Kagaya ng ibang mga kapatid na Kristiyano, sabik na sabik na ako sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Tinatalima natin ang sumusunod na talata sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Sa dahilang ito, para tayong mangmang na tumitingala sa langit na nasasabik para sa araw ng pagbabalik ni Jesus at dadalhin tayo sa mga ulap upang makasama natin ang Panginoon. Gayunpaman, pagkalipas ng napakaraming taon, ang apat na pulang mga buwan ay nagpakita na; ang mga lindol, mga taggutom, mga salot at digmaan at ang lahat ng mga uri ng iba pang mga sakuna ay naging lalong mas matitindi. Ang mga hula sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay talagang natupad na. Gayunpaman, hindi pa tayo nakakita ni isang Kristiyano na umakyat sa langit. Kaya napapaisip ako, “Bakit hindi dumarating ang Panginoon upang tanggapin tayo? Ang Panginoon ay tapat. Ipinangako ng Panginoon na dadalhin Niya tayo sa panlangit na kaharian sa mga huling araw. Ang pangako ng Panginoon ay tiyak na magaganap at matutupad. Hindi ko talaga ito pinagdududahan. gayunman, paanong hanggang sa ngayon, hindi pa tayo iniaakyat sa langit ng Panginoon? Maaari kayang mayroong ilang mga suliranin sa ating pananabik?”
Nang ako ay gulung-gulo na, nagbalik ang isang pastor na nagtaguyod ng gawain sa ibang bansa at tumanggap ako ng bagong liwanag mula sa kanya. Ang kapatid na babae ay tuwirang tumugon sa aking katanungan: “Ang talata sa Biblia na iyong tinutukoy ay isang bagay na sinabi ni Pablo. Hindi ito isang bagay na sinabi ni Jesus. Si Pablo ay isang Apostol lamang. Bagamat ang kanyang mga salita ay nakatala sa Biblia, iilan lamang sa kanyang mga salita ang mailalarawan na pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu. Bagamat ang kanyang mga salita ay alinsunod sa katotohanan, ang mga ito ay hindi mga salita ng Diyos at hindi sila maaaring banggitin na parang ang mga ito ay kapantay ng mga salita ng Diyos. Bukod diyan, ang ilan sa sinabi ni Pablo ay hindi mailalarawan na pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu. Sa halip, nagmula ito sa kanyang sariling mga pagkaunawa at mga imahinasyon at dala-dala nito ang pakahulugan ng tao. Ang mga salitang ito ay hindi batay sa mga salita ng Diyos. Kung gayon, pagdating sa usapin ng ikalawang pagparito ng Panginoon, hindi natin dapat gamitin ang mga salita ni Pablo bilang saligan. Sa halip, dapat nating gamitin ang mga salita ng Panginoon bilang saligan at hangarin ang Kanyang mga layunin sapagkat ang mga salita lamang ng Panginoon ang katotohanan at 100% tumpak.” Pagkatapos kong marinig ito, naisip ko, “Oo nga. Hindi talaga kailanman sinabi ni Jesus na ‘umakyat sa langit.’ Ang mga ito ay mga salita ni Pablo. Si Pablo ay isang tao lamang. Ang kanyang mga salita ay hindi talaga katumbas ng mga salita ng Diyos. Hindi natin dapat gamitin ang mga salita ni Pablo bilang batayan sa pagtanggap sa ikalawang pagpaparito ng Panginoon. Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, dapat kong gamitin ang mga salita ng Diyos at ang gawain ng Diyos bilang batayan. Ito ang alinsunod sa mga layunin ng Diyos!”
Ang kapatid na babae ay nagpatuloy sa pagsasalita, “Sinabi ni Jesus: ‘At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit’ (Juan 3:13). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na bukod sa Anak ng tao na bumaba mula sa langit, na siyang nagkatawang-taong Diyos, wala ng iba pa ang umakyat sa langit. Ang langit ay ang trono ng Diyos. Ang Diyos Mismo lamang ang makaaakyat sa dakilang lugar na ito. Bilang mga tao, hindi tayo makaaakyat sa dakilang lugar na ito upang makita ang Diyos. sa halip, nang unang nilikha ng Diyos ang tao, itinalaga Niya na ang tao ay mamumuhay sa lupa. Ginamit ng Diyos ang lupa upang lalangin ang mga ninuno ng sangkatauhan na sina Adan at Eba at tinulungan sila na manirahan sa Hardin ng Eden. Nakinig sila sa mga salita ng Diyos, tinanggap ang mga pagpapala ng Diyos at pinamahalaan ang lahat ng bagay sa gitna ng hardin. Pagkatapos, pamamahalaan din ng tao ang lahat ng bagay sa lupa ngunit hindi ang sa langit. Nang ang sangkatauhan ay lubos na pinasama at ang lupa ay puno ng kasamaan at karahasan, nagpasya ang Diyos na gamitin ang isang baha upang wasakin ang mundo. Iniligtas ng Diyos si Noe na isang taong matuwid na sumasamba sa Diyos ngunit hindi siya iniakyat ng Diyos sa langit upang maiwasan niya ang tubig baha. Sa halip, pinagawa ng Diyos ng daong si Noe. Nang dumating ang baha, si Noe at ang kanyang pamilya na binubuo ng walo katao ay lumikas sa daong. Pagkalabas nila sa daong, si Noe at ang kanyang pamilya ay nagpatuloy na namuhay sa lupa at nagpakarami. