Napakaraming mga simbahan sa panahon ngayon, kaya alin ang tunay na Kristiyanong simbahan? Ang katanungan na ito ay isang kabalisahan para sa maraming mga Kristiyano. Tayo’y mag-fellowship tungkol sa katanungan na ito ngayon araw.
Upang maunawaan kung ano ang bumubuo sa totoong Kristiyanismo, dapat nating malaman muna ang pinagmulan ng Kristiyanismo. Ang pasimula ng Kristiyanismo ay malapit na nauugnay sa gawain ng Panginoong Jesus. Dalawang libong taon na ang nakalilipas, bilang kapakanan ng sangkatauhan, personal na nagkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao at pinangalanan ang Kanyang sarili bilang Jesus, pinasisimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at ipinangangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao. Matapos mabuhay muli ang Panginoong Jesus at bumalik sa langit, ang mga alagad na sumunod sa Kanya ay nagsimulang malawakang ipinakalat ang ebanghelyo. Bilang resulta, mas maraming mga tao ang sumunod sa Panginoong Jesus, at ang isang lumalagong bilang ng mga simbahan ang umiral. Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Cristo, kaya ang mga simbahan na naniniwala sa Panginoong Jesus ay naging kilala bilang Kristiyanismo. Ibig sabihin, ang Kristiyanismo ay may mga ugat sa pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at binubuo ng mga naniniwala kay Cristo. Ito ang pinagmulan ng Kristiyanismo.
Ang tunay na Kristiyanismo ay pinamumunuan ni Cristo, ang Banal na Espiritu; ang katotohanan ay nagtataglay ng kapangyarihan. Lahat ng mga tagasunod ni Cristo ay pinapupurihan si Cristo, hindi sumasamba o sumunod sa sinumang tao. Binabasa nila ang mga bagong salita ng Diyos, nakakaranas ng bagong gawain ng Diyos, naglalakad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at itinataboy ang kasamaan. Ang nasabing simbahan ay may gawain ng Banal na Espiritu at ang tunay na iglesyang Kristiyano. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Biyaya, nang tapusin ng Panginoong Jesus ang lumang kapanahunan at dinala ang bagong gawain, sina Pedro, Nathanael, Juan at iba pang mga alagad ay sumunod sa mga yapak ng Diyos, tinanggap ang pagtutubig at pagpapakain ng Diyos, at natamo ang gawain ng Banal Espiritu. Pinangunahan sila ng Diyos bilang pastol, at sila ang mga yaong dumalo sa mga pagtitipon sa isang tunay na iglesia. Samantalang ang mga Pariseo na tumangging sumunod sa mga yapak ng Diyos ay kumapit sa mga di-napapanahong mga salita ng Bibliya at tumanggi sa pag-unlad. Sila ay nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu at nilabanan pa ang bagong gawain ng Diyos. Ang kanilang mga pagtitipon ay matatawag lamang na mga relihiyosong grupo, hindi Kristiyanismo na sumunod kay Cristo.
Ngayon naunawaan na natin kung ano ang Kristiyanismo. Maaaring may ilan na pinagtatakhan kung Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang parte ng Kristiyanismo dahil sa ito ay mas nagiging maunlad at maraming mga tao mula sa iba’t-ibang denominasyon ang bumalik sa Makapangyarihang Diyos.
