Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 50
Mula pa noong panahong ang Makapangyarihang Diyos—ang Hari ng kaharian—ay nasaksihan, ang saklaw ng pamamahala ng Diyos ay ganap nang nabunyag sa buong sansinukob. Hindi lamang sa Tsina nasaksihan ang pagpapakita ng Diyos, kundi nasaksihan ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa lahat ng bansa at lahat ng lugar. Silang lahat ay tumatawag sa banal na pangalang ito, naghahangad na makisalamuha sa Diyos sa anumang posibleng paraan, inuunawa ang kalooban ng Makapangyarihang Diyos at nagkakaisang naglilingkod sa Kanya sa loob ng iglesia. Ganito ang kahanga-hangang paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu.
Ang mga wika ng iba’t ibang bansa ay magkakaiba, ngunit iisa lamang ang Espiritu. Pinagsasama ng Espiritung ito ang mga iglesia sa buong sansinukob at lubos na kaisa sa Diyos, nang walang kahit kaunting pagkakaiba. Ito ay isang bagay na hindi mapagdududahan. Tinatawag na sila ngayon ng Banal na Espiritu at ginigising sila ng Kanyang tinig. Ito ang tinig ng habag ng Diyos. Tumatawag silang lahat sa banal na pangalan ng Makapangyarihang Diyos! Nagpupuri rin sila at umaawit. Hindi kailanman maaaring magkaroon ng anumang paglihis sa gawain ng Banal na Espiritu; gagawin ng mga taong ito ang lahat upang sumulong sa tamang landas, hindi sila umuurong—nagpapatung-patong ang mga kababalaghan. Ito ay isang bagay na mahirap isipin at imposibleng alamin ng mga tao.
Ang Makapangyarihang Diyos ang Hari ng buhay sa sansinukob! Nakaupo Siya sa maluwalhating trono at hinahatulan ang sanlibutan, nangingibabaw sa lahat, at pinaghaharian ang lahat ng bansa; lumuluhod ang lahat ng lahi sa Kanya, nananalangin sa Kanya, lumalapit sa Kanya at nakikipag-usap sa Kanya. Gaano katagal man kayong naniniwala sa Diyos, gaano man kataas ang inyong katayuan o gaano man kalayo ang agwat ng inyong paglilingkod, kung sumasalungat kayo sa Diyos sa inyong mga puso, kailangan kayong hatulan at kailangan kayong magpatirapa sa harapan Niya, nang dumaraing ng masakit na pagsusumamo; ito talaga ang pag-aani ng mga bunga ng inyong sariling mga gawa. Ang tunog ng pagtangis na ito ang tunog ng pinapahirapan sa lawa ng apoy at asupre, at ito ang iyak ng kinakastigo ng bakal na pamalo ng Diyos; ito ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 8
Ngalan ng Makapangyarihang Diyos Sinasaksihan sa Lahat ng Bansa sa Mundo
Ⅰ
Mula nang Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian, nasaksihan na, lawak ng Kanyang plano ng pamamahala lumalaganap na sa buong kalawakan. Pagpapakita ng Diyos nasaksihan na 'di lang sa China, kundi sa buong mundo. Tinatawag nila Kanyang banal na ngalan, hanap ay makasalamuha ang Diyos kahit paano, kalooban Niya'y inuunawa, naglilingkod sila sa iglesia. Gawa ng Banal na Espiritu'y nakakamangha. Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian, Siya'y nasaksihan. Tunay, Kanyang ngalan sa buong mundo ay napatotohanan.
Ⅱ
Mga wika ng mga bansa ay magkakaiba, ngunit Espiritu'y iisa, nag-uugnay sa mga iglesia, Diyos ay kaisa Niya, tiyak, hindi naiiba. Tinig ng Banal na Espiritu, pinupukaw sila. Tinig ay Kanyang awa. Ngalan ng Makapangyarihang Diyos tinatawag nila. Nagpupuri at kumakanta. 'Di kailanman lumilihis gawain ng Espiritu. Tamang landas tinatahak nila. 'Di sila umuurong. Sunud-sunod ang himala, hindi nila mawari, hindi nila maarok. Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian, Siya'y nasaksihan. Tunay, Kanyang ngalan sa buong mundo ay napatotohanan. Makapangyarihang Diyos Hari ng buhay sa sansinukob! Nakaupo sa luklukan, hinahatulan ang buong mundo. Nangingibabaw sa mga bansa. Lahat ng tao'y lumuluhod, nagdarasal, lumalapit sa Kanya. Ga'no na katagal ka mang nananalig sa Kanya, ga'no ka man katayog, marami mang karanasan, kung sa puso mo sinasalungat mo Siya, kailangang hatulan ka Niya. Nakaluhod sa harap Niya, magsusumamo ka. Mga bunga ng kilos mo ay inaani mo na. Panaghoy ito ng pagdurusa sa lawa ng apoy at asupre. Hiyaw ng pagkastigo ng bakal na pamalo Niya. Ito ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo. Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian, Siya'y nasaksihan. Tunay, Kanyang ngalan sa buong mundo ay napatotohanan. Tunay, Kanyang ngalan sa buong mundo ay napatotohanan.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin