Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 328 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 328
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 328

00:00
00:00

Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang atas ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pagkaintindi upang sukatin at balangkasin ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong estatuwa na gawa sa putik, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa loob ng Biblia, at pinagkakasya ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na kinondena ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Judio sa panahon ng Lumang Tipan ay hinulma ang Diyos sa hugis ng isang diyos-diyosan, na parang ang Diyos ay matatawag lamang Mesiyas, at tanging Siya lamang na tinatawag na Mesiyas ang Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) estatuwang gawa sa luwad, ipinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan Siya nila ng kamatayan—at pinarusahan ang walang-kasalanang si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at walang pag-aalinlangang hinatulan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, ipinako si Jesus sa krus. Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang naaaninag na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, angkin nila ang sukdulang kayabangan, at lahat sila ay mayroong likas na kahusayang magsalita nang mapagmalaki. Gaano man kalaki ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at walang iba pang mas tumututol sa Diyos, at kinondena mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga pagkilos ng tao? Sapagka’t hindi kilala ng tao ang Diyos, sapagka’t masyado siyang maraming mga pagkaintindi, at sapagka’t, sa halip na tuparin ang realidad, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, at matigas at di-matinag. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang naipako ng tao sa krus. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang paggigitgitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang ubusan sa isa’t isa—kailan ito matatapos? Sinalita ng Diyos ang daang-libong mga salita, nguni’t walang isa man ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi at nagtatangi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinusgahan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na mga mababangis na hukom ang naghusga sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

Sa harap ng Diyos, ganoon lang ba kadaling gawing perpekto, maging isang banal, o maging taong matuwid? Isang katotohanan na “walang matuwid na tao sa lupa, ang mga matuwid ay wala rito sa lupa.” Kung haharap kayo sa Diyos, isaalang-alang ninyo ang inyong kasuotan, ang inyong bawat pananalita at pagkilos, ang lahat ng inyong mga iniisip at mga ideya, maging ang mga pangarap na pinapangarap ninyo araw-araw—lahat ng ito ay para sa inyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan? Ang “pagkamatuwid” ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng limos, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi nangangahulugan na hindi nag-aaway, nagbabangayan, nagnanakawan, o nag-uumitan. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang atas ng Diyos bilang iyong tungkulin at sinusunod ang Kanyang pagsasaayos bilang isang hulog ng langit na pagkahilig, hindi alintana ang oras o lugar, tulad ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang talagang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. Na maaring tawaging matuwid na tao si Lot dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi alintana para sa ano ang natamo o nawala niya; ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Dahil lamang sa nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel. Nguni’t hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumakatawan sa pagkamatuwid, kaya sinasabi Ko na “walang matuwid sa ibabaw ng lupa.” Kahit sa kalagitnaan ng mga nasa daloy ng pagbuti, walang sinuman ang matatawag na matuwid. Gaano man kahusay ang iyong mga gawa, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, at hindi mo sila ninanakawan o inuumitan, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang mga ito ay maaaring angkin ng sinumang normal na tao. Ngayon, ang susi ay hindi mo kilala ang Diyos. Maaari lang masabi na ngayon ay mayroon kang maliit na normal na pagkatao, subali’t ikaw ay salat sa pagkamatuwid na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang patunay ng iyong pagkakilala sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan

Mag-iwan ng Tugon