Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 301
Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan. Kaya, ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao ay dapat magsimula sa kanyang pag-iisip, pang-unawa at katinuan na siyang makapagpapabago sa kaniyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan. Yaong mga isinilang sa pinakamalubhang pinasama sa lahat ng bayan ang mga mas lalong walang alam sa kung ano ang Diyos, o kung ano kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Habang lalong sumasama ang mga tao, mas lalong nababawasan ang nalalaman nila sa pag-iral ng Diyos, at mas mababaw ang kanilang katinuan at pang-unawa. Ang pagsalungat at paghihimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang kasamaan sa pamamagitan ni Satanas. Dahil siya ay pinasama na ni Satanas, ang konsensya ng tao ay naging manhid, siya ay imoral, ang kanyang mga saloobin ay sumama, at siya ay may paurong na pangkaisipang pananaw. Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. Ang pagbubunyag ng disposisyon ng tao ay ang pagpapahayag ng kanyang katinuan, pananaw at konsensya, at sapagkat ang kanyang katinuan at pananaw ay hindi batay sa katotohanan, at ang kanyang konsensya ay sukdulang pumurol, kaya ang kanyang disposisyon ay mapaghimagsik laban sa Diyos. Kung ang katinuan at pananaw ng tao ay hindi maaaring baguhin, kung gayon ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay imposible, ganoon din ang kalugdan ng puso ng Diyos. Kung ang katinuan ng tao ay hindi batay sa katotohanan, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya akmang gamitin ng Diyos. “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos