Read more!
Read more!

Pag-unawa sa Katotohanan sa Pamamagitan ng Panonood ng Mga Pelikula, Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon (I)

Quick Navigation
Kapanglawan ng Iglesia, Paghahanap ng Daan Upang Makalabas
Pagdinig sa Pagbabalik ng Panginoon sa Unang Pagkakataon, Hindi Alam Kung Ano ang Dapat Gawin
Bakit Ang Pananaw na “Anumang Paniniwala na Lumalabas sa Bibliya ay Isang Maling Pananampalataya” ay Hindi Naangkop

Kapanglawan ng Iglesia, Paghahanap ng Daan Upang Makalabas

Noong 1999, ako ay nabautismuhan sa pangalan ng Panginoong Jesus, at ako ay buong sigasig na lumalahok sa lahat ng mga aspeto ng gawain sa simbahan. Ngunit unti-unti, natuklasan ko na mayroong maraming mga pagsasagawa sa simbahan na hindi naaayon sa kalooban ng Panginoon. Halimbawa: Ang pamangkin ng pastor ay gustong maging teologo, kaya ang pastor, ay walang pakialam sa mga regulasyon ng simbahan sa mga subsidyo ng handog at ang mga pagtutol ng maramihang mga manggagawa, binabaliktad ang mga nakaraang regulasyon, at sarilinang gumawa ng desisyon na lahat ng pang-matrikula ng kanyang mga pamangkin ay isusubsidyo ng simbahan. Pati na rin, kapag gumagawa ng mga gawain sa simbahan, ang mga manggagawa ay nag-aagawan sa kapangyarihan at personal na pakinabang, nagpaplano laban sa isa’t-isa na walang maayos na pakikipag-tulungan. Ang ilang mga kasamahang manggagawa ay hindi dumadalo kahit na sa buwanang pagpupulong ng mga manggagawa sa dahilang may bagay silang kailangan gawin sa bahay, at itinitigil ang paggawa ng kanilang gawain sa iglesia. Ito ay ang mga iilan sa maraming mga halimbawa. Ang pagkakita sa lahat ng ito, ay lubhang nagpa-dismaya sa akin. Naramdaman ko na ang ganoong simbahan ay hindi pinapapurihan ng Panginoon, kaya napagdesisyunan ko na itigil ang aking pagserbisyo sa simbahan.

Sa mga taon na sumunod, binasa ko ang Bibliya, nagdasal, at gumaganap rin ng makamundong trabaho. Kahit na mayroon akong ilang katagumpayan sa aking trabaho, lagi kong nadarama na may isang bagay na kulang sa kaibuturan ng aking puso, at aking nararamdaman ang espesyal na pagka-hungkag kapag ako ay nag-iisa. Biglaan, isang araw, napagtanto ko na kung ako’y magpapatuloy sa ganitong sitwasyon sa kahulihan ako ay magiging ganap na kabilang sa mundo, at magiging isa na walang relasyon sa Diyos. Kaya, ako ay nagsimulang maghanap ng daanan upang makalabas. Ipinuhunan ko ang aking pag-asa sa Facebook, inaasam na makakilala ng tao na magpupuno sa kahungkagan sa loob ng aking puso. Gayunman, Naisip ko rin kung ano ang ipinahayag ng mga pastor sa simbahan noong nakaraan: Hindi nila kami pinapayagan na makisalamuha sa mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na sinasabi na ang kanilang mga sermon ay lumilihis sa Bibliya. Dahil dito, lalo akong nag-iingat, at hindi ako nag-aadd ng mga kaibigan sa Facebook nang basta-basta. Noong 2017, pagkatapos ng labis na pagsasaalang-alang, in-add ko si Kapatid na Linda bilang isang kaibigan. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga natamo ng isa’t isa sa simbahan at sa aming espirituwal na estado, at nagdasal din para sa bawat isa.

Pagdinig sa Pagbabalik ng Panginoon sa Unang Pagkakataon, Hindi Alam Kung Ano ang Dapat Gawin

Isang araw noong Hulyo, 2018, sinabi sa akin ni Kapatid Linda na ang isang kapatid na kilala niya ay iniimbestigahan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinabi niya na bumalik na ang Panginoong Jesus bilang nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos. Sa pakikinig nito, medyo nagulat ako. Naisip ko: “Maingat akong pumili ng mga kaibigan sa Facebook para lamang hindi magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sino ang mag-aakala na kakilala ng kapatid na babae ang isang kapatid na lalaki na nagsisiyasat sa iglesia? Sinubukan pa niya akong hikayatin na magkasamang magsiyasat. Hindi, hindi ko magagawa iyon. Ang mga pastor at matatanda ay palaging nagsasabi na ang mga sermon ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumilihis mula sa Bibliya, at sinabihan kaming mga mananampalataya na huwag makihalubilo sa mga tao mula sa iglesia, kung hindi ay maipagkakanulo namin ang Panginoon.” Samakatuwid, tinanggihan ko ang kapatid.

Kinabukasan, tinawagan ako ulit ni Kapatid Linda upang mag-imbestiga sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil palagi naming sinusuportahan ang bawat isa sa espirituwal na buhay, at dahil ayaw kong mapahiya, pumayag ako. Ngunit sa aking puso ay iniisip ko, “Dahil makikinig lamang sa isang sermon sa online, kung hindi ko gusto ito maaari ko lang itong patayin.” Dahil nakinig ako ng may isang gwardiyado at lumalaban na pag-uugali, wala akong nakamit sa buong sermon. Matapos ang pulong, sinabi ko sa lahat, “Hindi niyo na kailangang imbitahan ako sa susunod na pagpupulong.” at mabilis na nag-offline.

Matapos mag-sign off, nahiga ako sa aking kama ngunit hindi ko mapakalma ang aking sarili. Naisip ko, “Ang pagbabalik ng Panginoon ay isang mahalagang bagay. Hindi ko dapat bulag na tanggihan ang balitang ito nang ito’y marinig ko, sa halip dapat akong maghanap at mag-imbestiga. Gayunpaman, sa mga nakalipas ang mga pastor at matatanda ay palaging nagsasabing, ‘Ang Bibliya ay ang kanyon ng Kristiyanismo, at ang tiyak na awtoridad. Ang ating paniniwala sa Diyos ay dapat na pangunahing batay sa Bibliya at ang anumang bagay na lampas sa Bibliya ay maling pananampalataya.’ Ang mga sermon ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumalampas na sa Bibliya.” Hindi ako nakatulog nang buong gabi. Nakaramdam ako ng kaguluhan, hindi alam ang dapat gawin. Sa aking pagkalito, maari lamang ako dumulog sa harapan ng Panginoon at manalangin, “Oh Panginoon ko! Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Kung ang napili ko’y mali, kung gayon nangangahulugan iyon na ipinagkanulo Kita. Kung ang napili ko ay tama, kung gayon matatanggap ko ang Iyong pagpapala. Panginoon ko, hindi ko alam kung paano magpasya, maaari lang akong tumingin sa Iyo. Oh Panginoon ko, kung tunay Kang nagbalik bilang ang Makapangyarihang Diyos, mangyaring patnubayan at gabayan Mo ako.”

Sa mga sumunod na araw, naghanap ako sa online para sa anumang mga kaugnay na materyales at impormasyon patungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang makakita ako ng ilang negatibong balita, inaliw ko ang aking sarili sa pagsasabing, “Ang desisyon kong huwag mag-imbestiga ay tama.” Gayunpaman, naisip ko rin sa aking sarili, “Mayroong parehong positibo at negatibong mga aspeto sa lahat ng bagay. Paano maaari lamang magkaroon ng negatibong mga puna tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at wala maging isang positibo? Hindi, dapat kong matuklasan ito.” Samakatuwid, nagpasya akong hanapin ang website ng Ang Iglesia Makapangyarihang Diyos. Iniisip ang video ng himno na Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan, na kung saan ipinadala sa akin ni Kapatid Linda noong nakaraan, pinindot ko ito upang pakinggan muli. Matapos makinig, natagpuan ko ang himno na napaka-nakakaaliw, at nadama na lubos din itong kapaki-pakinabang sa akin. Kaya’t naging interesado ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos nito, patuloy akong naghahanap ng mga video upang mapanood sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nalaman ko na marami silang mga video at mga pelikula, at maraming sari-sari. Mayroong mga video ng koro, video ng musika, mga video ng himno, mga video ng mga pagbigkas ng mga salita ng Diyos, mga ebanghelyong pelikula, at mga video ng karanasan at patotoo sa iba pa. Inaabot ako ng madaling-araw sa panonood ng mga video halos araw-araw, kung minsan ay sobrang nakasubsob na lubusan kong nakalimutan matulog at namamalayan na lamang na sumisikat na ang araw.

