Ang Aking Pakikipagsapalaran sa Isang Malaking Sunog
Ako si Li Ai, 77 taong gulang. Bagaman ako’y matanda na at may mahinang kakayahan, hindi ako tinanggihan ng Diyos. Matapos maniwala sa Diyos, alam ko na ang ating buhay ay nagmumula sa Diyos, at na tanging sa pagsunod sa Diyos at pagsamba sa Diyos tayo maaaring mabuhay sa ilalim ng Kanyang pangangalaga at proteksyon, at magtatamo ng kapayapaan at kagalakan. Lalo na matapos ang makapigil hiningang karanasan sa isang sunog, tunay kong naramdaman na ang Diyos ang aking tanging pag-asa.
Naaalala ko na ito ay bandang alas-2 isang hapon noong Abril ng 2011. Ang mga taga-nayon ay nagpuntang lahat sa bukid upang magtrabaho, at isang hindi inaasahang sunog ang naganap. Sa oras na iyon, ilan sa mga taga-nayon ang nakakita ng isang bola ng apoy na nahuhulog mula sa langit, na bumabagsak sa isang likod-bahay, na nasa kanlurang dulo ng nayon. Pagkatapos ay isang malaking sunog ang sumiklab—isang napakalaking lagablab. Isang malakas na hangin ang umiihip mula kanluran hanggang silangan nang araw na iyon at ang lagablab ay kumalat mula sa unang bahay hanggang sa pangalawang bahay nang napakabilis, at wala pang isang oras, ang nayon ay halos nabalot na ng apoy. Nakita ko ang apoy sa kalsada na patuloy na nagliliyab pasulong nang mabilis, at ang apoy ay mabilis na lumaki nang mas mataas kaysa sa bubong. Tinupok ng rumaragasang apoy ang mga lugar na kinalatan nito.
Sa oras na iyon, ilan sa mga taga-nayon ang tumakbo pabalik ng bahay at isinugal ang kanilang buhay upang maitaboy ang mga hayop palabas sa mga kulungan. Ang ilan ay binuhat palabas ang mga palay, ngunit ang karamihan sa mga taga-nayon ay hindi makapasok sa kanilang mga bahay. Ang mga baka, tupa, asno, mola at iba pang mga hayop sa kanilang mga bakuran, pati na rin ang mga kagamitan sa bukid ay nasunog hanggang sa maging abo; ang mga gamit sa kanilang bahay ay nasunog nang buo. Masyadong kakila-kilabot na panoorin ang eksenang iyon! Dagdag pa, imposibleng magamit ang kalsada gawa ng sunog, at ang mga tao ay hindi talaga makadaan. Nakikita ang nagliliyab na apoy, ako’y nasa labis na pagkasindak, nararamdaman na napakaliit namin at marupok kapag nahaharap sa mga sakuna. Gaano man kahusay ang isang tao, wala siyang magawa tungkol dito, kundi tingnan lamang ang apoy na mabangis na lumalagablab!
Sa ilang sandali, biglang nagbago ang hangin at nagsimulang umihip mula timog hanggang hilaga. Sa loob ng ilang minuto, nakita ko ang nagngangalit na apoy na mabilis na kumakalat papunta sa aking bahay, at dalawang bahay na lamang ang layo mula sa akin. Bigla, naalala ko ang mga aklat ng mga salita ng Diyos sa aking bahay. Naisip ko: Para sa akin, ang mga librong ito ay kasinghalaga ng buhay ko! Hindi maaaring masunog ang mga ito ng apoy. Nang makita kong nagpatuloy ang apoy, labis akong natakot, at tumakbo ako sa silid upang mabilis na ilipat ang mga ito. Ang aking pamilya ay nagmamadali ring nag-empake ng mga bagay na kailangan namin sa aming sasakyan, nais na dalhin ang mga ito.
Gayunpaman, nakikita ang apoy na mabangis at mabilis na kumalat, at sa pag-iisip na ang mga aklat ng mga salita ng Diyos ay hindi pa naililipat sa oras, napuno ako ng pagkabalisa. Sa kritikal na sandali, kaagad akong tumawag sa Diyos para sa Kanyang tulong: “Makapangyarihang Diyos! Nawa’y tulungan Mo kami! Alam kong ang lahat ng bagay ay nasa Iyong mga kamay. Kung tutupukin ng apoy ang aking bahay o hindi ay Ikaw ang nagpapasya. O Diyos, handa akong ipagkatiwala sa Iyo ang mga librong ito, at nawa ay ingatan Mo ang mga ito.” Pagkatapos ng aking panalangin, isang milagro ang nangyari sa isang iglap. Ang hangin ay hindi na umihip papunta sa aking bahay at ang sunog ay hindi na kasingbangis gaya kanina. Ang apoy ay humihina na, at tumigil sa pagkalat dalawang bahay bago ang sa amin. Talagang pinasalamatan ko ang Diyos. Mula rito, naramdaman ko ang awtoridad ng Diyos at ang Kanyang proteksyon.