Upang maunawaan ito, atin munang tukuyin kung ang Makapangyarihang Diyos ba ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Dalawang libong taon na ang nakalipas, ipinangako ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik. Ngayon ay ang mga huling araw na, ang mga sakuna ay nangyayari ng mas madalas, at ang estado ng mundo ay nasa kaguluhan. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay nangatutupad na. Ito ay nangangahulugan na nakabalik na ang Panginoon. Naipropesiya ng Panginoon, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Narito, Ako’y madaling pumaparito; at ang Aking ganting-pala ay nasa Akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa. Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas” (Pahayag 22:12–13). Nasabi rin Niya, “At mayroon Akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin Ko, at kanilang diringgin ang Aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor” (Juan 10:16). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Ang Anak ng tao ay darating” at “Ang pagparito ng Anak ng tao” na sinabi ng Panginoong Jesus ay tumutukoy lahat sa ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw. Ang Diyos lamang sa laman ang maaaring tawaging Anak ng tao. Malinaw, ang Panginoong Jesus ay babalik sa laman sa mga huling araw, at magpapakita sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang si Cristo. Ano pa, magsasalita Siya ng mga bagong salita at magsasagawa ng bagong gawain kapag Siya ay bumalik. Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay tumutupad sa mga propesiya ng Panginoong Jesus. Sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos ay gumagawa ng Kanyang gawain ng paghuhukom na nagsisimula sa pamilya ng Diyos at ipinapahayag Niya ang buong katotohanan na magpapahintulot sa tao na malinis at makamit ang kaligtasan. Inihayag Niya ang mga katotohanan na may kinalaman sa sariling pamamahala ng Diyos, tulad ng layunin at kahalagahan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at panghuling patutunguhan ng sangkatauhan; Inihayag ng Kanyang mga salita ang tiwaling kakanyahan at pinagmumulan ng katiwalian ng lahat ng sangkatauhan, at ang mga tiwaling disposisyon na kahit na ang sangkatauhan mismo ay hindi nila napagtanto na nasa loob ng kanilang mga puso at isipan. Ang tao ay nagiging kumbinsido sa puso at sa pamamagitan ng salita sa sandaling mabasa nila ang mga salitang ito. Kasabay nito, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapakita sa tao ng landas upang matanggal ang madilim na impluwensya ni Satanas at makamit ang kaligtasan at malinis, at sinasabi ng mga ito sa tao ang lahat ng mga katotohanan na dapat nilang isagawa at ipasok sa kanilang paniniwala sa Diyos, kasama na kung paano maging isang matapat na tao, kung paano mahalin at sumunod sa Diyos, kung paano matakot sa Diyos at maitaboy ang kasamaan, kung paano maglingkod sa Diyos, kung paano mamuhay sa isang normal na pagkatao, at iba pa. Ang lahat ng ito ay mga katotohanang hindi natin makakayang dalhin sa Kapanahunan ng Biyaya sapagkat maliit ang ating estado, tulad ng nabanggit ng Diyos. Sa mga huling araw, sinabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga katotohanang ito. Matapos suriin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, maraming tao mula sa iba’t ibang mga denominasyon sa mundo ang natitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Magkagayon ay iniwan nila ang kanilang dating mga simbahan at sumunod sa bagong gawain ng Diyos. Inalis nila ang kanilang sarili sa pagiging walang-kakayahan sa kanilang mga espiritu, natamo ang gawain ng Banal na espiritu, tinatanggap ang pagtutubig at suplay ng buhay na tubig ng buhay. Pinatunayan nito na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ang nagbalik na Panginoong Jesus, sapagkat si Cristo lamang ang makakapagbigay ng katotohanan sa tao, ng daan at ng buhay. Ang lahat ng mga yaong naniniwala kay Cristo ay kabilang sa Kristiyanismo. Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay ang mga pangalan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, Sila ay iisang Diyos, at kaya ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay natural na nabibilang sa Kristiyanismo.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at Kristiyanismo ay naniniwala sa iisang Diyos, ang nag-iisang tunay na Diyos na maylikha ng lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa. Ang kaibahan sa pagitan nila ay ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at Kristiyanismo ay mga iglesia na naitayo mula sa gawain ng Diyos sa magkaibang kapanahunan. Ang Kristiyanismo ay ang Kristiyanong iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya, at naniniwala sila sa Panginoong Jesus, ang unang Cristo. Nakakapit sila sa gawain ng pagtubos ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at isinasagawa nila kung alin ang hinihingi ng Panginoon sa tao sa Kapanahunan ng Biyaya; Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay Kristiyanong Iglesia ng Kapanahunan ng Kaharian, tinanggap nila ang gawain ng paghatol sa mga huling araw na isinagawa ng nagbalik na Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos, nananalangin sila sa bagong pangalan na kinuha ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, tinanggap nila ang pagtutubig at suplay na binigay ni Cristo ng mga huling araw Mismo, at nabasa nila ang bagong mga pagbigkas ng Diyos sa mga huling araw. Samakatuwid, ang mga yaong nasa mga huling araw na naniniwala sa Panginoong Jesus ay nakakapit sa Kristiyanismo ng nakalipas na panahon; tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nananampalataya sa Cristo ng mga huling araw, ay ang mas makatotohanang Kristiyanismo at nakasusunod sa mga yapak ng Kordero.