Ang pelikulang lubos na naka-antig sa akin ay ang Mabuting Tao Ako! Ang pelikulang ito ay naglalahad sa kuwento ng isang mabuting tao sa mga mata ng makamundong tao. Gayunpaman, hindi siya kumikilos o nagsasagawa sa kanyang sarili alinsunod sa mga alituntunin ng katotohanan. Sa halip, nabubuhay siya ayon sa mga pilosopiya ni Satanas tulad ng “Tumanggi sa pagsasalita laban sa mga napansin na mga kasamaan,” “Manahimik para sa pansariling proteksyon at maghanap lamang upang makatakas sa sisi,” “Magsalita ng mabubuting salita na kasundo ng damdamin at pangangatuwiran ng iba, dahil ang pagiging tahasan ay nakakainis sa iba,” “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan,” at iba pa. Kaya ang ganitong uri ng tao ay hindi isang tunay na mabuting tao sa mata ng Diyos, ngunit isang makasarili at mapanlinlang na taga-sangayon. Sa katunayan, dapat tayong mamuhay alinsunod sa mga salita ng Panginoon at makitungo sa mga bagay mula sa pananaw ng katotohanan—tama ang tama, mali ang mali. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi(Mateo 5:37). Dapat tayong maging matuwid at matapat na tao. Matapos mapanood ang pelikulang ito, nagkaroon ako ng malalim na kamalayan: Nagpamalay sa akin na hindi rin ako tunay na mabuting tao. Sa nakalipas, itinuturing kong mabuti ang mga tao alang-alang sa pagpapanatili ng pinanghahawakan sa lipunan. Madalas akong nang-aakit at sipsip sa iba at nagsasabi ng mga bagay na madalas sumasalungat sa aking sariling mga paniniwala upang hindi masaktan ang mga tao. Karamihan sa aking ginawa ay hindi nakalulugod sa Diyos. Limang beses kong pinanood ang pelikula na ito, at sa tuwina ay kumikirot ang aking puso—naantig ako at naiiyak nang walang patid.

Sa loob ng linggong iyon, nakapanood ako ng dosenang mga pelikula. Hindi ko maiwasang isipin, “Pinapanood ko ang lahat ng mga pelikulang ito na gawa ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ngayong mga araw, natuklasan ko na ang mga pelikulang ito ay talagang positibo. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi mukhang erehe! Kung Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi magandang simbahan, paano ito makagagawa ng maraming mga pelikula na maaaring magsuplay sa buhay ng mga tao? Ang iba pang mga denominasyon na naroroon ay lahat nagsasabing ang mga ito’y lehitimo, at mga denominasyon ng Panginoong Hesucristo, ngunit wala sa kanila ang nakagawa ng napakaraming magagandang pelikula na nagpapatotoo sa Diyos! Kung Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi nagmula sa Diyos, sino ang gugustuhin na gumastos ng maraming pagsisikap, oras, at pera upang gawin ang mga pelikulang ito, at ipagkaloob ang mga ito sa mga tao nang walang kabayaran?” Naisip ko muli kung paanong sa nakalipas ang mga pastor at matatanda ay nagsabi na maraming mga tao mula sa iba’t ibang mga denominasyon sa Tsina ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, at na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mayroong mga simbahan sa maraming bansa sa daigdig. Kung hindi ito gawa ng Diyos Mismo, sino ang may kakayahang gawin ito? Tulad ng sinabi ni Gamaliel, “Sapagka’t kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak: Datapuwa’t kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo’y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios” (Mga Gawa 5:38–39). Gayunpaman, mayroon pa ring mga katanungan na nananatiling hindi pa nasasagot: “Ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay palaging lumalabas sa mga pelikulang pinapanood ko. Bakit ang mga mananampalataya ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi binabasa ang Bibliya bagkus Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Ang anumang bagay na lalabas mula sa Bibliya ay maling pananampalataya!” Matapos kong pag-isipan ang tanong na ito ng saglit, sinabi ko sa aking sarili, “Yamang mayroong mga tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, kung gayon kahit gaano karaming mga pag-aalinlangan ang maaaring mayroon ako, at kahit na mayroong 1% na pagkakataon lamang na ang balita ay totoo, kailangan kong hanapin ang kislap ng pag-asa na ito. Hindi ko dapat palalampasin ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7).”

