyang sinabi, “Ang gawain at ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay humigit na sa Biblia at anumang bagay na humigit pa sa Biblia ay maling pananampalataya. Hindi mo ito dapat paniwalaan!”
Pagkakita na iwinawagayway ng pastor ang kanyang Biblia at hinuhusgahan ang mga pagbigkas at gawain ng Makapangyarihang Diyos, kagaya lang ng muling pagsasadula sa paghusga at pagtutol ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus, nagalit ako, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano tumugon. Sa puntong iyon, nadama kong ang Diyos ang aking tulong at aking suporta, at kaagad akong nanalangin sa Diyos: “O Diyos! Pakiingatan Mo ang aking puso at ibigay mo sa akin ang mga salitang dapat kong sabihin upang makapanindigan ako sa aking patotoo.” Pagkatapos manalangin, nadama ko na napupuno ako ng pananampalataya at lakas, at ang katotohanan na ibinahagi sa akin ng aking kapatid sa aming pagtitipon na may kinalaman sa kaugnayan sa pagitan ng Diyos at ng Biblia ay pumasok sa aking isipan. At kaya, sinabi ko nang malakas, “Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at naniniwala ako sa tunay na daan. Sinasabi mo na ang anumang humigit sa Biblia ay maling pananampalataya, kaya hayaan mong tanungin kita, ang Diyos ba ang nauna, o ang Biblia ang nauna? Alin ang higit na dakila, ang Diyos o ang Biblia? Ang Biblia ay isa lamang tala ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos. Kung wala ang gawain ng Diyos, walang maitatala sa Biblia. Ang Diyos ay ang nmamahala sa lahat ng mga bagay: Hindi lamang Siya ang Panginoong ng Sabbath, Siya rin ang Panginoon ng Biblia, at nasa Kanya ang lahat ng karapatan na humigit sa Biblia, para gumawa ayon sa Kanyang sariling plano at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Nililimitahan mo ang gawain ng Diyos sa kung ano lamang ang nakapaloob sa Biblia at ginagamit ang Bibia upang limitahan ang gawain ng Diyos—ito ay mali!”
Pagkatapos kong magsalita, ang pastor ay natulala. Itinungo niya ang kanyang ulo at hindi nagsalita, ang kanyang mukha ay blangkong maskara at hindi na siya nakinig sa akin. Nang walang anu-ano, mahinahon akong kinausap ng Kapatid na Zhao, at sinabi, “Ang pastor at ang mga diakono ay tunay na nagmamalasakit sa iyo. Kung nais mong magbalik sa ating iglesia, bibigyan ka ng kaunting pera ng pastor. Ang dapat mo lang gawin ay ang sabihin kung paano ka nila nalinlang pagkatapos mong makipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sabihin sa mga kapatid sa ating iglesia na huwag ng magkaroon ng anumang pakikipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tiniyak ng pastor na walang anumang mangyayari sa iyo, at personal ka pang tuturuan sa pag-aaral ng Biblia.”
Ikinagulat ko ito nang husto, at naisip ko sa aking sarili: “Paano ninyo nasasabi ang gayong mga bagay? Nagtiwala ako sa inyo nang husto, ngunit ngayon parang nakita ko na ang inyong tunay na kulay. Nais ninyong bilhin ang mga puso ng mga tao gamit ang pera at hikayatin akong isuko ang tunay na daan, at nais din ninyong maging sinungaling na saksi ako at maglatag ng maling paratang sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gagawin ninyo talaga ang lahat upang isuko ng mga mananampalataya ang tunay na daan. Ang ganito ay kasuklam-suklam!” Galit na galit, sinabi ko, “Malinaw na nakasaad sa Sampung Utos: ‘Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa’ (Exodo 20:16). Ang pagiging sinungaling na saksi ay isang pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos gayundin ay isang gawa na kumakalaban sa Diyos. Hindi ako nagawan ng masama ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos o anupaman, ang tanging ginawa nila ay ang tustusan ang aking buhay. Bakit ninyo hihilingin sa akin na magsabi na nilinlang nila ako? Iyon ay magiging walang kahihiyang kasinungalingan. Hindi ako kailanman gagawa ng gauong bagay. Nalalaman ko kung anong landas ang aking pipiliin, at maniniwala ako sa Makapangyarihang Diyos.”