Nang ang apoy ay malapit ng mamatay, dumating ang bumbero. Sa katunayan, nang magsimula pa lamang ang sunog, may tumawag na sa mga bumbero, ngunit hindi sila dumating. Hanggang sa ang buong nayon ay halos masunog na at dumating sila para apulahin ang apoy kung kailan hindi na gaanong naglalagablab ang sunog. Ipinakita nito sa akin na walang silbing humingi ng tulong sa tao sa harap ng mga sakuna. Sapagkat ang bawat isa ay natatakot sa kamatayan, at higit pa, sa kadalasan, hindi talaga mailigtas ng tao ang iba pa. Maaari lamang tayong umasa sa Diyos—ang ating tanging maaasahan. Nahaharap sa mga sakuna, tanging sa pamamagitan lamang ng pagtitiwala sa Diyos tayo makakaligtas, sapagkat ang Diyos ang Panginoon ng lahat ng bagay. Nasa tabi lang natin ang Diyos. Hangga’t taos-puso tayong tumatawag sa Diyos, maaari nating makita ang Kanyang mga kamay ng kaligtasan.
Sa sunog na ito, ilan lamang sa mga bahay ng mga taga-nayon sa buong kanayunan ang hindi nasunog, at ang aking bahay ay isa sa mga ito. Higit pa, ang isang sister sa iglesia ay hindi nawalan ng anuman maliban sa ilang mga mais sa likod-bahay. Malinaw kong alam na dahil iyon sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos sa amin na ang aming mga bahay ay hindi nadamay, dahil sabi ng Diyos, “Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan”). Hindi ko mapigilang magbigay papuri sa Diyos sa aking puso nang walang-tigil: “ Salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos! Ang Diyos ay talagang napakamakapangyarihan sa lahat at kamangha-mangha!”
Sa sunog, nakita ko kung paano nagsisimula o naglalaho ang lahat ayon sa saloobin ng Diyos. Ang lahat ay nasa ilalim ng soberanya at kontrol ng Diyos, tulad ng direksyon ng hangin, ang laki ng apoy, at iba pa. Gaya ng sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao”). “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay?” (“Kabanata 1” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula). Ang mga salita ng Diyos ay may dakilang awtoridad at kapangyarihan, na tinutulutan akong makita na ang lahat ng bagay at pangyayari ay kinokontrol at pinamamahalaan ng mga kamay ng Diyos, at lahat ng mga ito ay napapanibago, nagbabago o nawawala alinsunod sa mga saloobin ng Diyos. Halimbawa, kung paano sumiklab ang sunog na ito, kung gaano ito kalakas, kung aling direksyon ito kumalat, at kung kailan ito maapula ay pawang pinamamahalaan at isinaayos ng Diyos. Walang makakahadlang o makakakontrol nito. Lalo na nang makita ko ang apoy na may dalawang bahay na lamang ang layo mula sa aking bahay, taimtim akong nanalangin sa Diyos, at pagkatapos ay kamangha-mangha Niyang binago ang direksyon ng hangin. Pagkatapos ang hangin ay hindi na umihip patungo sa aking bahay, at namatay ang apoy, kaya’t ang mga aklat ng mga salita ng Diyos at ako ay ligtas at maayos. Tunay iyong nagpadama sa akin ng Kanyang katapatan, at nagparamdam ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon at pagmamahal sa mga naniniwala sa Kanya, pati na rin ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagkamakapangyarihan sa lahat. Hindi ko maiwasang isipin ang pangyayari nang ang Panginoong Jesus at ang Kanyang mga disipulo ay naabutan ng isang unos sa dagat. Nang malapit nang pataubin ng hangin ang kanilang bangka, sinaway ng Panginoong Jesus ang hangin at mga alon, na sinasabi, “Pumayapa, tumahimik ka” (Marcos 4:39). Pagkatapos ay tumigil ang hangin. Ngayon, personal kong nakita na ang direksyon ng hangin ay nasa kamay rin ng Diyos, na nagpakita sa natatanging awtoridad at kapangyarihan ng Diyos.
Bagaman walang nasaktan sa sunog, nagdala ito ng malubhang pagbaba ng ekonomiya sa higit sa 70 pamilya. Ang kanilang mga bahay, lahat ng ipon at pag-aari ay tinupok ng apoy. Ang ilang mga tao ay katatayo pa lamang ng mga bagong bahay at kabibili ng mga bagong kasangkapan. Bago pa sila lumipat, naging abo na ang kanilang mga bahay. Ang buong nayon ay natupok sa kaguluhan at nagbago nang sobra na hindi na makilala. Bukod rito, ang ilang mga tao ay natulala dahil sa pagkatakot. Sa harap ng mga sakuna, napakaliit natin at walang magawa. Hindi tayo maililigtas ng ating mga pamilya, ni ng pera. Ang Diyos ang ating tanging pag-asa, at ang Panginoon ng paglikha ay ang tanging Isa kung kanino nakasalalay ang ating buhay! Kapag nahaharap sa mga sakuna, sa pagsandig lamang sa Diyos tayo makakaligtas at mabubuhay. Tulad ng sinasabi ng Diyos, “Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan. Kung wala Ako, magdurusa ng kapahamakan at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. … Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa sakunang sasapitin ninyo” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan”). Ang Diyos ang ating bantay at kalasag, at higit pa, ang ating kanlungan at matibay na moog. Sa pamamagitan lamang ng paglapit sa harapan ng Diyos at pagsamba sa Kanya na maaari tayong makatakas sa mga sakuna, at makamit ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Tulad ng sabi sa Biblia, “Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni’t hindi lalapit sa iyo” (Awit 91:7).
Sa sunog, tunay kong natikman ang pag-ibig ng Diyos para sa akin, na napakadakila at praktikal! Handa akong tuparin ang aking tungkulin nang mabuti bilang isang nilalang upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos sa nalalabing buhay ko!