Bakit Ang Pananaw na “Anumang Paniniwala na Lumalabas sa Bibliya ay Isang Maling Pananampalataya” ay Hindi Naangkop

Isang araw, nag-iscroll ako sa mga pelikula na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang ang isang magandang clip mula sa pelikula na Naaayon Ba Sa Biblia Ang Gawain ng Diyos? ay biglaang bumungad sa harap ng aking mga mata. Agad naman akong nabighani dito at tumigil sa pag-scroll. Naisip ko, “Sa nakalipas, palaging ipinangangaral ng mga pastor at matatanda na ‘Gumagawa ang Diyos ayon sa Bibliya, dapat basahin ng mga mananampalataya sa Panginoon ang Bibliya. Ang anumang paniniwala na lumalayo mula sa Bibliya ay isang maling pananampalataya. ‘Palagi ko rin itong pinaniniwalaan, kaya’t nang sinabi ng pastor na ang mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay hindi binabasa ang Bibliya subalit ibang libro, ako ay naging sumasalungat sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hindi bukas na makipag-ugnay sa kanila, mas higit na makinig sa kanilang mga sermon. Gayunpaman, sa panahong ito, sa pamamagitan ng panonood ng iba’t ibang mga video at pelikula na ginawa ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtanto ko na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay talagang positibo at hindi talaga erehe. Yamang tinutukoy din ng pelikulang ito ang puntong ito, dapat kong makita kung ano ang eksaktong sinasabi nito upang makakuha ng isang malinaw na pang-unawa sa isyung ito.” Dahil sa konklusyon na ito, masaya kong pinanood ang pelikula, na kung saan nakita ko si Kapatid Wang mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tinatanong ang pastor, “Sabi mo, hindi lalayo ang Diyos sa Bibliya para gawin ang kaligtasan, at ang sumasalungat dito’y erehe. Kaya naman ito ang tanong ko: Alin ang nauna, ang pagkakaro’n ng Bibliya? o ang gawain ng Diyos?”

Ang pagkarinig sa katanungan na ito ng kapatid, naibulong ko sa aking sarili, “Siyempre nauna ang gawain ng Diyos, at ang Bibliya ay sumunod pagkatapos!”

“Tama ka. Sa simula’y nilikha ng Diyos na si Jehova ang lahat ng bagay. Siya rin ang nagwasak sa mundo gamit ang baha at nagwasak sa Sodom at Gomorrah. Nang ginawa ba ito ng Diyos, meron na bang Lumang Tipan?” Si Kapatid Wang sa pelikula ay nagtanong muli.

“Hindi. Ang Diyos ang Pasimula, at ang Lumikha ng lahat ng mga bagay. Sa oras na iyon ay walang nakasulat na kawikaan, paano magkakaroon ng Bibliya?” Tahimik akong sumagot sa aking puso.

Pagkatapos, si Kapatid Wang ay nagsimulang magbahagi, “Tama, nang ginawa Niya ang mga ito, wala pang Bibliya. Kaya nauna ang gawain ng Diyos, at saka lang ito naitala sa Bibliya. At noong Panahon ng Biyaya, wala pang Bagong Tipan nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa. Higit na tatlong daan taon, ang mga relihiyosong pinuno sa mundo ay nagsama-sama at pumili sila ng apat na ebanghelyo na naitala ng mga apostol tungkol sa Kanyang gawain. Idinagdag din nila ang ilang sulat ng mga apostol para sa mga iglesia, pati na rin ang Aklat ng Pahayag na isinulat ni Juan. Pinagsama-sama nila ang mga Aklat para mabuo ang Bagong Tipan ng Bibliya. Mula sa proseso ng pagiging aklat ng Bibliya, malalaman nating talaan lang ito ng gawain ng Diyos sa nakalipas. Kung wala ang gawain ng Diyos, wala tayong Bibliya ngayon, hindi Siya gagawa base sa nakatala sa Bibliya. Kaya ’di Siya nalilimitahan ng Bibliya dahil dinadala Niya ang gawain ng kaligtasan ayon sa Kanyang plano at pangangailangan natin. Kaya ’di natin malilimitahan ang Kanyang gawain sa nakasulat sa Bibliya, o kaya’y gamitin ang Bibliya para ipaliwanag ang gawain Niya. Hindi natin masasabing, ‘Ang hindi pagsunod sa Bibliya ay maling paniniwala,’ dahil may karapatan Siyang gawin ang sarili Niyang gawain, at lumayo sa Bibliya para gawin ang Kanyang gawain.”

