Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 324
Dapat na ninyong naiintindihan sa ngayon ang totoong kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos na Aking nauna nang nabanggit ay may kaugnayan sa inyong positibong pagpasok. Ito ay hindi na sa ngayon. Ngayon nais Kong suriin ang pinakadiwa ng inyong pananampalataya sa Diyos. Syempre, ito ay ang gabayan kayo mula sa negatibo; kung hindi Ko ito gagawin, hindi ninyo kailanman malalaman kung gayon ang inyong tunay na pagsang-ayon at walang hanggan ninyong ipagyayabang ang inyong kataimtiman at katapatan. Samakatuwid, kung hindi Ko matuklasan ang kapangitan sa kaibuturan ng inyong mga puso, ang bawat isa sa inyo kung gayon ay maglalagay ng korona sa inyong ulo at magbibigay pugay sa inyong sarili. Ang inyong mapagmataas at mayabang na kalikasan ang nagtutulak sa inyong linlangin ang inyong konsensya, at magrebelde at tutulan si Cristo, at ibunyag ang inyong kapangitan, na isang paglalantad sa liwanag ng inyong mga intensyon, paniwala, labis na pagnanasa, at mga matang puno ng kasakiman. Sa kabila nito, patuloy ninyong sinasabi na inyong inaalay ang buhay para sa gawain ni Cristo, at inyong binabanggit nang paulit-ulit ang katotohanan na sinambit ni Cristo noong unang panahon. Ito ang inyong “pananampalataya.” Ito ang inyong “pananampalataya na walang bahid ng karumihan.” Inilagay Ko ang sangkatauhan sa mahigpit na pamantayan mula pa noon. Kung ang iyong katapatan ay may mga kaakibat na intensyon at kondisyon, kung gayon hindi Ko nanaisin ang iyong kung tawagin ay katapatan, sapagkat Ako’y nasusuklam sa mga nanlilinlang sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga intensyon at nangingikil ng mga kondisyon sa Akin. Ang nais Ko lamang para sa tao ay maging tapat sa walang iba kundi sa Akin, at gawin ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng at patunayan ang isang salita: pananampalataya. Aking kinamumuhian ang inyong paggamit ng matamis na pananalita para Ako ay masiyahan. Sapagkat lagi Ko kayong tinatrato nang buong katapatan at iyon din ang nais Kong gawin ninyo sa Akin na may totoong pananampalataya. Pagdating sa pananampalataya, naniniwala ang karamihan na sila ay sumusunod sa Diyos sapagkat sila ay may pananampalataya, kung hindi gayon hindi nila kakayanin ang ganoong pasakit. Kung gayon ay tinatanong Kita nito: Bakit hindi mo kailanman igalang ang Diyos gayong naniniwala ka sa Kanyang pag-iral? Bakit, kung gayon, wala kang takot sa Diyos sa iyong puso kung naniniwala ka sa Kanyang pag-iral? Pinaniniwalaan mo na si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit bakit mayroon kang gayong paghamak at kumikilos nang walang paggalang sa Kanya? Bakit lantaran ang iyong paghatol sa Kanya? Bakit lagi mong binabantayan ang Kanyang galaw? Bakit hindi ka nagpapasakop sa Kanyang mga plano? Bakit hindi ka kumikilos nang naaayon sa Kanyang salita? Bakit ka nangingikil at nagnanakaw ng mga alay para sa Kanya? Bakit ka nagsasalita na parang si Cristo? Bakit mo hinahatulan kung tama o mali ang Kanyang gawain o Kanyang salita? Bakit ka nangangahas na lapastanganin Siya sa Kanyang likuran? Ang mga ito ba at iba pa ang bumubuo sa inyong pananampalataya?
Ibinubunyag ng bawat bahagi ng inyong pananalita at pag-uugali ang mga elemento ng kawalan ng pananampalataya kay Cristo na inyong dala sa inyong kaloob-looban. Ang inyong mga motibo at layunin sa inyong mga gawain ay pinangingibabawan ng di-pananampalataya; maging ang titig ng inyong mga mata at hininga na inyong inilalabas ay nababahiran ng mga elementong ito. Sa ibang salita, bawat isa sa inyo, sa bawat minuto ng araw, dala-dala ninyo ang mga elemento ng di-pananampalataya. Ibig sabihin nito, sa bawat pagkakataon, kayo ay nanganganib na ipagkanulo si Cristo, sapagka’t ang dugo na nananalaytay sa inyong katawan ay nababahiran ng di-pananampalataya sa Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid, masasabi Ko na ang bakas ng paa na inyong naiwan sa landas ng paniniwala sa Diyos ay hindi malaki. Ang inyong paglalakbay sa landas ng pananampalataya sa Diyos ay hindi matibay ang saligan, at sa halip ay basta kumikilos lamang. Lagi kayong may pag-aalinlangan sa salita ni Cristo at hindi ito kaagad nailalagay sa pagsasagawa. Ito ang dahilan na wala kayong pananampalataya kay Cristo, at laging may mga paniwala tungkol sa Kanya ang isa pang dahilan kaya’t hindi kayo nananampalataya kay Cristo. Ang laging pagpapanatili ng alinlangan tungkol sa gawain in Cristo, ang pagpapabaya na ang salita ni Cristo ay mahulog sa mga taingang bingi, ang pagkakaroon ng opinyon sa kung anong gawa ang nagampanan ni Cristo at hindi nauunawaan ito nang wasto, ang pagkakaroon ng kahirapang isantabi ang mga paniwala kahit ano pa ang paliwanag na inyong matanggap, at iba pa; ang lahat ng ito ay mga elemento ng di-pananampalataya na humalo sa inyong mga puso. Kahit sundin ninyo ang gawain ni Cristo at hindi kailanman magkulang dito, masyadong maraming panghihimagsik ang humalo sa inyong mga puso. Ang panghihimagsik na ito ay bahid ng karumihan ng inyong pananampalataya sa Diyos. Marahil hindi kayo sumasang-ayon, ngunit kung hindi mo mabatid ang iyong mga layunin mula rito, siguradong magiging isa ka sa mga mapapahamak kung gayon. Sapagkat ginagawang perpekto lamang ng Diyos ang mga totoong naniniwala sa Kanya, hindi yaong mga nagdududa sa Kanya, at lalong hindi ang mga sumusunod sa Kanya ngunit hindi kailanman nananampalataya na Siya ay Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?