Si Yang Hou'en ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo. Kaya nga, nang mabalitaan niya ang ikalawang pagparito ng Panginoon, tumanggi siyang siyasatin iyon…. Samantalang naghintay siya nang walang kibo, inilahad sa kanya ng kanyang pinsang si Li Jiayin ang ebanghelyo ng pagbalik ng Panginoong Jesus. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naunawaan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng "magbantay at maghintay," at nakita niya na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus na napakatagal na niyang hinintay.
Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa:
ESO/J. Emerson/VISTA.
ESO/T. Preibisch
NASA