Sa pakikinig sa pagbabahagi ni Kapatid Wang nagkaroon ako ng biglaang kaliwanagan. Naisip ko, “Oo. Ang gawain ng Diyos ay nauna at pagkatapos ay ang Bibliya. Paanong hindi ko napagtanto ang napaka-simpleng katotohanan na ito noon? Nang naparito ang Panginoong Jesus upang gumawa, hindi pa naisusulat ang Bagong Tipan. Ang Bagong Tipan ay nilikha tatlong daang taon AD nang ang mga pinuno ng relihiyon mula sa iba’t ibang mga bansa ay pumili ng mga sipi mula sa mga nakasulat na salaysay ng mga apostol at ng mga alagad upang pagsama-samahin sa isang libro. Tanging noon nabuo ang Bibliya. Kung ang Diyos ay hindi gumawa ng anumang gawain, paano nagkaroon ng isang Bibliya? Ang pinakibahagi ni Kapatid Wang ay lahat ng mga katunayan, lahat ay naaayon sa pangangatwiran at hindi mapapabulaanan. Bilang karagdagan, ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, kung paano Siya gumagawa ay ang Kanyang sariling desisyon. Tayo ay mga maliliit na nilikha lamang, kaya paano tayo naging kwalipikado sa anumang paraan upang mag-demand sa Diyos na gawin ang tulad ng sinasabi natin? Kung gumagawa tayo ng mga demand sa Diyos, hindi ba natin ipinapahiwatig na tayo ay nakahihigit kaysa sa Diyos? Hindi ba ito kawalan ng katwiran?”

Sa pag-iisip nito, nagpatuloy ako sa panonood ng pelikula. Pinakibahagi ni Kapatid Yang na mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga sumusunod: “Tama. Kung sinasabi nating ‘Ang hindi pagsunod sa Bibliya’y maling paniniwala,’ hindi ba’t kinokondena natin ang gawain ng Diyos sa lahat ng panahon? Alam naman natin na ang gawain ng Panginoong Jesus ay ’di nakabase sa Lumang Tipan. Nangaral Siya sa’tin ng daan ng pagpapatawad, nagpagaling Siya ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, ’di binigyang-pansin ang Sabbath, at marami pang iba. Ni isa sa mga ito’y hindi makikita sa Lumang Tipan, at ang mga ito’y salungat sa batas ng Lumang Tipan. Ang mga paring hudyo, mga Fariseo at mga eskriba ay kinondena ang gawain ng Panginoong Jesus bilang erehe dahil hindi isinagawa ang Kanyang gawain ayon sa Lumang Tipan. Natatandaan ko na sa Aklat ng mga Gawa 24:14, sinabi ni Pablo, ‘Nguni’t ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta.’ Pag-isipan ninyong mabuti. Kung ibabase natin ito sa paniniwala natin, maaaring mali rin ang ipinangaral ni Pablo, kaya pa’no natin hindi magagawang kondenahin ang daan ng Panginoong Jesus?”

Nang marinig ito, nabigla ako. Naisip ko, “Totoo ito. Ang Panginoong Jesus ay hindi gumawa alinsunod sa Lumang Tipan. Nangangaral siya at gumawa sa araw ng Sabbath, pinagaling ang mga maysakit at pinalayas ang mga demonyo, wala sa alinman sa naaayon sa Lumang Tipan. Batay sa mga pagkilos na ito, hinatulan ng mga punong saserdote, eskriba, at mga Pariseo ang Panginoong Jesus, na nagsasabi na ang Kanyang gawain ay lampas sa batas at erehe. Kung maniniwala rin ako na ang pag-alis mula sa Bibliya ay maling pananampalataya, hindi ko din ba hinatulan ang gawain ng Panginoong Jesus? Paano ako naiiba sa mga Pariseo ng kapanahunang iyon? Dagdag pa, kung ang Makapangyarihang Diyos ay tunay na nagbalik na Panginoon, ngunit nananatili pa rin ako sa paniwala na ang pag-alis sa Bibliya ay maling pananampalataya, kung gayon hindi ba’t nagagawa ako nito bilang isang modernong-araw na Pariseo? Ito ay hindi kasiya-siya sa Diyos!” Sa pag-iisip ng lahat ng ito, bigla akong natakot. Hindi na ako nangahas na magmatigas pa na kumapit sa aking sariling mga pananaw, at pinagpatuloy ko ang panonood ng pelikula.

Pinahabang Pagbabasa:

Share