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga Israelita ay nagdusa sa ilalim ng pagkaalipin sa mga kamay ng Paraon ng Ehipto. Nang inakay ng Diyos ang mga Israelita palabas ng Ehipto at tinulungan silang makatakas sa pagtugis ng Paraon, hindi iniakyat sa langit ng Diyos ang mga Israelita. Sa halip, ipinakita ng Diyos ang Kanyang awtoridad sa lupa sa paggawa ng lahat ng mga uri ng mga himala upang masaksihan ng mga tao ang pagkamakapangyarihan ng Diyos at makilala ang karunungan ng Diyos at kung gaano Siya kamangha-mangha. Pagkatapos, Inilabas ng Diyos ang Kanyang mga kautusan at mga utos sa pamamagitan ni Moises at ginabayan ang mga Israelita kung paano mamuhay sa lupa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nang hindi magawang sundin ng sangkatauhan ang mga kautusan at hinarap ang mga panganib sa hatol na kamatayan, ang tao ay hindi nagpunta sa langit upang magsisi para sa kanyang mga kasalanan. Sa halip, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa anyo ni Jesus at bumaba sa lupa. Upang iligtas ang sangkatauhan, Siya ay ipinako sa krus. Ito ang tanging paraan upang tamuhin ang pagliligtas ng Diyos. Maliwanag na, tayo, bilang mga tao, ay nabibilang sa lupa. Itinalaga tayo ng Diyos na mabuhay sa lupa. Bilang karagdagan, itinuro sa atin ni Jesus: ‘Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa’ (Mateo 6:9-10). Nilalaman ng mga salita na sinasabi ng Diyos ang Kanyang mga layunin. Nais ng Diyos na sambahin natin Siya sa lupa. Ang kaharian ni Cristo ay bababa din sa lupa. Mayroong isang hula sa Aklat ng Pahayag na nagsasabing: ‘At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila’ (Pahayag 21:3). Malinaw na, ang ating pagnanais na umakyat sa langit upang makita ang Panginoon ay ganap na ating sariling paniwala at imahinasyon at ito ay tiyak na hindi isang katotohanan.” Pagkatapos kong makinig sa pagpapabatid ng aking kapatid na babae, naunawaan ko nang buong linaw na tumingin man tayo sa gawain na ginawa ng Diyos noong una o sa mga hula ng Panginoon, hindi kailanman binanggit ng Diyos na aakyat tayo sa langit. Kung naniniwala pa rin tayo na babalik ang Diyos at aakyat tayo sa langit, hindi ba natin ito sariling pagkaunawa at imahinasyon? Hindi ba natin ito sariling ilusyon? Pangunahin na, hindi ito alinsunod sa mga salita at mga layunin ng Diyos! Nadama ng aking puso na parang ang mga bagay ay nagliwanag. Gayunpaman, mayroon pa akong isang katanungan: Bagamat ang ating pagtanggap sa pag-akyat sa langit ay mali, ano ba talaga ang ibig sabihin ng pag-akyat sa langit? Nagpatuloy ako sa pagtatanong sa kapatid na babaeng ito upang malinawan tungkol sa katanungang ito.
Sinabi ng kapatid, “Tungkol naman sa pag-akyat sa langit, ito ay isang misteryo at tayo, bilang tao, hindi natin ito maaarok bilang mga tao. Ang Diyos, ang Cristo sa mga huling araw, ay dumating at ipinahayag ang milyun-milyong mga salita at inilahad ang lahat ng mga uri ng mga katotohanan at mga misteryo. Naunawaan ko lamang kung ano ang aking ipinabatid sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Tungkol sa paksang pag-akyat sa langit, suriin natin ang mga salita ng Diyos. Sinabi ng Diyos: ‘Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga bago pa man at pagpili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. … Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko’. Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang pag-akyat sa langit ay hindi kagaya ng inisip natin. Hindi ito pag-angat sa lupa papuntang langit upang makita ang Diyos. Sa halip, tumutukoy ito sa mga itinalaga at hinirang ng Diyos. Kabilang dito ang mga nakaririnig sa tinig ng Diyos at tumatanggap sa gawain ng Diyos. Haharap sila sa Diyos pagdating ng Diyos sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain. Ito ang mga tao na dinala sa harap ng Diyos. Ito ay kagaya ng sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan. Nang dumating si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, dinala sa harap ng Diyos ang lahat ng nakapagsasabi na ang mga salita ni Jesus ay ang tinig ng Diyos at tinanggap si Jesus bilang Panginoon ng kaligtasan. Kabilang dito sina Pedro, Juan, Mateo at ang iba pang mga disipulo, ang mga apostol at ang lahat ng mga tumanggap sa pagliligtas ng Panginoon. Dinala silang lahat sa harap ng Diyos. Para