Nakita ng dalawang diakono na hindi ako basta na lang susuko, at kung kaya nagsabi sila ng maraming bagay na humuhusga at kumakalaban sa Makapangyarihang Diyos. Pagalit akong sumagot, na sinasabi, “Kayo ay maalam sa Biblia at kayo ay mga mangangaral. At gayunman nang marinig ninyo ang balita na nagbalik na ang Panginoong Jesus, hindi ninyo hinanap ang tunay na daan sa anumang paraan, sa halip nangangahas kayong husgahan at tutulan ito. Tunay ba kayong mga mananampalataya sa Diyos?” Hindi sila sumagot. Nang biglang, ang pastor na sa simula pa ay nanatiling tahimik ay matamlay na nagsabi, “Ang lahat ay may karapatang pumili ng kanilang paniniwala. Ang makita na pinili mong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, gawin mo kung gayon ang gusto mo.” Pagkarinig sa kanyang sinasabi ito, ako ay napabuntong-hininga. Sa kasalukuyan, nagpatuloy ang dalawang diakono at ang Kapatid na Zhao sa pagsasabi ng mga bagay na humuhusga sa Makapangyarihang Diyos at pinipilit akong iwan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa lalong madaling panahon. Dahil sa paggabay ng Diyos, tinatanggihan ko sila gaano man nila tangkaing hikayatin ako. Ang pastor at ang mga diakono sa gayon ay nagsabi ng maraming mga mapanirang bagay tungkol sa Makapangyarihang Diyos, at nagsiklab ang aking poot. Pagalit, sinabi ko sa kanila, “Napakahusay ninyo sa pangangaral ng mga sermon sa loob ng iglesia, at gayunma’y isinasagawa ninyo ang gayong pagtutol sa Diyos. Hindi talaga ninyo nakikilala ang Diyos sa anumang paraan.” Ginulantang ko sila sa pagsasabi nito, dahil hindi nila inisip na masasabi ko ang gayong mga bagay. Sa puntong ito, ayaw ko ng makipag-usap sa kanila, kaya tumayo ako at umalis.
Sa mga sumunod na linggo, marami sa aking mga kapatid na babae sa dati kong iglesia ang patuloy na tumatawag sa akin sa telepono at nagpapadala ng negatibong impormasyon na humuhusga sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang makitang tinututulan nila ang Diyos sa gayong paraan, napuno na ako, at itinigil ko na ang pagsagot sa kanilang mga tawag o ang pagbabasa sa kanilang mga mensahe. Pagkatapos ng dalawang linggong ganito, tumigil ang kanilang pananakot. Kinalaunan, isang kapatid na babae sa dati kong iglesia ang nagpadala ng isang mensahe na nagsasabi na sinelyuhan ng pastor ang iglesia. Sinabi niya na napakaraming impormasyon ang ipinakakalat sa palibot ng iglesia na nananawagan sa mga mananampalataya na tumutil at magbantay laban sa Kidlat ng Silanganan, na nagsasabi sa mga kapatid sa iglesia na huwag makipag-ugnayan sa akin.
Nakita ko sa aking sariling mga mata ang paghusga at paglaban ng pastor sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at personal kong naranasan ang kanyang pananakot. Ang lahat ng ito ang nagtulot na makita ko ang pagkapoot sa katotohanan at pagkaipokritong esensya ng pastor. Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang napakaraming katotohanan at ang mga ito ay makukuha ng lahat sa online, at gayunma’y hindi nila hinanap o sinuri ang tunay na daan sa anumang paraan. Sa halip, basta na lamang nila hinatulan at hinusgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Upang makontrol ang mga mananampalataya at mapanatili ang kanilang sariling mga posisyon at mga kabuhayan, ginamit nila sa totoo lang ang mga kasinungalingan ng CCP upang linlangin ang mga mananampalataya, at kanilang tinabingan ang iglesia upang mapigilan ang mga mananampalataya sa pagsusuri o pagtanggap sa tunay na daan, at ang lahat ng mga mananampalataya sa gayon ay sasailalim sa kanilang kontrol. Nagresulta ito upang hindi marinig ng mananampalataya ang tinig ng Diyos at hindi mabasa ang mga salitang ipinahayag ng nagbalik na Panginoon, at sa gayon mawawala nila ang pagliligtas ng Diyos. Sa paggawa nito, hindi ba inaakay ng mga pastor ang mananampalataya sa landas ng pagkawasak? Hindi kataka-taka na ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang mga pastor na buong kayabangan nilang binabasa ang kanilang Biblia bilang mga buhay na mga diablo na lumalamon sa kaluluwa ng mga tao at bilang mga anticristo na lumalaban sa Diyos—totoo ang lahat ng ito. Salamat sa Diyos! Ang pag-iingat at patnubay ng Diyos ang naging daan upang magkaroon ako kaunting pagkilala sa aking dating pastor, gayundin ang lalo pang makatiyak tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos ng karanasang ito, nakita ko na matatalo ko ang mga panlilinlang at mga hadlang ng relihiyosong mundo sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos. Gaano man ako tatakutin ng mga pastor at mga katulong na manggagawa sa hinaharap, hindi ko kailanman iiwan ang Makapangyarihang Diyos. Buo na ang aking pasiya na susundin ang tunay na daan hanggang sa wakas at hindi kailanman susuko.
Wakas.
Unang Bahagi: Nagkaroon Ako ng Pagkilala Pagkatapos ng Dalawang Beses na Pakikipag-usap sa Aking Pastor (I)