sa lahat namang naniwala sa Biblia na Lumang Tipan kagaya ng mga Fariseo at ang karaniwang mga tao, hindi lamang sa hindi nila tinanggap ang pagliligtas ng Diyos, hinatulan nila, tinutulan at nilapastangan ang bagong gawain ng Diyos. Hindi lamang sa hindi dinala ang mga taong ito sa harap ng Diyos, sa halip, sila ay ganap na inihayag, inalis at inabandona ng bagong gawain ng Diyos. Ngayon, na nasa mga huling araw na at gumawa na ang Diyos ng bagong gawain at ipinahayag ang mga salita na naglilinis at nagliligtas sa tao. Ang mga nakapagsasabi na ang tinig ng Diyos ang nagsasabi sa mga salita ng Diyos, sinusunod ang mga yapak ng Kordero at tinatanggap ang bagong gawain ng Diyos sa mga huling araw ay dadalhin sa harap ng Diyos. Magbuhat noong ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maihayag, mas marami pang tunay na tapat na mga kapatid, sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, ang matatag na naniniwala na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at ang mga ito ang mga salita na sinasalita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Sunud-sunod, nagbalik-loob sila sa harap ng Diyos. Silang lahat ay matatalinong dalaga at tinanggap nila ang pagdidilig, pagpapakain, paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Ang kanilang masasamang disposisyon ay dahan-dahang nilinis at tunay nilang nakikilala ang Diyos. Ang mga taong ito ay dinalang lahat sa harap ng Diyos. Para naman sa mga parang mangmang na naghihintay sa pagdating ng Panginoon at iaakyat sila sa langit kung saan makikita nila ang Diyos, sumusunod lamang sila sa kanilang sariling pagkaunawa at imahinasyon. Hindi lamang sa hindi nila hinahangad at sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hinahatulan nila, sinisiraang-puri at tinututulan ang bagong gawain ng Diyos. Silang lahat ay mga dalagang mangmang. Hindi lamang sa hindi sila dadalhin sa harap ng Diyos, sila ay, sa bandang huli, bababa sa gitna ng sakuna at parurusahan ng Diyos.”
Pagkarinig ko sa mga bagay na ito mula sa kapatid na babae, bigla kong nakita ang liwanag. Ang totoo, ang pag-akyat sa langit ay tumutukoy sa ating pagtanggap sa bagong gawain ng Diyos, pagsunod sa mga yapak ng Kordero at paglapit sa harap ng Diyos. Ang paraan ng kanyang pagbabatid dito ay talagang nagpapalinaw nang husto. Ito ay higit na mas makatotohanan kaysa sa kung paano tayo dating naniwala na tayo ay aakyat sa langit kung saan ay makikita natin ang Panginoon. Kung hindi dahil sa paghahayag ng mga salita ng Diyos sa misteryong ito, gaano man katagal tayong naniniwala sa Diyos, hindi natin mauunawaan. Mabubuhay tayo sa gitna ng ating mga pagkaunawa at imahinasyon at parang tanga lang tayo na maghihintay sa Panginoon na iakyat tayo sa kaharian ng langit!
Pagkaalis ng kapatid na babae, paulit-ulit kong binulay-bulay kung ano ang kanyang sinabi. Napagtanto ko na kung nais nating madala sa harap ng Diyos, ang susi ay ang dapat nating hangarin ang mga salita ng Diyos na may bukas nap ag-iisip na ang Banal na Espiritu ay nagsasalita sa mga iglesia. Dapat tayong maging kagaya ng matatalinong dalaga at aktibong hangarin at siyasatin ang tinig ng Diyos. Sa ganitong paraan, matatanggap natin ang pagbabalik ng Panginoon at madadala sa harap ng Diyos! Sa sandaling ito, naalala ko ang isa sa mga turo ni Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang mga may malilinis na puso: sapagkat makikita nila ang Dios” (Mateo 5:3, 8). Nagpapasalamat ako na tinulungan ako ng pagliliwanag na makahanap ng isang praktikal na landas. Nauunawaan ko na sa wakas ang tunay na kahulugan ng pag-akyat sa langit. Sa kasalukuyan, ang lahat ng uri ng mga sakuna ay sunud-sunod na nagaganap sa mga bansa sa lahat ng dako ng mundo. Ang malaking sakuna ay nasa harap natin mismo at ang paghahangad sa pagpapakita ng Diyos ay malapit na. Sa kasalukuyan, tanging ang Ang Iglesia ng Diyos ang sumasaksi sa katunayan na ang Panginoon ay nagbalik na. Bilang karagdagan, narating na ng ebanghelyo ng Ang Iglesia ng Diyos ang lahat ng sulok ng mundo. Ang mga aklat, mga bidyo at mga pelikula nito ay nasa online na at makukuha at masisiyasat na ito ng lahat ng mga tao sa buong mundo. Sa ngayon, ang tanging bagay na dapat kong gawin ay ang agarang siyasatin ang mga salita ng Diyos at tingnan kung ang mga salita ng Diyos ba ay ang tinig at katotohanan ng Diyos o hindi. Ito ang pinakamahalaga at pangunahing kaganapan pagdating sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon!